CHAPTER 6

1713 Words
TUMAAS ang mga kilay ni Ted nang mapansing tila hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat si Anje habang nakatingin sa kanya. Na para bang hindi nito alam na naroon siya. Hindi ba sinabi ng mga magulang nito rito na uuwi rin siya sa Pilipinas? “Are you surprised to see me?” tanong niya rito. Kumurap ito at tila nakabawing itinikom ang bibig. Saglit na niyuko nito ang piano at nang muli itong tumingin sa kanya ay kalmado na ang ekspresyon sa mukha nito. “Hindi nabanggit ni Mama sa akin na uuwi ka rin ngayon,” sagot nito sa kaswal na tinig; na para bang hindi maraming taon ang nakapagitan mula nang huli silang nagkausap nang harapan. O nagkausap. period. Pagkatapos ay ngumiti ito na hindi umabot sa mga mata nito. “Long time, no see.” That bothered him. Sanay siyang nagre-reflect sa mga mata nito ang lahat ng emosyon nito. Kapag naiinis ito noon, nakikita niyang nag-aapoy rin ang mga mata nito. Kapag natutuwa ito ay tila sumasayaw ang mga mata nito. At nang nagluluksa ito, umiyak ito nang umiyak na walang pakialam sa iisipin ng iba. But now, he could not read any emotion in her eyes. Nagkunwari siyang hindi iyon napansin dahil tiyak na iyon ang gusto nito. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at dumeretso ng tayo. “Yeah. It has been a long time,” pagsang-ayon niya. Katulad ng kanina pa niya ginagawa bago niya ipinaalam dito ang presensiya niya ay pinagmasdan uli niya si Anje. Kahit palagi niyang nakikita ang mga larawan nito ay nasorpresa pa rin siyang makita kung gaano kalaki na ang ipinagbago nito mula noong huli silang nagkita. Sa sobrang laki, pakiramdam niya ay noon lang niya ito nakilala. Mas matangkad na ito ngayon, mas mature, mas maganda. Her body was now curvy compared to when they were kids. Nakikita iyon sa kabila ng simpleng jeans at T-shirt na suot nito. Walang bahid ng makeup ang mukha nito ngunit wala pa ring sinabi ang mga babaeng nag-aayos sa mukhang iyon. And she might not be as elegant as the women he had met in Europe, but there was something about the way she carried herself that drew everyone’s attention. She had a superstar’s charisma that stars like her possessed. Kahit sinabi niya na kahit ano pa ang mangyari ay ito pa rin ang sampung taong gulang na batang babaeng nakilala niya noon, pakiramdam niya ay nalunok niya ang paniniwalang iyon. Dahil kahit anong pagmamasid ang gawin niya mula pa kaninang nagtungo siya roon sa music room nang marinig niya ang tunog ng piano ay hindi niya makita rito ang batang babaeng nakilala niya noon. This woman was a stranger. “Kasama mo bang dumating sina Mama?” biglang tanong ni Anje. Umiling si Ted. “Dapat ay mauuna pa sila sa akin pero wala pa sila,” sagot niya. “Baka delayed ang flight nila,” wika nito. May nahagip siyang kakaiba sa tono nito. Takot? Napatitig siya sa mukha nito nang mapagtanto kung ano ang iniisip nito. “They will be okay,” he said quietly. Kumurap ito at sumulyap sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at sa kabila ng lahat ay tumaas ang sulok ng mga labi niya sa pagpipigil na mapangiti. This woman was not a stranger after all. Dahil kung oo, hindi sana niya nababasa ang iniisip nito na gaya ng madalas niyang nagagawa noong mga bata pa sila. “Paano ko nalaman kung ano ang naiisip mo, that’s what you’re thinking, right?” tanong niya rito. Umawang ang mga labi nito. “Nakakabasa ba ako ng iniisip ng ibang tao?” patuloy niya. Tumikom ang mga labi nito at naningkit ang mga mata. “Hindi ba?” sa wakas ay tanong nito. Nagkibit-balikat siya. “Maybe I just know you well. Higit pa sa akala natin.” Tumaas ang sulok ng mga labi nito pero hindi nagsalita. Pagkatapos ay inalis uli nito ang tingin sa kanya at isinara ang lid ng piano. “You can continue playing,” wika niya rito. Umiling ito at kinuha ang bag nito. “Pupunta muna ako sa kuwarto ko.” Naglakad ito patungo sa kanya pero hindi siya umalis sa pagkakaharang sa pinto. “Convince her to quit that group and go back to playing classical music…” Humalukipkip siya. Ayaw talaga niyang gawin iyon pero hindi rin niya maaaring biguin ang mama nito. “You should go back to playing the piano, Anje. It’s not too late to go back to playing classical music. It’s in your blood,” malumanay na sabi niya nang nasa harap na niya ito. Napahinto ito at napatitig sa mukha niya. Pagkatapos ay bumakas ang pagkainis sa mga mata nito. Sa isang iglap ay napagtanto niyang mali ang sinabi niya. Lalo na nang maningkit ang mga mata nito at tiningnan siya nang masama. “It’s not in my blood. Napunta ang lahat ng `yon kay Ate kaya huwag mong sabihin sa aking bumalik sa mundong hindi naman ako naging parte in the first place. Classical music was never for me,” paasik na wika ni Anje. Bago siya makahuma ay marahas na siya nitong hinawi at lumabas ng pinto. Sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa kuwarto nito at pabagsak na isinara ang pinto. Napabuga siya ng hangin at nagulo ang buhok. There you have it, Mama. Hindi rin siya nakikinig sa akin. In fact, mula noon, kay Eve lang naman siya nakikinig. Pero matagal nang wala si Eve at hindi na ito babalik pa kahit kailan. That thought made his gut feel empty and caused a slight prick of pain in his chest. Oo nga at hindi na iyon kasintindi noon, pero naroon pa rin iyon, ipinapaalala pa rin sa kanya kung ano ang nawala sa kanya, kung ano ang hindi na niya makukuha pang muli. Mga masasayang araw ng kabataan niya, mga ngiti at halakhak. Maging iyong pakiramdam na tila laging lumolobo ang dibdib niya sa tuwa dahil nasa tabi niya ang babaeng mahal niya. Mga panakaw na halik, mga tahimik ngunit kontentong sandali, at mga matatamis na pangako na hindi na matutupad. Katulad ng huling pangakong binitiwan niya rito bago ito sumakay sa eroplano na dapat ay magdadala rito sa kompetisyong sasalihan sana nito. “I will miss you while I’m in Europe,” wika ni Eve. Nasa loob sila ng silid nito dahil pinuntahan niya ito roon pagkauwing-pagkauwi niya mula sa paaralan. Yumakap ito sa kanya at niyakap din niya ito. “Ako rin. Pero dahil alam kong gagalingan mo doon kaya papayagan kitang magpunta roon nang mag-isa,” pabirong wika ni Ted dito. Tiningala siya nito at lumabi. “Bakit kasi ayaw mong sumama sa akin? You can join the competition, too.” Tumaas ang mga kilay niya. “At maging kalaban ka? No way.” Ngumiti ito. “Natatakot kang matalo kita?” biro nito. Tumawa siya. “Natatakot ako na matalo kita at magalit ka sa akin,” ganting-biro niya. Tumawa rin ito at humigpit ang pagkakayakap sa kanya. “Sige na nga. Dapat bigyan mo na lang ako ng regalo kapag nanalo ako,” naglalambing na sabi nito. Nagkunwari siyang nag-iisip. “Ano ba ang gusto mo?” Naging matamis ang ngiti nito at kumislap ang mga mata. “An engagement ring.” Napamaang siya sa magandang mukha nito, pinakaiisip kung nagbibiro ba ito o seryoso. Napalunok siya nang masigurong seryoso ito. “Aren’t we too young to get engaged?” “Not really. Singsing pa lang naman ang gusto ko. Besides, we’re going to get married din naman pagtanda natin, hindi ba? Or… maybe you’re not thinking of marrying me?” Huminga siya nang malalim dahil ayaw niyang nakikitang ganoon ang ekspresyon sa mukha nito. Ayaw niyang siya ang may gawa ng pag-aalinlangan na iyon. “I never thought about it,” wika niya rito. Napalis ang ngiti nito. Humigpit ang pagkakayakap niya rito at ngumiti. “I have been dreaming of it. Kaya kung okay lang sa `yo ang pinakasimple at murang engagement ring dahil hindi ko pa kayang bumili ng mas maganda at mas mahal, then I will give you a ring. If you win,” usal niya. Ngumiti ito. “Thank you, Ted. I love you,” usal nito habang nakasubsob sa dibdib niya. Siya naman ay isinubsob ang mukha sa buhok nito at pumikit. “I love you, too,” bulong niya. Sa sandaling iyon biglang bumukas ang pinto ng silid nito at pumasok si Anje. Na nagalit na naman—as usual—na makita siyang kasama ang ate nito. He could not stop himself from teasing her. Pagkatapos ay buong maghapon niyang iniisip kung saan siya bibili ng singsing para kay Eve… Subalit hindi pa man siya nakakabili ay binulaga na sila ng balita tungkol sa pagbagsak ng eroplano nito. Masyado siyang nagulat nang malaman niya na isa si Eve sa mga namatay. Namanhid siya at kahit nag-iiyakan na ang lahat ng tao sa paligid niya ay nanatili lamang siyang tila walang pakiramdam. Until that moment, he never believed that too much pain could make a person grow numb. Subalit iyon ang mismong nangyari sa kanya. Ang alam lang ni Ted, nang araw na ibaba ang katawan ni Eve sa ilalim ng lupa, kasama nitong natabunan doon ang puso niya. And when he realized it that same night, he let himself play a heartbreaking melody. Hanggang sa kusa nang tumulo ang mga luha niya. Taon ang lumipas bago siya nakabawi sa pagkawala nito. At hanggang ngayon, kahit ilang beses niyang sinubukang tumingin at makipag-date sa ibang babae sa Europa ay hindi niya natagpuan ang emosyong nadama niya noon kay Eve. Sinubukan niyang makontento sa mga fling, subalit nitong mga nakaraang buwan, kahit doon ay nawawalan na siya ng interes. Hanggang sa maisip niya, maybe he will never love anyone else like that again. Maybe, he really lost his heart that day as he stood in front of Eve’s grave. Maybe he wasn’t capable of loving anyone else anymore. Dahil kung posible iyon, dapat ay noon pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD