Kabanata 8

1684 Words
#TPSKKabanata8 Trip II OCTAVIA ‘V’ “Uy V!” Kinawayan ko si Aling Cedes ngunit hindi ko na siya hinintuan at sabik na naglakad nang mabilis patungo sa bahay namin ni Nanay. Hindi ko na pinansin ang bulungan ng iba pa naming mga kapitbahay. Baka gandang-ganda na naman sila sa akin. Natigilan ako nang makita ang lagayan ng tsinelas at sapatos sa labas ng bahay. May mga tsinelas doon na pambata at ibang pares pa, ng panlalake at pambabae. Kumunot ang noo ko, pero naisip kong baka may bisita lang si Nanay. Kaarawan niya din kasi ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto pero bago ‘yon ay kinuha ko ang maliit na box na kinaroroonan ng regalo ko para kay Nanay. Isa sa rason kung bakit kinailangan ko ng tulong ni Deuce para sa ticket ko. “Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” Napangiti pa ako dahil narinig ko ang masayang pagtawa ni Nanay. Mukhang malapit siya sa mga bisita niya. “Nanay, happy birthday!” “Happy birthday, mahal!” “Salamat sa inyo, mahal, pati mga baby ko.” Naglaho ang ngiti ko nang makita si Nanay na akbay-akbay ni Sir Nathan–iyong manager sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Nanay. Meron ding isang maliit na batang babae at kaedaran kong dalaga. Magkakayakap sila at kitang-kita ko ang saya nila. “V? A-anong ginagawa mo rito?” Isa-isang naglaho ang ngiti sa mga labi nila nang mapansin ang presensya ko. Humigpit ang hawak ko sa kahon na dala-dala ko. “D-dumadalaw, Nay? Happy birthday po,” saad ko at iginala ang tingin sa tatlong tao na kasama niya. Doon ko na napansin ang mga nadagdag na gamit sa sala. Bag na pambata, mga nagkalat na libro na hindi naman sa akin. Tumikhim si Nanay. “Kumain na muna kayo, Nathan. Mag-uusap lang kami sa taas ni V.” “Sige, mahal. Bilisan n’yo at masayang kumain kung sabay-sabay tayong pamilya.” Ngumiti lang si Nanay at lumapit sa akin. May higpit ang kamay na dumako sa braso ko at hinila ako paalis sa komedor. “Sino siya, Tatay?” “Anak ni Nanay, Cha.” “Huh? May anak si Nanay? Akala ko tayo lang baby niya?” “Cha, kain na. Huwag na puro tanong.” “Nagpaalam ka ba sa daddy mo, Octavia?” Hindi ako sumagot at iginala lang ang paningin sa kwarto kong iba na rin ang ayos. May mga box na nakasalansan sa gilid na mukhang mga gamit ko pa. “N-nay, sino sila?” Natigilan siya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Hindi ka nagpaalam ano? Kasi kung nagsabi ka, tiyak na magbibilin iyong ama mo–” “Nay…” “--Pero tama na din na umuwi ka dito, may mga gamit ka pa at hindi ko na napadala. Ang mahal-mahal ng bayad eh iyong tatay mo naman hindi nagbibigay ng shipping fee–” “Nay! S-sagutin n’yo ang tanong ko.” “Kilala mo na ang Tito Nathan mo. Iyong dalawa si Charlene at Charmaine, mga anak niya,” pagharap niya sa akin. Malamig ang tingin, hindi gaya sa kung paano niya tiningnan ang mga batang ‘yon kanina. “Anong g-ginagawa nila dito?” Tumikhim siya at pinagkrus ang braso sa dibdib niya. “Dito na sila nakatira. Nagsasama na kami ng Tito Nathan mo, at nagbabalak kaming magpakasal sa katapusan ng taon–” “K-kaya n’yo ako pinamigay na kay daddy?” Natigilan siya pero kapagdaka ay sinamaan ako ng tingin. “Diyos ko, kung magsalita ka parang hindi ka pa nasiyahan sa ginawa ko? Napakamamahalin ng school mo ngayon, iyong kwarto mo walang-wala sa kwarto mo dito, de-aircon ka pa, de-kotse ka na rin at hindi ka nagtitiyaga na maglakad. Tama na ang pagda-drama mo diyan, ipagbababa mo na ‘yang mga gamit mo, hindi ka naman siguro magtatagal dito hindi ba? Masikip ang bahay–” “Nay, dito ko gusto. D-dito kasama ka, pero naiintindihan ko na…” tumango-tango ako at yumuko bago marahas na pinunasan ang mga luha ko. “Tanggap ko na! Ayaw mo sa akin na mas pipiliin mong magpalaki at mahalin ang anak ng iba kesa sa akin!” Napapikit ako nang maramdaman ang hapdi sa pisngi ko sa sampal na natanggap ko kay Nanay. Pero hindi naman napantayan ng sakit na ‘yon ang hapdi sa puso ko. “Lintik ka! Akala mo ba madali sa akin ang lahat ng ‘to? Ang alagaan ka? Ang s-subukang mahalin ka? Hindi! Dahil ikaw ang nagpapaalala sa akin ng katangahan ko! Kung alam ko lang na hindi ko din naman pala makukuha ang tatay mo, sana nakinig na lang ako sa Lolo mo at pinalaglag ka na lang! Sawang-sawa na ako sa ‘yo kaya kita itinaboy sa tatay mo, naiintindihan mo? Suko na akong mahalin ka–” “--tama na nay, tama na please–” “Hindi ko kayang mahalin ka kasi isa ka rin sa magpapaalala sa akin kung paano akong naging masamang anak sa magulang ko, na namatay ang Lola mo dahil sa sama ng loob sa akin! Dahil pinili kitang buhayin, naiwan akong mag-isa! Iniwan ako ng lahat, kaya ngayon, ibigay mo na ‘to sa akin, Octavia, lumayas ka na sa buhay ko at ‘wag nang magpapakita pa. Hayaan mo na akong maging masaya. Ayoko sa ‘yo, h-hindi kita mahal–” “Oo na! Hindi na! Kung a-ayaw mo sa akin, ayoko na rin sa ‘yo! H-hinding-hindi na rin kita mamahalin! Simula ngayon, wala na kong Nanay at wala na rin kayong anak!” sigaw ko at malakas na binato ang huling regalo ko para sa kanya. “V!” malakas na sigaw ni Nanay na animo umiiyak pero malamang masasakit na salita lang ang gusto niyang ipahabol sa akin kaya hindi ko ‘yon pinansin pa at halos malaglag sa hagdan sa kakamadali kong makababa. Napatigil ako sa paghakbang nang harangin ako ni Sir Nathan. Tila may nais sabihin pero nag-aalangan. “Octavia–” Nilagpasan ko siya at umiiyak na nilisan ang bahay ni Nanay, ipinapangako sa sariling ito na ang huling beses na tatapak ako sa lugar na ‘to. Sinisinok ako nang makababa ako sa tricycle. Mabuti na lang naalala kong may kasama pa pala ako nang tanungin ako ng driver kung saan ang punta ko. Pero sa lugar kung saan ko pinag-iwanan si Dos ay wala siya ro’n. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at basta na lang ipinunas ang mukha ko sa laylayan ng hoodie ko. Inis na sumalampak ako ng upo. “K-kapag wala ka pa dito ng isang m-minuto! Bahala ka na!” inis kong saad at patuloy na pinupunasan ang pisngi ko habang walang tigil ako sa pagsinok. Hanggang sa may naglahad ng bottled water sa harap ko. “Isang minuto lang palugit mo sa akin? Grabe ka naman, pre.” Nang hindi ko tanggapin ang bottled water ay binuksan niya ‘yon at nilagay sa bibig ko. “Drink, then let’s find a place to take a rest. May festival daw doon sa university malapit dito, at may band daw. Let’s go there later,” saad niya nang nakangiti ni hindi man lang inuusisa kung bakit ako parang batang umiiyak dito. “Gusto mong orange ball? Merong masarap doon. I ate a lot, and Kuya’s sauce is so good–” “Tama na explanation, b-bilhan mo na ako.” Ginulo niya ang buhok ko at tumatawa pang iniwan ako. Pinanood ko si Dos na naglakad palayo. Head-turner talaga ang mokong. Ilang saglit pa ay nakabalik na siya at bukod sa kwek-kwek ay may baso pa siyang isa na laman ay kikiam at fishball. Aabutin ko na sana iyon nang iiwas niya. “Pili ka lang sa dalawa, akin ang isa dito.” “Gusto ko pareho!” “Huwag kang sugapa. Isa lang.” “Fine, iyong kwek-kwek na lang.” Inabot niya sa akin iyong kwek-kwek pero pagkasubo ko ng isa ay nilagyan niya ng kikiam at fishball iyong baso ko. “Ayan na, baka mas umiyak ka pa.” “Mang-asar ka pa!” saad ko pero kinain din ang binigay niya, hindi mapigilang mapangiti. If this is Deuce Orion’s way of comforting me, he’s doing a good job on it. Kasi gumaan ang mabigat kong damdamin. Unti-unting nawala ang sakit. Napapiksi ako nang maramdaman ang malamig na bagay sa pisngi ko. “Ayos lang ‘yan–” “This place is nice, but you shouldn’t come here anymore if it will only hurt you, Octavia Blaire.” “Hindi na talaga. Last na ‘to.” “Do you want to go home now? I’ll buy us new tickets.” “Alam kong rich ka talaga pero hindi ko aaksayahin ‘yong nagastos mo na, saka tutal huling tapak ko na sa lugar na ‘to, i-tour na kita. Itu-tour ko na din ang sarili ko bilang pamamaalam dahil wala na akong babalikan sa lugar na ‘to, Dos. Wala na…” malungkot kong saad at inagaw na ang bote na inilalagay niya sa pisngi ko. Kahit naman kasi mawala ang pamamaga at hapdi ng pisngi ko. Hindi mawawala ang sakit sa puso ko. Mananatili na yata ang sakit na ‘to kahit lumipas pa ang panahon. “Damn it, V! You told me this is not scary! F*ck! I’m going to crash and die, Octavia Blaire!” Nangingibabaw ang malakas na sigaw ni Deuce Orion habang nakasakay sa Razorback. Nasa unahan siya at nasa likod niya akong tawang-tawa dahil napapatili pa siya. “Don’t you dare stop or else I’m going to crash on you, playboy!” “You tomboy! I hate you!” “Oh, you love me for giving you this adventure, Dos!” Salamat kay Deuce Orion–mukhang hindi magiging isang masamang alaala ang magiging baon ko sa paglisan sa lugar na kinalakhan ko. Now, I’m officially declaring Deuce Orion as my best friend. I’ll keep this playboy as my dear friend for life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD