bc

Love Shots (gxg) (oneshots) (COMPLETED)

book_age18+
417
FOLLOW
1.9K
READ
second chance
submissive
drama
comedy
sweet
gxg
lighthearted
witty
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Mariella Liwayway San Diego aka "Liway" - 32-year-old assistant vet who loves coffee and hates watching movie. Single si Liway all her life and tinanggap na lang n'ya ang kapalaran na maging "certified tita" sa mga pamangkin n'ya. Until one day, naisipan n'yang mag-install ng dating app at nag-krus ang landas nila ng future screenwriter and ultimate Gen Z baby na si Isay.

Isabella Malaya Agustin aka "Isay" - 20-year-old Filmmaking student na pangarap na lang humimlay sa hukay dahil sa pressure sa pag-aaral at pamilya. Nang makilala n'ya si Liway, wala s'yang ginawa kundi pasakitin ang ulo nito dahil ganu'n daw s'ya mag-express ng pagmamahal.

Samahan natin sila sa kanilang #LoveShots at kiligin dahil 'yun lang ang ambag natin.

chap-preview
Free preview
Many Happy Returns!
Ring... ring... ring... "Hay, bwiset. Ang alam ko off ko ngayon, ah?" Alburoto ko matapos akong gisingin nang sunod-sunod na ring ng aking cellphone. Alam ko kung anong araw ngayon, Biyernes, at kapag Biyernes, wala akong trabaho! Maliban na lang siguro kung maraming naka-schedule na kakapuning aso at pusa sa clinic. Wala akong choice kundi pumasok kahit 'yung kaluluwa ko nasa kama at naghihilik pa. Ring...ring... ring... "Oo na, sasagutin na nga." Aburido kong sabi matapos kapa-kapain ang phone na napunta na sa ilalim ng unan ko. Pambira, nasabi ko na lang sa 'king sarili. Hindi na rin ako nag-abala na tingnan ang caller ID dahil mabilis ko nang sinagot ang call. Magtatanong pa lang sana ako kung sino ang hudas na umistorbo sa tulog ko nang bigla n'ya akong unahang magsalita! "HAPPY BIRTHDAY, CUTIEPIE, HONEY BUNCH, BABY GIRL." Masaya n'yang wika sa kabilang linya dahilan para matunaw ang puso ko sa labis na kilig at ligaya matapos rumehistro ng boses n'ya sa 'king tenga. Oh, goodness. My little girlfie Isay. The love of my life. Okay, alam kong hindi ako gan'to ka-corny sa ibang tao pero pagdating sa kan'ya, wala akong panabla. Alam ko rin na twelve years ang agwat ng mga edad namin pero nagja-jive kaming dalawa. Sabagay, hindi rin naman ako palapatol sa mga tantrums n'ya at na-train na rin ng halos isang dekadang pagtatrabaho sa labas ang haba ng aking pasens'ya. Charot. Anyway, bigla kong naalala na birthday ko pala ngayon. Shuta, thirty-two years old na ako at lagpas na sa kalendaryo! Okay na yun kesa hindi lumagpas, diba? Kung tatanungin n'yo ako kung anong pakiramdam ng nasa gan'tong edad, sasabihin ko na para pa rin akong nasa teenage years ko. Kaya lang mas marami na akong alam na life hacks. "Cutie, gusto sana kitang puntahan sa apartment mo pero bigla kaming nagkaroon ng class. Nakakainis naman 'yung professor namin. Mantakin mo, hindi naman 'yun nagpapapasok nu'ng nakaraan tapos biglang nagparamdam? Sana ghinost na lang n'ya kami forever." Sunod-sunod n'yang litanya na para bang nakalimutan na n'yang huminga. So, natawa ako. "Ano'ng nakakatawa, birthday girl?" Ramdam ko na nakataas ang isa n'yang kilay dahilan para lalo akong humagikhik ng tawa. "Nothing. You're cute." "Yun lang? Nasa'n ang kiss ko? Dali, wag mo 'kong paghintayin kasi nag-bathroom break lang ako. Babalik pa ako sa klase ko." "Diyos ko, Isay. Pinaggagagawa mo? Bumalik ka na sa klase n'yo kasi baka mapagalitan ka pa." "Ehhhh, para ka namang si Mama, love." Maktol n'ya. Napakamot tuloy ako ng ulo bago nagdesisyong sumandal sa headboard ng kama. Nawala na antok ko dahil sa kagagahan ng girlfriend ko. Napatingin ako sa orasan sa wall ko at na-realize ko na 9 am na. "Kiss ko dali. Para naman buo na araw ko." Anya kaya umirap ako. Pero hindi pa rin talaga nabubura ang ngisi sa labi ko. "Mwa." Sabi ko. Tapos narinig ko ulit ang maktol n'ya sa kabilang linya dahil mukhang nabitin at hindi nakontento ang gaga. "Mwa, mwa, mwa. Happy?" Tanong ko tapos narinig ko s'yang humagikhik. Ahhhh, kahit kailan, musika sa 'king pandinig ang tawa n'ya. "Thank you, mahal. I love you. Balik na 'ko sa klase ko, I will see you later." "Hoy, bruha sandali!" Gigil kong sigaw dahilan para magreklamo s'yang nabingi. "Babalik ka na sa klase n'yo? Pa'no naman 'yung "mwa, mwa" ko? Aba, ang unfair mo!" Alburoto ko. Hindi yata ako makakapayag na s'ya lang ang may ayuda mula sa 'kin, sino ba sa 'ming dalawa ang may birthday?! "Grabe naman. Puede namang magsalita ng mahinahon. Bakit kailangan sumigaw, mahal ko?" Paawa pa ang boses ng lintek na 'to. Umubo muna ako saka bumwelo bago muling nagsalita sa pinaka-malamibing kong tono. "Love ko? Baby girl? Darling? Madam? Yung kiss ko po?" "Ayan, maamo naman pala ang mahal ko. Dahil d'yan, hindi lang kiss ang matatanggap mong regalo ngayong birthday mo. Mamaya pagpunta ko d'yan sa apartment mo, may gagawin tayo." Mapang-akit ang tono ng boses n'ya kaya hindi ko mapigilang panindigan ng balahibo at mapalunok-laway. Ewan ko pero kalmado naman akong tao kaso pagdating sa kan'ya, mabilis akong mali... Malibang. At ma-distract. Kaya naaapektuhan n'ya ang buong sistema ko. Pero masaya naman ako dahil napapalabas n'ya 'yung ganu'ng side ko. Hehe! "Mwa, mwa, mwaaaaa. I love you, cutie. Stay safe and many happy returns!" Anya bago namin pinutol ang linya ng tawag. Tapos muli akong humiga sa kama habang parang baliw na nakangiti at nakatingin sa kisame. Parang tanga lang, self, but yes, best birthday ever kasi makakasama ko s'ya mamaya. Sa ngayon, tulog muna ako. Bye.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

You are my addiction

read
190.0K
bc

JARED'S ESTRANGED MATE(book two chronicles of Her Grace)

read
572.1K
bc

Love In The Moonlight (BXB)

read
33.5K
bc

Two Worlds; The Collision

read
45.0K
bc

His Pet [BL]

read
74.7K
bc

Loved by the Gamma

read
48.9K
bc

A Love Like No Other [MxM]

read
103.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook