#TPSKKabanata20
Hon
OCTAVIA ‘V’
Putsa.
Sinapo ko ang ulo kong parang may nakapatong na mabigat na bato. Napaungol ako sa sakit na mas tumindi nang masinagan ng araw ang mukha ko.
Nakapikit na hinila ko ang nakabalot na comforter sa akin at sumuot doon. May naramdaman akong matigas na bagay sa tabi ko kaya kinapa-kapa ko ‘yon at umakap doon, ang lamig din kasi.
“F*ck, V!”
Ang tigas naman nito–
“Octavia!”
Napangiwi ako at inis na hinampas ang matigas na bagay na walang iba kung hindi si D pala.
“A-ang sakit ng ulo ko tas naninigaw ka pa diyan–”
“F*ck! F*ck! Ouch!”
Nagdilat na ako ng mga mata at doon ko nakita ang best friend kong parang tanga na nagtatalon-talon sapu-sapo ang gitna niya. Hubad-baro siya at tanging boxer lang ang suot.
Kaya hindi ko rin masisisi ang mga nahuhumaling sa lalaking ‘to. Ang gwapo na nga, ang ganda pa ng katawan. Parang nang nagpaulan ng grasya ang Diyos, gising na gising siya at may drum na hawak.
“Anyare sa ‘yo?” hikab ko at binalot ang sarili ng comforter habang pinagmamasdan siyang nagtatalon pa rin. “Iyong kurtina mo nga, D, nasisilaw ako. Sakit ng ulo ko.”
“And you even have the guts na utusan ako after you violated my buddy?” inis niyang saad napapangiwi pero sinunod din naman ako.
“Anong violated? Saka buddy? Pinagsasabi mo? A-ano bang nangyari?” magkakasunod kong tanong napapapikit.
Iniisip kung paanong dito ako napadpad sa kwarto ng lalaking ‘to. Hindi naman din ‘to bago. Hindi ito ang unang beses na natulog kaming magkatabi. Saka malaki tiwala ko sa lalaking ‘to, kahit malandi ‘yan, hindi ako papatusin–
“You touched my buddy, V! Hinampas mo pa!”
Napadilat ako at mabilis na napabangon. “Gago ka!” turo ko sa kanya at binato ng nakuha kong unan.
“What? Ako pa ‘tong gago?”
“You kissed me last night!” sigaw ko sa kanya nang maalala ang sarili kong nakikipaghalikan–este hinahalikan niya. Magkaiba ‘yon!
Ngumisi siya. “Oh…you remember what we did last night, then?”
Napalunok ako nang lumapit siya sa akin at parang tanga na gumapang pa papalapit sa akin.
“Deuce, isa!”
“I kissed you because you asked for it, V.”
“Best friends don’t kiss, lasing ako–”
“No, you said it, best friends can kiss, ako nga ang first kiss mo eh.”
“Tumahimik ka na nga! Oo na–”
“It’s supposed to be a smack para matigil ka na, but then you’re the one who kissed me after. Ginawa mong kendi ‘tong bibig ko tapos kinagat mo pa,” aniyang pinitik ang noo ko at doon ko nakita ang sugat sa labi niya.
“Gawa ko ‘yan?” ngiwi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Sino pa ba?”
“Ahm, hindi ba iyong kolehiyala na pinopormahan mo sa Cebu?” pagtawa ko at nakatanggap na naman ako ng pitik sa noo.
“D! Ang sakit nga ng ulo ko tas namimitik ka pa diyan! Ang sama mo!”
Lumayo siya sa akin at parang may sariling buhay ang mga mata kong bumaba ro’n sa matambok niyang pwet nang tumalikod siya.
“Mata mo, Octavia!”
“Tambok talaga ng pwet mo, D. Tapos ang laki–”
“V!”
“Noong dibdib mo! Ano ba! Sigaw ka nang sigaw, kuha mo na lang ako gamot.”
Binato niya ako ng unan sa mukha na ikinaungol ko. “Gamot your face. Face the consequences of your actions. Bahala ka diyan.”
Parang bata na umungot ako nang layasan niya ako at lumabas ng kwarto.
“Ang sama mo, D! Hindi mo na ako love!”
Pero siyempre joke lang ‘yon. Hindi kayang tiisin ng isang Deuce Orion si Octavia Blaire.
“V…bumangon ka na diyan. May pasok pa ako sa office, let’s eat first before you drink some med for your hangover.”
Dumilat ako, gusto pa ring matulog. Kung gaano ako ka-wasted ngayon, ganoon naman ka-fresh ang lalaking ‘to. Ready na ready na sa pagpasok sa opisina niya. “Papasan.”
“Magugusot suot ko–”
“Oh di ‘wag.”
Bumuntonghininga siya at tumalikod. “Fine. Pasan na.”
Mabilis pa sa alas-kwatro na sumampa ako sa likod niya. “Aray naman V! Ang bigat mo.”
Sinubsob ko ang mukha ko sa batok niya. “Hindi ako mabigat, tumatanda ka na lang talaga, Kuya D.”
“Shut up,” pikon niyang saad sa akin.
Humagikhik ako. “Joke lang. Love you po,” saad ko at mas niyakap siya sa leeg.
Natahimik siya kaya akala ko nasakal ko na siya pero nang silipin ko siya’y seryoso ang mukha niya.
“Problema, D?”
“Huwag mo nang uulitin ‘yon.”
Napatanga ako sa sinabi niya. “Huh? Ang alin?”
Ibinaba niya ako sa silya at kinurot ang tungki ng ilong ko. “Ang pagtripan ako kahapon. Why did you cut your hair that short?”
Tumawa ako pero napangiwi nang sumakit ang ulo ko. “Antok na antok kasi ako tapos namali pala ako ng turo no’ng gupit sa akin, pero bagay naman di ba? Sabi no’ng afam kagabi na si Jameson, bagay daw sa akin, I looked so hot daw!” saad ko at nagsimulang humigop ng mushroom soup na alam ni D na gustong-gusto ko kapag may hangover ako.
“Tss. Naniwala ka naman sa kanong ‘yon. Halatang f*ckboy ‘yon. Kung hindi ako dumating, nako ka, Octavia, dinala ka na sa hotel no’n!” panenermon niya sa akin at inabot ang kape na maraming yelo sa akin.
Agad kong ininom ‘yon at nakaramdam ng ginhawa.
“Nagsalita ang hindi–oo na! Hindi na po ako maglalasing ng ganoon. Ewan ko ba, ang lakas ata no’ng nainom ko kagabi, ang bilis ng tama sa akin o baka dahil wala na kasi akong masyadong inom sa mga nakalipas na buwan.”
Umismid siya. “Tumatanda ka na kasi, kaya tigilan mo na ang alak pati ang sigarilyo.”
Napanguso ako. “Minsan na nga lang ako humipak eh.”
“Kumain ka na nga lang diyan, para makainom ka ng gamot. You look like a shit.”
“Maka-s**t ka naman diyan!”
Nagsimula na nga kaming kumain. Saktong natapos na nang tumunog ang doorbell sa penthouse ni Dos.
“May bisita ka? Aga pa ah.”
Nagkibit-balikat siya. “Baka si Tres. Nagsabi ‘yong dadaan dito. So, go to your room and take a shower. You’re not even wearing a bra, Octavia,” palatak niya at iniwanan ako.
Siyempre, may hiya din naman ako kay Tres na makita niyang ganto ang ayos ko kaya mananakbo na sana ako sa kwarto ko dito sa penthouse ni D. Meron talaga akong kwarto dito, halos isang taon din kasi akong tumira sa kanya noon matapos kong maglayas sa amin.
Kaso napatigil ako nang may marinig na boses babae. Nang sumilip ako ay nakita ko na kung sino pala ang bwisita ni D.
Iyong ex niya. First ex-girlfriend, at ayon sa lahat, ang una at huling babaeng sineryoso niya.
“Orion, please, stop avoiding me. I just really want to talk to you–”
“Trinity, what for? And I’m not avoiding you, how could you think that way?”
“Really? Then why are you always declining my appointments with you–”
“Because there’s no reason for me to talk to you. Simple as that. Now, please leave. How come nakapunta ka nga din dito? Oh right–you used your brother’s access. Come on, Trinity, don’t put me in a difficult situation again with Caleb.”
“Caleb and I broke up, Orion.”
Napataas ako ng kilay. Oh tapos? Share mo lang?
Pagkatapos mong pagsabayin iyong dalawa noon, ngayon may paganyan-ganyan ka?
Kinuyom ko ang kamao ko sa inis sa babaeng kung anong ikinaganda, siyang ikinabaho ng ugali.
“Look, I-I know, I did you wrong before but I was young and naive at that time. I’m sorry, but maybe we can–”
“Hon? Ubos na pala iyong body wash natin? Can you find me–oh, you have bisita pala?” panggagaya ko sa pananalita ni Portia at hindi na nakatiis na umeksena sa dramarama ni Trinity sa umaga.
Umawang ang labi niya at animo best actress na nangilid pa ang luha na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Isn’t that your…bestfriend? Hon? Kayo na pala?”
Imbes na sagutin siya ni Deuce ay lumapit sa akin ang huli at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.
“Hon, hindi mo na naman dinilat ang mga mata mo, meron doong bagong bukas.”
“Kayo na? G-girlfriend mo?”
Ngumiti ako at hinarap ang babae. “Nope. I’m not his girlfriend, Miss.”
Pinisil ni Deuce ang bewang ko, muntikan tuloy akong matawa sa kiliti. Niyakap ko si Dos. “I’m his wife na. Pero secret lang ah. Balak kasi naming i-surprise–”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis pa sa alas-kwatro na nanakbo iyong ex ni Deuce.
Tiningala ko si D at kinindatan siya. “Ayos ba?”
Tumawa siya at hinalikan ang noo ko. “Ayos na ayos po.”