APNI Part 6: Iranya at Araknia

2018 Words
Ang Paraiso ni Irano AiTenshi June 30 2019 Habang nasa ganoong posisyon ako ay napinto ako pag kilos dahil noong akmang tatayo ako ay may nakatutok na patalim sa akin, para itong isang sibat na may tatlong tulis. “Isang dayuhan! Walang kikilos ng masama!” ang wika nito at mula sa aming kinalalagyan ay nag takbuhan na rin ang mga nilalang na naka suot ng kulay berdeng kalasag, may mga taingang parang palikpik ng isda, at mga paa na parang sa palaka at mag muscles na ang lalakihan..   Ang isang kawal ay may hawak ng isang malaking kabibe at hinipan niya ito..   Tumunog iyon ng malakas na parang isang barko..   Tumakbo sila..   Ang lahat ay pumalibot sa akin at tinutukan ako ng mga patalim sa iba’t ibang direksyon..   Part 6: Iranya at Araknia "Dayuhan, wag kang kikilos ng masama! Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" ang ng isang kawal na iba ang kasuotan sa kanyang mga kasamahan. Itinaas ko ang aking kamay at nanatiling naka luhod "Hindi ko alam! Maniwala kayo sa akin!" ang katwiran na hindi maiwasan ang mangatog ang tuhod. "Kung ganoon ay ano ang ginagawa mo dito? At paano ka nakarating sa lugar na ito?" tanong pa ng isa. "Eh hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay lumubog ako sa tubig, tapos ay nag liwanag ang aking katawan at pag ahon ko ay nandito na ako. Maniwala kayo sa akin!!" ang sagot ko. "Walang kakayahan ang isang normal na nilalang na makarating dito sa planetang Iranya! Nasaan ang iyong sasakyang pang kalawakan?" ang tanong pa niya sabay kambat sa kanyang mga kawal na sumisid sa dagat dahil baka may itinago akong sasakyan doon. "Wala nga! Iyon ang nangyari at nag sasabi akong totoo! At ayoko na dito! Gusto ko na bumalik sa mundo ko!" ang sagot ko naman kaya naman tumayo ako at nag handang gumawa ng pag hakbang.. Lalo silang lumapit sa akin at mas itinutok ang kanilang mga sandatang hawak. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko noong mga oras na iyon, sumagi sa akin isipan na mang agaw ng sandata at ipag tanggol ang aking sarili ngunit tila wala akong lakas para gawin iyon, masyado silang marami kaya na tiyak na kapahamakan lang ang bagsak ko. Tahimik. Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya pag dilim ng kalangitan at mula dito ay bumagsak ng kakaibang mga bato kulay itim na nag liliwanag kaya naman nagimbal ang lahat at nag tatakbo.. Muling hinipan ng isang kawal ang isang malaking kabibe kasabay ng pag ugong nito ay ang pag tunong ng mga tambol sa ibat ibang parte ng lugar. "Mga Araknia!!" ang sigaw ng kapitan.. Noong makasigaw siya ay ang liwanag ang mga kulay itim na malalaking bato sa paligid at saka sabay sabay na sumabog! Nag kagulo ang lahat! Ang mga buhangin ay umangat sa ere, ang lupa ay nag bitak at gayon rin ang madalas na pag yanig sa kada pag sabog ng mga batong iyon sa paligid. Habang nasa ganoong pag katakot ang lahat ay siya naman pag angat mula sa tubig ng mga nilalang na nakasuot ng bakal na kalasag, ang lahat ay armado ang baril na nakakaiba ang anyo. Hindi bala ang lumalabas sa mga ito, kundi kulay itim na ilaw o laser. Wala akong nagawa kundi ang makitakbo na rin, hindi ko na alam kung ano nangyayari basta ang nakita ko lang ay nakipag sagupaan ang mga kawal na isla laban sa mga bagong dating. Ang mga sandatang hawak nila na may tatlong talim ay hindi lang basta sibat, nag liliwanag ang mga dulo nito at lalabas rin ng liwanag na kulay puti na animo laser. Para akong baliw na nag tatakbo, hindi ko alam kung saan akong direksyon mag tutungo. Minsan ay nadarapa ako o nasusubsob sa dahil sa pag yanig pero hindi ko ito alintana, ang mahalag ay maka alis ako ng ligtas sa bangungot na ito, gusto ko nang gumising! Gusto ko na bumalik sa islang aking pinag mulan! Isang malakas na pag sabog! Tumilapon ang aking katawan at sumadsad sa buhanginan.. Tuloy pa rin ang palitan ng atake ng dalawang mag kaibang kawal.. Itim ang dayuhan, at berde naman ang mga taga isla. Para akong nanonood ng pelikula sa tindi ng mga eksena, ngunit ang pag kakaiba lang ay totoo ito at ang aking takot ay hindi mapapantayan. Patuloy ako sa pag takbo ng mabilis palayo sa isla ng biglang may bumagsak na isang kawal sa aking harapan, kulay itim ang kasalag, ibig sabihin ay nabibilang siya sa dayuhan. Ang kaibahan nga lang ay iba ang anyo ng kanyang helmet, balot ito ng ginto at mas espesyal kaysa kanyang mga kasamahan. "Ako si Heneral Galfia ng planetang Araknia, naparito ako para sa iyo bata!" ang wika niya sabay hawak sa aking ulo kaya naman nag pumiglas ako. Hinilahod niya ako sa buhanginan patungo sa kanyang sasakyan pero nag pumiglas ako. Nag wala ako at lumaban! "Bitiwan mo kooo!" ang sigaw ko ngunit mas lalo pang humigpit ang kanyang pag kakahawak sa akin! Patuloy pa rin siya sa pag hila sa akin.. Dahil sa sakit at galit ay kinagat ko ang kanyang kamay, gigil na gigil ako kaya halos matuklap ang kanyang balat na kakaiba ang lasa.  “Pwe!” pag dura ko na may kasamang dugo.   Nagalit sa akin ang heneral at sinipa ako ng malakas dahilan para mag pagulong gulong ako sa damuhan. Sinuntok rin niya ako sa mukha at muling hinilang parang kinarneng baboy sa buhanginan..   Nag patuloy ako sa pag laban pero tadyak lang ang aking napapala. “Tumigil kaaaaaa!”   “Bitiwan mo kooooo! Gago kaaaaa!” ang galit kong sigaw   “Masasaktan ka lang lalo kapag lumaban ka pa!” ang sigaw rin niya at muli nanaman ako tatadyakan.   Nasa ganoong posisyon ako noong mag liwanag ang aking dibdib at ang aking mata ay napuno ng kakaibang liwanag.   Tumahimik ang buong paligid.. Kapansin pansin na huminto ang alon sa dagat at naging payapa ito, nawalan ng galaw. Kaya naman napahinto rin ang lahat sa pag kilos kabiglang na rito ang heneral na humihila sa akin. Nanatili akong nakahiga sa lupa, umangat ng kaunti ang aking likod sa buhangin, blanko na ang aking isipan at tanging  liwanag lamang sa aking katawan ang aking nasisilayan. "Tumigil kaaaa!" ang sigaw ng heneral sabay kuha sa kanyang sibat at itinarak iyon sa aking katawan, bago pa madikit ang patalim nito sa akin balat ay naputol na ito at nalusaw.. Mula sa pagiging tahimik ng paligid ay nag simula nang yumanig, ang tubig sa karagatan ay gumalaw at nag simula umurong, lumabas ang lupa sa ilalim ng karagatan na siyang ipinag taka ng lahat..   Umurong ito hanggang sa pinaka gitna kaya naman lumabas ang maraming sasakyan ng mga dayuhan na naka tago lamang pala sa karagatan. Malayo layo rin ang iniurong ng tubig bago ito huminto..   Tahimik ulit..   Maya maya ay nag simula nang yumanig..   Kapansin pansin ang ga bundok na alon  mula sa malayo kaya naman nagimbal ang mga dayuhan sa kanilang kanila. “Ialis ang mga sasakyan!” ang sigaw ng isa.   “Pigilan ang alon! Gamitin ang barrier!!:” ang utos ng heneral.   “Hindi maaari heneral, masisira lamang ang barrier dahil ang tubig ay hindi ordinaryo!” ang wika nito   “Ano ang ibig mong sabihin kawal?” ang tanong niya habang naka tingin sa higanteng alon na pasalpok sa kanilang mga sasakyan.   “Ang tubig ay nag bago! Mayroon na ito kakaibang mineral na nakakasira ng pinaka matibay na bakal sa kalawakan! Nakakalusaw na parang asido! Nakakasunog na parang apoy ng araw!” ang wika ng ng kawal at dito ay laking takot ng lahat noong mag simulang umusok ang tubig sa paligid.   Ang higante at malakas na alon ay dinaanan ang kanilang mga sasakyan kaya naman nagiba ang mga ito at nalusaw. Patuloy pa rin sa pag yanig, bumilis ang pag gapang ng alon at halos na nagimbal ang lahat dahil palapit na ang tubig sa pampang! “Umalis na tayo ngayon!” ang sigaw ng heneral kaya naman kinuha ng isang kawal ang kanyang baril at pinaputok ito sa ere, senyales ng pag atras..   Lahat sila ay pumasok sa mga natirang sasakyan at lumipad palayo, ang naiwan lamang sa pampang ay ang mga taga isla na noon ay nag tatakbuhan dahil sa kakaibang init ng tubig na lumulusaw sa buong paligid..   Bumilis ang kabog ang aking dibdib, pakiwari ko ay tumatakbo ako sa isang napaka habang daan ngunit batid kong nakahiga lamang ako sa buhanginan.   Ang t***k ng aking puso ay hindi normal hanggang sa bumilis pa ito ng bumilis..   Saka biglang huminto..   Huminto rin ang pag galaw ng tubig at bumagsak ito, dito ay naging ordinaryong pag alon, nawala ang init at bumalik ito sa dating temperatura.    Nag dilim ang aking paningin at naramdaman ko nalang na hinila ako ng tubig at muling inilubog kung saan. Dahil wala na akong lakas ay hinayaan ko nalang kung saan man ako dalhin nito. Nag paikot ikot ang aking katawan kung saan, ibat ibang uri ng pakiramdam ang aking nadama habang palubog ng palubog sa ilalim nito..   Wala na akong natandaan pa..   Naramdam ko nalang ang pag tama ng tubig sa aking katawan dahilan para maidilat ko ang aking mga mata at kasabay noon ang pag tama ng liwanag ng flashlight sa aking mukha. “May tao sa mga batuhan! Si Irano nga!! Nandito siya sa batuhan!!” ang wika nito.   Agad na dumagsa ang mga tao sa isla at naki usisa. “Tabi kayo diyan! Irano! Irano!” ang boses ni kap na may pag aalala.   “May malay na siya! Buhay si Pogi!” ang wika ng mga beki sa likod.   Babangon sana ako ngunit tila nawalan ako ng lakas, ni hindi ko maigalaw ang aking hita at braso, pakiwari ko ba ay manhid ito na parang lantang gulay. Noong makalapit sa akin si Kap ay agad nila akong binuhat at inilagay sa stretcher. “Oh tabi kayo diyan!” ang pag hawi nila sa mga taong nakiki usisa.   Dinala nila ako sa isang malapit pagamutan, halos hindi pa rin bumabalik ang aking enerhiya, ni wala akong kakayahang mag salita, basta naka dilat lamang ako at naka titig sa ilaw sa kisame habang sinusuri ng doktor. “Wala senyales na nalunod ang pasyente, wala namang kahit anong kakaiba sa kanyang katawan maliban sa mga pasa at galos, marahil ay nakuha niya ito sa pag tama ng kanyang katawan sa mga batuhan.” wika ng doktor.   “Hijo, dapat ay iwasan mo muna ang karagatan, mukhang  nais ka talagang patayin nito. Sa susunod na mag tutungo ka doon ay mas mabuti kung dala ka ng kasama upang may titingin sa iyo.” wika ni kap   “May kasama naman siya kanina doon, nakita ko yung  grupo ni Cyan na kausap itong si Irano. Yung mga galos at pasa sa katawan niya ay si Cyan ang may gawa, pinag susuntok niya kaya ito kanina. Nag panic nga silang lahat noong hindi na lumutang ang katawan ni Irano, kaya nag takbuhan sila palayo sa tubig!” ang wika ng isang beki sa bintana dahilan para mapa kunot noo si Kap.   “Totoo ba ang sinasabi mo?” tanong nito   “True! Panget na bakla lang ako pero hindi ako sinungaling! Sumpa man sa makapal na bulbol ni Cyan! Siya ang bumira kay Irano doon sa dagat! Naku kap, yan talagang anak mo e basag ulo. Narinig ko pa nga yung pinag sasabi ni Cyan dyan kay Irano. “Wiz, akez papayag na pang 2nd runner up lang beauty ko sayo Irano.  Jojombagin na kita now para majiwak ang peysung mez!” ang wika ni Cyan. Syempre natakot si Irano kasi nga jojombagin siya ni Cyan kaya napa back out ng ilang steps ang paa niya. “Wiz ako ginagawang masama mother! Huwag mo ko jombagin, maawa ka!” ang wika ni Irano.   Pero hindi natinag si Cyan, lumapit sya kay Irano. “Insekyora, isa ka lang naman julalay ni papa si Jurangey hall. Eto bagay sayo, pak ahhh. Wawasakin ko ang peslak mooo!” ang sigaw niya sabay suntok kay Irano, syempre galit na galit si Cyan dahil hindi niya matanggap na 2nd runner up lang beauty niya. Pinag sisipa niya ito at inilubog sa dagat! Ayun, wiz na nakita ang body ni Irano kaya najokot sila at nag tatakbo palayo.   Lalong napa kunot ng noo ang kapitan at napatayo ito. “Tawagin niyo si Cyan ngayon din. Gagong iyan!” ang utos ni kap sa kanyang mga kagawad.   Humarap siya sa bintana at napatingin sa karagatan..   “Minsan ang kagaratan ay may dalang hiwaga na hindi natin maipaliwanag. Hindi ko alam kung nag taon lang ba lahat, o baka naman sinasadya ito ng kapalaran?” ang narinig kong bulong nito.   Itutuloy..                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD