Kabanata 2

1162 Words
#TPSKKabanata2 Deuce OCTAVIA ‘V’ “H-hayop k-ka,” hinihingal kong saad at pakiramdam ko masusuka pa ako sa bilis at layo ng tinakbo namin. “B-bakit mo–hmmmp!” hinampas ko ang kamay niyang tinakpan ang bibig ko at mas isiniksik ako sa abandonadong bahay na pinasok namin. “Mga bata, anong hinahanap n’yo diyan? Private property ‘to.” “May hinahanap lang kami, Kuya. May nakita ba kayong pumasok diyan?” “Wala. Sige na, mukhang naghahanap pa yata kayo ng gulo. Umuwi na kayo o itatawag ko ‘to sa guard.” Hindi ko alam kung bakit nahigit ko rin ang hininga ko sa kaba na baka mahuli kami ng humahabol sa amin gayong hindi naman ako dapat kasali dito. Nage-emote lang naman ako doon sa clubhouse tapos napunta ako sa sitwasyong ‘to. Uubo-ubo kong nasapo ang dibdib ko at hindi na napigilan ang kamay kong hampasin ang lalaking pinakawalan na ang bibig ko at dumausdos ng upo sa kinaroroonan namin. “Papatayin mo ba ako?” Tiningala niya ako at swabeng hinubad ang cap na suot. Nagpunas siya ng damit niya gamit ang kwelyo ng t-shirt niya pero hindi naman siya nagmukhang madungis kahit pawisan na siya. Hinihingal at masakit ang paa na sumalampak din ako ng upo sa maruming lupa. “Sorry about that–” “Sorry? Sorry lang? Lintik kang lalaki ka, bakit mo ba kasi ako sinama na tumakbo? Ni hindi kita kilala,” banas kong saad at hinubad ang cap ko. Pabukaka akong naupo at init na init kong ginulo ang buhok ko at itinali ‘yon patuktok. Lagkit na lagkit na humawak ako sa kwelyo ng t-shirt ko at umaktong pinapaypay ‘yon sa akin. Nilingon ko siya at sinamaan siya ng tingin nang makitang nakangiting nakatitig siya sa akin. “I’m–” “Dos, ikaw na bata ka, ano na namang gulo ang pinasok mo?” sulpot no’ng lalaki na mukhang kausap kanina noong humahabol sa amin. Malaking mama na may mga tattoo sa braso. Kaya din siguro hindi na umubra iyong mga ‘yon kanina. “Kuya Paeng, thanks, I owe you this.” Pumalatak ang lalaki at mahinang tumawa bago nailing. “Sinong babae na naman ang niloko mo?” Tumawa ang katabi ko. “Wala akong niloko, Kuya. I’m offering them friendships, iba lang ang nagiging tingin nila.” “Babaero,” ismid ko at tumayo na nakaramdam ng pagkabwisit sa kanya. “Kuya, next time na magtago ‘yan dito, ‘wag n’yo nang itago. Deserve niyang mahampas, babaero eh,” saad ko at dire-diretso nang umalis. “Hey!” rinig kong pagtawag niya. Wala pang segundo ay naabutan niya na ako. “Babaero? Ako? Come on, don’t you think you’re being too judgemental when we just met?” aniyang hinarangan ako. “Tabi nga, nauuhaw ako.” Naglakad ako pero ang pasaway na lalaki ay naglakad paurong. Ngingisi-ngisi pa sa akin. “Come on, tomboy–” “Isa pang tomboy mo, ako mismo hahanap sa mga ‘yon at iitsa kita sa kanila.” Malakas siyang tumawa at animo close kami na tumabi sa akin at inakbayan pa ako. “You’re cute. Libre kita ng drinks and some snacks na din.” “Hindi na–” “How’s mcburger with triple cheese, nuggets, fries, cokefloat, and mcflurry sounds?” “Anong tingin mo sa akin? Hindi nga kita kilala tapos sasama ako sa ‘yo–” “I’m Deuce Orion. And you are?” “V,” tanggap ko sa kamay niya. Dumampi lang ‘yon sa palad ko dahil agad kong binitiwan. Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at naglakad na muli. Nilingon ko siya nang mapansin na hindi siya sumusunod sa akin. “Oh, akala ko ba ililibre mo ako?” “I thought hindi ka sasama kasi–” “Kilala na kita, nagpakilala ka na nga eh. Bilisan mo at uhaw na uhaw at gutom na ako.” Pagtitiyagaan ko na nga lang ang mokong na ‘to kesa sa umuwi ako. “Slow down, will you? Wala namang aagaw sa ‘yo.” Hindi ko pinansin si babaerong Deuce at kumagat pa rin sa burger ko. Hindi pa ako nakontento at sumubo ako ng fries. Naiiling na ngumiti na lang siya. Hindi ko naman nakikitaan ng pandidiri ang mukha niya. “Do you want my burger, too? I’m not that hungry. Mukhang ikaw gutom na gutom. Where do you live nga pala? Anong street?” Imbes na sagutin siya ay tinanggap ko na lang ang burger na inaalok niya. Masama daw ang tumanggi sa grasya. “Come on, talk to me. I’m interested in you.” Napatigil ako sa pagnguya sa sinabi niya at pinakatitigan siya nang may pagdududa. “Hey! Don’t look at me like that. May taste naman ako–I mean, I don’t mean to offend you, but you’re not my type.” “Atay.” “Huh? Atay?” “It’s a tie. Hindi din kita type, dude.” “Sinong type mo? Si Jillian o Juvy?” nang-aasar niyang tanong na akala mo close na talaga kami dahil kinukwestyon agad ang identidad ko, pero sabagay, hinusgahan ko na rin naman siya. Pero nang may maalala ay binato ko sa kanya ang pinagbalatan ng burger ko at uminom ng float. “Kaya ka inaabangan eh, Lilian nga daw hindi Jillian at hindi ‘yon Juvy, Mavy ‘yon, tangeks.” Umawang ang labi niya. “Tangeks?” “Tangeks, means shunga. Tanga ganern.” “Woah there, don’t you think you’re being too harsh, Vivian?” Nagsalubong ang kilay ko. “Vivian?” “Yah? V stands for Vivian right?” ngisi niya. “Octavia ‘yon, bwisit ka. At saka ako? Harsh? Baka sa ating dalawa, dapat mong sabihin ‘yon sa sarili mo? Ang harsh mo doon sa dalawang babae, pinagsabay mo!” napalakas ang boses ko at nakita kong napalingon sa amin ang ibang mga customer. “Hey, tone down your voice. Ayan ka na naman sa pagiging judgemental mo. Hindi ko sila pinagsabay, friends lang nga kami. Nag-assume lang sila–” “Kasi nagpakita ka ng motibo,” putol ko sa kanya at napapalatak. “Tigil-tigilan mo ang gawain mong ‘yan, sinasabi ko sa ‘yo, maniwala ka sa karma, dude. Hindi man instant ‘yon, darating at darating pa rin sa ‘yo ‘yon.” Parang sa ama ko. Ako ang karma niya. Tumayo ako pero dinampot ang fries na hindi pa ubos at maging ang burger na kalahati pa lang ang nababawas. “Salamat sa pagkain, see you never again.” “You’re leaving?” “Obvious ba? Ge. Hide well, baka inaabangan ka pa rin ng mga ‘yon. Pero pasapak ka na lang siguro ng isang beses para tapos na, deserve mo naman.” Tiningnan niya akong tila hindi makapaniwala. Nginisian ko lang siya at iniwanan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD