"YOU OKAY, sweet love?"
"Actually, no."
"Want me to come over and bring your favorites?"
"Yes, please. Sorry sa istorbo." Napangiti ako nang marinig kong natawa si Isay sa kabilang linya.
"Stop. You're feeling down. At habang pinagdadaanan mo 'yan, I want to be by your side. Hindi ka istorbo kasi mahal kita. See you later, sweet girl." Hindi ko alam kung ano'ng kabutihan ang nagawa ko sa past life ko para pagkalooban ng isang maunawain at mapagmahal na girlfriend sa katauhan ni Isay. Lalong-lalo na sa mga down moments ko.
Today, I am not in my best self, feeling not so good physically but as well as emotionally. Feeling overwhelm ganu'n, naranasan n'yo na rin ba? Isa sa mga factor nito ay dahil period week ko na, so, hormonal imbalance is real. And it will probably last until my period ends.
Ang hirap maging babae sa mga ganitong panahon! Body pain, feeling bakulaw, unhealthy cravings, trouble sleeping, emotional and emotionless at the same time! Kaya nga kapag nararanasan ko 'to, naghihinay-hinay ako. Taking things slowly means prioritizing myself more. Although challenging s'ya kaya thankful ako to have Isay in my life. So, habang hinihintay ko ang pagdating ng maganda kong girlfriend ay nagpunta muna ako sa CR ko take a shower.
Pagkahubad ko ng mga damit ko, binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ng malamig na tubig ang buhok at mukha ko. Ramdam ko rin ang sarap ng pagdaloy nito sa 'king balat dahilan para kumalma ang tensyonado kong mga balikat. Ayokong magmadali sa paliligo kaya nagbabad ako sa shower ng ilang minuto bago ako nagsabon at nagbanlaw. Tapos kakaibang ginahawa ang naramdaman ko pagkalabas ko ng banyo. Minsan, kailangan lang nating hayaan na tangayin ng running water ang mga emosyong hindi natin kayang kontrolin.
"Hi, Lovely." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Isay. Hindi ko kasi namalayan na nasa bahay na pala s'ya. Gosh, ang tagal ko bang naligo?
"Ang bango naman ng baby ko. Pa-kiss nga." Natawa ako sa gestures n'ya saka hinayaan s'yang halikan ako. Napa-ungol pa ako kasi ang lalim ng halik n'ya na para bang miss na miss ako. Masyado rin kasi s'yang busy this past few days due to school works kaya hindi kami madalas nagkikita. Pero lagi naman kaming nag-uusap sa phone before sleeping for a quick update. Siguro, part of me, namimiss lang din ang prisensya ng girlfriend ko.
"Look, I bought your favorite ramen, cheesecake and drinks!" Pagmamalaki n'yang ibinida sa 'kin ang mga pagkaing dala n'ya. Magtatanong sana ako kung saan n'ya kinuha ang pambili ng mga 'yun kasi seriously baka gumastos pa s'ya ng malaki pero inunahan na n'ya ako.
"Hep, hep. I have extra so don't worry. And matagal tayong hindi nakapag-date kaya sinamantala ko na ang pagkakataon." She's cute, I miss her. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
***
"HOW'S your feeling?"
"Okay na hindi? Meron ba nu'n?" Natawa kami sa sagot ko tapos nakita kong napaisip s'ya bago tumango. Magkatabi na kami ngayon sa sofa habang nanunuod ng comedy show.
"Meron siguro. Kasi nararanasan ko rin 'yan. Yun bang hindi mo maipaliwanag. Walang mali, pero walang tama. Ayos na hindi. Maganda o pangit."
"Ang tawag d'yan so-so. Yun bang either mabuti o masama. Hindi fantastic, hindi worst. Parang in between. Ordinary." Sabi ko.
"But hey, minsan, ayos lang na hayaan nating lumipas ang mga bagay-bagay. Hindi naman natin kailangan maging best version of ourselves araw-araw kasi mahirap naman 'yun. Tao lang tayo. Plus, babae pa tayo. Maraming mood swings. Pero at the end of the day, nagiging maayos din naman ang lahat. Di ba, 'yan ang palagi mong sinasabi sa 'kin? Ngayon, ako naman ang magsasabi sa 'yo." Naramdaman kong sinimulan n'yang haplus-haplusin ang buhok kaya umalma ako.
"Babe, aantukin ako sa ginagawa mo, eh." Sakto, kakatapos lang namin kumain so ano pa bang masarap gawin 'pag busog? Edi, matulog!
"Ayos lang. Nandito naman ako." Aniya. Hindi ko na s'ya kinontra habang pinagpapatuloy n'ya ang paglalaro sa buhok ko. And all honesty, sobrang nare-relax ako sa ginagawa n'ya. Dahil du'n, lalo akong nagsumikmik sa girlfriend ko. Inamoy-amoy ko rin ang leeg n'ya kaya natawa s'ya. Nakiliti siguro.
"Love you, Liway. Nandito lang ako. Tulog ka muna para gumanda pakiramdam mo." Malumanay na sabi n'ya.
"Sigurado ka? Gusto mong matulog ako sa date natin?"
"Oo. Kasi kailangan mo 'yun. Ayos lang sa 'kin, puede rin akong matulog kasama mo kasi hindi na ako natatawa sa comedy show na pinapanood natin." Pagkasabi n'ya nu'n eh sabay kaming humagikhik. Kaya naman bilang pagsang-ayon sa gusto n'ya, umayos kami ng higa sa sofa, ipinatong ko ang ulo ko sa kan'yang dibdib habang niyayakap s'ya.
"Love you, too, Isay. Salamat sa pagpapagaan ng bawat sandali." Naramdaman kong hinalikan n'ya ang aking noo bilang tugon sa sinabi ko. Tapos in-off n'ya ang tv at sinimulang laruin ulit ang aking buhok.
"You are my sunshine, my only sunshine..." Gosh, kulang na lang ay sumabog ang puso ko sa labis na saya nang simulan n'yang kumanta.
"You make happy, when skies are gray. You'll never know dear how much I love you. Please, don't take my sunshine away..." Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng aking mga mata. At bago ako tuluyang lamunin ng antok ay naramdaman ko ulit na hinalikan n'ya ako sa noo.
"Sweet dreams, sunshine. I love you so much."
Love you, too, sweet girl. Thank you for being the light of my life.