Kabanata 19

1745 Words
#TPSKKabanata19 Drunk OCTAVIA ‘V’ Napangisi ako sa sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Ang tibay ni Dalawa, mula kaninang dinner namin ni Por hanggang ngayon ay walang tigil sa pagtawag sa akin. Tumigil ang pag-vibrate ng phone ko at nang silipin ko’y battery empty na pala ang cellphone ko. Bahala ka diyan. Nawala sa isip kong nagtatampo at may atraso pa pala sa akin ang bestfriend ko, hindi siya nagpunta noong ceremony ng pagiging firefighter ko! Sabi-sabing lagi akong susuportahan pero hindi pumunta? Maiintindihan ko kung may importante siyang trabaho. Pero ang walangya, nasa bar pala at nakikipaglaplapan sa bagong fling niya. Malandi talaga! Pinigilan kong matawa nang maisip ang hitsura niya noong matanggap niya ang picture na sinend ko. Overthink na for sure malala ang loko, akala niya malamang confession ‘yon. “What’s with the smile, V? Mygosh, you’re gonna seduce a lot of men mamaya sa club! May mababaliw na naman sa inis,” hagikhik ni Portia habang abala sa paglalagay ng make-up sa mukha. Hanga talaga akong nagagawa niya ‘yon habang tumatakbo ‘tong sasakyan niya. Kung ako ‘yan lagpas-lagpas na sa mukha ko iyong lipstick niya. “Come, I’ll put some makeup on you.” “Ayoko, makati–” “It’s not! This is hypoallergenic, mind you! You know me, I don’t endorse products that I didn’t try, it’s not going to do damage to your skin.” Kung merong isang tao na napapasunod ako–mali, lahat pala kami, si Portia na ‘yon. Walang nakakatanggi sa babaeng ‘to talaga. Kaya sa huli, napapayag niya na naman akong gawin niyang manika. “Perfect! Oh, someone's calling me–it’s Kuya, V. And I’m sure it’s because of you–” “Huwag mong sagutin. Mamaya na, nandito na din tayo oh,” nakangising pagturo ko sa labas. Pumalatak si Portia at mahinang hinampas ako sa braso. “Ano na namang ginagawa mong trip kay Kuya, huh? Baka liparin no’n ang Cebu mula dito sa kagagawan mo, V.” “Hindi ‘yon, hindi ba may nilalandi na kolehiyala ‘yon doon? Busy ‘yon doon. Business with pleasure ang atake ng maharot mong Kuya,” saad ko habang bumababa ng sasakyan. Napangiwi ako nang umiksi ang suot kong dress. Hinatak ko ‘yon pababa pero parang wala namang nangyari. Umabrisete sa akin si Portia na parang kandidato na namang kumaway nang may tumawag sa kanyang grupo ng mga kabataang lalaki rich kids ang atake. “Oh please, don’t mention that. Ang cringe talaga the post ng girl,” tinutukoy iyong post ng babaeng nag-trending bilang nililigawan daw ni Dos sa Cebu. In fairness, simple at mukhang disente naman iyong babae. Bata nga lang. Happy meal ang atake ng best friend ko. Natawa ako nang malukot ang mukha ni Portia. “Alam mo ikaw, lahat na lang ata ng maging babae ng mga Kuya mo, may reklamo ka. Next month ikakasal na si Kuya Juan, don’t tell me–” “Oh please, V, let’s have fun and stop talking about my kuya’s girls. Ikaw lang naman tinatanggap kong babae ng kapatid ko. You know, naisip ko nga, if wala talaga kayong pag-asa ni Kuya Dos, why not try my kakambal? Tres used to have a crush on you! Tapos sabi mo gwapo siya–” “Tumigil ka ng babae ka, gusto mong mabato ako ng itlog ng mga fans ng kakambal mo. Halika na nga. Tigilan mo na ako sa kakareto sa mga kapatid mo, I want my life single and free. No boys na ako!” sigaw ko. “No boys pala ah?” bulong sa akin ni Portia tinusok pa ang bewang ko kaya napaigtad ako sa gulat. “You okay, Blaire?” bulong ni Jameson sa tenga ko, nagtayuan naman ang mga balahibo ko sa batok. Masyadong close na ‘tong si Jameson sa akin, kahit na dalawang oras pa lang kaming nagkakakilala. Nginitian ko siya at kinuha ang baso ng martini. “I’m okay,” sigaw ko dahil mas lumakas ang ingay sa club na kinaroroonan namin. “You sure you don’t want to be a model? You’ll pass, that I’m sure of,” sabi niya sa malalim na accent. Oo na, sinabi ko kaninang no boys muna ako. Pero ano ba namang lumandi ng slight. Ang pogi ni Jameson! Kahawig ng crush ko na si Channing Tatum. Baka naman hindi pala ako para sa kalahi ko, baka para talaga ako sa mga ganito, afam. “My height wouldn’t pass, Jameson,” I giggled and let him put his arms on my shoulder. I’m feeling a little bit tipsy. “But your pretty face would surely do, babe.” Ang landi ng kanong ‘to! Tumayo ako at hinila ang kamay niya. “Let’s dance, Jameson,” saad kong kinindatan pa siya. Narinig ko ang hiyawan ng mga co-artist ni Portia at mga sosyalera niyang kaibigan nang gumewang ako sa hilo at mabilis na nahapit ni Jameson ang bewang ko. Ready na akong gumiling sa dancefloor at ituloy ang pakikipaglaro ko sa afam na ‘to nang may malakas na pwersa na humila sa akin. Nawala ang pag-iingay ng mga kaibigan ni Portia at parang humina rin ang music sa club. Napapikit ako nang masamyo ang pamilyar na amoy. Kahit hindi tumingala ay alam na alam ko na kaagad kung sino ang humila sa akin. “Hey man, she’s with me–” “She’s.with.me. Back off.” Napahagikhik ako nang marinig ang galit na boses ng best friend ko. Tiningala ko siya. “Best friend! Nasa cebu ka di ba?” Sinamaan niya ako ng tingin matapos hagurin ang hitsura ko mula ulo hanggang paa. “You have a boyfriend?” dinig kong tanong ni Jameson. Binalingan ko siya at inilingan. “Nope! This is D, my best friend. I’m V! And he’s my D!” hagikhik ko, tinamaan na talaga ng martini at kung anu-ano pang alak na tinira ko sa mesa. Malakas naman ang alcohol tolerance ko pero hindi ko alam kung anong nainom ko at parang ang lakas ng sipa sa akin. “Oh, best friend?” ngisi ni Jameson. “Then, you should say goodbye to your best friend so we can dance, Blaire.” Tumango-tango ako at hinarap ang best friend ko. Tatapikin ko pa lang ang pisngi niya nang mabilis niyang mahawakan ang kamay ko. Nagtagpo ang tingin namin at napanguso ako nang makitang ang gwapo talaga ng lalaking ‘to. Mas gwapo pa kay Channing Tatum. Iyon nga lang galit. “You’re playing a prank on me huh?” mariing saad niya at hinubad ang longsleeve na suot niya. Hinampas ko siya sa dibdib dahil narinig ko ang tilian ng mga kababaihan at kabaklaan din sa ginawa niya. “Ba’t ka naghuhubad?!” Imbes na sagutin ako ay ipinulupot niya sa bewang ko ang hinubad niyang polo at walang anu-ano’y binuhat ako na parang sako ng bigas. “D!” tili ko nang bumaliktad ang paningin ko. “Portia, let’s go.” “I have my bodyguard with me, Kuya. I’ll go later. Enjoy, V!” “Traitor!” sigaw ko sa kaibigan kong ipinagkanulo ako sa Kuya niya na pinaghahampas ko sa likod. “D, nahihilo ako! Baba mo ako!” sigaw ko nang mawala na ang ingay ng club at maramdaman ko ang lamig ng gabi. “Shut up, Octavia Blaire! What did I always tell you? Don’t let yourself get drunk in a club when you’re not with me or Grant!” “Ouch! Pervert!” hampas ko sa likod niya dahil pinalo niya ang pwet ko. “Ba’t ka namamalo ng pwet!” Para makaganti, inabot ko rin ang matambok niyang pwet at pinisil ‘yon. Pero natuwa ako sa lambot kaya pinagpipisil ko pa. “The f*ck, V! Stop playing with my butt!” “Ang tambok-tambok ng pwet mo, D–nasusuka ako, D.” Mabilis naman sa alas-kwatro na naibaba ako ng bestfriend ko kaya malakas akong tumawa at hinubad ang pahirap na heels sa paa ko’t binato sa kanya. “Gotcha! Hindi ako nasusuka, blehhh!” pagbelat ko pa sa kanya. “Where the hell are you going?” sigaw niya nang pumihit ako pabalik sa club. “Sasayaw pa nga kami ni Jameson! It’s my chance na, D! Afam na ‘yon oh!” “Octavia Blaire Zapana!” sigaw niya dahilan para mapahinto ako sa paghakbang. Uh-oh. Tinawag na ako sa buo kong pangalan. Galit na po ang isang Deuce Orion Carbonelle. Kagat-labi kong hinarap si D. “Galit ka na?” Huminga siya nang malalim at nasapo ang noo, parang ubos na ubos na ang pasensya sa akin. Nangilid tuloy ang mga luha ko. “Galit ka na nga sa akin, D? Ayaw mo na sa akin?” “It’s raining, V. Let’s go. Sa condo ka na matulog. Now, let me carry you. Baka may matapakan ka pa.” “Galit ka eh!” padyak ko, kinusot ang mga mata kong nanlalabo. “Bakit ako magagalit? Because you pulled a prank on me? You cut your hair, but obviously, it’s not a confession since you’re there flirting with that old man–” “Hey! He’s not old–” Napanguso ako at tumigil dahil sinamaan niya ako ng tingin. “Not answering my calls and messages, even telling Portia not to answer me too. If not for her posts, I wouldn’t know where you are. Naglasing-lasing ka, what did you drink, you woman?” dutdot niya sa noo ko. “Now, tell me, may ikakagalit ba ako?” Niyakap ko ang bewang niya, hindi alintana ang lumalakas na patak ng ulan. Pinikit ko pa ang mga mata ko. Umapak ako sa sapatos niya. “Oo na, magalit ka na nga. Ganti ko lang, akala mo ba nalimot kong hindi mo ako pinuntahan no’ng ceremony? Amanos na tayo ngayon!” “Let’s just go, nababasa na tayo ng ulan.” Tiningala ko siya. “Galit ka pa?” “Hindi na.” “Kiss mo nga ako,” pagnguso ko talagang sinusukuan na ng katinuan. Sumeryoso ang mukha niya. “Best friends don’t kiss, V.” “Huh? But we kissed before, D. You’re even my first kiss, and yet we’re still best friends–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang yumuko siya at halikan ako kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD