Kabanata 17

1276 Words
#TPSKKabanata17 You’ll be safe here OCTAVIA ‘V’ “Awww, sayang naman. I thought finally you and Kuya–” “Shut up, Portia Polaris,” simangot kong putol kay Portia at hinila ang buhok ko sa kanya na ini-inspeksyon niya. “Mygosh, you badly need a haircut na, V! Nasunog iyong ibaba ng hair mo! I’m telling you, this is really a dangerous job for you!” pag-iiba niya ng usapan at mukhang nakuha naman sa sama ng tingin ko sa kanya. Sinulyapan ko naman si Grant na kausap si Dos na parang batang binelatan ako! Parang nakalimutan niya yatang nagtatampo pa ako sa kanya. Pasalamat siya masasarap ‘tong mga pagkain na dala niya. “Pero what if, V, that woman really has a talent in reading. What if before this year ends you’ll get pregnant na–” “At anong tingin mo diyan sa babaeng ‘yan, si Mama Mary? How could she get pregnant if she’s now single.” Pinaikot naman ni Portia ang mga mata niya sa pang-eepal ni Dos sa pag-uusap namin. “Duh. There’s a lot of women out there naman na nabubuntis without a partner–I mean boyfriend, ever heard of a one night stand, Kuya? Remember my movie last year, I got pregnant because of a one night stand affair, and it’s so bumenta kasi–” “Don’t give this woman a lame idea, Portia Polaris,” masamang tingin at putol ni Dos kay Portia habang ako naman ay napapahimas sa baba ko. “Don’t even think about doing that, Octavia Blaire!” “Aray! Lintik ka, D!” sigaw ko nang pingutin niya ang ilong ko. “Hey, she’s still a patient. Stop hurting her, Deuce,” pagtatanggol sa akin ni Grant kaya naman niyakap ko siya sa bewang. “Tama ‘yan, Doc. Pagalitan mo ‘yan, nananakit, akala mo bati na kami.” “Mygosh, the two of you, para pa rin kayong mga teenagers.” Deuce glared at us. “Masyado kayong madikit, maghiwalay nga kayo.” Pero ginaya ko ang ginawa niya kanina at binelatan siya’t mas niyakap pa si Grant na tumawa. “At si Kuya, possessive pa din sa bestfriend niya.” Nasa ganoon kaming tagpo nang mag-ingay ang cellphone ko na na-charge ko na. Mabuti na lang at hindi nasira, wala akong budget para bumili ng bago. Dahil malapit doon si Portia ay siya na ang kumuha no’n. Tatawa-tawa pa siya pero nang makita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya’y tila nagkaroon na ako ng hula kung sino ang tumatawag. “It’s your Dad, V.” Humiwalay ako kay Grant at humawak sa ulo ko bago nahiga. “Pagod na pala ako at mukhang kailangan ko pa magpahinga. Decline mo na lang, Por.” “V…” Tumingin ako kay Dos at inilingan siya. “Not now, D.” Saktong pagsabi ko no’n ay tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot at hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko kung sino nang tumawag sa kanya. “Hello, Tito, yes po, I’m here with her…” sumulyap sa akin si Dos bago naglakad palabas ng kwarto ko. “Sige na, V. You should rest na, I’ll stay here na lang muna since nasira iyong sched ko today thanks to that director,” ani Portia na pinaiikot ang mga mata niya at maarteng tinungo ang sofa. “Mommy chatted with me din pala, they’ll come here later.” Napangiti naman ako. “Si Tita talaga, ayos naman na kamo ako.” “You know her, hindi iyon matatahimik without seeing you. Tres wants to come nga rin kaso he’s busy. Tapos you know naman Kuya Juan, kinumusta ka but that Isabelle argh! I don’t wanna talk about her…” Ayaw na raw niya pag-usapan pero nagsimula naman siyang mag-rant tungkol sa mapapangasawa ng Kuya niya ilang buwan na lang mula ngayon. Natigil lang siya nang tumunog ang cellphone niya at lumabas para sagutin iyon. “I’ll go for now. If may masakit sa ‘yo, just tell the nurse and I’ll come here, okay?” Tumango ako kay Grant at nginitian siya. “Doc, pwede bang mag-yosi?” “Bawal,” pag-irap niya sa akin at iniwanan na ako pero tumigil sa paghakbang at nilingon ako. “Oh?” Sumulyap siya sa cellphone ko bago umiling. “Nothing, V. Sleep well.” Naglaho ang ngiti sa labi ko nang umalis si Grant. May ideya naman na ako sa gusto niyang sabihin. Inabot ko ang cellphone kong nakalapag sa bedside table. V, please answer my call, anak. We’re worried about you. I put my phone on silent mode instead of replying to him. We’re? Kasama ang babaeng ‘yon? Ikinuyom ko ang kamao ko at mapait na tumawa bago ibinagsak ang sarili sa higaan. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pananakit doon, pero walang-wala sa sakit na gumuhit sa puso ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Gelo was right. I didn’t love him. Not him, or any of my exes. I didn’t date them because I saw a future with them, or because I wanted to settle down and start a family. That was never the plan. I only dated them for the fun of it… to escape, even just for a little while, from the mess my life had become. “Tita, please! No! No! Hindi siya ‘yan!” Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pagyugyog sa balikat ko. Doon ko naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko at ang matinis na tunog sa tenga ko. “Hey…hey, calm down, V. Breathe in, breathe out…” Yumakap sa akin si Dos, marahang hinahaplos-haplos ang likod ko. Parang may sariling ritmo ang kanyang paghinga na sinabayan ko, unti-unti kong naramdaman na bumabagal ang t***k ng puso ko. It was like he was passing his calm to me, easing away the tension gripping my chest. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay kong nakatakip sa tenga ko. Sigurado akong namula na 'yon sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. “No more sounds? Hmmm?” he whispered softly, his voice soothing, almost teasing. Umiling ako, resting my forehead against his chest, seeking the warmth and comfort I always found there. “Wala na, D… Salamat.” A small smile curved his lips, and then, in that gentle voice of his, he started singing softly, as if the words were meant to carry me away from everything else. “Close your eyes… dry your ears… 'cause when nothing seems clear… You'll be safe here from the sheer weight of your doubts and fears… Weary heart, you'll be safe here…” His words were like a lullaby, the softness of his voice wrapping around me, making me feel weightless. Napahikab ako, and I tightened my arms around him, holding on as if letting go would make me drift away. His embrace was the anchor keeping me grounded. Dahan-dahan nang bumibigat ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong mapapikit. I let sleep take me, trusting that as long as I was in his arms, everything else could wait. A man to love? A man I could build a family with? Ngumisi ako at umiling. I don’t need those. Dahil andito naman si Deuce Orion sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng relasyon o pangarap na pamilya. I didn’t need to look for love in the traditional sense. All I needed was the peace Dos gave me—yung tahimik na mundo kapag kasama ko siya. With him, all the noise, all the fear, lahat ng duda, nawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD