Kabanata 10

1518 Words
#TPSKKabanata10 First Kiss “V, it’s night.” “Oh, tapos? Ano naman?” saad ko kay Grant at binuksan ang pinto ng front seat ng kotse niya. Napapakamot sa buhok na umiling lang siya at kinuha ang backpack ko para ilagay sa backseat. “Gabing-gabi pero naka-shades ka?” puna niya sa akin nang makasakay na siya sa driver’s seat. Nag-indian seat ako matapos maikabit ang seatbelt ko. “Bakit? May batas bang bawal mag-shades kapag gabi na, Grant Voltaire?” Mahina siyang tumawa at pinaandar na ang kotse niya. “Did you cry?” “Hindi ah!” todo pagtanggi ko at sinamaan pa siya ng tingin na siyempre hindi niya naman nakita dahil sa suot kong shades. “Ba’t kasi hindi ka pa sumabay kanina kina Froilan? Mas mahaba sana ang moment n’yo ng bestfriend mo.” “Hindi ko kailangan ng mahabang moment kasama ang lalaking ‘yon, nakalimutan ko lang kunin iyong ina-arbor kong ipod niya kaya naisipan kong sumama sa ‘yo.” “You could have just ask me to go get it–” “Tumahimik ka na! Oo na, nyemas ka, Grant. Oo! Umiyak ako mula kaninang umaga dahil iiwanan na ako ng bwisit na Deuce Oreo na ‘yon. Hindi ko kailangan iyong ipod niya, hello, pwede kong ipabili sa tatay ko ‘yon, p-pero gusto ko lang magpaalam ng maayos. Nag-iinarte kasi ko kanina noong pumunta siya!” Inabot ko ang tissue sa dashboard ng kotse ni Grant. “You know what, mabilis lang naman ang two years, and you can visit him, siya rin naman bibisita–” “Kung makapagsalita ka, parang bente lang ang pamasahe mula dito sa Pilipinas hanggang sa US!” singhal ko ulit sa kanya at muling nagpatuloy sa pag-atungal. Nakakainis ang bilis ng panahon. Parang noong isang linggo lang, enjoy na enjoy pa ako sa summer getaway namin sa Siargao kasama si Deuce tapos ngayon, aalis na siya! Iiwanan niya na kami. Nakakainis. Nakakaiyak. “My cousin is rich enough na kahit buwan-buwan ka pang pumunta ro’n sasagutin niya ang pamasahe mo.” Inismiran ko lang si Grant. “Tumahimik ka na lang diyan, at hayaan mo na lang akong mag-drama rito pero ‘wag na ‘wag kang magsasabi sa pinsan mo. Mas lalong lalaki ang ulo no’n.” Mahina na lang muling tumawa si Grant. Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Sikat sa school bilang seryoso raw masyado sa pag-aaral kabaliktaran ng pinsan niya. Seryoso? Parang walang ginawa naman ang lalaking ‘to, kung hindi tawanan ako. Sila nila Deuce at ng lahi nila–maliban kay Kuya Juan. Parang mabibilang nga lang sa daliri na nakita kong ngumiti ‘yon. Iyon ang tunay na seryoso. Nagising ako sa marahang tapik sa balikat ko. “Nandito na tayo?” paos ang boses kong saad at inangat na ang suot kong shades sa ulo bago bumaling ng tingin sa labas. “Hindi pa, pero malapit na. Nag-drive thru ako, I bought you some fries and sundae. I heard from Dos that it’s your comfort food.” Tinanggap ko ‘yon at sinimulang kainin. “Napakachismoso ng lalaking ‘yon, pati ‘to nakukwento pa.” “Sa ‘yo lang naman nagiging chismoso ‘yon,” saad niya at muling nagsimulang magmaneho na. Habang ako’y naiiyak na naman! Imbes na ma-comfort ako, naalala ko kung ilang sundae at fries na ang inilibre sa akin ng mokong na ‘yon. Ang hirap lang isipin na dalawang taon kong hindi mararanasan ang libre niya. Na-imagine ko ang nakasimangot na mukha ni Dos kung nabasa niya ‘yon sa isipan ko. Tuloy pagdating ng airport, mas lalong namaga ang mga mata ko. “They’re in Kenny, having some late-snack. Let’s go there,” ani Grant na tinanguan ko lang naman. Pumasok na kami sa loob ng airport at tinungo ang kinaroroonan ng bestfriend ko kasama ang mga kaibigan at pamilya niya. Hindi na sila kailangang hanapin pa, agaw-atensyon agad. Hindi lang dahil sa mga hitsura nila kung hindi dahil sa ingay. Mga taong ‘to, wala talagang pinipiling lugar. “OMG, V!” sigaw ni Portia na pinagtinginan din. Sunod sa amin ni Grant. Nagkagulo sila at kinailangan pa silang sawayin nila Tita para lang mga magsitigil. “Sabi na eh, hindi ka matitiis niyan, pre,” ani Froilan na nangingibabaw ang boses, hindi talaga nagpaawat. Tumayo si Dos sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Ngumiti siya sa akin. “What’s with the shades?” “May kuliti ako.” Tumawa siya. “Sinong sinisilipan mo na naman?” Hinampas ko siya sa braso na iniiwas niya naman bago ako inakbayan. “May mcdo rito, let’s grab some sundae and fries? I still have more than an hour before my boarding.” “Ge, libre mo ah. Wala akong perang dala, sumabit nga lang ako sa pinsan mo,” saad ko hindi tumanggi kahit na kakakain ko lang no’n kanina. “Palagi naman,” saad niya at hinarap sila Tita para magpaalam. Hinabol na naman tuloy kami ng tukso ng mga kaibigan namin. “May pagsosolo pa nga!” “Come on, you two, just admit something’s going on between the two of you.” Hindi na namin sila pinansin ni Deuce at tuluyan nang lumabas para pumunta sa destinasyon namin. “Akala ko, busy ka kaya ayaw mo nang sumama na maghatid sa akin?” pag-akbay niya sa akin. Tumikhim ako. “Oo nga, pero nakalimutan mong ibigay sa akin iyong ipod mo.” Mahina siyang tumawa. “I left it at home, V. Ibinilin ko kay Portia na ibigay sa ‘yo.” “A-ah talaga ba? Ba’t hindi mo agad sinabi–” “Dos…” mahina kong pagtawag sa kanya nang huminto siya sa paglalakad at yakapin ako. “U-uy, nasa daan tayo.” Tumawa siya pero walang saya sa pagtawa niyang ‘yon. Hinila niya na ako hanggang sa makarating kami sa mcdo. Iniwan niya ako para um-order at nanatili akong nakatulala sa kinauupuan ko tila nararamdaman pa rin ang higpit ng yakap niya sa akin kanina. Saglit lang naman ay dumating na siya dala-dala ang isang tray. “Akala ko fries at sundae lang? Ba’t may pa-big mac ka?” Hindi siya sumagot at nagsawsaw lang ng fries sa sundae, bagay na itinuro ko sa kanya at nakahiligan niya na rin. “I’ll be back next summer, V. But if you ever encounter a problem or you need me, call me, okay?” biglang sabi niya matapos ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa, tila parehong may malalim na iniisip. Umismid ako. “Bakit? Lilipad ka pabalik?” “Yeah, I will.” Nilingon ko siya at mahinang sinapak sa braso. “Feeling superman, yarn?” “I’m more handsome than superman.” “Yabang mo talaga! Pero…” Nagtaas siya ng kilay at nagpapa-cute na nangalumbaba sa harap ko. “Pero?” aniya at bago ko pa mapigilan ay naiangat na niya ang shades na suot ko. Ni wala akong nakita na gulat sa mga mata niya sa hitsura ko. Malamang, kilala niya na ako. “Mamimiss mo?” pagpapatuloy niya, nanunukso. “Bwisit–pero oo na! Mami-miss kitang babaero ka, ilang babae na naman ang lalandiin mo don? Utang na loob mag-condom ka at baka magkalat ka pa ng lahi mo ro’n–hmmp!” Tinampal ko ang kamay niyang tinakpan ang bibig ko. “You and your unfiltered mouth, Octavia Blaire…” Binitiwan niya rin ako at hinila para yakapin. “I’ll miss you, too, V.” Hindi ko na rin naubos ang mga in-order ni Dos para sa akin, pinabalot niya na lang ‘yon. Nandito na kami sa departure area at tinatawag na ang flight ni Dos. Nakapagpaalam na ang lahat sa kanya maliban sa akin. Hindi gaya kanina, hindi na nila kami mga inasar pa at mga lumayo pa na para bang binibigyan kami ng solong oras na dalawa. “Alagaan mo sarili mo ro’n, may pagkashunga ka pa naman–” Pinitik niya ang noo ko na ikinasimangot. “Isn't it the other way around? Huwag kang pasaway okay o sasabihin ko kay Tito na ‘wag kang payagan sa big bike na gusto mo.” Itinaas ko ang kanang kamay ko. “Hindi ako magpapasaway uy!” Natawa siya at gaya ng nakaugalian niya, ginulo niya ang buhok ko. “T-tinatawag ka na, baka ma-late ka pa sige na,” garalgal ang boses kong saad. “Won’t you give me a kiss?” pagbibiro niya pero may lungkot ang mga mata at ngiti. “Kidding, I have to go, V. See you, best.” Tatalikod na sana siya nang hawakan ko ang braso niya at tumingkayad ako para sana halikan siya sa pisngi pero sa pagpaling niya’y ang labi namin ang nagdikit. Agad naman akong lumayo na parang napapaso. Gaya ko’y gulat din ang nasa mga mata niya. “B-ba-bye,” tanging nasabi ko na lang at tinalikuran siya. On the night of Deuce Orion’s flight to US, I had my first kiss…with him. Tang*na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD