Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 26, 2019
Part 4: Titig
Alas 8 ng gabi..
"Baliw ka ba Tibursio? Ilalaban mo sa akin yung ermitanyong boarder ni papa? Tang ina, mag ahit muna siya ng bulbol niyang kasing kapal ng bigote at balbas niya." ang narinig kong wika ni Cyan sa sala. Nasa loob naman ako ng aking silid at naka silip lang sa awang ng pinto at nakikinig sa kanilang usapan.
"Makapal na rin iyang sayo, gusto mo sabay na kayo mag ahit?" ang pilyong sagot ni Tibur habang isa isang iniaayos ang mga tropeyo ni Cyan sa cabinet. "Teka, bakit ba inaayos mo iyan. Saka bakit may bakanteng space diyan sa taas?" tanong ng binata habang naka pamewang na ubod ng yabang.
"Yung space na iyan ay para kay Irano. Para may mapag lagyan siya ng trophy niya sa susunod na linggo."
"Ah ganon? Gusto mong ilagay ko yung ulo mo diyan? Ayusin mo na nga iyan. Nasaan ba yung ermitanyong iyan? Lakas ng loob lumaban sa akin! Tangina, alam niya dapat ang pag kakaiba ng physical looks namin! Baka pag nakita niya ko ng malapitan ay matulala iyan at mawala sa kanyang ulirat!" ang pag yayabang nito habang lumalakad patungo sa aking silid kaya naman isinara ko ang pinto at nilock ito.
Maya maya kumatok siya. "Oy ermitanyong makapal ng balbas, nandiyan ka ba? Buksan mo nga ito." ang pag tawag niya. Kaya naman nag tungo ako sa pinto binuksan ito.
Dito bumulaga sa akin si Cyan na naka hubad, naka hawak ang isang kamay sa haligi at nakatanaw sa ibang direksyon na para bang pacool ang dating. "Kung inaakala mong matatalo mo ko e nag.." natigilan siya ng pag sasalita noong humarap sa akin.
Napatingin ako sa kanyang mata at siya naman ay napatingin rin sa aking mukha. Natahimik siya at parang panandaliang natulala..
Nakatitig lang siya sa aking mukha na para bang namamangha sa kanyang nakita..
Tahimik..
Pakiwari ko ay huminto ang mundo habang nasa ganoon kaming pag titig sa isa't isa.
Makalipas ang ilang sandali ay napakamot siya ng ulo at inuga uga ito upang bumalik ang kanyang ulirat. "Ano, ano-kung ano.. Kung inaakala mo.. ano.." nauutal niyang salita.
"Ano iyon? May problema ba?" ang tanong ko naman habang naka ngiti.
"Wala. Sige saka nalang." ang sagot niya sabay alis sa aking harapan at agad na umakyat sa kanyang kwarto.
Napakamot ako ng ulo "Anong nangyari doon?" tanong ko.
Lumapit sa akin si Tibur at tawa ito ng tawa. Mukha siya ang natutula at nawala sa ulirat. Ngayon ay alam na niya ang pag kakaiba ng physical looks niyo."
"Baka naman masyado lang siya nalamigan kasi ay nakahubad siya." ang wika ko naman.
"Ang init kaya dito sa loob, dapat kasi binubuksan ang bintana para pumapasok ang malamig na hangin mula doon sa karagatan." ang tugon niya sabay hila sa mga kurtina upang bumukas ang mga bintana. “Nautal ang mayabang, siguro ay nabigla rin sa kgwapuhan mo. Ermitanyo pa more! Akala niya siya lang yung gwapo at masarap dito sa Isla? Ngayon aware na siya na dalawa na kayong masarap.. Pag masdan!.”
“Hindi naman siguro, baka nakalimutan lang talaga niya yung mga sasabihin niya.” tugon ko naman
“Hindi! 100% nastarstruck siya sayo!” ang pag pupumilit nito.
Simula noong maibalik ni Tibur ang aking natural na anyo ay nag simula na rin akong pansinin ng mga tao sa isla, madalas ay naikukumpara ako kay Cyan na hindi naman talaga maiiwasan lalo na sa paningin ng mga beki na talagang humahanga sa mga gwapong nakikita nila.
Batid kong hindi nagugustuhan ni Cyan ang ginagawa nilang pag kukumpara sa amin dahil may mga oras na iniiwasan niya ako o hindi kinakausap kahit mag kaharap kami sa hapag kainan o nag kakasalubong sa sala. “Nakita mo na, naiimbiyerna sa iyo si papa Cyan dahil inaagaw mo ang kanyang popularidad dito sa isla, buhat noong dumating ka ay nag karoon na siya ng karibal, nahati ang fans niya at nabawasan ng 30% ang alindog niya sa mga mata ng bakla.”
“Kaya parang iwas siya sa akin?” tanong ko
“Parang ganoon na nga..” ang sagot naman niya
“Parang mabigat naman sa loob ko na mag kasama kami dito sa bahay tapos ay nag iiwasan pa kami.” ang sagot ko kaya naman naisip ko na gumawa na ng paraan para makausap siya. Gusto ko lamang maging palagay ang loob niya sa akin lalo’t nakikitira lamang ako sa kanila.
Alas 4 ng hapon, bumili ako ng dalawang bote ng alak at noong makita ko nga itong si Cyan na naka upo sa balkuhane habang nag babasa ng magasin ng mga babaeng naka hubad ay agad ko siyang nilapitan at iniabot ang aking dala.
Napatingin lang siya sa akin, hindi naman niya ako pinahiya dahil kinuha niya ito. “Salamat.” ang tanging nasabi niya sabay tungga, ipinag patuloy niya ang pag babasa. Ako naman ay uminom lang rin at pinag masdan siya sa ganoong posisyon, hindi ko rin malaman kung paano ba ito kakausapin. “Maganda yung mga babae diyan sa magasin mo.” ang pag basag ko sa katahimikan.
“Bold magasin ito, larawan ng mag babaeng naka hubot hubad, gusto mo?” ang tanong niya sabay pakita sa larawan ng isang babaeng amerikana na naka bukaka at naka buyayang ang pag kababae. Nahiya ako sa kanyang ipinakita kaya naman natawa lang ako ng hilaw at saka tumayo sa aking kinauupuan samantalang nakita ko siya sumilip sa magasin para tingnan ako saka natawa ng impit.
Matapos naman ang hapunan ay isang katok ang narinig ko sa aking pintuan at noong buksan ko ito ay nakita ko si Cyan na nakatayo hawak ang maraming bold magasin. “Tuloy ka.” ang tugon ko kaya naman pumasok siya sa loob at inilapag ang mga ito sa aking lamesa. “Baka gusto mong mag basa.” ang wika niya.
“Ang totoo ay hindi ako masyadong mahilig mag basa ng ganito. Pero salamat pa rin.”
“Bakit ayaw mo? hindi ka ba mahilig sa babaeng naka hubot hubad? Baka naman iba ang gusto mo?” ang tanong niya habang naka tingin sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko rin..
“Baka naman hindi babaeng nakahubad ang gusto mo, kundi lalaking nakahubad?” ang wika niya sabay alis ng kanyang pang itaas na damit. Lumakad siya sa aking harapan kaya naman napaatras ako sa pintuan at napasandal dito. Inilagay niya ang kanyang kamay sa mag bilang gilid ng aking mukha at saka tumitig sa akin na para bang sinasabi niya hindi ako makakatakas dahil na corner na niya ako. “Minsan ang akala mo ay babae talaga ang hanap mo, pero mapag tatanto mo nalang na mas naaakit ka sa lalaki, sa hindi malamang kadahilanan.” ang wika niya habang naka titig sa aking mga mata at hinawakan niya ang aking kamay at saka inilagay sa kanyang putok na dibdib. Pinahipo niya sa akin ang kanyang katawan pababa sa kanyang abs..
Ako naman ay natutula lang sa kanyang ginagawa at namalayan ko nalang na idinikit nya aking kamay sa kanyang bukol kaya naman itinulak ko siya palayo. “Hindi ganyan sa iniisip mo, hindi ako katulad ng mga baklang taga hanga mo labas na nag papantasya sa iyo. Hindi lahat ng tao ay pag papantasyahan at pag nanasahan ka. Gusto ko lang naman maging kaibigan ka at wala sa isip ko na maakit sa iyo.” ang wika ko dahilan para matawa siya
“Ganoon ba? Edi sige kung ayaw mo ay huwag mo.” ang wika niya, muli niya isinuot ang kanyang damit sabay labas sa aking pintuan na parang nadismaya..
Napabuntong hininga nalang ako na wari’y nakaramdaman ng pagkalito, hindi ko alam na ganoon pala ang tingin niya sa akin, wala naman akong intensiyon na pag nasahan siya, ang nais ko lang ay mapalapit sa kanya sa isang magandang paraan lalo’t nahihiya ako sa kanyang ama na nag papatuloy sa akin dito sa kanilang bahay.
Simula noong mga sandaling iyon ay nailang na ako kay Cyan, ako na mismo ang umiiwas sa kanya kapag nakakasalubong kami sa sala, hindi ko na rin siya nilalapitan o tinitingnan. At alam kong ramdam niya ito, gayon pa man napaka kaswal pa rin ng aking kilos na hindi ito ipinahahalata sa kanyang ama o kay Tibur. Samantalang siya naman ay parang naguguilty sa kanyang ginawa, nakikita ko siya nakatingin sa akin pero agad rin niya itong binabawi kapag nahuhuli ko siya.
Alas 8 ng gabi, isa nanamang katok ang aking narinig sa pintuan, noong buksan ko ito ay nakita ko si Cyan naka hubad at hawak ang isang bote ng alak. Walang kibo na iabot niya ito sa akin. “Sorry sa inasal ko noong nakaraang gabi.”
“Ayos lang, salamat dito.” ang tugon ko habang siya naman ay nakatitig lang sa akin.
Napatitig rin ako sa kanya, kakaiba talaga ang kanyang mukha, ang kanyang mata ay parang may sinasabi na hindi ko lubos maunawaan, may sariling buhay ito at nagungusap. Napatingin rin ako sa kanyang katawan na bahagyang may pawis, batid kong nag work pa ito bago mag punta sa akin. “May kailangan ka pa?” tanong ko
Pero hindi siya kumibo, nakatitig lang siya sa aking mukha na parang natulala ng panandalian. “Ayos ka lang ba?” tanong ko ulit.
Bumalik ang kanyang ulirat. “Ayos lang ako. Ah e, ano.. Nakakatawa itong nararamdaman ko kapag nadidikit ako sayo, ang ibig kong sabihin ay ano, ay hindi ko alam. Sige tulog na ako.” ang wika niya napakamot ng ulo saka umalis sa aking harapan.
Natawa ako at tila may kung anong bagay ang kumiliti sa aking kaibuturan. Isinara ko ang pinto at agad na ininom ang alak na kanyang ibinigay. Noong mga oras na iyon ay hindi ko lubos maisalarawan nag dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko ay isa akong bakal na kusang dumidikit sa magnet kapag nalalapit ako kay Cyan, kakaiba ang pakiramdam na nagbibigay init sa aking dibdib..
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga at nakatanaw sa kisame habang paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang mukha ni Cyan, ang kanyang titig sa aking mukha at ang pag tatama ng aming mga mata. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Pakiwari ko ay may nakaka kiliting kuryente ang dumaloy sa aking katawan habang nag tatama ang aming paningin.
Kakaiba ang pakiramdam na iyon sa lahat. Na kahit sa pag tulog ay hindi ako dalawin ng antok, kada pag pikit ng aking mata ay ang mukha niya ang aking nakikita.
Halos hindi ako dalawin ng antok, biling baligtad ako sa higaan, paminsan minsan ay bumabangon ako at nag papahangin sa bintana habang naka hubad, ninamnam ko ang lamig na nag mumula sa karagatan, gayon rin ang mga alon nito na masarap pakinggan. “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba hindi ako mapakali? Bakit siya ang naiisip ko?” ang tanong ko sa aking sarili habang naka tingin sa kawalan.
Ala 2 ng umaga, muli akong nahiga at pilit kong ipinikit ang aking mga mata ngunit wala pa rin, kaya naman muli bumalikwas ako ng bangon at nag pasyang mag tungo sa kusina upang mag timpla ng mainit na gatas. Batid kong ako nalang naman ang gising kaya’t ayos lang na naka hubad ako at tanging maiksing boxer lang ang aking saplot sa katawan.
Upang hindi maka istorbo ay marahan akong lumakad patungo dito at habang nasa ganoong posisyon ay laking gulat ko nung makita si Cyan na nag titimpla rin ng mainit na gatas. Naka hubad rin ito at tanging brief lamang ang suot. Babalik sana ako sa aking silid ngunit bigla siyang napalingon sa aking kinatatayuan. Wala akong nagawa kundi ang mapalunok at pilit na ikalma ang aking sarili. Tila ba nakaramdam ako ng kakaibang kaba noong masilayan ang kanyang mukha. Gayon pa man at kumilos ako ng normal at pilit na itinago ang aking emosyon. Nag tungo ako sa lamesa at nag timpla rin ng gatas habang siya naman ay nakatayo lang rin sa aking tabi at nag hahalo gamit ang kutsarita.
Tahimik..
Pakiramdaman lang..
Maya maya ay naisip kong basagin ang katahimikan.“Bakit gising ka pa?” ang kaswal kong tanong.
Hindi siya lumingon sa akin “hindi ako makatulog.” ang simple niya tugon na para bang wala na akong karapatang mag tanong ulit.
Matapos kong mag timpla ng gatas ay agad akong lumakad patungo aking silid at gayon rin ang kanyang ginawa. Nag hiwalay kami ng landas ngunit bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto ay isang sulyap pa ang aking ginawa sa kanya at dito ay laking hiya ko noong makita rin itong naka tingin sa akin, ngunit agad niya ito binawi at umakyat sa hagdan pabalik sa kanyang silid sa itaas.
Agad kong sinara ang pintuan at napatulungko nalang ako sa isang sulok. Tinampal tampal ko ang aking pisngi. “Ano bang nangyayari sayo! Umayos kaaa!” ang sigaw ko sa aking sarili na tila nakaramdam ng pag kahiya, ngunit gayon pa man ay para bang sasabog ang aking dibdib sa kakaibang kasiyahan noong mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Para bang sa kada titig na kanyang ginagawa ay nag dudulot ito ng kakaibang saya na hindi ko lubusang maunawaan o maipaliwanag sa aking sarili.
KINABUSAN..
Kahit inaatok pa ay maaga akong bumangon, ito ang unang araw na mag ttrabaho bilang assistant ni Kapitan doon sa barangay hall. Halos hindi ako nakatulog ng maayos, kusa akong nagigising kapag nakikita ko ang mukha ni Cyan sa aking isipan, para itong isang magandang sumpa na ngiti ang dala sa aking mga labi. “Sa tingin ko ay lalo kang pag kakaguluhan ng mga bakla noong sa barangay hall. Teka, parang antok na antok ka yata hijo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” tanong ni Kap habang nag ddrive.
“Sumakit kasi ang ulo ko kaya hindi ako nakatulog ng maayos.” ang sagot ko. “Pero okay na ako Kap, excited na ako sa unang araw ng trabaho ko.”
“Mabuti naman kung ganoon, alam mo ba na dapat ay si Cyan ang gumagawa nito? Yung anak ko na iyon ay hindi ko talaga maasahan, puro bulakbol at pambabae ang alam.” ang wika niya
“Mabait naman si Cyan, pinahihiram niya ako ng mga luma niyang damit.” ang tugon ko habang naka ngiti.
“Kapag inangasan ka ay suntukin mo.” ang natatawang wika ni Kap sabay kabig ng manibela papasok sa barangay hall.
Pag bukas palang ng gusali ay marami na agad nakapilang mga tao, yung iba ay nang hihingi ng tulong, yung iba ay nag rereklamo, yung iba naman ay nakiki usisa lang. Ang sabi ng mga kagawad ay dumagsa ang tao noong dumating ako at halos 60% ng mga ito ay beki at mga paminta na pare ang tawag sa akin ngunit mayroon namang ibang intensiyon.
"Okay mamaya na ang trabaho, narito ang pag kain. Tabi muna kayo dyan at mag give sa akin." ang boses ni Tibur habang nakikisiksik sa pintuan hawak ang kahon ng pag kain.
Maya maya ay pumasok rin si Cyan dala ang isang case ng softdrinks at yelo sa bucket. Gulat na gulat ang kanyang ama noong makita ito at siyempre ay nag tilian rin yung mga beki sa labas na kanina pa nakiki usisa. "Aba, mabuti naman at naisama mo itong si Cyan dito? First time kong makita ang aking anak na tumapak dito sa opisina ko." ang puna ni Kap dahilan para matawa si Tibur. "Ganyan talaga pag may sinisilayan Kap." ang naka ngising bulong nito.
"Anong sinisilayan? Mayroon bang hinahangaan ang anak ko dito?" ang pag tataka nito
Natawa ulit si Tibur na para bang pinigil ito na hindi mawari kung natatae o kinikilig. "Meron." ang wika niya sabay baling ng tingin sa akin kaya naman nagtaka ako at napkamot ng ulo.
"Yung hinahanggaan ni Cyan ay ang tanging tao na nautal siya noong kaharap ito. Na starstruck! Na stun at natuliro siya. In short tumiklop ang kayabangan ng lolo mo." ang wika pa ni Tibur at isang bote ng plastic bottle ang tumama sa kanyang ulo. Binalibag ito ni Cyan.
"O sya, tama na ang biruan, kumain na tayo ng sabay sabay. Irano mamaya na ang trabaho. Cyan, dito kana mag tanghalian. Sabayan mo kami." ang pag yaya ng kanyang ama.
Napatingin nanaman sa akin si Cyan ngunit binawi rin niya ito agad. Ewan ko ba naman, sa tuwing lilingon ako sa kanya ay parati ko nalang siyang nahuhuling naka tingin sa akin at sa tuwing lilingon naman siya sa akin ay pararti niya akong nahuhuling naka tingin sa kanya. Minsan ay nahihiya na talaga ako.
"Doon nalang ako sa bahay kakain. May lakad pa ang barkada kaya hindi ako maaaring mahuli." sagot ni Cyan sabay tayo at mabilis na lumabas pintuan.
"Naiilang ang lolo mo." ang bulong ni Tibur sa akin. "Ikaw Irano ha, kumain ka ng marami at mamayang gabi ay mag wowork out ka pa, hindi pa sapat ang ganda ng katawan mo, kailangan mong humabol sa mala adonis na katawan ni Cyan para manalo tayo sa hari ng isla. Nakita mo ba yung six pack abs niya? Iyon ang dapat mong habulin, aapat yung sayo e."
"Huwag mong masyadong pwersahin ang katawan ni Irano dahil baka hindi pa siya ganoon kagaling. Malaking tulong ang pag susurfing kay Cyan kaya gumanda ang husto ang kanyang katawan." wika ni Kap
"Plus, mahabang oras din ang ginugugol niya sa pag wowork out doon gym sa bahay, pero minsan ay tulog lang siya ng tulog pero ang kanyang katawan ay perpekto pa rin kahit napapadalas ang inom at bisyo niya. Pero sa tingin ko ay tapos naman na ang laban. May nanalo na.." ang naka ngising wika ni Tibur sabay kagat sa isang hitang manok.
Itutuloy..