#TPSKKabanata11
Boyfriend
OCTAVIA ‘V’
“Why aren’t you opening your cam?”
“Nagbibihis pa ko, kumalma ka diyan.”
“I have something to say, V.”
“Ano ‘yon, D? No need mo na akong sagutin sa ticket ah. Si Neil na daw bahala sa ticket naming dalawa. Kailan ba dating mo? Baka pwedeng mas maaga ka, aangkas kita kay BB ko–”
“V, I can’t come this summer.”
Natigil ako sa pag-aayos sa lintik na neckline ng crop top na binigay sa akin ni Tita Maribel noong nakaraang buwan pa pero ngayon ko lang masusuot. Pinaresan ko ‘yon ng leather pants.
Binuksan ko ang webcam ko at bumungad sa akin si Dos na akala mo nasa Pilipinas at hindi nakakaramdam ng lamig sa kinaroroonan niya.
“Anong sabi mo?”
“The f*ck, Octavia Blaire, what kind of clothes is that?”
Magkasabay pa naming sabi. Naupo ako sa harap ng laptop table ko at kita kong tumalim ang tingin niya banda sa dibdib ko na nakikita ang hiwa dahil nagsuot din ako ng push up bra.
“Crop top ‘to–”
“That looks like it’s a brassiere–”
“Huwag itong damit ko ang pansinin mo, Deuce ah! Sabi mo uuwi ka this summer? Tokis ka!”
Bumuntonghininga siya at mariing pumikit. “Y-yah, I know I did promise, but Sally’s dad got diagnosed with cancer. What kind of boyfriend I am if I will leave her–”
“Right. Ang sama nga naman no’n, dapat damayan mo ‘yang si Sally. Bakit hindi ka na din magpa-chemo if ever para bonding kayo ng Tatay niya?”
“Octavia Blaire! That’s insensitive!”
Malalim akong bumuntonghininga at napayuko. “S-sorry. Sige na, na-excite lang talaga ako sa pag-uwi mo. Pero gets ko na. Aalis pa ko, bye na.”
“Where are you going? It’s 10–”
Hindi ko na pinatapos si Dos sa sasabihin niya at in-end na ang call naming dalawa. Napatingin ako sa kalendaryo sa table ko at napailing sa mga markang naroroon. Inis kong tinaob ‘yon at kinuha na ang bag ko’t leather jacket. Habang ipinupusod ko ang buhok ko’y nag-ingay ang cellphone ko. Sinulyapan ko lang saglit ‘yon at isinilent.
Ayoko ng maging bad pa, kaya hindi ko muna kakausapin ang best friend kong isang taon na nang makaalis. Dalawang buwan naman na siyang subsob sa dede ni Sally–este sa subsob sa pagmamahal niya sa blue eyes niyang girlfriend.
“It’s already 10, V. Saan na naman ang punta mo?” nagtataas ng kilay si Tita Maribel sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Tita, hindi ako magpapamadaling-araw. Monthsary namin ni Neil, eh busy ako sa practice sa basketball kanina kaya hindi kami nagkita. I-surprise ko lang siya sa restaurant nila.”
Napailing si Tita. “Pasalamat ka, may business trip ang daddy mo. But make sure, you won’t come home late. Saglit ka lang, Octavia, o isusumbong kita talaga sa daddy at mga Kuya mo. Alam mo namang hindi nila gaano kagusto iyang boyfriend mo.”
Napanguso ako. “Parang wala namang nagustuhan ang mga ‘yon–”
“Si Dos.”
Napaismid ako. “Hindi ko ‘yon gusto, Tita. I’ll go na po.”
“Nag-away kayo? Isn’t he coming home this summer?”
“Hindi daw po!” sigaw ko dahil nanakbo na ako pababa.
“Gosh, V! Stop running, baka malaglag ka, and be careful driving!”
“I will, Tita! Love you!”
Hinimas-himas ko muna si BB ko bago ako sumakay ro’n. “Hay nako, BB! Bahala ‘yang Dos na ‘yan, siya pa naman ang kauna-unahan ko sanang ia-angkas sa ‘yo tapos hindi siya uuwi? Eh di wag na siyang umuwi! Dumoon na lang siya!” sigaw ko pero kinalma ang sarili ko dahil ayokong maapektuhan ang mood ko ngayon at babawi pa naman ako sa boyfriend ko.
Neil’s my first boyfriend. I met him through an online game, then it turns out he’s also my schoolmate and a basketball player like me.
Ang korni nga ng monthsary at hindi naman ako naniniwala sa ganoon pero nag-effort ang boyfriend ko noong first month namin kaya susubukan kong ako naman ngayon.
If someone would ask me if I love him?
Maybe?
Hindi sigurado sa parteng ‘yon pero gusto ko siya. Nasasakyan niya ang mga trip ko sa buhay. Kaya noong tinanong niya ako kung pwedeng manligaw, umoo ako.
Hindi naman kalayuan sa amin ang restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya kaya wala pang bente minutos ay nandoon na ako. Tahimik ko pang ipinark ang motor ko bago bumaba. Inilugay ko ang pinusod kong buhok at inayos ang sarili bago kinuha ang bento cake na pinagawa ko.
“V?”
“Grant, uy! Anong ginagawa mo rito–ay ano bang klaseng tanong ‘to. Sinong kasama mo?”
Tumikhim siya at tila balisang lumingon sa restaurant. “No one. I’ll just buy some late dinner for me.”
“Ohhh, nakita mo si Neil sa loob?” tanong ko.
Kilala niya si Neil dahil magkaklase pala sila noon. Tumikhim siya. “He’s inside.”
“Ah sige, puntahan ko lang–”
“Why don’t you just go home?” agap niya sa ‘kin at pinigilan pa ako sa pagpasok sa loob.
“Bakit?” kunot-noo kong tanong.
Nang hindi siya magsalita ay kinutuban akong masama. “May nakita ka sa loob?”
Hindi siya nagsalita.
“May kasama?”
“V–”
Hinila ko ang braso ko sa kanya at mabigat at mabilis ang hakbang na pumasok ako sa loob. KIta kong nagulat din iyong server sa pagdating ko.
Sa dulong bahagi ng restaurant, nandoon ang boyfriend ko. Busy sa pakikipaglandian sa babae. Sa sobrang busy niya hindi niya pa napansin na naglalakad na ako papalapit sa kanila.
Sa isip-isip ko noong una, baka naman friends niya lang? Kasi friendly talaga si Neil eh.
Pero nagsubuan na ng pasta, at may…halikan na ng lips.
“Masarap ba?”
Mabilis na naitulak ni Neil ang babae at namumutlang napatayo. Ngumisi ako at mahinahong inilapag ang bento cake sa mesa.
“B-babe–”
“Masarap ba kako?”
“A-ang?” parang tangang tanong niya pa.
“Iyong pasta? Pero pwede rin naman iyong labi niya,” pagturo ko doon sa babaeng namumutla na rin.
“Oh gosh! I’m not into these. I swear he told me he’s single!” taas kamay noong babae at dali-daling kinuha iyong bag niya bago nanakbo paalis.
“Babe, m-magpapaliwanag ako. I-I, s-she she–”
Binuksan ko iyong bento box at bago pa siya matapos sa sasabihin niya dinakma ko ‘yon at sinampal sa mukha niya.
“Happy monthsary, ex.”
Tumalikod ako at iniwanan siya. Nag-iinit ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay ko, parang kulang iyong ginawa ko, gusto ko pang manapak.
“V, don’t drive. I’ll ask my driver–”
Hindi ko pinansin si Grant at dire-diretsong sumakay ng motor ko.
“V, come on, you’re shaking. Calm down first.”
“Kalmado ko, Grant. Ge, ingat pauwi,” pagtapik ko sa balikat niya at sinuot ang helmet ko bago pinasibad ang motor ko.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo, natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa malamig na kalsada at ramdam ang sakit ng buong katawan sa pagtama sa kung saan.
Napaiyak ako sa labis na sakit na naramdaman ko sa binti pababa sa paa ko.
“Deuce…” naiiyak kong tawag nang makita ang cellphone kong umiilaw di kalayuan sa kinasasadlakan ko at makita kung sino ang tumatawag sa akin.
Ang pangalan niya ang huli kong nakita bago ako tuluyang panawan ng ulirat.