Kabanata 12

1400 Words
#TPSKKabanata12 Injured OCTAVIA ‘V’ “V, you can play other sports while you’re recovering. How about chess? You’re good with that, natatalo mo nga kami lagi ni daddy doon eh.” Hindi ko pinansin si Kuya Owen at nanatili ang tingin ko sa labas ng kwarto ko dito sa hospital. Pang-ilang araw na ba akong nandito simula nang magising ako sa aksidenteng ‘yon? “V, you should eat. Sabi ng doktor, hindi ka mapapayagang umalis dito sa hospital kung maggaganyan kang bata ka. You need to recover so you can start with your therapy. I asked Manang to cook your favorite, it’s Nilaga right?” malambing ang boses ni Tita Maribel na hinahaplos pa ang buhok ko pero umiling lang ako. “Wala akong gana, Tita.” “Hindi nga kasi pwedeng ganoon, hija. Do you have any food you want to eat?” Umiling lang ako at tinalikuran siya. “Matutulog po ako–” “No, Octavia Blaire, kakain ka o ako mismo magsusungalngal niyan sa bibig mo!” hablot ni Kuya Oliver sa braso ko at inalog-alog pa ako. “You’re going to eat, Octavia, you understand?” Tinitigan ko lang siya at kahit ramdam ko ang mas paghigpit ng hawak niya sa braso ko ay wala akong naging reaksyon. Hindi naman masakit eh. Mas masakit iyong katotohanang wala akong choice kung hindi bitiwan iyong pangarap ko. “Oliver! You’re hurting your sister, ano ba!” “Let go of her, Oliver,” maawtoridad na saad ni Kuya Owen na hinihila papalayo sa akin si Kuya Oliver sa akin. Padarag akong binitiwan ni Kuya. “See?! Masyado n’yo kasing ini-spoiled ang batang ‘yan! I told you it’s dangerous for her to drive that motorbike, kinunsinti n’yo pa din! I told her that guy shouldn’t be trusted, and yet you still let her have a relationship with that motherf*cker! And now, that she’s injured and can no longer play basketball, you’re still coaxing her? Kailan ba siya matututo!? This is all because of her actions, this is all her consequences dahil sa pagiging pasaway niya. Palibhasa manang-mana sa…” “Oliver!” magkasabay na sigaw sa kanya ni Kuya Owen at Tita Maribel. “Let him continue, manang-mana kanino? Sa nanay ko?” Mariin siyang pumikit. “Stop being such a burden to us, Octavia. Hindi lang sa ‘yo umiikot ang mundo. Hindi ‘to hihinto dahil sa mga kapalpakan mo–” “Enough!” dumagundong ang boses ni daddy sa silid na kadarating lang. He was holding a huge bouquet of flowers na may mga nakalagay pang paborito kong chocolates. Marahas na bumuntonghininga si Kuya Oliver at mabigat ang paa na nilisan ang silid ko. “I’ll talk to him, you know him, ganoon lang magsalita ‘yon but he cares for you,” ani Kuya Owen at hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago ako iniwan. Lumapit sa akin si daddy. “See what I bought for my princess? I know you’re not into flowers, so I asked them to put in your favorite chocolates.” “I-I’m sorry, dad.” Binalingan ko si Tita Maribel na inakbayan ako at hinalikan ang gilid ng noo ko. “I-I’m sorry din, Tita, for being a burden.” “Oh God, V, don’t say that. We understand you, don’t worry, the therapist my friend recommended, he’s really good, malay mo, magawan niya ng paraan para hindi mo kailangang tumigil sa pagba-basketball–” “Gutom na ako, Tita. Nasaan iyong nilaga?” “May nilaga? Sasabayan ko din pala ang prinsesa ko,” ani daddy. Mahina akong tumawa. “Bakit hindi ka na lang bumalik sa flower shop na pinuntahan mo, dad? Iyong chocolate lang gusto ko, kay Tita na lang iyong flowers.” “Oo nga, saka itong nilaga para kay V lang ‘to lahat.” Tumayo si daddy at niyakap sa likod si Tita Maribel. “Eh paano ang daddy?” “Umuwi ka at magpaluto kay Manang.” Nakangiti kong pinagmasdan sila daddy at Tita, kahit paano’y gumaan ang pakiramdam ko. Kumuha ako ng chocolate sa bouquet na dala ni daddy at kinain ‘yon, pero nang maalala ang mga sinabi ni Kuya Oliver sa akin at mapatingin sa binti ko, naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Napatingin ako sa bintana at nakitang papalubog na ang araw. “Here’s your food, V,” ani Tita Maribel. “Nga pala, anak, I’ll buy you another phone tomorrow, but you can use my phone if you want to call your friends especially Dos–” “No need, dad. Ayoko na muna ng kausap.” Natigilan si daddy at nagkatinginan sila ni Tita Maribel pero nagsimula na akong kumain at hindi na sila pinansin pa. *** “Malas ka talaga sa buhay ko!” “Nay! Nay! Palabasin mo po ako dito! Natatakot ako! Nayyyy!” “Sshhh, V, it’s okay…’wag kang matakot, I’m here.” Napabalikwas ako ng bangon at umiiyak na yumakap sa bisig ng taong gumising sa akin. Nakakatakot. Ang dilim. Ang sikip. Hindi ako makahinga. “Sshhh, calm down, V.” Lumuwag ang pagkakayakap ko sa taong humahaplos sa buhok ko nang masamyo ang pamilyar na pabango at marinig ang boses na ‘yon. “Dos?” Humiwalay ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng kaibigan ko pero hindi nakatakas sa akin ang pangangalumata niya. Hitsurang mukhang ilang araw ng walang tulog. “Surprise?” Napalunok ako at tuluyang lumayo sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” Nagtaas siya ng kilay sa akin. “What kind of question is that, Octavia?” “Tanong ng isang taong sinabihan mong hindi ka makakauwi ngayong summer.” Bumuntonghininga siya. “I did say that, but do you really think I won’t go home after knowing that you were in an accident?” Malamig ko siyang tiningnan at ibinagsak ang sarili sa kama. “Ayos lang naman ako. Palabas na nga ako ng hospital bukas, isang linggo na ako dito. Hindi ka na sana nag-abalang umuwi pa, baka magkagulo pa kayo ni Sally.” Bakit ngayon ka lang? Inantay kita, alam mo ba ‘yon!? Bumuntonghininga siya at tila dumilim ang mukha sa nabanggit kong pangalan. “Mukhang may jetlag ka pa, umuwi ka na sa inyo–” “Don’t mention that woman’s name ever again.” Natigil ako sa pagtalikod sa kanya nang marinig ang mariin niyang mga salita. “Bakit? Anong nangyari?” magkakasunod kong tanong, at siyempre nag-alala na rin. “Parang ang laki ng galit mo ro’n kay Sal–ve…o sige, pangalanan ko na lang siyang Salve, bakit niloko ka rin ba kagaya ng gagong Neil na ‘yon?” Mas lalong dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. “Niloko…ka?” Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “Okay lang, t-trip-trip ko lang naman kaya ko siya sinagot, hindi naman masakit–” “Were you involved in this f*cking accident because of that bastard?” Kinabahan ako sa matalim na mga mata ni Deuce. Huling ganito siya, isang linggo sa hospital iyong binugbog niya na nangbastos sa akin. “D, kalma–hoy kadarating mo lang! Saan ka pupunta!?” sigaw ko pero dire-diretso lang siyang iniwanan ako. Nalintikan na. Dapat ko bang balaan iyong ex kong tukmol– “V–D-Deuce, pare…” Patay ka. Ganda ng timing mo, Neil. Goodluck na lang sa ‘yo. “Don’t call me that, you motherf*cker!” Mariin akong napapikit at nasapo ang noo ko. Pero napadilat ako nang maalala ang inis sa mukha kanina ni Deuce noong nabanggit ko si Sally. Ano kayang ginawa ng babaeng ‘yon?! Don’t tell me niloko niya nga rin ang best friend ko? Kahit ata injured ako, mapapapayag ko naman siguro si daddy na pagbakasyunin ako sa US, ano? “Aray! F*ck! Tama na, pare–” “Don’t call me pare sinabi!” “OMG, Kuya! Stop that!” “Sir, tama na po ‘yan o magpapatawag na kami ng security.” Napailing-iling ako at kahit gusto kong makaganti sa ex kong malandi, ayoko namang makulong ang best friend kong kakabalik lang. “D! Aray! Ang sakit-sakit ng binti ko! Aray!” Pagsigaw ko’y wala pang isang segundo ay nasa tabi ko na si Deuce Orion at OA na tumatawag ng doktor na akala mo mamamatay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD