"ONE MORE MINUTE, matatapos na." Nakangisi kong sabi habang matiyagang pinagmamasdan na mag-save ang video na ipe-present namin sa 'ming school film festival the day after tomorrow.
Ilang araw na rin namin itong pinagpupuyatan ng mga group mates ko. So far, satisfied naman kami sa resulta. Maayos ang pagkakasulat ng script, aktibong nag-participate ang lahat during shooting and even post production like trimming and editing of videos until sa final product.
Sobrang excited kami and kabado at the same time kasi makikipag-compete kami sa ibang year level na kapwa namin Film students. Kaya nga ginawa at ginagawa talaga namin ang aming best up until now para wala kaming dahilan mabigo.
Nang matapos ang saving ng video ay nagpaalam na ako sa kaklase ko para umuwi ng bahay. Pasado alas dyes na kasi ng gabi at may klase pa kami kinabukasan around 7am. Bago ako umalis, tinext ko muna ang girlfriend kong si Liway para mag-update. Sinabi n'ya sa 'kin na wag na raw akong umuwi kasi delikado na ang daan pero ako ang nag-insist kasi ayokong ma-hassle sa pagbibihis at wala akong extra uniform.
Hindi rin n'ya ako masusundo dahil overtime sila sa clinic kasi meron silang complicated stray dog patient, which is understandable naman for me. Demanding din ang work ni Liway bilang assistant vet. Pero hanga ako sa dedication ng mahal ko sa trabaho n'ya.
Anyway, hinatid ako ng classmate ko hanggang sa gate ng subdivision nila at sinamahan ako hanggang makapagpara ako ng tricycle. Nang makasakay na ako, napa-buntong hininga ako sabay hikab. Ilang gabi na akong kulang sa tulog at pagod dahil sa demand ng college. Hindi ko naman basta puedeng pabayaan ang pag-aaral ko kasi may pangarap ako.
Meanwhile, smooth naman ang byahe hanggang maibaba na ako ni Manong sa unahan ng village namin. Hindi s'ya makapasok sa loob kasi ginagawa ang kalsada pero wala namang kaso dahil kaya ko namang lakarin. Along the way, bigla namang kumulog at bago pa ako tuluyang makarating sa bahay namin eh bumuhos na ang malakas na ulan.
Kainis, basang-basa ako pagdating ko sa pinto!
Kinabukasan, bahing ako ng bahing and kinda not feeling well pero ayoko naman um-absent kasi may quiz kami.
"Sure ka ba na kaya mo?" Nag-aalalang tanong ni Liway matapos akong bumahing nang bumahing ng ilang ulit habang kausap ko s'ya sa phone. Vacant naman namin ngayon at katatapos lang ng surprise quiz sa isa naming major subject.
"Yes, dalawang subject na lang naman, sweetheart." Sabi ko sabay sandal ng aking likod sa upuan. Napasapo ako ng aking noo para pakiramdaman kung nilalagnat ako, and confirm dahil mainit ako than normal. Nagsimula na ring mamasa ang mga mata ko senyales na na-trigger na rin ang allergy ko.
"Hindi ko tuloy mapigilang mag-worry sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi ni Liway. Nakonsensya rin ako at the same time kasi alam kong mag-aalala talaga s'ya once na nalaman n'yang hindi mabuti ang pakiramdam ko. Nasa work pa naman s'ya.
"Hey, don't worry. Kaya ko ang sarili ko. Mabuti pa sulitin mo na lunch break mo kasi malapit nang mag-ala una." Sabi ko sa kan'ya. Tumutol pa nga pero wala naman s'yang panabla sa 'kin. Tatawa-tawa pa ako bago binaba ang call, sakto pagpasok ng propesor namin na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.
Help, sino'ng umaway sa kan'ya?
***
HILONG-HILO na ako at katatapos ko lang sumuka sa CR ng school namin. Pambihira, gusto ko na lang humiga sa sahig kasi init na init ang pakiramdam ko. Nanginginig na rin ang tuhod ko and any moment puede akong himatayin. Kaya nga nagpatulong na ako sa kaklase kong babae para samahan ako sa clinic namin.
Pagdating namin du'n ay agad akong inasikaso ng nurse. Pinahiga n'ya ako sa kama matapos painumin ng gamot at habang hinihintay na bumaba ang temperature ko. Ang huling natatandaan ko ay nagkukuwentuhan ang dalawang on duty nurse tungkol sa Kpop bago ako nakatulog.
"My poor baby girl." Anang pamilyar na boses na gumising sa 'kin mula sa pagkakatulog. Naramdaman ko rin ang palad n'ya sa 'king mukha habang masuyo akong hinahaplos. At tama ako dahil nang imulat ko ang mga mata ko'y tumambad sa 'kin ang maganda kong kasintahan. Pero bakas din sa mga mata n'ya ang labis na pag-aalala sa 'kin kahit na nakangiti s'ya.
"There you are. Hi, darling." Sabi n'ya dahilan para mapangiti ako. Agad ko s'yang sinenyasan na yakapin ako para matiyak kong hindi ako nananaginip. At nang maramdaman ko ang init nang pagkakalapat ng aming dibdib ay tinding kaginhawaan ang namutawi sa pagod kong sistema.
Gosh, dumating s'ya.
"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kan'ya.
"Nag-text sa 'kin ang classmate mo. S'ya yata ang kasama mo papunta rito. Nag-alala ako ng husto kaya nag-undertime ako sa trabaho. Pero don't worry, wala naman kaming masyadong pasyente kaya pinayagan ako ni Doc." Napanatag naman ako sa sinabi n'ya at hindi na kumontra pa. Masaya ako na kasama ko si Liway ngayon.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Isay?" Seryoso n'yang tanong kasi binanggit na n'ya ang pangalan ko.
"Medyo maayos na."
"Sorry kasi hindi kita nasundo kagabi. Di ka sana mababasa ng ulan at magkakasakit."
"Oh, wala kang kasalanan, Love. Hindi naman natin alam na uulan saka okay na ako. Kailangan na lang ng pahinga tapos bukas malakas na ako."
"Sa bahay ka na matulog. Para maalagaan kita." Napangiti ako sa offer n'ya. Actually, gustong-gusto ko talagang magpaalaga sa kan'ya kapag may sakit ako. Sweet and caring kasi ang girlfriend ko.
"Okay pero need kong pumasok bukas kasi bukas na ang school film festival natin. By the way, makakapunta ka ba para manuod?" Nakita kong ngumisi s'ya bago tumango.
"Oo naman. Baka nakakalimutan mong Biyernes bukas, ibig sabihin, off ko. Sakto sa film festival mo. Saka kung hindi man, I'll make sure na makakapunta pa rin ako to support you. Ikaw pa ba?" Gosh, s'ya na talaga ang pinaka the best sa lahat ng the best! Hindi s'ya pumapalya na pasayahin ako.
"Thank you. And I love you. Salamat at nagpunta ka rito."
"Love you more and wag ka nang mag-thank you kasi responsibilidad ko 'yun bilang girlfriend mo. So, pa'no? Kaya mo na ba? Di ka na hilo? Uwi na tayo?" Tumango ako bilang tugon pero bago kami umalis ay hinalikan ko muna s'ya sa pisngi tanda ng buong puso kong pagpapasalamat at pag-ibig.