Big Baby Liway

999 Words
BLAGAG! “Aray ko naman po, Manong.” Napabuntong hininga ako matapos mauntog ng ulo n’ya sa katawan ng tricycle na sinasakyan namin. Pang-ilang beses na n’yang nauuntog, ako na lang ‘yung awang-awa kasi baka mabiak na ‘yung bungo n’ya. But, at the same time, inis na inis na rin ako sa driver kasi ang harabas n’yang magmaneho. “Kuya, hindi po ba kayo puedeng magdahan-dahan? Pag ‘tong ulo ng girlfriend ko bigla na lang nabutas, kayo pagpupulutin ko ng utak nito sa traysikel n’yo.” Irita kong saad dahilan para pareho silang mag-react. “Babe, grabe ka naman sa mabutas. Matigas kaya ‘tong ulo ko.” Anya na ikinainis ko lalo. Pero dahil ngumisi s’ya pagkatapos, kulang na lang matunaw ang puso ko. Pero hindi ako dapat magpa-apekto, maangas ka, Isay. “Lapit na ba tayo kasi nasusuka na ako.” Sabi n’ya kaya nataranta ako. Mabuti na lang dahil natanaw ko na ang apartment n’ya. Bigla akong napanatag na hindi s’ya magkakalat sa sinasakyan namin. Nang huminto ang tricycle, agad kong inalalayan si Liway dahil kulang na lang ay gumewang-gewang s’ya sa hilo. Mantakin n’yo ba naman, nag-inom lang naman ang magaling kong girlfriend kaya kinailangan ko pa s’yang sunduin sa bar na kinaroroonan nila ng mga katrabaho n’ya. Nagpaalam naman s’ya kesyo magsi-celebrate lang daw ng birthday. At bilang ako, suportado ko s’ya para kahit paano makapagliw-aliw naman. Alam ko na stress din kasi ‘to sa work n’ya lately pero hindi ko akalain na magpapakalasing s’ya. Worried, syempre, kaya nga hindi na ako magkanda-ugaga na agad pumunta sa kinaroroonan n’ya matapos kong makatanggap ng tawag mula sa mga kasama n’ya. “Love, galit ka ba kasi nagpaka-lasheng ako?” Tanong n’ya. Hindi ko s’ya sinagot kasi busy ako sa pagkuha ng susi sa bag ko. At nang makapa ko na nga ‘yun, napangisi ako dahil sa wakas mabubuksan ko na ang pinto ng apartment n’ya. Please, ang bigat ng babaeng ‘to tapos kung makasandal sa ‘kin akala yata n’ya pader ako! Matapos naming makapasok sa pinto, inalalayan ko si Liway papunta sa bedroom n’ya. Tapos nagulat pa ako nang bigla na lang s’yang mag-dive sa malambot n’yang kama. Kahit pagod ako dahil sa pag-alalay sa kan’ya, masaya naman ako dahil safe ang girlfriend ko na nakauwi sa bahay n’ya. “Huy, cutie, bangon ka muna. Palit ka muna damit.” Sabi ko sabay palo sa pwet n’ya. “Aray ko, love. Ugh, sige pa.” Biglang nanlaki ang mga mata ko nang sabihin n’ya ‘yun! Tapos naramdaman ko na lang na nag-init ang mga pisngi ko. Mabuti nalang wala s’ya sa wisyo dahil paniguradong aasarin n’ya ako pag nakita n’ya kung gaano kapula ang mukha ko. At kasalanan n’ya ‘to! “Sira.” Sabi ko tapos dinaluhan s’ya sa kama para itihaya. Matapos nu’n, inalalayan ko s’ya para makaupo at maisandal sa headboard ng higaan. Napabuntong-hininga naman ako matapos n’yang isubsob sa ‘king leeg ang kan’yang mukha at naramdaman kong suminghot-singhot s’ya. “Goodness, darling. Ang bango mo.” Kinilabutan ako nang sumayad sa balat ko ang mainit n’yang hininga. Tapos kulang na lang mapa-ungol ako sa sarap nang dampian n’ya ng mga halik ang leeg ko. “Darling, ano bang ginagawa mo? Bibihisan lang kita. Hindi tayo mag-aano.” Sabi ko tapos muli ko s’yang pinaharap sa ‘kin. Sinimulan ko nang i-unzip ang suot n’yang dress at napalunok-laway ako nang tumambad sa ‘kin ang morena at makinis n’yang balat. Maghunos-dili ka, Isay. “Sorry kasi nasobrahan yata ako ng inom. Hindi ko na na-monitor, Babe.” Napangiti naman ako matapos n’yang mag-pout. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbibihis sa kan’ya habang kinakausap n’ya ako. Minsan hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi n’ya pero interesado pa rin akong pakinggan s’ya. “Walang kaso ‘yun. Ang mahalaga, nag-enjoy ka.” Saad ko tapos ngumisi s’ya. “Kiss ko?” “Eww, Liway. Mag-toothbrush ka muna, please.” Reklamo ko. Tapos sumimangot s’ya dahilan para magpigil ako ng tawa. Sheyt, such a big baby! “After ko mag-brush ng teeth, ki-kiss mo ‘ko, ah?” Gosh, paano ko pa s’ya matatanggihan? “Of course, sweetheart. Gusto mo mga lima pa para “I love you so much”.” Natawa ako nang biglang mag-ningning ang mga mata n’ya. Tapos niyaya na n’ya ako sa banyo para makapaghilamos at makapagsipilyo s’ya. “Honeybunch, pag nakatulog ba ako, aalis ka na?” Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa tanong n’yang ‘yun. Bakas kasi ang kalungkutan sa tono ng boses n’ya. Tapos kulang na lang mangiyak-ngiyak s’ya nang magtama ang aming paningin. Awww. “Of course not. Nagsabi na ako sa ‘min na hindi ako uuwi. So, meaning, dito ako matutulog. Sasamahan kita. Kaso pahiram ako ng damit— ay palaka!” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla n’ya akong yapusin. Sa gulat ko, nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa sahig habang nakapatong s’ya sa ‘kin. Help, nasa bibig n’ya pa ‘yung toothbrush n’ya tapos ngumisi s’ya sa ‘kin nang ubod ng tamis! “Thank you.” Anya though hindi masyadong malinaw kasi nga may nakasubo sa bibig n’ya. Ngumiti na lang din ako saka hinaplos s’ya sa pisngi. Tapos hinalikan ko s’ya sa noo bago inalalayan na makatayo para matapos na n’ya ang pagsisipilyo. Ganu’n din ang ginawa ko since may spare brush naman s’ya na para talaga sa ‘kin. At s’yempre, hindi namin napigilang magharutan habang nasa harap ng salamin. Hindi n’ya alam, pasimple ko s’yang pinagmamasdan. At lalo kong napatunayan na napakaganda n’ya, tapos napakabait pa. Napaka-swerte ko na dumating s’ya sa buhay ko at naging kasintahan ko. Hindi na ako makapaghintay na gugulin ang mga susunod na sandali sa buhay namin nang magkasama. Mahal na mahal ko si Liway. S’ya ang tanging dahilan kung bakit nananatili pa rin akong matino sa kabila ng mga pinagdaraanan ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD