#TPSKKabanata16
Reading
OCTAVIA ‘V’
“VV…gising ka na.”
Ayoko. Ayoko pa. Kung ikaw rin lang naman ang magigisingan ko, ‘wag na lang.
“Please, VV–”
“Did you hear what the doctor said, kid? She’s okay but she needs to rest, don’t wake her up.”
“Pero Kuya–”
“Stop calling me Kuya, hindi kita kapatid.”
Narinig ko ang pag-ismid ng best friend ko at agad kong nakinita ang pagnguso-nguso ni Gelo kahit hindi ako dumidilat, malamang parang batang nagpapaawa na naman siya.
“But I’m worried about her, Kuy–I mean best friend ni VV.”
“It’s V only, not VV.”
Dumilat na ako dahil baka hindi na talaga makapagtimpi si Dos at masapok na ang boyfriend–ex-boyfriend ko na nga pala.
“VV!”
Parang gusto ko na lang muling pumikit nang marinig ang matinis na boses ni Gelo na halos ingudngod ang mukha niya sa akin.
“A-anong nangyari?”
“You passed out, natuluyan ang pagpapanggap mo–”
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumikhim siya. “I’ll just buy you food, I’m sure you’re hungry now.”
“Gusto kong jabee, thigh at leg part please, D. Samahan mo na rin ng cake mula sa Kunti–” natigil ako sa pagre-request ko nang may maalala ako.
Hindi nga pala kami bati ng taong ‘to! May atraso siya sa akin! Hindi niya ako sinipot noong ceremony ko.
Ngumisi siya. “Iyon lang? How about some ice cream–”
“Ayoko na pala.”
“Ako na lang bibili para sa ‘yo, VV!”
Mabilis kong tiningala si Deuce. “Cookies and cream, please, D.”
Mahina siyang tumawa at iiling-iling na iniwanan kami ni Gelo.
“VV, saan ang masakit sa ‘yo? I’ll call the doctor–”
“Gelo…tama na. Hiwalay na tayo hindi ba?”
Tumigil siya sa tangkang paghawak sa akin at tila batang papaiyak na napaupo bago sumulyap sa akin.
“Hindi naman ako pumayag eh…sabi ko naman sa ‘yo, hindi ko naman gusto iyong kiss no’ng workmate ko, V. I was drunk–”
“So, kada malalasing ka, at may hahalik sa ‘yo, hahalikan mo pabalik tapos may kasamang lamas sa dede?”
Hindi siya nakasagot at kinagat-kagat lang ang daliri niya. Para talagang bata. Noon, cute na cute pa ako sa kanya kapag ganito siya.
For a change naman, pumatol ako sa dalawang taon ang bata sa akin. Nagustuhan ko si Gelo sa pagiging inosente niya at mabait namang tunay hindi ka tulad ng iba kong mga nakarelasyon na sa una lang pala matino at mabait.
Pero, iyong pagiging inosente niya kapag lasing pala nawawala. Ayon, nahuli kong nakikipaglaplapan at lamasan sa katrabaho niya.
“VV, hindi na talaga ako iinom—”
“You know what I told you before, Gelo? I need a man who’s faithful, not just loyal. And you’re not like that, Gelo. You really think hindi ko alam na may dummy account ka at may mga ka-chat ka ro’n?”
His eyes widened. “VV—”
“Enough, Gelo. We had good memories during those six months. Don’t ruin them, please.”
His jaw tightened, and the youthful expression faded from his face. “You never loved me, right?”
“I did love you—”
“Oh, don’t kid yourself, Octavia! I’m just like those men you had relationships with who ended up flirting with others. You wanna know why? Because you’re a robot! Relationships are give and take, but you’re not like that. You’ve built such a high wall that I can’t climb—that no one can climb. Don’t you think na baka nasa 'yo rin ang mali, kaya palagi kang niloloko? Because you’re not giving us any chance to enter your life!”
I just stared at him. “Tapos ka na?”
He swallowed and hesitated. “I-I’m sorry, I was just—”
“No need to apologize for telling the truth, Angelo. Tama ka naman, nasa akin nga ang mali. Niloloko ako kasi nagpapaloko rin naman ako. Kasi robot ako. Pasensya ka na, ah? Ganito lang ako.”
“VV–”
“Leave.”
Mabuti naman at hindi ko na kinailangan na ulitin pa ang sinabi ko.
Wala pang segundong nakakaalis ang gaslighter kong ex, sumulpot na si Grant na mukhang kanina pa nasa labas pero nakiki-chismis lang.
“How are you feeling?”
“Trash. Kanina ka pa diyan no?”
Napakamot siya sa pisngi. “Kind of.”
“Chismoso kang doktor ka.”
Tumawa siya at nilapitan ako. May nilagay siya sa daliri ko at tumango-tango siya. “Okay na ang oxygen level mong babae ka. Next time kung magpapaka-superhero ka, siguraduhin mong hindi si Dos magdadala sa ‘yo dito. Sigaw nang sigaw sa baba kanina.”
Napanguso ako. “Si OA na naman ‘yon.”
“Aray! Tama bang mamitik ng pasyente, Doc?” saad ko kay Grant nang pitikin ba naman ang noo ko.
“Pinag-alala mo na naman iyong isa sa pinaggagawa mo. Are you really sure about this job, V? Why don’t you just return to–”
“Ito ang calling ko! Kaya tumigil ka na diyan Grant, ‘wag ka nang gumaya doon kay Dos, binging-bingi na ako.”
Napailing-iling siya at magsasalita pa sana nang dumating iyong mag-asawa na magulang no’ng bata na naligtas ko. Todo sila pasasalamat sa akin at umiiyak pa nga.
“Ginawa ko lang ho ang trabaho ko. Masaya po akong nailigtas ko ang anak n’yo.”
“Tiyak akong proud na proud sa ‘yo ang mga magulang mo, hija. Salamat talaga.”
Muntikan nang maglaho ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya. “Wala pong anuman ulit.”
“Sigurado akong magiging isang mabuting ina ka bago matapos ang taon na ‘to,” saad no’ng babae na nakatingin sa palad kong animo may binabasa ro’n.
“Po?”
Mahinang tumawa ang asawa niya. “Ayan ka na naman sa pagbabasa mo ng palad, hon. Nagulat si Ma’am, ‘wag mong takutin.”
Ako? Magiging ina?
Asa.
“Ninong ako ah.”
“Loko!” paghampas ko kay Grant na inasar-asar ako pagkaalis no’ng mag-asawa.
“Teka, tinaniman ka ba no’ng batang ‘yon? Baka may laman na ‘yan–”
“Tantanan mo ako Grant Voltaire!” sigaw ko inis na inis sa doktor na ‘to.
Nasa ganoon kaming tagpo nang dumating si Deuce dala-dala ang mga pinabili kong pagkain. Naglaho agad ang tampo ko sa kanya sa nakita kong dami ng binili niya.
“What’s going on? Dinig na dinig ko ang ingay n’yo sa labas pa lang.”
Hindi ko siya pinansin at bumaba ako ng kama ko hila-hila ang swero.
“V!”
“Octavia!”
Hindi ko sila pinansin at pumuwesto sa harap ng mesa kung nasaan ang mga pagkain.
“Gutom na gutom lang?”
“Nagutom sa pagkausap sa ex niyang cheater na gaslighter pa.”
“Gaslighter din naman ‘yan…” bulong ni Deuce na umabot naman sa pandinig ko.
“Gusto mong batuhin kita ng leg na ‘to, Deuce Orion?”
Tumawa lang siya at tinabihan ako sa sofa. “We’re good na?”
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.
“Ano bang meron at parang siya ang inis sa ‘yo kanina? Bago ata ‘yon, since tayo ang palaging iniinis ng babaeng ‘to.”
Sinamaan ko ng tingin si Grant nang malakas na naman siyang tumawa. “Magiging ninong ka na–tayo pala.”
Tumawa si Deuce. “What? Pinagsasabi–holy f*ck! You’re pregnant, Octavia Blaire!?”
Nasamid ako sa iniinom kong mcfloat sa lakas ng boses ng lintik na Dos na ‘to.
“Buntis?! You’re pregnant, V? Oh my gosh!”
Mariin akong napapikit nang marinig ang sumunod na boses na hindi galing sa dalawa.
“May nangyari na sa inyo ni Kuya!?”
Sa pagkakataong ‘to, hindi na lang ako ang umuubo kung hindi pati rin ang lalaking katabi ko.