bc

The Playboy's Sweetest Karma

book_age18+
258
FOLLOW
6.3K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
friends to lovers
heir/heiress
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

CARBONELLE SERIES 2: Deuce 'Dos' Orion Carbonelle (TAGALOG)

Best friends.

Tropa.

Partners in crime.

Sugar best friend.

That's how V describes Deuce Orion Carbonelle to everyone. He's been her rock, her confidant, her everything—except her lover. But one night changes all that, and V discovers she's pregnant.

Trying to avoid the inevitable, V attempts to hide from Deuce, her playboy best friend. Yet Deuce always finds her, just as he always has.

Now, they must face the consequences of their actions and figure out if their friendship can survive this unexpected twist—or if it will become something much deeper.

chap-preview
Free preview
Simula
#TPSKSimula Simula OCTAVIA ‘V’ Nagsusuka ako kahapon ng umaga kasi kinain ko pa rin iyong tira ko kagabi kahit may sira nga iyong ref ko at hindi gaanong napapalamig ang pagkain sa baba. Dapat talaga bumili na lang ako ng bago! Ang lakas pa sa kuryente ng lintik na ‘yon! Panis na siguro 'yong kanin na sinangag ko! Tapos nahihilo ako kahapon pagpasok kasi siyempre ang init. Sinong hindi mahihilo sa init, aber? Sabihin mong hindi ka nahihilo sa init, masasapak kita. Tapos naiirita ako sa amoy ng Johnsons baby powder at ang pinakamamahal kong bench cologne kasi...kasi...nagbabago ang trip ng ilong ko. May ganoon naman talaga hindi ba? Noong highschool ako adik ako sa amoy ng juicy cologne, noong nag-college ako natamisan na ko masyado kaya nag-switch ako sa bench. Tama. Wala akong dapat pakaisipin do'n. Wala talaga. Saka delay ako ng two months, ano naman? Irregular ako. Hindi 'to first time na na-delay ako-- "Putangina!" gulat kong sigaw nang biglang may kumalabit sa braso ko. "Grant Voltaire Dustine!" gigil kong sigaw sa nanggulat sa akin. "Ano na namang problema mo at kung makasigaw ka diyan, Octavia Blaire Zapaña. Pagkatapos mong magpasundo sa akin kahit alam mong wala pa akong tulog sa duty tapos nagpahinto ka pa dito kay Aling Belen dahil lang na-miss mo ang palabok at puto niya--" "Tama ka na, letse ka, ikaw 'tong nag-text sa akin dahil miss na miss mo na naman ang pagmumukha ko tapos ngayon manunumbat ka? Akin na nga 'yan! Gutom na ko!" iritable kong saad at kinuha ang plastic na dala-dala niya. "Mamaya na bayad." "Ayan din sabi mo noong nakaraang linggo nang magpabili ka ng limang balot at tatlong penoy na may kasamang chicharon--wala na akong sinabi. Kumain ka na lang diyan." Simangot na simangot ako at bwisit na bwisit kay Grant. Sa inis ko'y binitiwan ko muna ang binili niya at kinuha ang cellphone ko. Saglit akong natigilan nang makita ang missed calls at tadtad na messages sa akin. Hindi lang sa inbox kung hindi sa messenger, IG, pati sss hindi pinatawad. Malamang pati sa T*ktok meron. "Anong gcash mong lintik ka, akin na at baka hindi ka pa makatulog na doktor ka." Humalakhak siya. "Ito naman, binibiro ko lang eh," ginulo niya pa ang buhok ko kaya nakatikim siya ng masamang tingin sa akin. "Sige na, kain ka na. Mas masarap 'yan kapag mainit." Humikab siya at napanguso naman ako. Nakaramdam ng onting konsensya dahil mukha ngang puyat na puyat na naman ang pobreng doktor. Nag-text siya kasi kaninang madaling araw at kinukumusta ako. Eh nataong wala ako sa mood na gamitin si Oreo kaya nagpasundo ako. "Sensya na Grant, gusto mo doon ka muna matulog sa apartment ko. Wala nga lang aircon. Sa kwarto ko meron pero asa ka naman." Tumawa siya. "Hindi na. The last time na natulog ako sa 'yo, na-flat gulong ko, na-lock ako ng dalawang oras sa banyo, at pumasok akong butas ang slacks ko." Napangiwi ako nang maalala ang pinaggagawa ng mabait kong bestfriend sa pinsan niya. Nagsimula na siyang magmaneho at mukhang kinilabutan pa sa naalala niya. "Mukhang puyat na puyat ka ah, daming pasyente kagabi?" "Hindi naman, pero remember my cousin's wife, Maria?" Agad naman niyang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya. "Ah iyong pretend--wait di naman pretend kasi legal silang kasal ni Kuya JP di ba? Anyway, siyempre makakalimutan ko ba naman 'yon. Bukod sa feeling ko kailangan kong maging mabait kapag nasa harap niya dahil parang anghel na nagliliwanag siya, sinong makakalimot sa ganda no'n? Lalo na kapag ngumiti, mapapasabi na lang akong sana all, parang never naging panget iyong babaeng 'yon. Walang glow up na naganap kasi glowing na bata pa lang," mahaba kong saad habang hinahalo ang palabok na pinaglalawayan ko na. Napanguso ako dahil parang biglang ang cravings ko ngayon ay makita ulit si Maria. Ang ganda kasi talaga. Girl crush ko na 'yon. "Don't tell me add to crush mo na naman 'yon? Sumbong kita kay Juan." Inirapan ko siya. "Sus, nagsalita ang hindi 'yon crush. Lintik ka nakita kong nangingiti ka habang nakatingin ro'n no'ng lasing na. Well, di kita masisisi, ang cute niya ano?" natatawa kong saad at napapikit nang malasahan ko ang walang kupas na sarap ng palabok ni Aling Belen. “Oo, ang cute nga, pero mas cute ka pa rin kapag lasing, V. Nanghahalik–” Itinaas niya ang isang kamay at tumawa bago ibinalik iyon sa manibela nang samaan ko kaagad siya ng tingin. “Ito, ang init lagi ng ulo sa akin. Kung buntis ka lang, maiisip kong pinaglilihian mo ako. Anyway, tungkol nga ro’n sa sinasabi ko, about Maria, her friends…” Hindi ko na masyadong napakinggan ang sinasabi ni Grant. Napatigil din ako sa pagkain at paulit-ulit lang na umuulit sa pandinig ko ang sinabi ni Grant. Kung buntis ka lang… Kung buntis ka lang… Tangina. “V? Octavia? Octavia Blaire–” “P-patabi muna ang kotse mo, Grant.” “What? We’re in the highway, Octavia–f*ck! Susuka ka?” pagmumura niya nang matutop ko ang bibig. Nabusinahan pa kami nang mag-overtake siya sa isang kotse at itabi sa gilid ng kalsada ang kotse niya. Dali-dali kong inabot sa kanya ang styrofoam na hawak at inalis ang seatbelt na suot. Muntikan pa akong matumba sa kakamadali kong makababa at takbuhin ang kawawang lupa para sukahan. Sunod-sunod ang pagmumura ko sa isip ko at tuluyan na akong napaupo sa panghihina ng tuhod ko sa pagsusuka ko. “Damn, V, masama pakiramdam mo? Ba’t hindi ka nagsasabi?” paghagod ni Grant sa likod ko habang naduduwal pa rin ako pero wala ng lumalabas sa lalamunan ko. “Masakit ba ang tiyan mo?” Sana nga…sakit lang talaga ‘to ng tiyan. “V–” “Tangina Grant,” pagbaling ko sa kanya naiiyak na. Bumadha naman ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan kong doktor. “What? You’re scaring me with that look, Octavia–” “Buntis ata ako.” Umawang ang labi niya pagkatapos ay tiningnan ako na para bang dalawa ang ulo ko. Makaraan ay napailing at biglang tumawa na animo nakakaaliw at katawa-tawa ang sinabi ko. “Oh? Sinong bumuntis sa ‘yo? Iyong sinasabi mong engkanto doon sa puno na katabi ng bahay mo na ayaw ipaalis ng may-ari?” pang-aasar niya at gusto ko man siyang murahin at hambalusin ay hindi ko magawa. Pasalampak akong naupo nang makaramdam ng ngalay at napahilamos sa mukha. “Tangina, Octavia Blaire. Are you really serious?” “Wala ako sa mood magbiro, Doc.” “How? M-may boyfriend ka na? That’s impossible, sa ugali ni Dos, mag-iingay agad ‘yon. Itinago mo, paanong nangyari–” “Punyeta Grant, doktor ka! Alam mo kung paano ‘to nangyayari. s*x! I had s*x with someone and he’s such a d**k for not even using a goddamn protection! Malaki lang ang tit–” “Octavia Blaire!” Marahas akong bumuntonghininga at sapo-sapo ang noo na tumayo at bumalik sa kotse niya. Ang kinakatakaman kong palabok kanina’y ibinalot ko na lang ulit dahil nawalan ako ng gana at uminom na lang ako ng tubig. Kumuha rin ako ng mamahaling candy ni Grant na hindi kailanman nawala sa sasakyan niya para maalis ang lasa ng suka sa dila ko. Ayan, gaga ka kasi! May pasabi-sabi ka pang masarap, ano ka ngayon?! “Wait for me here. Saglit lang ako.” Tinanguan ko na lang si Grant na mukhang gulat na gulat talaga sa sinabi ko dahil ngayon lang nakapagsalita kung kelan malapit na kami sa apartment ko. Pagsilip ko sa labas ay nakita kong huminto kami sa pharmacy. Seryosong-seryoso ang mukha niya ng iabot sa akin ang supot ng plastic. “Ano ‘to–” “Use everything then send it to me later. If the result is…positive, I’ll refer you to Dra. Castillo.” Napapalunok ako habang pinakatitigan ang laman ng plastic na ibinigay niya sa akin. Parang sumakit ang ulo ko nang mabasa ang mga nakasulat sa iba’t ibang klase ng pakete na naroroon. Pregnancy test kits. Ni hindi ko inakalang gagamit ako nito sa tanang buhay ko dahil wala sa plano ko ang magkaanak… Pero… Kung sakaling meron talaga. Paninindigan ko. Mamahalin ko. Napahaplos ako sa tiyan ko at hindi na inimik si Grant na seryoso pa rin at tahimik. “H-huwag mo ‘tong sasabihin kay Deuce, Grant, pakiusap,” saad ko bago ako umibis paalis ng kotse niya. “Hindi rin kami nag-uusap no’n, at baka magwala pa ‘yon kung sasabihin ko. He’s overprotective of you, he might kill that guy.” “Patayin niya ang sarili niya kung ganoon…” bulong kong ikinakunot ng noo niya. Inangat ko ang kamao ko at nginitian siya. “Salamat sa paghatid, Doc,” nakipag-fist bump din siya sa akin naiiling. Pagsuksok ko pa lang ng susi ko at mapagtantong hindi naman pala naka-lock ang pinto ay mariin na akong napapikit. Tumitindi pa lalo ang sama ng loob ko para sa taong alam kong feel at home na nakahiga ngayon sa sofa ko at pinagsisiksikan ang sarili ro’n. Napasimangot ako nang maamoy agad ang pabango niya pagbukas ko pa lang ng pinto. “Ba’t ang tagal mo? Sino naghatid sa ‘yo? Si Grant ano? Kumain pa kayo sa labas–” “Shut up, Deuce Orion. Lumayas-layas ka sa apartment ko dahil wala ako sa mood na makipag-usap sa ‘yo ngayon, masama ang pakiramdam ko–” Agad siyang lumapit sa akin at sinapo ang noo ko. “May lagnat ka–Octavia!” galit niyang sigaw nang tabigin ko ang kamay niya at lampasan siya. Didiretso na sana ako sa kwarto ko pero sa haba ng biyas ng hinayupak at liit ng apartment ko mabilis niya akong naabutan at nahaklit ang braso ko. “What’s wrong with you, bakit ka ba umiiwas at hindi nagpaparamdam? You’ve been ignoring my messages, too. Dahil ba ‘to sa ginawa ni Cynthia sa ‘yo last time? I already ditched her, wala siyang karapatan na saktan ang bestfriend ko–” “Shut up! Naririndi na ako sa boses mo! Ang sakit-sakit mo sa ulo, Deuce Orion, kaya pwede ba kahit ngayon lang lumayas ka sa harap ko!” sigaw ko sa kanya dahil mas lumala ang iritasyon ko nang mabanggit niya ang babae niya. Napayuko siya at dinig ko ang mahina niyang pagmumura pero napalunok ako nang makita ang tingin niya sa supot na hawak ko. Nawala na sa isip ko ‘yon. Bago ko pa iyon maitago ay nahablot niya na iyon mula sa kamay ko. “W-what’s this? Pregnancy test kits?” Napalunok ako at sinantabi ang kirot na dumaloy sa puso ko. Kung sakaling maging positibo ang resulta, alam ko na kaagad ang magiging desisyon ko. “What’s with your reaction, Deuce Orion? Afraid? Afraid of your karma?” ngisi ko nang maalala ang sinasabi namin sa kanya dahil sa pagiging babaero niya. Sumeryoso ang mukha niya. “You think you’re pregnant? And…that’s mine, right?” Nang hindi ako sumagot ay tumango siya. “Of course, it’s mine–” “Gago. Ikaw ang first ko pero hindi ibig sabihin no’n sa ‘yo lang ako pumatol. Feeler ka na naman,” saad ko at hinablot ang plastic mula sa kamay niya. Nagdilim ang mukha niya at kung hindi ko lang siya kilala ay baka natakot na ako dahil nasa mukha niyang makakapanakit siya anumang oras. “Octavia Blaire! Do not f*cking lie to me!” “You know me very well, D. I don’t lie because I hate liars.” Matagal niya akong pinakatitigan bago galit na hinablot na naman sa kamay ko ang plastic. “Take it now, and show me the result. Huwag kung anu-ano ang pinagsasasabi mo–” Ibinato ko sa mesa ang hawak ko at umiling. “Hindi na kailangan. Free sample lang ‘yan mula kay Grant. Nakita ko sa kotse niya at niloko kong baka kailanganin ko, ibinigay naman sa akin dahil alam mo naman ako basta free kahit hindi ko mapapakinabangan, kinukuha ko. Dinatnan na ako, kaya nga wala ako sa mood ngayon dahil ang sakit ng puson ko kaya utang na loob, tigilan mo muna ako, Dos.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dali-dali na akong pumasok sa kwarto ko. Ni-lock ko rin iyon at pagod na ibinagsak ang sarili sa kama bago wala sa sariling inilagay ang kamay sa tiyan ko.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook