Kabanata 7

1126 Words
#TPSKKabanata7 Trip I OCTAVIA ‘V’ Pigil-hininga akong tumuntong sa pader habang tinitingnan ang guard house kung makikita ako ni Kuya. Nakahinga ako nang maluwag ng makitang busy siya sa pakikipag-video call sa girlfriend niyang katulong sa kabilang street. “The f*ck–” Hindi na natapos ni Dos ang sasabihin niya nang ibato ko sa mukha niya ang travelling bag ko na sinalo niya naman. Sinamaan niya ako ng tingin pero sinenyasan ko siyang manahimik at itinaas pa ang kamao ko. Iminuwestra ko ang kamay ko na lumapit siya. Iiling-iling naman siyang sumunod sa akin. Agad akong tumuntong sa balikat niya at narinig ko pa ang pagmumura niya kaya sinabunutan ko siya dahil baka marinig siya sa loob at mahuli pa ako. “The hell, Octavia Blaire, seriously? Hindi ka ba talaga nagpaalam–” “Hit the road, Deuce Orion, ‘wag mo na akong sermunan. Para namang nagpaalam ka rin sa inyo,” saad ko at kinuha ang tumbler niya. Inuhaw ako sa pinaggagawa ko kaya walang hiya na nakiinom na ko ro’n. “Nagpaalam ako sa Grandma ko–” “Pero hindi sa mommy at daddy mo.” “Still, nagpaalam ako. Tapos ikaw hindi? Aren’t you scared na magpatawag ng pulis ang daddy mo para mahanap ka?” “Nag-iwan akong sulat. Pagpapaalam na din ‘yon, saka babalik din naman ako. Tatlong araw lang tayo sa CDO,” buntonghininga ko at sumandal sa kinauupuan ko. “Hey, don’t sleep on me. Aantukin din ako.” Umismid ako. “Inaantok nga ako eh, magpatugtog ka na lang diyan.” “May oras pa para ibalik kita V. Umayos ka.” Ngumuso ako at umayos ng upo, “Oo na. Hindi na nga matutulog.” Pasimple kong minasdan si Deuce Orion, parehas pa kaming naka-hoodie at jogger, pati white shoes, pareho kami. Higit isang buwan ko na rin pa lang nakilala ang lalaking ‘to. Mas madalas pang siya ang kasama ko kahit na magkaiba kami ng grade. Dahil na rin siguro parehas kaming parte ng varsity. Sa loob ng isang buwan na ‘yon, hindi ko na mabilang kung ilang babae ang pinagtaasan ako ng kilay at ini-issue akong karelasyon niya. “Oy, saan ka mag-college? Abroad ka din ba katulad nila Froilan?” tukoy ko sa mga tropa niyang naging tropa ko na rin. Umiling siya. “Nope. HU pa rin ako, maybe sa masterals ako pupunta ng US.” Pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig. “Are you happy?” “Huh?” Nilingon niya ako. “You’re smiling like you won a lotto. Ganoon mo kagustong manatili ako sa school natin?” Mabilis naman akong tumango at hindi itinanggi ‘yon. Kita kong naglaho ang mapang-asar na ngisi sa labi niya. “Ang saya mo kayang tropa, libreng food, libreng road trip, libreng tutor pa.” Sumama ang hilatsa ng mukha niya. “User ka.” Malakas akong tumawa sa sinabi niya. “Eh nagpapa-user ka naman eh. Sugar best friend kita di ba? Dahil diyan drive thru tayo, libre mo akong kape.” Napailing siya. “Ikaw na bata ka talaga.” “V, we’re here.” Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Deuce na mukhang inaantok pa rin gaya ko. Humikab ako at umalis sa pagkakasandal sa balikat niya. “Lika na, Kuya,” nilakasan ko ang boses ko para marinig noong dalawang babae na pinagtsitsismisan kami. “Kuya ka diyan, mas matanda ka pa sa akin, hindi lang halata sa height mo ate,” pang-aasar niya kaya inis kong hinila ang tali ng hoodie niya. “Octavia!” Tinawanan ko lang siya at inunahang iwanan sa eroplano. Magaan naman mga gamit namin, kaya niya na ‘yon. “Where are we going after here?” tanong ni Deuce na iginagala ang tingin sa airport ng Laguindingan. “Sakay tayong van papuntang plaza, tapos from there, sasakay tayo ng taxi papunta sa amin,” saad ko at nakahinga nang maluwag ng wala pa rin akong messages na natatanggap kay daddy. Sabagay, maaga pa para malaman niyang wala ako sa bahay at hindi nagpaalam sa kanyang uuwi ako ng CDO. Ang hindi ko lang kasi talaga maintindihan, bakit parang ayaw niya akong pauwiin dito sa amin? Tinanggap ko na ngang doon na ako nag-aaral pero kaarawan naman ni Nanay kaya gusto kong umuwi tapos ayaw niya. “We should eat breakfast first,” “Mag-skyflakes ka muna. May masarap na cafe akong kinakainan doon sa plaza. Doon tayo mag-almusal.” Bumuntonghininga si Deuce. “Fine. But I don’t like skyflakes. Mint will do.” Ngumiti ako at pilit inakbayan si Deuce. “Salamat sa pagsama at sa ticket, boss. Babawi ako sa ‘yo, lilibre kitang kwek-kwek doon kina Sean.” “I want 50 pesos of that orange ball.” “Kahit 100 pa! Saka alam mo maraming magagandang puntahan dito sa CDO, malapit lang din tayo sa bukidnon, may magagandang puntahan doon–” “Yeah, mukhang maganda nga dito,” saad niya na ang tingin ay nasa babaeng makakasalubong namin. Filipinang-filipina at ang ganda nga. Binatukan ko siya. “Ikalma mo ‘yang sarili mo, baka umuwi kang kasal na sa inyo sa kalandian mo.” Tumawa lang siya at inakbayan ako. “Selos ka na naman, kid,” aniyang sinabayan pa ng panggugulo sa magulo ko na ngang buhok. Minsan talaga napapaisip pa rin ako kung bakit ko hinayaang maging close sa akin ang lalaking ‘to. Nakakabwisit din ang pang-aalaska eh. Pero nang unahan niya akong magbayad sa van. Sige na, papa-alaska na lang ako sa kanya. Galante ‘tong lalaki na ‘to eh. “Sigurado ka bang ayos lang sa ‘yo na iwanan kita dito?” Tumango lang siya at parang bata na dinilaan iyong sorbetes na binili ko sa kanya. “Yeah, but don’t you dare forget about me. I have no idea 'about this place.” Tinapik-tapik ko ang balikat niya. “Oo, mabilis lang ako. Iyon kasi si nanay, ayaw no’n na may biglaang bisita sa bahay. Kapag nasabi kong kasama kita, doon ka na lang sa hotel na pinagtatrabahuhan niya tumuloy. Malapit lang din iyon sa bahay.” Tumango lang siya at ang tingin ay nasa kumpulan ng mga kabataang babae na nakatingin sa amin. Pinitik ko ang noo niya. “Sinasabi ko sa ‘yo, Deuce Orion. Itigil mo pagiging malandi mo rito ah.” Tumawa siya. “Sige na, umalis ka na, para makabalik ka rin agad. I badly need to sleep.” Isang beses ko pa siyang sinulyapan bago iniwan at mabilis ang hakbang na tinungo ang daan papunta sa bahay hindi inaasahan ang tatambad sa akin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD