Kabanata 13

1968 Words
#TPSKKabanata13 Roadtrip OCTAVIA ‘V’ “Ay tanga, sabi sa ‘yo malulusutan ka niyan eh. Nabiktima ka na kanina, nagpabiktima ka pa, obob naman,” bulong ko, siyempre hindi ko isinigaw at dayo lang ako sa court na ‘to, baka may kamag-anak pala dito iyong shunga na player at makuyog pa ako. “OMG, Jinette, ang pogi!” “Mukhang mabango din!” “Player din ba?” “Mukhang hindi gaga, tingnan mo, parang hindi taga-dito sa atin eh.” “Sabay mukhang RK.” “Anong RK?” “Rich kid, bobita ka talaga.” Inis akong napakamot sa tenga ko sa ingay ng mga kababaihan sa likod ko. Nandito lang ata para mag-spot ng gwapo imbes na manood ng basketball. Panira. “I knew it…you’ll be here.” Napatingin ako sa harap ko nang sumulpot ang pawisan na si Deuce sa harap ko. Lumuhod pa talaga sa harap ko at sinuri ang paa kong may cast pa rin. Parang tangang hinahanapan kung dinagdagan ko pa ba ng sugat. “Tol, pwede paurong?” tanong niya doon sa lalaking katabi ko na parang nabatubalani pa sa kanya at tumango na lang bago siya bigyan ng pwesto. May narinig pa akong impit na tili sa likod ko at ngayon alam ko na agad kung sinong pinagbubulungan ng mga mahaharot kanina. Napapailing na inabutan ko ng bimpo si Deuce. Binigay ko na rin sa kanya iyong tubig na binili ko doon kay Manong na nag-iikot. Mukhang pagod na pagod eh. “May pa I knew you’ll be here ka pa diyan, eh mukhang pagod na pagod ka na kakahanap sa akin. Uso kasi mag-chat, D.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil mahina niya akong binatukan. “Aray ah! Wala kang awa sa injured na kagaya ko.” Mahina siyang tumawa at pinisil ang pisngi ko. “Awww, girlfriend niya pala si Ateng.” Sinamaan niya na iyong mga babaeng nag-uusap sa likuran niya. Akala mo mga bingi kaming hindi naririnig sila eh. Mukhang napansin ni Dos ang disposisyon ko kaya pinaling niya ang mukha ko paharap sa kanya. “Uso rin kasi magdala ng cellphone. You made Tita Maribel worried again, Octavia.” Napangiwi ako. “Ay hindi ko ba nadala?” baling ko muli sa game nang magkaroon ng ingay. Napabuntonghininga ako dahil tambak na tambak na iyong kabilang team. Sila ‘tong matatangkad at malalaki pero kulang sa diskarte kaya nadadaig ng kalaban. Parang ako, hindi man ako nabiyayaan ng matangkad na height, mabilis naman ako tumakbo– Mapait akong napangiti at napailing nang mapunta ang tingin ko sa binti ko. “Paano mo ako natunton dito?” tanong ko kay Deuce na gaya ko’y nasa game na rin ang tingin. Nagkibit-balikat lang siya. “I just know.” Napailing ako dahil kung pagbabasehan ang pawis niya, malamang halos lahat ng pwede kong tambayan sinugod niya bago niya naisipang magpunta sa court na minsan ay dinayo namin noong makipagpustahan kami. “Panget na no’ng game. Talo na. Halika na,” pag-aaya ko at kinuha iyong saklay ko bago mabagal na humakbang gamit ‘yon. “s**t, V!” sigaw ni Deuce at niyakap ako. Pagtingala ko’y nakita ko ang matinding pagngiwi sa mukha niya tila may iniinda. Doon ako napatingin sa bola na mukhang sa akin sana hahampas kung hindi lang naging mabilis ang kilos ng best friend ko. “Hala, gago! Saan tumama?” Ngumiti lang ang loko pero kitang-kita ko namang nasaktan. Sinamaan ko tuloy iyong player na nakabato sa kanya. “Ayusin n’yo nga laro n’yo! Lintik na, sa ring n’yo i-shoot ‘wag sa tao–hmpf!” tinakpan ni Deuce ang bibig ko at napasinghap ako nang walang kahirap-hirap niya akong pinasan na parang sako sa balikat niya. “Deuce Orion!” sigaw ko at hahampasin na sana siya ng saklay ko pero nakita ko ang mantsa ng bola sa likod niya na alam kong galing sa aksidenteng pagkakatama sa kanya ng bola. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang maingat niya akong nailagay sa front seat. Kinuha niya sa kamay ko iyong saklay ko at nilagay sa backseat. Doon ko napansin ang backpack ko. “Roadtrip.” “Gaano ka katagal dito sa Pilipinas? Hindi n’yo pa ba pasukan? Enrolment na nga namin next week, pero salamat sa cast na ‘to, may excuse akong hindi muna pumasok,” ngisi ko pero ayon na naman ang pakiramdam na parang sinasakal ako. Halos isang buwan na simula ng aksidente ko, dapat ayos na ako. Dapat tanggap ko na may mga bagay talagang isusuko ko. Hindi naman pwedeng lagi kang panalo, para namang hindi pa ako sanay. “Hanggang maging okay ka.” Napatigil ako sa pagsawsaw ng fries sa sundae na binili ni Deuce para sa amin pero hindi naman siya makakain ng ayos dahil nagda-drive siya para sa roadtrip na ‘to. “Huh? Okay naman ako…” sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. “You don’t have to pretend when you’re with me, Octavia Blaire.” Napalunok ako at iningusan siya pilit pa ring nagpapanggap. “Pinagsasasabi mo diyan, Deuce Orion–” “I know you’re injured but that’s not an excuse for you para magkulong ka sa kwarto mo at maghapon na tumulala. Umalis ka nga ngayon pero iniwan mo naman ang phone mo. You’re not okay, V.” Hindi ako sumagot at tumahimik na lang. Nakakapagod na rin naman kasi ang sabihing okay lang ako sa tuwing tinatanong nila ako. “So…kung hindi ako magiging okay, hindi ka na aalis?” ngisi ko’t binalingan siya binasag ang namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinalubong niya naman ang tingin ko nang magpula ang traffic light. “Yes. Of course.” “Wow, ayoko na tuloy biglang maging okay. Dito ka na lang, D. Huwag ka nang umalis.” “If that’s what you wanted,” pakikisakay niya sa alam niyang pagbibiro ko. Tumawa ako at nagsawsaw ng fries sa sundae ko bago isinubo sa kanya ‘yon. “San ba aabot ‘tong roadtrip natin?” “Baguio.” Namilog ang mga mata ko. “Gago ka! Injured ako!” “Nakapunta ka ngang court eh.” “Hindi ko mae-enjoy ang baguio ng pilay ako, Deuce Orion!” “I’ll be your feet then, Octavia Blaire,” kindat niya at imbes na subuan siya muli ng fries, binato ko na siya. Ang korni eh. Ang korni-korni ng best friend ko. *** “Oh,” pag-abot sa akin ni Deuce ng canned juice. Kukunin ko na sana ‘yon nang mapatingin ako sa hawak niya. “Anak ng, beer sa ‘yo tapos canned juice sa akin? Paano tayo makakapag-heart to heart talk niyan?” Tumawa siya at pinitik ang noo ko. “Heart to heart talk ka diyan. Your alcohol tolerance sucks, V. Don’t even try.” Sinimangutan ko siya pero tinanggap na rin ang binigay niya. “Alam mo, dapat hot chocolate na lang binigay mo, parang hindi bagay sa setting natin,” sagot ko at pinagmasdan ang kabuuan ng baguio sa kinaroroonan namin. Sinampal na naman ako ng kayamanan ng lalaking ‘to. Biruin mo may pagmamay-ari na villa house dito sa Baguio. Isa sa mga investment niya daw mula ro’n sa napanalunan niya sa pustahan nila ng Grandpa niya. Grabeng pustahan ‘yon, million ang taya. Pero napaka-business minded talaga ng taong ‘to. Umupo siya sa tabi ko at inayos pa ang blanket sa hita ko, matapos na mas dagdagan ang gatong sa bonfire na ginawa niya. “You don’t like hot drinks, V. Kahit gaano kalamig, hindi ka mapapainom ng hot chocolate, hot coffee, or anything that’s hot. You preferred cold drinks.” Napangiti ako at tinapik-tapik ang braso niya. “Iba talaga ‘tong best friend ko, kilalang-kilala ako.” “Kaya nga alam kong hindi ka okay, kahit sinasabi mo sa kanilang ayos ka.” Natahimik ako pero kalaunan ay napabuntonghininga bago inalala ang sinabi ni Kuya. “Ayoko ng maging burden pa, D. Tita Maribel doesn’t deserve that. Anak na nga ako sa pagkakasala ng ama ko–” “Stop saying that, V.” “Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung kinakailangan kong ipakita sa kanilang ayos na ako, I will do it–” “Ayos na nagkululong sa kwarto niya?” Hindi ako nakasagot at gustong sapukin ang sarili ko. Oo nga naman, paanong magiging ayos ang kiti-kiting si V kapag ganoon? “I know you, but Tita knows you too, V. She loves you as her own.” Nag-init ang mga mata ko sa sinabi ni Deuce dahil tama siya. Inakala ko no’n na purong sakit lang ang mararamdaman ni Tita Maribel sa akin dahil magpapaalala ako sa kataksilan ng ama ko. Pero noong umuwi ako mula sa CDO, siya ang kumampi sa akin sa galit ni daddy kahit hindi ko hiningi. I could still remember how she hugged me that night as I cried for finally giving up chasing after my mother’s love. Tita Maribel promised to love me as her own daughter that night, and she did. She loves me the same way she loves my brothers. “And I love her too, D. Kaya kailangan kong maging okay na…dapat na umayos na ako,” I said, my voice betraying the weight of the words I was forcing myself to believe. I could feel the ache in my chest, the kind of ache that leaves you breathless. “Yeah, but you didn’t have to rush it, V.” Tiningala ko ang langit. "Have I ever told you how thankful I am to God that He let me meet you?" “V…” Nakangiting binalingan ko siya at inalis na ang maskarang pilit kong ipinapakita sa lahat. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko at nakita ko ang saglit na gulat sa mga mata niya. Because he knows me that well… I rarely cry. And when I do, it’s because the pain has become too much to bear, the kind that swallows you whole, leaving you empty and lost. He stayed silent, giving me the space I didn’t even know I needed. “I’m thankful because He gave me someone who reminded me what it’s like to dream again. Someone who didn’t just watch me fall apart but believed in me when I couldn’t even believe in myself.” “Bata pa lang ako, kapag tinatanong ako, anong gusto ko paglaki ko, ginagaya ko lang kung anong narinig ko sa ibang bata. Gusto kong maging guro, gusto kong maging doktor, gusto kong maging pulis…” tumawa ako at pinahiran ang pisngi ko kahit na wala namang silbi dahil tulo na naman nang tulo ang luha ko. “Pero alam mo, D…ang gusto ko lang naman talaga, mahalin ako ng Nanay ko. Iyon talaga ‘yon eh. P-pero noong sinamahan mo akong umuwi sa amin, binitiwan ko na ‘yon eh…kaya nawalan na talaga ako ng pangarap…kung anong gusto ko talaga. Pero t-tanda mo noong parehas na nanalo tayo sa basketball championship ng school natin tapos naging MVP pa tayong dalawa? S-sabi mo, ang galing-galing ko, pwede kong maging professional basketball player kahit kinulang ako sa height,” pagtawa ko muli pero nauwi na sa hikbi. “D…dahil sa ‘yo, nagkaroon ako ng pangarap na katulad ng iba…nakita ko ang sarili ko bilang manlalaro, iyon na lang ang pangarap ko…iyon na lang ang gusto ko. P-pero wala na…h-hindi na raw pwede, malaki iyong damage…b-baka hindi na bumalik sa dati. Kaya a-ano na naman? Ano na namang pangarap ko? H-hindi ko na alam kung saan ako patungo, D!” pag-iyak ko na parang batang nagsusumbong. “It’s not too late, V. You can find another dream…I’ll help you,” bulong niya nang hilahin ako para yakapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD