#TPSKKabanata14
Deal
OCTAVIA ‘V’
“D, maging painter kaya ako tingin mo?”
“V, ahm, you’re not really that good at drawing.”
Inalis ko iyong kutsara na nilalagay ko sa mga mata ko at binalingan ko siya. “Hoy, perfect ako no’n sa biology noong nag-drawing ako ng microscope.”
“You used what you said pinagbabawal na teknik on that, binakat mo ‘yon, V.”
Napanguso ako at napakamot sa pisngi. “Sabagay. Eh kung maging chef ako, D?”
“The last time you cooked, sobrang tamis ng itlog na prinito mo.”
“Namali lang ako sa asin at asukal–”
“--sunog din iyong hotdog, V.”
Napatingin ako sa TV at sa palabas na naroroon. Ang setting sa eroplano. “Alam ko na, stewardess–”
“There’s a height requirement on that, V,” aniya at inabutan ako ng ice cream.
Napasimangot ako. “Parang lahat na lang ng sasabihin ko may kontra kang lintik ka!” inis kong pagkurot sa braso niya.
Tumawa lang naman ang mokong na akala mo hindi nasaktan. Sa bagay sa tigas ba naman ng muscles niya.
“Eh kung gaya ako ni Grant? Tingin mo?”
“Doctor?”
Tumango-tango ako. “Oo, ang cool pa ng uniform niya. Tapos balang-araw tatawagin akong Dra. V Zapana! Galing ano? Bagay?”
“But I thought you’re scared of blood?”
Napalunok ako.
“Hindi ka nga natatakot sa mga horror dahil sa multo, natatakot ka sa dugo–”
“Okay, ekis na din ‘yan. What if panindigan ko na lang iyong course ko, D? Maging businesswoman na lang ako? Tingin mo?” paglingon ko sa kanya habang abala siya sa paghahanap ng palabas sa TV.
“Huy!” pag-alog ko sa kanya.
Ibinaba niya ang remote at hinarap ako. “Why not? You can also go to the business school I’m attending. Come with me to the US,” alok nito na parang napakalapit ng lugar na sinasabi niya.
“Loko, iniraraos ko na nga lang iyong grades ko sa school, dadalhin mo pa ako sa lugar na ‘yan. Sa baba ng grades ko, hindi ako papasa ng scholarship–”
“Tss. Tito can provide you for that–”
“Aksaya lang para sa akin, magrereklamo pa ‘yon si Mamita.”
“Fine, then sagot ko na–”
“Oy, pinapanindigan mo talaga pagiging sugar best friend ko ah.”
Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko. Nainis naman ako dahil masakit kaya siyempre dapat inisin ko din siya. “Saka ayoko, paano kung makatagpo ako ro’n ng katulad ni Sally? Itatago iyong passport ko tapos pagpupunit-punitin–”
“Octavia Blaire! I said stop mentioning that woman.”
Sinubuan ko siya ng ice cream at tinutok ang atensyon kina Jolina at Marvin. “Grabe ang lakas ng tama sa ‘yo ng babaeng ‘yon. Ano bang pinakain mo ro’n?” Niyuko ko ang bandang gitna niya at napangisi. “Nasarapan sa bur mo?”
“Bur?” paglingon niya sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin nang mapansin kung nasaan ang mga mata ko. He’s wearing sweatpants kaya bakat na bakat ang kanyang bur. “Anong bur–what the f*ck, Octavia!”
“Inaano kita, bur–as in burger hindi bura–”
Bago ko pa natapos ang sasabihin ko’y nahampas na ako ng unan sa mukha ng loko. Parang hindi ako niyayakap at pinapatahan kagabi ah.
“Masakit ah!”
“Masasaktan ka talaga sa akin sa lumalabas diyan sa bibig mo,” aniya at simangot na hinablot ang unan na binato niya sa akin at pinatong sa hita niya.
Tumatawa ako habang ang kamay niya’y abala ng ayusin ang nagulo kong buhok. Hanggang sa naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.
“Don’t rush yourself, soon enough, you will know what you really want to do in your life. I trust you, V.”
Nilingon ko siya at nginitian. Mukhang iyong pagngawa ko ata kagabi ang paraan para mawala ang bigat na nakaatang sa dibdib ko.
Tinutok ko ang atensyon sa TV at napailing ako sa eksena.
“Oh yes, kaibigan mo lang ako... and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend!”
Nilingon ko si D na tutok na tutok at parang damang-dama pa iyong movie.
“Hoy D,” pagsundot ko sa pisngi niya.
“What, V?” aniyang hindi lumilingon sa akin.
“Huwag tayong gagaya sa palabas na ‘yan ah.”
“Huh?” paglingon niya sa akin. “What are you saying?”
“Ayan bang palabas na ‘yan, best friend lang tayo di ba? Walang talo-talo?”
Ngumisi siya at napalunok ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. “Hindi ka magiging si Jolina?”
Tangina ng hayop na ‘to. Ang gwapo.
Pero…hindi ko kayang mawala sa akin ang lalaking ‘to. Hindi pwede.
Tinulak ko ang dibdib niya pero hindi siya tuluyang lumayo sa akin. “Hindi ano! Tayo dapat ang maging living proof na pwedeng maging mag best friend ang babae at lalaki ng walang malisya. Nang walang nafo-fall. We can do it, D.”
Lumayo siya sa akin. “Why? You can’t see me as someone who can be your boyfriend?”
Kumalabog ang puso ko sa naging tanong niya. Kung wala lang ang ingay na nagmumula sa TV, pakiramdam ko maririnig niya ang puso ko.
Hindi ko nga ba siya nakikita bilang ganoon?
Siyempre–
“Damn!” malakas na tumawa si Deuce at tinuro-turo pa ako. “You look like you’ve seen a ghost! Parang takot na takot ka naman diyan. You don’t have to worry about that, V. We’ll not be like them, we will not cross the line, we’ll stay as best friends…forever.”
Napalunok ako at nginitian siya. “Dapat lang! Ako ang magiging maid of honor sa kasal mo–”
“I’m not getting married, no plans. Ako na lang best man mo–”
“Hindi rin ako ikakasal! Over my dead body!”
Tumawa siya pero nagseryoso. “Then, how about we make another deal?”
“Another deal?”
“Yah…remember before? You, cutting your hair and me, wearing a girls outfit–hindi counted iyong sa play!” saad niya dahil nag-uumpisa na akong ngumisi.
“Oo na! Anong deal na naman ba ‘yan?”
“Let’s promise not to get married to someone, if we break it, kung sinong ikasal, may three wishes iyong nanalo sa kanya.”
“Kahit anong wish?” tanong ko.
Ngumisi siya. “Kahit anong wish.”
Sa pagkakataong ito’y ngumisi ako. “Maghanda ka na ng tseke, siyempre pera agad iyong nasa isa kong wish! Yare ka!”
Tinaas niya ang cellphone niya sa aming dalawa at inakbayan ako.
“Ano ba ‘to! Ano ‘yan ba’t may pa-picture pa, namamaga mga mata ko!” reklamo ko pero mabilis din akong ngumiti sa camera dahil parang wala siyang naririnig.
#Day1530 as best friends with @VBlaire #AnotherDeal
“Hoy! Iyong ex mo nag-comment! Lintik na, tinawag akong slut at cheater ka! Best friend daw our face!” sigaw ko kay Deuce na nasa kusina at naghahanda ng snacks namin.
Post-post pa kasi siya ng picture namin, ayan may umepal sa comment section niya. Siyempre bilang isang Gabriella, papayag ba akong magpa-api?
Replied @Sally_Bat: Best friends nga kami…premium nga lang ;)
Nagbibiro lang naman ako pero hayon sabog ang notification ko.