AGAD na sumikdo ang puso ni Anje nang makita niya si Ted na nakaupo sa dulong mesa sa restaurant na matatagpuan sa Trump Hotel kung saan daw ito nananatili habang nasa New York ito. Nang ihatid siya ng headwaiter sa mesa nila at tumingala sa kanya si Ted ay halos hindi na siya huminga. Halos dalawang linggo lang silang hindi nagkita pero pakiramdam niya taon ang lumipas. And the yearning she felt for him now was greater than what she felt for him bago sila nagkita sa Pilipinas. Labis na pagpipigil ang kinailangan niya upang huwag itong takbuhin at yakapin. Tumayo si Ted nang magtama ang mga mata nila. Nagliparan ang mga paruparo sa sikmura niya. Pagkatapos ay tila ba nababasa nito ang naiisip niya at nagsimula itong maglakad palapit sa kanya at ibinuka ang mga bisig. Gumuhit ang ngiti