Kabanata 9

2122 Words
#TPSKKabanata9 Eighteen OCTAVIA ‘V’ Sino ba talagang pinaka-nasasaktan sa paglisan ng isang tao? Iyong nang-iwan o iyong naiwanan? Sino kaya ang mas may bitbit na bigat—ang tumalikod at iniwan ang lahat o ang naiwan na walang magawa kundi panoorin ang paglayo ng taong mahalaga sa kanya? Ano nga ba ang mas madali sa dalawa? Ang magdesisyon na mang-iwan? O ang maiwan, na pasan ang bigat ng bawat pangakong di natupad? O meron nga bang mas madali sa dalawa? Marahil, pareho silang masakit, magkaibang uri ng sakit na parehong mahirap takasan. Ang isa'y dala ang kirot ng pag-alis, ang isa'y pasan ang kirot ng taong iniwan at inabandona. Pero iyong pinakasakit? Siyempre, iyong naiwanan! Ayon ang mas nasasaktan, ayon ang mas nahihirapan. Danas na danas ko hindi ba? Kasi ako palagi ang iniiwanan. Ako palagi ang inaabandona– “I knew it, you’ll be here. Tito and your Kuya’s have been looking for you lalo na ang mamita mo.Tinakasan mo ang mga bisita mo para mamapak ng hawhaw dito sa labas at talagang nagtatago ka pa sa dilim?” Sinamaan ko ng tingin si Dos dahil istorbo siya sa pagse-senti ko. Parang noong unang beses kong makilala ang lalaking ‘to, isa din siyang malaking istorbo sa pagda-drama ko no’n eh. “Pake mo ba, tinapos ko naman iyong corny na program ah. Iyong 18 bills lang nagpasaya sa akin, napagod pa ako sa 18 dance na ‘yon, sakit-sakit ng paa ko—hoy manyak!” hampas ko sa kamay niya nang tumabi siya sa akin at itaas ang gown ko na kumikinang ang pagkapurple. “Where’s your heels? Nagpaa ka lang? Paano kung makatapak ka ng bubog?” Umismid ako. “Ang sakit niya na sa paa, iniwan ko sa loob.” “I knew it.” “Dos naman eh!” ungot ko nang hilahin niya ang paa ko. “Istorbo ka, pumasok ka na nga—“ Napatigil ako sa pagsasalita nang pagpagin niya ang paa ko at suotan ako ng crocs. Umismid ako. “Alam na alam ah?” “Dos, masakit! Kapag ako nabobo kakapitik mo sa noo ko ah.” “Hindi pa ba?” “Lumayas ka na nga sa harap ko, hindi ako natutuwa sa ‘yo.” Malakas siyang tumawa at inakbayan ako. “Biro lang, V. You’re being so grumpy with me ever since yesterday. You’re mad I’m leaving?” Pumiksi ako sa pagkaka-akbay niya pero hindi niya hinayaang mawala ang braso niya sa balikat ko. “You don’t want me to leave?” “Siraulo nito. Pumayag-payag ka na kay Dean tas gaganyan-ganyan ka. May pa-tarpaulin pa sa ‘yo sa school bilang isa sa exchange student sa prestigious university sa massa-chu-chu…ah basta ‘yon!” inis kong saad dahil nabubulol ako doon sa massac—basta! “I told Dean, pag-iisipan ko, but it seems like he didn’t quite understand it kaya ina-nnounce niyang pumayag ako. Nagtatampo ka kasi tingin mo hindi ko sinabi sa ‘yo?” Tinampal ko ang kamay niyang pinagti-tripan na naman ang pisngi ko. “Sayang opportunity, kahit na mayaman ka at kayang-kaya mong mag-aral doon kung gugustuhin mo, aba, kung ako ‘yon siyempre grab the opportunity.” “So, kung ikaw ‘yon, iiwanan mo ako?” Napalunok ako at binalingan siya. Pinisil ko ang kinaiinisan kong ilong niya. Mas matangos pa kasi sa akin. “Aba siyempre! That’s life naman, it’s either mang-iiwan ka o maiiwan ka. Sa kaso ko nga lang, sanay na akong lagi ang naiiwan.” “At hindi ka pa nagtatampo ng lagay na ‘yan?” “Hindi nga! Ito kung makaarte, kaya TH sila sa atin eh, dahil diyan sa paggaganyan mo, Deuce Oreo.” “TH?” “Tamang hinala! Ikaw, hindi pa rin nag-i-improve ‘yang bokabularyo mo ah. Malapit na kitang i-FO.” “FO?” Napabuntonghininga ako. “Friendship over!” Ngumuso siya at inismiran ako. “You can’t do that. You love me.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Wala akong natatandaan na nagpa-army cut na ako. Baka ikaw ‘yon.” Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “That was for a play, Octavia Blaire!” Malakas akong tumawa dahil ayon na naman ang nahihintakutan niyang itsura. Noong nakaraang taon kasi ay nagsuot siya ng damit pambabae para sa isang play. Tinago-tago pa kasi ng mokong kaya naman halos atakehin ako sa puso nang i-ambush ko siya sa college department at makita ang ayos niya. Todo paliwanag agad ang playboy, takot na takot na akalain kong na-inlove na siya sa akin. Alam ko namang malabo ‘yon. Higit tatlong taon na kaming magkaibigan. Malalim na ang pinagsamahan naming dalawa at alam kong pareho naming gusto na tumagal ang pagkakaibigang ito. Pwede ko siyang mahalin at pwede niya rin akong mahalin…bilang isang kaibigan. “Oo na, binibiro ka lang eh.” “So, we’re good? I’ll still have a few months here in the Philippines, and since you’re eighteen now, ipagpapaalam kita kay Tito, let’s go to Siargao with the barkada.” “Ayoko, wala akong pera—“ “Hey, higit sa eighteen bills ang na-receive mo! My dad and mom gave you twenty bills.” “May pinag-iipunan ako.” Umismid siya. “Don’t tell me, that big bike again? Tito won’t allow you—“ “Tigilan mo na nga ako Deuce Orion, lumayas ka na ulit sa tabi ko.” Tumawa siya. “Sige na, let’s plan this summer trip then after that, baka tulungan pa kitang i-convince si Tito sa big bike na minimithi mo.” Namilog ang mga mata ko at hinarap siya. Hindi ko alam kung anong pinakain niya sa ama ko at tiwalang-tiwala sa kanya ang Daddy ko kaya kung susuportahan niya ako sa big bike na gusto ko, baka mapapayag ko ang daddy ko ro’n. Mas gusto ko no’n kesa sa regalo niyang kotse sa akin ngayong eighteenth birthday ko. “Gagawin mo ‘yon?” “Basta magpapakabait ka—“ “Mabait ako!” “Ah kaya ka tumakas sa party mo at nandito?” Napangiwi ako. “Nakakapagod at nakakabagot kasi eh.” “O talagang nagtatampo at nagmamaktol ka dahil aalis na ang bestfriend mo at wala ng manlilibre sa ‘yo?” “Hindi nga, tampo-tampo ka diyan. Higit tatlong taon ka ng parang koala sa buhay ko, tama lang ang dalawang taon na mawala ka muna sa paningin ko—Deuce!” singhap ko ng i-headlock ako ng mokong. Akala mo napakaliit ng braso niya. Pinaghahampas ko tuloy siya para lang bitiwan niya ako. “Siraulo ka, birthday na birthday ko nananakit ka diyan!” “Aminin mo na kasing kaya wala ka sa mood dahil sa akin—“ “Wala si Sean, kaya wala ako sa mood.” Natigilan siya at tinitigan ako bago nag-iwas ng tingin. “You know Sean, he doesn’t really like party—“ “Blaire…” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. Agad akong tumayo at nakita si Sean na pormadong-pormado sa long-sleeve na blue polo niya. “Uy Seanoooo! Sabi ko na hindi mo ako matitiis eh.” Lumapit ako sa kanya at malawak ang pagkakangiti ko. Narinig ko pa nga ang pag-ismid ng bestfriend ko. “Tara, pasok na tayo sa loob. Papakilala kita sa daddy at mga Kuya ko. Buti naman nakapunta ka dito sa birthday ko.” “Hindi na nga dapat, nahihiya ako eh—“ “Sus, ‘wag ka nang mahiya. Dapat nga sinama mo kapatid mo.” Ngumiti si Sean at parang nagliwanag ang paligid ko. Nilingon ko si Dos na umaktong nasusuka. Nginitian ko lang nang matamis ang best friend ko bago muling binalingan si Sean at hinila siya papasok ng bahay. Si Sean Andrei ang nagpatunay kay Dos na pusong babae pa rin ako dahil crush ko ang kaibigan niya na siyempre kaibigan ko na rin. Pinakilala ko si Sean kina Daddy, abot-abot na tukso naman ang napala ko sa mga Kuya ko. Hinila ko na tuloy si Sean papunta sa mesa namin nila Dos. Mahirap na baka mawala ang rayuma ni mamita at biglang magpakita. “Legal age na si V, ligawan mo na, Sean. Pwedeng-pwede na, tamang-tama wala ng babakod, aalis na ang best friend niya,” ani Froilan na pinandilatan ko ng mga mata. Walangyang ‘to. “Tigilan n’yo nga kami ni Sean—“ “Tigilan n’yo nga sila V at Sean—“ Nagkatinginan kami ni Dos at umani ng asaran naman ngayon sa amin. Natahimik lang sila noong lumapit sa amin iyong anak ng kaibigan ng parents namin ni Dos na si Shy. May ibinulong sa malandi kong best friend na mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo. Kailangan ko na bang magpatawag ng maid para masigurong naka-lock lahat ng guest room? Baka kasi gumawa pa ng milagro ang walangya kong kaibigan. “Ahm, Blaire, pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?” bulong sa akin ni Sean habang abala ang mga kaibigan naming gawing tubig ang alak. Kumabog naman ang puso ko. Ito na kaya ang hinihintay kong moment? Magkakaroon na ba ako ng manliligaw? Pero dahil crush ko naman si Sean. Boyfriend na siguro agad. Sakto para sa eighteenth birthday ko. “Gusto mong pumunta doon sa greenhouse namin?” Ngumiti siya at tumango. Inulan na naman kami ng tuksuhan ng mga siraulo naming mga kaibigan. Kita ko ring hinahabol kami ng tingin nila daddy at ng mga Kuya ko. “Ang ganda dito ano? Paborito kong lugar ‘to dito sa bahay, tumutulong din ako madalas kina Tita Maribel at sa hardinero namin na si Kuya Toy na mag-ayos dito. Green thumb ako alam mo ba ‘yon? Hindi greenminded ah, si Dos ‘yon.” Tumawa siya at napailing. Huminto kami sa mga pot ng orchids. Kumikinang ang paligid sa string lights na mas nagbigay ng romantic ambiance sa aming dalawa. “Blaire…” “Y-yes?” Lumunok siya. “Matagal na rin tayong magkaibigan, at inaasar tayo nila Froilan. S-sabi nila crush mo daw ako?” Napakamot ako sa batok. “A-ano, alam mo ‘yong mga ‘yon, maloko talaga.” “So, hindi?” namilog ang mga mata niya at sa una’y iisipin kong malulungkot siya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. “A-ah, hindi?” Tila nakahinga nang maluwag na tumango-tango siya. “Sabi na eh. Imposible namang magkagusto ka sa akin.” Tumatabingi na nga ang ngiti ko at dinaan ko na lang iyon sa pilit na pagtawa. “Bakit naman imposible?” “Eh siyempre ang layo-layo natin sa isa’t-isa. Pero buti na lang talaga hindi, kasi alam mo, Blaire. Kaibigan kita at ayokong masaktan ka pero…hindi kasi kita gusto kung sakaling gusto mo ako. A-ang totoo may iba akong gusto.” Napalunok ako at nakaramdam ng kirot sa puso ko. Tanginang first crush ‘to. Epic. “Ah ganoon ba? Sino naman ‘yang gusto mo? Kasama ba sa circle natin?” Kita ko ang pagpula ng pisngi ni Sean at parang ang sarap biglang ihampas sa kanya iyong orchids sa harap ko. “Pwede bang…magsabi ako sa ‘yo ng sekreto?” Sige na. Lubusin mo na, Sean Andrei. “Oo, naman. Your secret is safe with me.” “Si Dos…” Kumunot ang noo ko. “Anong meron kay Dos?” Yumuko siya at nang makita ko ang pagkagat niya pa ng labi at ang mas pamumula ng pisngi na umabot na sa tenga niya. Gusto kong umatungal ng iyak at hampasin ng dos por dos si Deuce Orion. On my eighteenth birthday, I experienced my first heartbreak courtesy of my playboy best friend. “Ouch, V! Lasing ka ba? Bakit ba kanina ka pa nananakit?!” “Mang-aagaw kang malandi kaaaaaa!” “Ano bang inagaw ko? Ba’t ka…umiiyak?” Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko. “Sinong nagpaiyak sa best friend ko, sasapakin ko.” “I-ikaw, kaya sapakin mo na sarili mo.” Napabuntonghininga siya at hinila ako para yakapin. “Ikaw na babae ka, umayos ka pag-alis ko. Ako lang nakakatiis sa ‘yo kaya ‘wag mo ‘tong subukang gawin sa iba…” Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. “Huwag…” Huwag ka nang umalis…huwag mo akong iwan. “Huwag?” “H-huwag ka nga! Kung magsalita ka parang ang sama ng ugali ko.” “Hindi ba?” Pumiksi siya nang kurutin ko ang mamasel niyang braso. Muling bumuhos ang luha ko. “You, kid, how am I supposed to leave with you being like this?” Then, could you please not leave...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD