Chapter 4

1757 Words
Chapter 4 “Ano ito?” Napatitig ako sa velvet violet box, hindi ko inabalang kunin ang maliit na box na iyon nang inilapag ni Craig sa lamesa ang box. Nasa dining area kami, kasalukuyan kumakain ng almusal. Kahit ayokong makasabay ang lalaking ito ay wala akong choice dahil nagugutom na ako. “Tingnan mo na lang.” He said before sipping his brewed coffee. “Ew! Baka may germs iyan!” Nandidiring sabi ko sa kanya. Truth to be told, I was only provoking him. Kahit na clean freak ako ay hindi naman ako kalala. Aw, okay. Siguro kunti lang but that just it. No one can blame me if I freak out kapag madumi! “May pagka-OCD ka pala.” “Hoy! Hindi ako OCD!” He rolled his eyes then smirk at me. One of these days, I will rip off that smirk of his! “Eh anong itatawag ko sa ugali mon a mag-freak na may germs?” Oo nga 'no—ha! As if I would accept that easily! Hindi ako OCD—slight lang naman 'no. Kumikibot ang mga labi ko. Para kahit naman mapatunayan ko sa kanya iyon na mali siya ay kinuha ko iyong maliit na kahon at binuksan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Is this for real? Sure, my mother and Ate Grace really love jewelries which exact opposite of myself. Pero nakakamangha lang kasi dahil hindi ko naman inaasahan na may magbibigay sa akin ng ganitong kamamahalin singsing. A diamond ring. “A-akin 'to?” “It’s all yours. It’s an engagement ring kaya dapat parati mo iyan isuot.” My jaw drop on the floor. Geez, isang engagement ring?! Bakit kailangan pa niya abalahin ang sarili niya na bigyan ako ng singsing eh hindi naman ako magpapakasal sa kanya. Itinirik ko ang aking mata bago ko binaba iyong box at mabilis na inubos ang almusal ko. “Allergic ako sa alahas.” Pagdadahilan ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga pero hinayaan na lang niya ako sa gusto ko. “But since you insist it ay tatanggapin ko na lang ito.” “And since when did I insist for you to wear that ring?” His brow arch and darted his eyes on me, weird, but I find it cute when he did that. Oh man, ano ba itong iniisip ko? Ipinilig ko na lang ang isipan na iyon at tumayo na nang matapos na akong kumain, dinampot ko ang kahon. “Kanina lang.” I stuck out my tongue. “Kawawa ka naman kasi, mukhang patay na patay ka sa akin.” To my surprise, namula ang buong mukha niya. Hindi ko alam kung tama ba ako o dahil naiinis siya. Iyan kasi ang disadvantage kapag maputi eh, madali lang malaman kung napahiya ba o galit. “Whatever.” Huh? Iyon na iyon? Hindi man la…ah, bahala na nga siya sa buhay niya. Nagkibit balikat na lang ako, bago pa ako makalayo sa kanya para bumalik sa kwarto ay tinawag niya ako. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. “Wala ka naman gagawin ngayon o sa—“ “Kung hindi mo ako kinidnap eh di sana madami akong ginawa ngayon. Kagaya ng umuwi sa amin.” Iyon lang at inirapan ko siya, imbes na bumalik sa kwarto ay lumabas ako sa mansion niya. Himala na hindi niya ako pinigilan na makalabas, Tsk, kung gusto ko makatakas dito, kailangan kong malaman ang pasikot sikot dito. Paglabas ko palang sa mansion ay tumambad sa paningin ko ang malaking bakuran niya, sure, nakita ko na ito but I never pay much attention to it. Mayroon fountain, at kahit saan ka tumingin ay mayroon mga malalaking puno at iba’t ibang klase ng mga bulaklak. Masarap sa mata ang lugar na ito. Well, kahit saan ka naman pumunta dito ay maganda parin tingnan dahil kahit saan ka tumingin ay madaming puno. Hm, ano pa kayang magandang lugar dito? Before I could take another step, someone’s grab the back of my collar and yank me back. “Saan ka naman pupunta?” Naku naman, wag namna niyang sabihin na kahit dito lang sa bakuran niya ay hindi pwedeng lumabas? “Eh di lalabas. Bawal?” “Oo, lalo na kung may balak kang tumaka—“ “Wala akong balak na tumakas, okay? Pano ko magagawa iyon eh hindi ko alam kung saan ito.” Ha, just wait and see, makakatakas din ako dito. Ibibinta ko itong singsing, life is fair in this world. Sayang ang diamond ring pero kailangan ko talaga ng pera para makabalik sa hotel. He leaned down, leveling our eyes, then he held my chin between his thumb and index finger. “Good.” Craig’s flash me with his killer smiles. Kung nakakasilaw lang ang ngiti niya ay baka matagal na akong mabulag. “Bumalik ka na sa loob at magbihis ng damit.” “Why?” “Gusto mo bang lumabas tayo na ganyan ang suot mo?” Pinasadahan niya ang buong katawan ko, tumigil ang mga mata niya sa dibdib ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. I was wearing a pajama and I don’t see any reason for him to smile at me, pervertedly. Bumaba ang tingin ko and to my shock ay tinalikuran ko siya. Biglang nag-init ang pisngi ko at mabilis pa sa kidlat na sinarhan ko 'yong tatlong batunes na ngayon ko lang napansin na nakabukas pala! Kaya pala pakiramdam ko ay malamig ang bahaging ito. “p*****t!” “Not bad. 35b?” Namilog ang mata ko. Muntik na niyang mahulaan ang size ko pero buti na lang at mali siya. “Tse! Manyak mo!” “Oh mali ako? Hm, 36…no…ah!” He flick his fingers na parang alam na niya. “38!” “HINDI!” s**t! Craig chuckled. “Tama ako 'no?” “HINDI!” “Bakit ba tinatanggi mo pa, malaki naman iyan. Dapat proud ka pa—“ Nakakaasar siya. Manyak niya! And here I thought, he want to marry me pero binabastos niya ako. Hinampas ko ang malapad niyang dibdib na ikinangiwi niya. Serve him right! “Shut up! Ang ayaw ko pa naman sa lalaki ay 'yong binabastos ako! Oo! Thirty-eight nga! Happy? Ako hindi eh! You are such a big p*****t! Siguro kung ibang babae ay wala lang sa kanila iyang pinagsasabi mo pero sa akin hindi eh. Dahil kahit na gaano ka gwapo ka kung ganyan naman ang ugali mo, no thanks! I rather marry someone who will respect me!” Napupuyos na sabi ko sa kanya tas nilagpasan ko. Bumalik na ako sa kwarto at pasalampak na humiga sa kama. I was so mad at him. I won’t deny that I was overreacting but what can I say? I was told by my Nanny na hindi ko dapat hinahayaan na bastosin ako.  Lalo na at isa siyang estranghero para sa akin. Ilang sandali ay may kumatok sa pintuan. Pero pinili kong ignorahin iyon, baka si Craig lang naman iyan eh. Narinig ko na pumihit iyon, sa inis ko ay bumalikwas ako. “Hindi ka ba talaga titigil? Luma—“ Hindi natuloy ang sasabihin nang makita ko iyong matandang babae na mayorduma ata dito sa mansion. Sino nga uli siya? Ber…ah! Nana Bertha! Siya lang ata dito ang hindi aloof dito. Dahil na rin siguro siya lang ata ang Filipina na nanilbihan sa bahay na ito. “Ay kayo pala. Akala ko si Craig eh.” “I brought your new clothes, in case you need one.” Wow! English! Cheese burger naman diyan! “Naku, hindi ka na po sana nag-abala. Mayroon naman pong damit sa wardrobe na kasiya sa akin.” Sa dami ng damit ay parang ayoko ng isuot iyon. Maliban sa traditional clothes dito ay mayroon din summer dress. Hindi ako gaanong sanay na magsuot ng dress kapag walang okasyon. “Oh iyon ba? Para sa mga guest iyang damit na iyan at luma na kaya nga inutosan ako ni Craig na bilhan ka ng mas bago lalo na ang underwear.” Para sa guest niya? So ibig sabihin niyon may mga babaeng guest na pumupunta dito? Isipin palang iyon ay kumukulo ang dugo ko. Ako pala ang gusto niyang pakasalan ha? Tsk! “Ganun po ba? Salamat po.” Pinili ko na lang na hindi na lang gaanong makipag-usap sa kanya. Dahil alam ko na kahit na sabihin ko sa pa sa kanya tungkol sa pagpapakasal ay wala parin naman siyang magagawa. Umalis ako sa kama para maligo. Kinuha ko iyong towel sa kinalalagyan, tumigil ako sandali nang maalala ko iyong kahon. Kinuha koi yon mula sa bulsa at tinitigan ng maigi. “Binigay na pala sa'yo ni Craig iyang singsing. Naku ang batang iyon, akala ko ay hindi na niya iyan ibibigay.” Salita ng matanda sa akin. “What’s the big deal? Singsing lang naman ito, aside na napakamahal.” “Hindi ba niya sinabi sa'yo tungkol sa singsing na iyan?” Kumunot ang noo ko na nilingon siya. “Nope.” Tinapos muna niya ang pag-aayos ng mga bagong damit ko bago siya magsalita. “Iyang, diamond ring na iyan ay hindi lang basta-bastang singsing. Napakaimportante iyan kay Craig dahil minana pa niya iyan sa kanyang lola na isang half-kyrgystan.” Ah, heirloom. Teka, half-kyrgyzstan ang lola niya? Aw, that’s explain it! Pero di nga? “Ang lola na niya ang nagpalaki sa kanya dahil parating nasa ibang bansa ang kanyang magulang. Tinuruan siya tungkol sa kultura ng bansang ito, kaya hayan ang batang iyan. Kahit na napaka-gwapo ay…ehem! Atin-atin lang ito ha? Hindi pa iyan nagkaroon ng nobya kaya naman laking tuwa ko na may dinala siyang magiging asawa niya! Naku, hindi ka magsisi sa batang iyon dahil maliban sa gwapo ay mabait siya.” Muntik na akong mabulunan sa laway ko. Ha? Si Craig ay mabait? Ha! Eh manyak iyan eh! Kelan pa naging mabait ang kidnapper? Umismid ako. Kung hindi pa nagkaroon ng nobya ang lalaking iyon he di malamang mayroon siyang flings. Madami pa naman bimbong babae na magkakagusto sa kanya. So, therefore, I conclude, na kagaya siya ng mga pinsan ko. Walang girlfriend pero madaming fling. “May mabait po bang manyak?” “Huh?” “Ah, wala po! Sige po, papasok na ako sa banyo para maligo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD