Kabanata 4

1556 Words
#TPSKKabanata4 Oreo OCTAVIA ‘V’ Linsiyak na. Bakit ba ang laki-laki ng school na ‘to? Inis kong pinahid ang pawis ko sa noo at salubong ang kilay na sinukbit ang mabigat na school bag sa likod ko. Pati locker na kanina napuntahan na namin ni Portia, biglang hindi ko na mahagilap kanina, kaya imbes na mag-ubos ng oras kakahanap no’n, dinala ko na lang tuloy. “Argh! Nakakainis! Saan na ba ‘yon? Ayan bida-bida ka kasi Octavia, kaya pala ah? Ano ka ngayon–” “Need some help?” “Ay kabayo!” gulat kong anas sa biglaang boses na nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay bumungad na naman sa akin ang isang gwapong nilalang. Halatang may lahi rin, hindi na bago sa akin dahil lima ata sa mga kaklase namin ni Portia, may ibang mga lahi. Pero eto, masasabi kong gwapo talaga. Grey ang mata pa eh. “Hello, I’m Grant, seems like you need some help, are you looking for someone? Or a place perhaps?” “A-ah yeah, I’m looking for the Grade 12 building,” mahina kong sagot iniisip kung tama ba ang grammar ko at maiintindihan ako ng kano– “Oh, nandito ka na sa building namin. But you’re a grade 10 based on your necktie–” “Ayon nagtatagalog naman pala,” huminga ako nang malalim at nginitian siya. “Ah, may hinahanap lang ako, sikat daw ‘yong tao na ‘yon eh kaya baka kilala mo.” Ngumiti siya at lumabas ang biloy niya sa magkabilang pisngi. Kagwapo talagang bata nito. “What’s her or his name?” “Juice–este Deuce Oreo Carbonelle,” bigkas ko sa natandaan kong pangalan na sinabi kanina ni Portia sa akin. “W-what–” Napatakip siya sa bibig at umalog-alog ang balikat dahil sa pagtawa. “Oreo?” “Basta babaerong grade 12.” “Babaero?” nangingisi niyang saad na napapatingin sa likuran ko. “Well, you don’t have to find him. He’s already here. Here comes Deuce Oreo–” “Shut the f*ck up, Grant.” Paglingon ko ay nakita ko na sa wakas ang hinahanap ko. Nakasuot ng jersey ang lalaki at basa ang buhok, hindi ko alam kung sa pawis o dahil bagong ligo. Baka iyong huli kasi hindi naman siya amoy araw. Sinimangutan niya ako. “It’s Orion, you tomboy. And what are you doing here in my building?” Matamis akong ngumiti. “Hi! May sadya lang ako sa ‘yo, usap tayo?” Nagtaas siya ng kilay sa akin. “I’m not in the mood for a talk.” Sungit. Nilagpasan niya ako at siyempre bilang isang taong may kailangan sa kanya, para akong buntot na sumunod sa kanya. Kinawayan ko na lang iyong lalaki na nakausap ko. “Hanggang dito susunod ka?” lingon niya sa akin at doon ko lang nakitang papasok pala siya sa shower area. May mga naglabasan pa ro’ng mga player gaya niya na napatingin sa akin at ngumisi matapos sulyapan si Deuce. Anong problema ng mga ‘to? “She’s not my type!” sigaw ni Deuce Orion sa mga lalaki na mga nagtawanan at iiling-iling na iniwanan lang kami. Hindi din naman kita type. Gusto kong sabihin pero dahil kailangan mabait ako, tahimik lang ako. “Antayin kita dito, pero baka pwedeng bilisan mo. Susunduin ako ng erpats ko–” “Erpats? Who’s that?” Ramdam ko talaga pagiging kanal ng humor ko sa lugar na ‘to. “Tatay ko.” “Ano ba kasing kailangan mo?” tila hindi natutuwang tanong niya. Tumawa ako at hinampas siya sa braso. “Eto naman, parang others, akala mo hindi ako nilibre ng burger.” Tumingin siya sa braso niyang hinampas ko at tinaasan muli ako ng kilay. Pati kilay, perpekto. Iniisip ko tuloy kung nagpapa-threading siya? Pumitik siya sa harap ko. “I know, I’m handsome, but don’t make it too obvious–” “Ay oo na nga, gwapo ka na, pero ‘wag ka rin masyadong mahangin, pre,” muli kong hampas sa kanya, kunwaring natatawa pero naiinis na sa kahanginan niya. Ngumisi siya at nawala ang naiiritang ekspresyon sa mukha. “Ano ba talagang kailangan mo? Didn’t you hate me? Is this about what happened at the cafeteria? You’ve changed your mind?” inilapit niya ang mukha niya sa akin at yumuko-yuko pa. Hindi naman ako nagpatinag at tiningala pa siya bago mabilis na tumango. “Oo! Nagbago ang isip ko.” Natigilan siya at nawala ang ngisi sa labi. Tila gulong-gulo na tiningnan niya ako. “What?” “Tara, date na tayo. Tapos irampa mo agad sa mga friends mo na girlfriend mo na ako–” “What the f*ck–are you…okay?” aniyang pinutol pa ang sinasabi ko at natutop pa ang bibig niya na lumayo sa akin. “Are you really that tomboy–” “Isa pang tomboy mo, kakasa na ‘tong kamao ko sa nguso mo,” agap ko sa sasabihin niya at itinaas pa ang kamao ko. Tumango-tango siya. “Ikaw nga.” Bumuntonghininga siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Hmmm, you’re not that bad, although your height–” “Hindi ko nilalait ang pagiging kapre mo, kaya walang laitan sa cute size ko.” Napapailing na tumawa siya pero nang may maalala ay umayos siya ng tayo at tinaasan na naman ako ng kilay. “What’s really your deal? Kanina lang may pasabi-sabi ka pang, even if I’m the last man on earth, you wouldn’t date me and now you’re offering yourself to be my girlfriend? What’s with you–woah!” gulat niyang saad nang hilahin ko siya papasok sa shower area. Bahala na. Mahirap na, baka sumulpot iyong mga kaibigan niya. “Now, you’re being agressive and wild–” Agad ko siyang binitiwan at lumayo sa kanya. “I need the money.” Oha. Direct to the point at siyempre hindi padadaig, english na rin. Nagsalubong ang kilay niya. “You’re here for money? Uutang ka sa akin?” Napakamot ako sa pisngi ko at umiling. “Hindi, siyempre. Close ba tayo para mangutang ako sa ‘yo at saka kahit may ipautang ka sa akin, wala akong pambayad.” “Close ba tayo? You pulled me here in the shower area and you’re asking to be my girlfriend? And we’re not close?” natatawa niyang tanong, pakiramdam ko isa akong payaso sa perya kung tingnan ako ng lalaking ‘to. “You’re really different huh? I like you.” “Luh? Like agad? Ikaw ah, pasabi-sabi ka din na hindi mo ako type–” “Hey, you’re flattering yourself, I mean I like you as a person not as a woman I would date.” Ngumuso ako. “Oh di fine. Pero eto na nga, need ko kasi nga ng pera.” “And?” “Iyong mga kaibigan mo kanina!” Sumama ang hilatsa ng mukha niya. “What about them?” “Sabi nila ibibigay nila ang allowance nila kapag naging tayo? Ilan sila, tatlo! Magkano ba ang monthly allowance nila? Mababa na siguro ang sampu? O kahit 10K bawat isa sa kanila, pwedeng pwede na. Kahit 30-70 tayo–” “What? 30? 70?” “Oo, sa akin ang 70–” tumigil ako sa pagsasalita nang makita ang hindi makapaniwalang hitsura niya. “...fine, hindi ako ganoon ka-garapal. 40 sa ‘yo, 60 sa akin. Siyempre reputasyon ko ‘to, anong iisipin sa akin ng mga tao dito kapag pumatol ako sa grade 12 na babaero–oo na! 50-50 na lang, walang labis, walang kulang.” Umiling siya at namilog ang mga mata ko nang hubarin niya ang jersey na suot. Naeeskandalo tuloy na tumalikod ako. “Hoy! F-fake lang ang relationship na inaalok ko. Nakakaloka ka, ba’t ka naghuhubad, bata pa ako! Ikaw na talipandas–” “It’s a no, Tom.” Mabilis ko siyang hinarap at nagpanggap na wala siyang suot na pang-itaas. Tinutok ko ang tingin sa noo niya. “Anong no?” “No. I won’t date you. I don’t need the money, either. I don’t want to fool my friends.” Tumalikod siya sa akin at naiwan akong nakatanga na pinagmasdan ang likod niya. Iniisip kung ilang taon na ba siya para maging mabato ang katawan– “Hala ‘to naman oh! Sige na! Hindi naman nila sinabing magtatagal tayo–” “It’s a no.” Napabuntonghininga ako at napayuko. Hindi maitanggi ang pagkabigo. Pero alam ko namang kalokohan talaga ‘to eh. Saka manloloko ako para sa pera? Pero…birthday na din ni Nanay sa susunod na buwan. Gusto ko talagang makauwi. Akala ko pa naman– “Why do you need the money ba?” Mabilis ang pagtingala ko sa kanya na hindi ko namalayang pumihit pabalik sa akin. Kung hindi gumana ang pangungulit at pakikipag-bargain ko sa kanya sa 50-50… May naiisip pa akong isang paraan. Si Gio na matigas ang puso, nagagamit ko ‘to eh. Lumabi ako at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. “What the hell–why are you crying?” Yumuko ako at mas nilakasan ang pagiyak. Tinakpan ko pa ang bibig ko para maitago ang ngiting kumakawala sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD