Kabanata 6

1839 Words
#TPSKKabanata6 Friends OCTAVIA ‘V’ “Talaga bang sasama ka sa akin? Hindi ka ba hahanapin–” “Hindi nga, sabi ko kay Daddy, may project kami sa school kaya male-late akong uwi. Saka busy din ‘yon sa trabaho, kaya hindi siya ang susundo sa akin. Kokontakin ko na lang si Manong Jun na sumabay na lang ako sa ‘yo,” saad ko at iginagala ang tingin sa loob ng kotse niya. “Ikaw ba, pwede na talagang magmaneho? Ang bata mo pa–” “I’m 17 turning 18, I’m not that young. Ba’t ka ba kasi sumasama tas parang wala kang bilib sa driving skills ko?” aniyang nagpipindot sa cellphone niya. “Ang boring ng last subject. Wala ako sa mood na pumasok.” Napatigil siya sa pagmamaniobra ng kotse at nilingon ako. “Nag-cut ka ng class? The hell, Octavia Blaire.” “Minsan lang naman, kung makatawag naman ‘to sa buong pangalan ko, tatay ba kita? Sige na, alis na tayo. Late na rin ako, values pa naman iyong klase ko, ekis agad kay Miss, kapag late ang estudyante niya. Male-lecturan ako tapos gutom pa ako dahil sa try-out sa basket, alam mo ba ‘yon–” “Shut up, woman. Alam ko na, now I want you to be quiet. Nagkamali ako ng isipin na tahimik ka.” Isinandal ko ang ulo sa kinauupuan at komportable ko pang itinaas ang paa ko sa dashboard. “Hey, you’re wearing a skirt–” “May cycling nga ako.” “Umayos ka ng upo o ibabalik kita sa school.” Napanguso ako at sinunod din siya. Ayokong bumalik ng school. Kahit saan pa ako dalhin ng lalaking ‘to, sasama na lang ako kesa pumasok sa subject kong ‘yon, at least hindi ngayong araw, not when our topic is all about family. Paano kong maid-describe ang pamilyang meron ako? Na isa akong anak sa pagkakasala? Na muntikan ko nang masira at alisan ng ama ang mga Kuya ko? Sinilip ko ang cellphone ko at malungkot na napangiti nang makitang bukod sa tadtad na messages ng mga kaibigan ko, wala ni isang reply kay Nanay. “You okay?” Ganoon niya na ba talaga kagustong mawala ako sa buhay niya? Bakit? Ginawa ko naman ang lahat para mahalin niya ako, pero bakit hindi naging sapat ‘yon? Dahil ba hindi niya pa rin ako nagamit para makuha ang daddy kay Tita Maribel? Na hindi sapat ang isang babaeng anak na gustong-gusto ng ama ko para siya ang piliin? “Hey, did I offend you? Sige na, itaas mo na iyang paa mo, but grab my jacket from the backseat.” “Bakit ka naging babaero?” “Huh?” Nilingon ko si Dos na ilang araw ko pa lang nakikilala pero marami na atang nalalaman tungkol sa akin. “Ikaw kako ba’t ka naging playboy? 17 ka pa lang, may nanloko sa ‘yo?” Napailing siya. “First, I’m not a playboy.” “Ge. Kwento mo ‘yan.” “Hey! Masyado kang judgemental, hindi ko nga hinuhusgahan ang gender identity mo kahit lalaki ka pang umasta sa akin–” “Ay wow, hindi mo pa hinusgahan ng lagay na ‘yan?” Napasipol siya at napakamot sa pisngi. “Hindi nga kasi ako babaero, friendly lang ako. Iba nga lang ang nagiging dating no’n sa ibang girls.” “Hindi mo sila kini-kiss sa lips?” “...” “Hindi mo hinahawakan ang kamay nila?” “...” “Hindi mo sila dine-date?” “...” “Ouch!” singhap niya nang kaltukan ko siya. “Hindi pala babaero ah tapos friendly pero may kiss at holding hands? Lokong ‘to.” Tumawa siya at itinaas ang kamay niya. “Hey! I’m driving!” Tinigilan ko na siya sa pagkaltok dahil baka maaksidente pa kami. “So, bakit nga? Ba’t ka babaero?” “Hindi nga kasi. I just want to have fun, I thought game din ang mga babaeng ‘yon sa fun na gusto ko, turns out they’re not.” Napahimas ako sa baba ko. “Hindi naman kayo broken family di ba?” “No,” “Weh?” Tumawa siyang muli. “Kahit itanong mo pa si Portia, my father’s madly in love with my mom, ganoon din ang mommy, even our grandparents love each other, I witnessed it.” Kukuwestyonin ko pa sana siya nang bumagal ang takbo ng kotse niya. “Oh fudge, I shouldn’t have brought you with me.” Napatingin ako sa labas sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko iniisip kung para saan ang komento niyang ‘yon. “Bakit? Anong problema?” “Ahm, can’t you see it outside? We’re in a slum area, I didn’t know–” “Sus, baka sa ating dalawa, ikaw pa ang dapat na hindi nagpunta dito. Don’t worry, sagot kita. Kaso etong kotse mo hindi, kung sakaling may magkalas ng gulong dito.” Sumilip ako sa labas at nakita ang mga batang nangangalakal. Binaba ko ang bintana at tinawag ang isang bata. “Ano ‘yon, Ate?” “Boy, mababantayan mo ba ‘tong kotse? Bigyan kitang isang daan kapag buo pa ‘to pagbalik namin.” Nagningning ang mga mata niya. “Oo, Ate! Akong bahala. Kami pala,” turo niya sa ibang mga bata na naglapitan na rin. Nilingon ko si Deuce. “May pera ka naman diyan hindi ba?” Napatango na lang siya. “Sino ba ‘tong pupuntahan natin?” “Classmate ko.” “Huh? Dito?” gulat kong reaksyon. Hindi naman sa nangmamaliit ako, pero noong makita ko nga ang tuition fee na binayaran ni daddy sa school namin, mas lalo kong hindi nagustuhan na doon mag-aral. Aba, isang taon lang na tuition, mabibili ko na iyong pinapangarap kong motor. “Oh, ‘wag mo akong i-judge. You can’t blame me, ang mahal ng tuition sa school natin ano.” “He’s a scholar.” Napatango ako. “Ah, kaya. Ito iyong address na hiningi mo kay coach?” Tumango na lang siya pero ang tingin ay nasa daan. Lubak-lubak ang dinadaanan namin at medyo maputik. “Teka, alam mo ba iyong eksaktong address?” Tumigil siya sa paglalakad. Napapalatak naman ako. “Itong tao na ‘to, oo. Ano bang pangalan ng kaklase mo?” “Sean Andrei Lontoc.” “Tara doon,” turo ko sa isang sari-sari store. Naglabas ako ng bente sa bulsa ko. “Ate, pabili ngang dalawang coke.” “Oh eto na neng, aba’y ngayon ko lang kayo nakita rito ah. Pero hindi iyang uniform n’yo, kaklase ba kayo ni Andoy?” Sinulyapan ko si Dos nang nagmamalaki. “You’re street smart.” “Ah oo nga po, kaklase kami ni Sean, taga saan po ba siya dito?” “Diretso lang kayo diyan tapos lumiko kayo sa mas maliit na eskinita. Kapag may narinig kayong nagsisigawan, bahay na nila ‘yon.” Tamang-tama naman ang deskripsyon na binigay sa amin no’ng ale. “Diyos ko naman, Gardo! Ilang trabaho pa ba ang sisirain mo? Hindi ka ba naaawa sa akin o kahit sa mga anak na lang natin! Si Sean, hindi na nakapasok ngayong taon, ang ganda-ganda ng school niya, pero dahil sa pagiging sugarol mo, sa pagiging gago mo, tinigilan nila Sir Dylan ang pagtulong sa atin! Pati scholar ng anak natin, damay!” “Tama na, Sonya! Ginagawan ko naman ng paraan, kumikilos na ako, nagbabago na nga ako oh! Saka lintik na, ipasok mo na lang sa public yan si Andoy, anong mapapala niya sa school ng pangmayaman–” “Kahit sa public, hindi natin kaya! Sa gamot pa lang ni Ana Marie, ubos na ang sweldo ko!” “Dos, a-anong ginagawa n’yo rito?” paglabas ng binatilyong may kapayatan hila-hila ang isang batang babae. “Para kausapin ka. Nami-miss ka na ng team,” ani Deuce na umaktong kaswal kahit na dinig na dinig pa rin namin ang pag-aaway ng magulang nitong kaklase niya. “H-hindi na ako makakabalik pa, Dos. Sige na, umalis na kayo, hindi ko rin kayo mapapapasok sa bahay.” Imbes na sundin ‘yon ay lumuhod si Dos sa harap no’ng batang babae. “Hi, Ana, gusto mo ng jollibee?” Tumigil sa paghikbi ang bata at tiningala ang Kuya niya. “Wala tayong–” “Let’s go,” ani Dos na hinila ako papunta sa tabi niya matapos buhatin iyong bata at talikuran si Sean. “Dos!” “Halika na, Andoy, gutom na ko.” *** “Ang bait mo naman, Dos.” “Dahil nilibre na naman kita?” pagpitik niya sa noo ko. “Seatbelt mo.” Sumulyap ako sa labas at pinanood ang papalayong si Sean at si Ana. Bukod sa pinakain ay pinag-grocery pa sila ni Dos. Hindi lang ‘yon, inalok niya ng scholarship si Sean at trabaho para sa magulang niya sa kompanyang pagmamay-ari nila. Ito na ata iyong sinasabi nilang ‘Don’t judge a book by its cover’. Napahanga din niya talaga ako, hindi ko na itatanggi ‘yon. Tumawa siya. “Oh, are you falling in love with me, kid? Aside that you’re still a minor–” “Utot mo, ang layo ng nilakbay ng imagination mo ah. Pinuri ko lang pagiging mabait mo, inlab na? Mangarap ka! Hindi kita type ano?” “Oh, please, mabibingi na ako sa boses mo. Ba’t ba palagi kang naninigaw?” “Aba’y sinong hindi mapapasigaw sa mga pinagsasabi mo?” Nagsimula na siyang magmaneho at parang kandidato pang kinawayan iyong mga bata na pinamili niya rin ng pagkain bukod sa perang binigay niya. Napakamapera ng mokong. Parehas lang din kaming estudyante pero ba’t ang dami niyang pera? “Oy, ikaw ah, baka nandedekwat ka ng pera sa parents mo?” “What the–why would I do that? I have my own money.” “Seventeen ka pa lang–” “Stocks.” “Huh?” “Basta, hindi ako nagnanakaw sa parents ko, okay?” Tumango na lang ako at nilantakan iyong tira kong ice cream. Napangisi ako. “Friends na tayo ah.” “Friends? Nasaan na iyong sabi mong ayaw mong–” “Binabawi ko na! Friends na tayo! Bestfriend pa nga hindi ba?” putol ko sa kanya at kinindatan pa siya. “Best friend? Aren’t you scared that we’re going to end up like those movies?” “Anong movie?” “You know, best friends who fall in love.” Napangiwi ako bago umiling. “Hindi ‘yan mangyayari.” “Huwag kang magsasalita ng tapos, Octavia.” “Magpapagupit akong panlalake kapag nangyari ‘yon,” pagtawa ko. “I can’t wait to see you in a 2 by 3 haircut.” “At ikaw, kapag nainlove sa akin, magsuot kang pambabae ah. Miniskirt gusto ko.” Napailing siya. “It won’t happen…but sure, it’s a deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD