Kabanata 3

1411 Words
#TPSKKabanata3 New school OCTAVIA ‘V’ “Tigilan mo na kakamaktol diyan, saka pwede bang umayos ka nga ng upo mo, Octavia Blaire, parang hindi babae,” tapik niya sa hita ko. Iritable ko namang ibinaba ang palda kong ang ikli. Nakakairita. “Hindi naman talaga babae ‘yan, Kuya,” pang-aasar ni Kuya Oliver sa akin. Kung hindi lang kami napapagitnaan ni Kuya Owen baka nasapok ko na siya. Itinaas ko ang gitnang daliri ko at iminuwestra iyon sa Kuya ko dahilan para makatikim ako ng batok mula kay Kuya Owen. “Isa, V ah, umayos ka.” Napanguso na lang ako at nangalumbaba sa kamay ko bago ibinaling ang tingin sa labas. “Nay, ayoko talaga dito mag-aral, diyan na lang ako–” “Huwag nang matigas ang ulo mo, Octavia Blaire. Makinig ka diyan sa ama mo at mag-aral ng mabuti diyan.” Napabuntonghininga ako nang maalala ang pag-uusap namin ni Nanay. Kahit ganoon ang sinabi niya ay gusto ko pa rin siyang makausap ng personal. Pero mukhang nahulaan ng ama ko ang gagawin ko. Kinuha niya credit card na bigay niya sa akin at hindi niya rin ako binibigyan ng allowance na malaki kumpara noon. Hindi tuloy ako makapag-book ng flight papuntang CDO. “Hey, do you really despise living with us permanently? You should be thankful we accept you–” “Oliver Brandon,” nagbabanta ang boses na saway sa kanya ni Kuya Owen. Nakaramdam naman ako ng guilt. “Ayoko lang talagang lumipat ng school, Grade 10 na ko tapos pinag-transfer ako? Wala naman akong kilala sa school na ‘yon tapos for sure sila magkakakilala naman–” “Iyon lang naman pala ang problema mo eh, don’t worry, we’ll introduce you to Portia, she can be your friend,” ani Kuya na inakbayan ako. “Sino naman ‘yon?” “Kapatid no’ng kaklase ko na si Juan. Ikaw kasi napakatamad mong lumabas, hindi ka sumama doon sa party nila sa village.” “Kaninong birthday ba ‘yon?” Tumawa si Kuya Owen. “Birthday no’ng aso ni Por.” Napangiwi ako, hindi mapaniwalaan ang sinabi niya. “Seryoso ka ba?” “Kailan ba ako hindi nagseryoso?” “Palagi.” “Aba’t–” “Enough, you two. Para kayong aso’t pusa.” “Basta ako ang pusa, Kuya. Si V, ang aso, nangangagat ‘yan eh!” Ipinaikot ko na lang ang mga mata ko at hindi na pinatulan ang bwisit kong kapatid. “Don’t be nervous. I already chatted with Por about you. She said she’ll entertain you.” Ngumisi si Kuya Owen. “Goodluck sa magiging bagong friend mo, V.” Binelatan ko lang siya at tinalikuran na matapos humalik kay Kuya Owen at tuluyan nang pumasok sa bagong school ko ngayon. Pagpasok ko pa lang parang maliligaw na agad ako. “You know you should make sali the cheerleading team, too. You’re skinny and I’m sure madali lang for you na mag-split!” ani Portia Polaris na umabrisete pa sa akin at inalog-alog ang braso ko habang patungo kami sa cafeteria ng malaking school na ‘to. Ngayon, alam ko na kung para saan ang goodluck ni Kuya Owen kanina. Alam niyang madali akong mairita sa mga maiingay…at maingay nga ang babaeng ‘to. Pero mabait naman at mukhang kilalang-kilala dito sa school. Parang bawat madaanan namin ay kilala siya. Hindi naman na kataka-taka ‘yon, ang ganda-ganda niya at ang tangkad pa. Kung hindi ko nga lang siya kaklase, hindi ko siya mapagkakamalan na grade 10 kagaya ko. “Hi Porsh, did you see your Kuya Dos?” saad ng babaeng hinarang kami. “Ah nope, probably he’s busy whoring around na naman,” ani Portia at nilagpasan na iyong babaeng humarang sa amin na nakita ko pang nanlumo sa sagot niya. “Gosh, hindi ko talaga alam what’s wrong with those girls? Like alam naman nilang playboy ang Kuya ko, tapos pinapatulan pa rin nila? Then they’ll cry saying he cheated on them? I don’t mean to justify my Kuya’s action, naiinis din ako sa kanya but his reputation is so baddddd naman kasi so why–” “Maybe because they think na mapagbabago nila ang Kuya mo,” wala sa loob kong saad habang sumusubo ng spaghetti. Plus one na sa pagkain ang school na ‘to, iyon nga lang ang mahal ng bilihin. Kung gusto kong makaipon, kailangan magbaon ako ng pagkain. Nagpatuloy pa rin si Portia sa pagkukwento sa Kuya niya na red flag na red flag na para sa akin. Naalala ko tuloy iyong Deuce Orion na ‘yon. “Tom!” “Who are you calling Tom, Kuya Two?” “Her!” Nag-angat ako ng tingin mula sa pagsubo ng chicken sa nagsalita at natigilan nang makita ang lalaking nakatayo sa harap namin ni Portia. Hayop. So, siya ang tinutukoy ni Portia? “Why are you calling her Tom? She’s V!” Ngumisi ang lalaking wala sa ayos ang uniform, akala mo naman ikinaguwapo niya. Oo na, gwapo nga talaga, kaya hindi na nakakapagtaka na pinagtitinginan kami ngayon dahil sa kanya. Pakiramdam ko napakapanget ko ngayong nilalang dahil sa kanila ng kapatid niya. Parang nagliliwanag silang dalawa. Napataas ako ng kilay nang imbes na maupo siya sa tabi ni Portia ay sa tabi ko siya naupo. “Penge ah,” saad niya na binuksan na iyong chips na nilibre ni Portia para sa akin. “Wow, nagpaalam ka pa talaga?” “You guys know each other?” “Hindi.” “Yup!” “Ano ba talaga?” Sumimangot ako at inagaw iyong chip sa kamay ng babaerong ‘to. Kung makadakot akala mo sa kanya talaga eh! “Oh my!” Napatingin ako kay Portia na napatakip pa ng bibig niya at pinagpalit ang daliri sa harap namin ng Kuya niyang muling sinusubukan kumuha ng chips ko. “Don’t tell me isa ka sa mga ex-fling niya?” Napangiwi ako. “Asa! Hindi ko papatulan ang Kuya mo kahit siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo!” napalakas kong sabi at animo may dumaang anghel dahil natahimik ang buong cafeteria. Binasag iyon ng malakas na tawanan ng grupo ng mga kalalakihan na lumapit sa amin. “Mahina ka na pala, pre eh,” pang-aasar no’ng isang lalaki na naupo sa tabi ni Portia. Chinito, mukhang may lahi. “Shut up, Froi, and move away from my sister, you ass.” “What’s your name? You’re new here?” pagkausap naman sa akin ng lalaking kulay gray ang mga mata. Requirement ba sa school ditong maging maganda at gwapo? Hindi. Nakapasok ka nga eh. Bwisit. “V,” tipid kong sagot at walang kime na kumain na lang ulit kahit na kuhang-kuha ko ang atensyon nila. Gutom pa ako. At umiisip pa ako ng paraan kung paano magkakapera pamasahe para kahit weekends makauwi akong CDO– “Dude, she’s different. I’m betting my weekly allowance–no I’ll make it my monthly allowance kapag pumayag siyang makipagdate sa ‘yo–” “Come on, pahirapan mo naman. A relationship with her, challenge na din ‘to para sa ‘yo since hindi ka makatagal sa isang babae. A month with her, I’ll bet my monthly allowance, too.” “Count me in,” saad naman noong lalaki na nakasalamin. “Seriously, Duke? Talagang gumagaya ka pa diyan kay Froi at Bran, and you guys, talagang in front of V n’yo pa sasabihin ‘yan?” Pumalatak ako at walang hiya-hiya na sinipsip ang hinlalaki ko. Kita kong pati iyon tiningnan nila. Naghugas akong kamay naman, at masarap ang cheese. “Asa naman kayong patulan ko ‘yang kaibigan n’yo,” saad ko’t tumayo na. Dinig ko pa ang tunog ng pagngisi ni Deuce na katabi ko, iyong tipong nainsulto. “Gora na ko, Por–” “I’ll make you eat your words, woman.” Nginisian ko si Deuce. “Cute mo, parang bata.” Matapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya, may nabubuong plano sa utak ko. Magkano kaya ang monthly allowance ng mga englisherong ‘yon? Sa yaman nila, mababa na siguro ang sampung libo? O baka higit pa? Ito na ata iyong sinasabi sa horoscope ko ngayong araw. May sagot na sa problema ko. Here I come again, CDO. See you, Nanay. “F*ck, dude! You’re blushing!” “I’m f*cking not, Froilan! It’s just hot here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD