Tranquility

1155 Words
DATING Isay is one of the most calmest thing I've ever experience in my whole being when it comes to meeting people. Perhaps, our age gap is a big factor in the beginning of our relationship. But in spite of her being the youngest, she's the girl that a woman could ever ask for. Isay is patient, kind and understanding. She's caring and lovable. Kaya nga habang tumatagal ang aming relasyon, lalo kong napapatunayan na she's the one. "Honey, ano'ng gusto mong kainin? Magluluto ako. Wait, alam ko na. Magluluto ako ng instant ramen kasi 'yun ang paborito mo!" Nakangiti n'yang sabi tapos nilapitan ako saka hinalikan sa pisngi. Magkasama kami ngayon sa apartment ko. Actually, dito s'ya dumiretso after school, nauna pa s'ya sa 'kin dahil galing ako sa work eh heavy traffic. Last last week pa kasi ang huling pagkikita namin kaya nag-decide kami na mag-dinner date sa apartment in the middle of the week. "Di ba, gusto mo 'yung may repolyo?" Tanong n'ya kaya napangiti ako sabay tango. Nakita ko s'yang dumiretso sa kusina saka nagsimulang magluto ng dinner namin. While ako, after makapagpalit ng damit pambahay ay naghanda naman ng mesa na aming kakainan. Pero nag-decide kami na mag-movie marathon na lang. "How's work, sweetheart?" Anya matapos ko s'yang lapitan saka yakapin sa likod. Ipinatong ko ang aking baba sa kan'yang balikat saka sininghot ang amoy n'ya. Napabuntong-hininga naman ako matapos makaramdam ng kaginhawaan at kapayapaan dahil sa katotohanang malapit ako sa babaeng mahal ko. "Tiring yet productive. Next week nga pala may Kapon Project kami. In-organisa ng clinic kasama ang ilang non-government organization and private sectors. Open for all stray animals and home pets 'yun. Gusto mo bang mag-volunteer?" Tanong ko sa kan'ya. "Of course! Puede ba kami mag-film? Kahit short film lang para mai-promote 'yung importance ng kapon sa school and also sa neighborhood? Puede n'yo rin gamitin 'yun as material sa social media if you want." Nakangiti n'yang suhestyon. By that time, nakaharap na s'ya sa 'kin while nakasandal sa sink. Tapos naka-angkla sa leeg ko ang kan'yang mga braso. Gosh, I'm so tempted to claim her lips! "Yeah, sure. Thanks in advance. That would be a big help sa community to lessen unwanted pregnancy sa mga stray dogs and cats. I'm so excited about the project, darling." "Me, too. But first, let's have a dinner. Yung mga dragon ko sa tiyan nag-aaway-away n'ya." Biro n'ya. Pero bago n'ya ako tinalikuran ay hinapit ko s'ya sa braso para siilin ng malalim na halik sa labi. Sorry not sorry, sweety. "I love you." "I love you more, amore." *** "SWEET GIRL, ano ba? Hindi mo na ba kaya? Gusto mo buhatin na kita?" Natatawa kong wika matapos kong lingunin si Isay habang mistulang laylay na ang dila. Other day na ito and kasalukuyan kaming umaakyat sa Mt. Ulap dito sa Itogon, Benguet. Paborito ko ang hiking when I was in my early 20's. At kahit 32 years old na ako, may binatbat pa rin ang mga tuhod ko. Natatandaan ko na on our way here, panay pang-aalaska 'tong girlfriend ko na kesyo marupok na raw ang mga buto-buto ko para umakyat ng bundok. Hinayaan ko lang s'ya total mukha naman s'yang masaya. Pero sinigurado ko na kakainin n'ya ang mga sinabi n'ya. "Sandali lang naman. Wala ka bang kapaguran? Teka, malayo pa ba tayo sa summit? Shogod na ako!" Reklamo n'ya dahilan para mapahalakhak ako. "Sira, nasa first peak pa lang tayo. Anong summit ka dyan? Saka seryoso ka ba sa pagod ka na? Halos trekking nga lang ang ginawa natin." Sabi ko. Sinimangutan naman n'ya ako. "Ano'ng trekking ka d'yan? Ang daming slope nu'ng dinaanan natin! Mukhang ako yata ang 'di makakatagal dito, darling." Naawa naman ako sa tono ng boses n'ya kaya nilapitan ko na s'ya. "Alam mo ba na beginner-friendly ang Mt. Ulap? Itong nilakad natin up to here eh sisiw pa lang. Sa pababa ka medyo kabahan kasi matarik 'yung dadaanan natin. Pero mabilis naman. Mabilis kang gugulong, echos!" Tatawa sana ako kaso hinampas ako ng walanghiya sa braso kaya napa-aray ako. "Love, naman eh. Sige ka, pag nahulog ako sa bundok, wala ka nang magandang jowa." "Aba, gumaganyan ka na, ah?" "Syempre. Kaya nga pasanin mo 'ko para makausad na tayo. Kahit du'n lang sa banda roon tapos maglalakad na ako." Sabi n'ya sabay pout. Makakatutol pa ba ako? Edi pinasan ko si inday at nagsimula na akong maglakad. "Ayos ba mahal na prinsesa?" "Yes. I'm sorry kasi inasar kita kanina. Ako pala ang 'di tatagal." Bakas sa boses n'ya ang sincerity kaya parang may kumurot naman na kung ano sa puso ko. "Ayos lang 'yun. At least, napatunayan ko na hindi pa ako uugod-ugod." Pareho kaming napahalakhak sa sinabi ko dahilan para gumewang ako't mawalan ng balanse. Mabuti nalang nakatalon s'ya sa likuran ko sbago pa s'ya mahulog sabay hila sa 'kin para mapaupo kami sa may damuhan. Mula du'n, pinagmasdan namin ang magandang mountain view. "Thank you kasi pumayag kang umakyat sa bundok kasama ako. Alam ko kasi hindi mo masyadong hilig ang mga physical activities katulad nito." Sabi ko. Napangiti naman s'ya nang magtama ang aming paningin. "Well, naisip kong wala namang masama if susubukan kong gawin 'yung mga bagay na ginagawa mo, Love. And know what? Super na-enjoy ko naman ang pagpunta natin dito. Tingnan mo, ang ganda-ganda ng view!" "Pero mas maganda ka, Isay." Sinsero kong saad habang nakatingin sa kan'ya. Nang tingnan n'ya ako, kitang-kita ko ang pamumula ng kan'yang mga pisngi. OMG, she's so cute!! I wanna squish her cheeks, legit! "I love you, Liway. I really do. I'm so thankful that God gave me you." Saad n'ya. Para namang sinisilihan ang pwet ko dahil sa kilig. "Thankful din ako dahil dumating ka sa buhay ko. Sana marami pa tayong ganitong pagkakataon na magkasama. Pero kahit hindi tayo lumabas ng bahay o gumawa ng mga activities like this, masayang-masaya na ang puso ko na makatabi ka sa sofa habang humihigop ng mainit-init na ramen at nanunuod ng comedy show." Saad ko dahilan para lalo s'yang mag-blush. Bago kami tulumayo sa pagkakaupo ay nagsalo ulit kami ng mainit na halik. At pagkatapos ay magkahawak kamay naming pinagpatuloy ang pag-akyat sa naturang bundok. Na-realize ko lang na when you really love someone wholeheartedly, age is just a number. I don't see anything wrong about loving someone na hindi mo ka-liga as long as open ang communication n'yo sa isa't isa. Though I'm not saying and generalizing na lahat ay nag-sa-succeed. Hesitant din ako noon to date someone na hindi ko ka-edad because there's such a big difference in terms of life, experiences, maturity, brain development and there's also power imbalance. Pero nag-take risk pa rin ako. So far, so good. My relationship with Isay is peaceful. Reciprocated ang love ko at hindi ito katulad nang mga naka-date ko noon na mga ka-edad kong mas isip bata pa sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD