Sexy Girlfie

1243 Words
“LOVE, sabi ng katrabaho I’m gaining weight daw. Kasi tingnan mo, ‘tong pantalon na binili ko last month, hindi na kasya sa ‘kin. Mukha na ba akong balyena na pagala-gala sa lupa?” Tanong ko kay Isay habang hirap na hirap akong ibutones ang pantalon na suot ko. Hay, nakakainis talaga. Hindi ko mapaliit ‘yung tyan ko kasi pag ginawa ko ‘yun, naiipit ang bilbil ko! “Mahal ko, hindi ka balyenang pagala-gala sa lupa, okay? Yes, nadagdagan ang timbang mo at nagkalaman ka kasi sabi mo hindi na kasya ‘yang pantalon mo, but, doesn’t mean na big deal ‘yun. Ano bang paki ng katrabaho mo? May weight standard ba kayo sa working place n’yo?” Napalingon ako sa girlfriend ko na abala pa rin sa pagbabasa ng libro habang sitting pretty sa kama at nakasandal sa headboard nito. “Wala.” Sagot ko sa tanong n’ya bago ko hinubad ang pantalong pilit kong pinagkakasya kanina pa para magpalit ng mas kumportableng shorts. “Kitams? So, hindi s’ya big deal, cutie.” Anya sabay tingin at ngiti sa ‘kin. Napangiti naman ako bago gumapang sa kama para tabihan s’ya. Tapos nakita kong itiniklop n’ya ang librong hawak n’ya sabay lingon sa ‘kin. “Bakit malungkot ang baby ko?” Malambing n’yang tanong sabay hawak sa baba ko at pinid sa mukha ko para magtama ang aming paningin. “May umaway ba sa ‘yo? Sabihin mo, reresbakan natin.” “Love, naman eh. Walang umaway sa ‘kin kaya wala ka ring reresbakan. Napaka-basagulera mo rin ‘no?” Biro ko dahilan para humalakhak s’ya. Napangiti naman ako dahil ang ganda sa pandinig ng tawa n’ya. “Kung para sa ‘yo, willing akong makipagbasagan ng bungo.” Takte, ang sweet kahit napaka-bayolente! “Pero hindi pa rin ako naniniwala, mahal. Bakit ka malungkot? Alam mo naman na puede mong sabihin sa ‘kin ang lahat, ‘di ba? I won’t judge you. Well, I will try not to…” Pilya n’yang saad. “Seryoso, what’s on your mind, darling?” Nakita kong nagbago ang reaksyon ng mukha n’ya nang tila ba may ideya na pumasok sa isip n’ya tungkol sa kan’yang pakiwari sa bagay na ikinalulungkot ko. “Oh, shoot. Tama ba ako nang iniisip na tungkol ‘yun sa comment sa ‘yo regarding sa weight mo, Love?” Napabuntong hininga muna ako bago tumango sabay bawi ng tingin ko sa kan’ya. “Please, don’t mind them.” Dagdag n’ya. “I can’t, sweetheart. Kahit na ano’ng gawin ko, hindi maalis sa isip ko ‘yung sinasabi nila sa ‘kin tungkol sa… sa pagtaba ko. Na kesyo lumaki nga raw ako. Na para na akong si ganito, gan’yan.” Mangiyak-ngiyak kong saad. Ang totoo, kahit alam ko naman sa sarili ko na nag- ain nga ako ng weight, never pa rin naging okay na basta na lang may kung sino na ipapamukha sa ‘yo ang isang bagay na alam mo na. Tapos ewan ko na lang if sobra akong sensitive para tumangis dahil nasasaktan ako sa mga kumento nila sa ‘kin. “Sinabi nila ‘yun? Tapos tinawag ka pa nila sa kung ano-anong pangalan? Aba, napaka-sama naman ng ugali nila, sweetie. May kalalagyan na talaga sila sa impyerno. Du’n sa tabi ni Satanas.” Sabi ni Isay dahilan para umurong ang luha ko at mapalitan nang malutong na tawa. Kahit kailan, alam na alam talaga ng girlfriend ko ang sasabihin n’ya para mapasaya ako! Hanep! “Mahal, para sa ‘kin, sakto lang ang katawan mo. And para sa ‘kin, maganda ka pa rin kahit tumaba ka man ng husto!” “Hindi naman siguro aabot sa ganu’n, Love. Yung tataba ako ng husto.” “Sabagay kasi dapat healthy ka pa rin. Ganito na lang, what I’m trying to say is hindi dapat makaapekto sa ‘yo ang sinasabi ng mga panget na ‘yun dahil hindi sila standard, please." "Alam mo ‘yang mga nagkukumento sa timbang mo, if hindi sila sincere and concern sa ‘yo, hindi mo na dapat binibigyan ng space sa isip mo. Pero syempre, hindi pa rin mawawala na maaapektuhan ka, mahal, and that’s valid. Kaya nga ako nandito ako para ipa-realize sa ‘yo kung gaano ka kaganda and kahalaga.” Anya tapos pinisil n’ya ang hita ko. Nang magkatitigan kami, napalunok-laway ako nang Mabasa ko ang pagnanasa sa kan’yang mga mata. “Upo ka sa lap ko, baby.” “Pero mabigat ako.” “Oh, shut up. Sit down, sweetie. O, baka gusto mong pwersahin pa kita?” Ayoko. Kaya in no time umupo na agad ako sa hita n’ya. Ngayon na magkaharap na kami, kitang-kita ko na nakatingin s’ya sa ‘kin na para bang tumatagos ‘yun sa kaluluwa ko. “Maganda ka, Liway. At gusto ko na itanim mo d’yan sa isip mo, mahal ko, na hinding-hindi magbabago ‘yun kahit na maraming nagsasabi sa ‘yo na tumaba ka or what. Ikaw pa rin ang babaeng gusto kong makasama hanggang tumanda tayo lalo kung iaadya ng universe. At hindi na ‘yun magbabago kaya dapat wag ka nang malungkot. Sila nga kapag ang panget nila hindi mo sinasabi tapos ang kapal ng mukha nilang punahin ang katawan mo?” “Alam mo, may mga tao na sinasabi lang nila ‘yung bagay na gusto nilang sabihin nang hindi pinag-iisipan kung ano ang magiging epekto nito sa ibang tao. Mga entitled masyado and insensitive. Akala mo sila lang ang mga anak ng Diyos.” “Pag pumayat ka, sinasabi ba nila na pumayat ka? Hindi naman, ‘di ba? Bibihira lang ang gumagawa nu’n kung meron man! Karamihan, imbes na ‘yung kagandahan mo ang makita, ‘yung bagay na makaka-satisfied lang sa ugali nilang asal kalye ang sinasabi nila. These people are bull…” Bago pa n’ya matapos ang sinasabi n’ya ay inawat ko na s’ya. “Don’t say bad words, Love. Kanina ka pa gigil. Kalma lang.” “Actually, bulldog talaga sasabihin ko.” Wika n’ya kaya natawa ako. “Thank you, mahal. Gumaan na ang feelings ko. Galing mo kasi mag-comfort. Mga words of wisdom mo, tagos sa bone marrow ko.” “Luh, parang sira naman. Pero seryoso ako du’n, ah? Para sa ‘min na nakaka-appreciate sa ‘yo, maganda ka. At para sa ‘kin, ikaw ang pinaka-maganda.” Sinsero n’yang saad. Naramdaman ko na lang hiniwakan n’ya ang mukha ko at hinigit ‘yun papalapit sa kan’ya. Tapos napapikit na lang ako nang maglapat ang aming mga labi at nagsalo kami ng isang mainit na halik. May sa ilang minuto rin nagtagal ang aming halikan. May punto na hindi ko mapigilang mapa-ungol lalo pa nang ipasok n’ya ang dila n’ya sa bibig ko at galugarin ang loob nu’n. Tapos napakiwal pa ako mula sa pagkakaupo sa kan’ya nang maramdaman kong pini-pisil n’ya ang tagiliran ko. Sheyt, binabaliw n’ya ako! “Love, sandali.” Hinihingal kong saad matapos maghiwalay ng aming labi. “Yes?” “Di ba, may klase ka pa? Ano’ng oras na. Umalis ka na kaya.” Sabi ko tapos sumimangot s’ya. Alam kasi n’ya na seryoso ako sa pag-aaral n’ya at hindi ko kinukunsinti ang katamaran n’ya. “Five minutes. Nag-e-enjoy pa akong halikan ka.” Sabi lang n’ya tapos muli n’ya akong siniil ng malalim at marubdob na halik. Okay, five minutes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD