APNI Part 5: Hiwaga ng Tubig

1573 Words
Ang Paraiso ni Irano AiTenshi June 27, 2019   Part 5: Hiwaga ng Tubig Sa pag lipas ng mga araw ay tuloy tuloy pa rin ang pag tulong ko kay kap sa mga gawain sa barangay hall, at maging sa bahay. Madalas rin na ako ang tumatayong katulong at kasama niya sa mga lakad sa iba’t ibang parte ng isla. Tungkol naman sa amin ni Cyan ay dati pa rin ang aming set up, titigan, sulyapan, madalang mag usap bagamat lagi kaming tinutukso ni Tibur dahil sa aming hindi maipaliwanag na iwasan.  "Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo hijo, hindi ba kita napapagod sa mga gawain? Naalala mo na ba kung taga saan ka? Siguro ay dapat mag tungo na tayo doon sa siyudad upang makapag report. Baka hinahanap kana ng iyong pamilya." ang wika ni Kap habang kumakain kami ng almusal. "Maayos na po ang pakiramdam ko, malaki yung naitulong ng pag ttrabaho ko doon sa barangay hall. Nakaadjust ako ng mabilis dahil sa magandang pakikisama nila sa akin." "Sana ay tuloy tuloy na iyan. Hayaan mo mag ffile ako ulit ng report para sa iyo. O kaya ay lalapit tayo sa telebisyon o sa radyo upang mahanap ang pamilya mo." "Aalis ka? Paano na si Cyan? Este kami pala dito?" ang tanong ni Tibur "Teka nasaan nga ba si Cyan?" ang tanong ni Kap noong marinig ang pangalan ng anak "Ayun Kap, tulog pa. Napagod kagabi." ang naka ngiting sagot ni Tibur "Napagod? Wala naman siyang ginagawa ah." ang pag tataka ng kapitan. "May ginagawa siya kap, nag iisip siya. At nakakapagod ang isip ng sobra." sagot ulit ni Tibur "Bakit? Anong iniisip ng tarantadong iyon?" "Iniisip niya si Irano." "Bakit naman si Irano ang nasa isip niya? May gusto ba siya sa bisita natin?" "Eh diba nga kap, si Irano ang makakalaban niya, baka natatakot siyang matalo o mawala ang titulo sa kanya." palusot ni Tibur bagamat parang iba ang nais niya iparating. "Ikaw hijo, ganoon rin ba ang iniisip mo kay Cyan?" ang tanong ni Kap "Ano po ang ibig mong sabihin kap?" pag tataka ko "Kung mutual daw yung feelings ninyo ni Cyan." ang naka ngising sabad ni Tibur sabay kagat sa hotdog. "Ang ibig kong sabihin ay kung itinuturing mo rin siyang kalaban o kakompetensiya." pag lilinaw ng kapitan. "Hindi naman sa ganoon kap, wala naman akong balak na agawin ang titulo ni Cyan, sa ngayon ay mas nangingibabaw ang pag nanais kong malaman kung sino at ano ako dati. Kaunting ala-ala lamang ang natitira sa isipan ko, malalabo pa ito. Nais kong bigyan ng kasagutan ang mga tanong sa aking isipan." tugon ko dahilan para mapa palakpak si Tibur."My Gewd Irano, My Gewwdd! Napaka safe ng answer mo, napaka plastic! Ako nga e tigil tigilan niyong dalawa. Ang ibig kong sabihin ay mag focus tayo sa laban mo, kailangan ay makompleto ang six pack abs mo. Parang ganun kay Cyan." wika niya. "Tibur, huwag masyadong papagurin si Irano dahil baka hindi pa kaya ng kanyang katawan ang labis na bigat ng pag wowork out." "Kap, pagod na iyang si Irano, matagal na siyang pagod dahil madalas siyang tumatakbo sa utak ni Cyan. Choz!" ang wika ni Tibur sabay tayo sa kanyang silya at rumampa patungo sa lababo. "Goodmorning." ang bati ni Cyan noong makababa ito sa hagdan. Napahinto sa pag nguya ang kanyang ama at napatingin sa anak na nag kakamot pa ng katawan, gusot ang buhok at nag hihikab. "Ikaw ang mag duty bukas sa barangay hall. Salitan kayo ni Irano, para mayroon ka naman magawa. Hindi puro pag papalaki ng uten ang alam mo." Umupo si Cyan sa aking tabi. "May lakad ako bukas papa." "Ako nalang po ang mag duduty bukas." tugon ko. "Oh itong si epal nalang raw ulit. Mukhang mas matino naman siya sa akin." ang tugon nito sabay dakot ng kanin at ulam. Itinaas pa niya ang kanyang paa saka nag simulang sumubo gamit ang kamay. “Bakit epal ang tawag mo kay Irano? Mabuti nga yung tao na iyan at tinutulungan ako sa trabaho, ikaw na anak ko ay tamad at walang alam kundi ang makipag barkada.”   “O edi si Irano nalang ang gawin mong anak, tutal naman ay di hamak na mas matino siya kaysa sa akin.” ang pabalang niyang sagot sabay tayo sa mesa at hindi na tinagpos ang pag kain.   Napailing nalang ang kanyang ama.. Bandang tanghali, dahil wala naman akong ginagawa ay nag pasya akong mag lakad lakad sa dalampasigan, baka sakaling may maalala ako kapag nadampian ng tubig dagat ang aking mga paa. Ilang minutong lakaran lamang ito mula sa bahay kaya naman mabilis ko rin itong narating bagamat maraming humaharang sa akin para makipag kilala. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tayo ako sa pampang, dinadampian ng malamig na tubig ang aking mga paa na siyang nag bibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Tahimik. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang banayad na hampas ng alon mula sa pampang, ang banayad pag salpok nito sa buhangin ay parang isang magandang musika sa aking pandinig. Kaya naman nanatili ako sa ganoong posisyon ng mga ilang saglit. Habang nasa ganoong pag pikit ako ay para bang nakikita ko pa rin ang aking sarili na nalulunod sa malalim na karagatan, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang lamig sa aking katawan, ang takot at ang pag kapatid ng aking pag hinga.. Maya maya ay nag bago ang senaryo sa aking isipan, mayroon akong kakaibang bagay na nakikita. Ito ay imahe ng isang lalaki na nakatayo sa isang mataas na lugar habang pinag mamasdan niya ang daan daan kometa na bumabagsak sa kalangitan. Maya maya ay lumundag ang lalaki mula sa mataas na lugar na iyon at bumulusok ang kanyang katawan sa ilalim ng karagatan. Nag liwanag ang kanyang kamay at gayon rin ang kanyang dibdib. Lumakas ang liwanag nag iyon ay bumalot sa kanyang buong katawan. Kasabay noon ang isang malakas na pag sabog na yumanig sa buong paligid. Nauga ang senaryo sa aking isipan na wari'y nanonood ako ng isang pelikula.. Muling nag balik sa normal ang lahat at kasabay noon ang pag tapik ng isang kamay sa aking balikat. "Pare mukhang malalim ang iniisip mo ah." ang bungad ng isang lalaki kaya naman humarap ako sa kanya. Dito ay nakita ko Cyan, kasama ang kanyang mga kabarkada na nakatayo sa aking likuran. "Pinakikinggan ko lang yung alon sa karagatan. May kailangan ba kayo?" tanong ko dahilan para mag tawanan sila. "Pina kikinggan daw yung alon sa karagatan, bano yata itong boarder nyo pare." Maya maya ay lumakad sa aking harapan, lumusong rin siya sa tubig kung saan kapwa tinatamaan ng alon ang aking mga paa. Mahangin.. "Kailangan lang kitang kausapin, alam mo ba ma medyo naiirita na ako sayo? Kasi pare masyado kang nag mamatalino, masyado kang nag papaka husay kay papa. Nag mumukha kana tuloy isang malaking epal. Masyado kang matalino kaya lalo akong nag mumukhang bobo at walang kwenta sa mata ng ama ko. Taga saan kaba kasi? Wala ka bang balak na umalis na rito?" ang tanong ni Cyan habang hinahawi ang buhok na hinahangin. "Kung ganyan ang iniisip mo ay hindi ko sinasadya. Gusto ko lamang makatulong sa iyong ama sa paraang alam ko, bilang pag tanaw na rin ng utang na loob sa pag kupkop niya at pag tulong sa akin. Tungkol naman sa pinag mulan ko, patawad ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa ito naaalala." tugon ko "Ah ganoon ba? Sige tutulungan kitang maka alala!" ang sagot ni Cyan at dito ay laking gulat ko noong lumandinga ng kanyang kamao sa aking mukha dahilan para matumba ako sa tubig. "Nadale mo pare! Sapol" ang pag tatawa ng kanyang mga kabarkada Tawanan sila.. "Ano naka alala ka na ba?" ang tanong ni Cyan, sabay hila sa aking damit at muli akong sinuntok dahilan para matumba ako sa tubig, sa mas malalim na parte. "Sa susunod huwag kang masyadong nag magagaling ha. Wala ka pala e. Bakla" ang wika pa niya sabay tadyak sa akin palubog sa tubig. Habang naka lubog ay tila naging slow motion ang aking paligid. Pakiramdam ko ay tumagal na ako ng ilang segundo sa ilalim nito at kasabay noon ang pag liliwanag ng aking katawan.. Gayon pa man ay pinilit kong bumangon paitaas at gumanti sa ginawa ni Cyan. Buong pwersa akong tumayo mula sa pag kakalubog sa tubig at noong mga sandaling iahon ko ang aking ulo paangat ay laking gulat ko ng mapansin na iba ang paligid. Wala na si Cyan at ang kanyang mga kaibigan. Ang kulay ng paligid ay kakaiba na at ang tubig na kanina ay kulay asul, ngayon ay naging kulay lumot. Ang kulay ng buhangin ay ganoon parin bagamat mas pino ito at mas kumikinang na parang mga diamante mula dito sa aking kinalalagyan.   Patuloy ako sa pag linga, gulong gulo ang aking isipan noong mga sandaling iyon, pakiwari ko ay namaligno ako o napadpad kung saang lugar na wala ni isang tao kaya naman mas minabuti kong umahon pabalik sa pampang..   Habang nasa ganoong posisyon ako ay napinto ako pag kilos dahil noong akmang tatayo ako ay may nakatutok na patalim sa akin, para itong isang sibat na may tatlong tulis. “Isang dayuhan! Walang kikilos ng masama!” ang wika nito at mula sa aming kinalalagyan ay nag takbuhan na rin ang mga nilalang na naka suot ng kulay berdeng kalasag, may mga taingang parang palikpik ng isda, at mga paa na parang sa palaka at mag muscles na ang lalakihan..   Ang isang kawal ay may hawak ng isang malaking kabibe at hinipan niya ito..   Tumunog iyon ng malakas na parang isang barko..   Tumakbo sila..   Ang lahat ay pumalibot sa akin at tinutukan ako ng mga patalim sa iba’t ibang direksyon..   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD