ABOT-TAINGA ang ngiti ni Anje nang matapos ang tawag ni Ted sa kanya. Napagdesisyunan nilang magkita mamayang gabi. Iyon lang daw kasi ang gabing nagawa nitong ilibre para sa kanilang dalawa. Okay na iyon sa kanya. At least, makikita niya ito. “Theodore?” untag ni Brad sa kanya. Napakurap siya at nilingon ito. “Oo.” Tumaas ang mga kilay nito. “`Akala ko ba, walang nagbago sa inyong dalawa? Pero bakit parang may kakaiba sa tawagan ninyo?” nagdududang tanong nito. Natigilan siya. May naiba ba? Wala naman siyang napansing kakaiba kay Ted. Ganoon pa rin ito. Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon, sa kanya ang may naiba? “D-do you think it’s obvious that I like him?” mahinang tanong niya kay Brad. Kumunot ang noo nito. “If you ask me, well, yes. Hindi ba, kahit naman noong high school, s