Chapter 5

1672 Words
Chapter Five Kahit na gaanong maganda ang pakikitungo nang mga taong kasabwat ng kidnapper mo ay mahirap parin magtiwala. Kelan ba naging maganda ang dumukot ng isang babae in a broad daylight tas pipilitin magpakasal sa isang tao na hindi mo naman kilala. Kung gusto niya ang isang babae ay hindi dapat dinadaan sa dahas dahil mahirap magtiwala sa isang taong ganun. “Galit ka ba?” Tanong ni Craig sa akin, sumulyap sa akin mula doon sa rear view mirror. Kasalukuyan kaming lulan ng kotse niya. Dapat ay matuwa ako dahil sa wakas ay hindi na ako magtutunganga sa loob ng kwarto dahil walang magawa. Pupunta daw kami sa Bishkek para mamasiyal pero siyempre kahit na natuwa ako ay hindi ko iyon pinakita sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay maliit na siyudad lang ang Bishkek pero ganun pa man ay may maganda naman tanawin dito. “Kung tinatanong mo sa akin kung galit ako sa ginawa mong pag-kidnap at sa pamababastos mo sa akin. My answer is yes.” Narinig kong nagpakawala “Hindi ko kasalanan na nakita ko 'yong panloob mo but if it makes you happy. I will apologize. Izvinite.” Hindi ko alam ang ibig sabihin nang huli niyang sinabi pero wala akong pakialam. “Saan mo ba ako dadalhin?” “Alam ko na nababagot ka na sa bahay kaya pupunta tayo sa amusement park.” “Oh how sweet of you naman, inaalala mo pala ako kung nababagot na ba ako o hindi.” I said in sarcastic tone. Nang makarating na kami sa amusement park, it turns out na malayo pala sa isipan ko ang hitsura nang amusement park. Hindi naman pala, pang-disney lang. Maliit na amusement park lang 'yon kaya malimit ang mga activities sa tingin ko. “Hindi naman pala kalakihan itong amusement park. Nakapunta na ako sa Disney Land at wala ito sa kalingkingan.” “Pagtiyagaan mo na, sa gusto ko man dalhin kita, aking princesa, sa mas magandang amusement park ay hindi pwede. Mas maganda ang Bishkek na pasiyalan natin dahil malayo ito sa lugar kung hotel ka tumutuloy. Mahina na at baka matunton tayo nang magulang at kaibigan mo.” Napanganga naman ako sa sinabi niya, hindi dahil sa huling sinabi niya kundi sa pagtawag sa akin na aking princesa. A part of me feel a tingling sensation lit up inside me. Gosh! Kinikilig ba ako sa endearment niyang baduy? Hindi! Tumigil ka, Wilhelmina! Wag kang kiligin dahil kidnapper mo iyan! Pedophile iyan! “Ang susunod naman natin puntahan pagkatapos nito ay ang Oak Park. Maganda doon, kahit pano ay sumungaw naman iyang init nang ulo mo.” “Pansin ko lang, ba’t nagsasalita ka ng tagalog ngayon?” “Baka mag-nosebleed ka.” “Haha. Oh ha? Nakadalawa ako nang tawa.” Matapos niyang e-park ang kotse ay lumabas na ako. Nang makalabas na din siya ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang pumiksi ngunit napakahigpit nang pagkahawak niya sa kamay ko. Ano ako bata na kailangan nang gabay ng parents niya? “Ew! Why are you holding my hands? You better let go off me, if not I will seriously amputate every part of your body!” “OA mo. Wala akong germs kaya wag kang mag-inarte.” Uminit ang ulo ko sa inis. Ayoko talagang hinahawakan ako! Kahit na malambot ang kamay at sarap hawakan! Oh My Gosh! Did I say malambot at masarap hawakan? Ew! “One of these days, makakatakas din ako sa'yo.” I mumble under my breath pero hindi ko inaasahan na matalas pala siya nang pandinig. “You wish. Try it, mawawala iyang puri mo.” Namilog ang mata ko. Patay! “Joke.” Kahit na sinabi niyang biro lang iyon ay hindi tuloy ako komportable. Pakiramdam ko kasi na seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Maya’t maya ay hinila na niya ako papunta sa loob ng amusement park. Naisip ko na imbes pairalin ang init nang ulo ay kinalma ko na lang ang sarili ko. Para saan pa eh ako naman ang talo dito sa sitwasyon namin dalawa. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na magpakasaya dahil baka hindi ko na naman ito maranasan sa susunod na mga araw. Ang una namin pinuntahan na rides ay ang octopos rides na magkahawak parin nang kamay. Susmaryusep! Hindi niya talaga bibitawan ang kamay ko kahit na pawis na pawis na? “Pwedeng bitawan moa ng kamay ko? Jusko! Di naman kita tatakasan 'no!” I exclaim and he just laugh at me. Sa gilid nang mata ko, nakita ko iyong staff na nangingiti sa amin. Tsk, para naman naintindihan niya ang sinabi ko. Bago ako sumakay ay siniguro ko muna na malinis iyon. Mahirap na at baka may hepatitis B o nakakahawang sakit ang huling gumamit nito. “Ang arte mo naman.” Mabuti na lang at binitiwan na niya. “Oo maarte ako, lalo na sa kalusugan ko 'no.” Inirapan ko siya. Hindi na din kami nagsalita, sa huli ay nasiyahan naman ako. Nakalimutan ko na hindi dapat ako maging kampante na kasama niya pero hindi eh. Shunga-shunga ako. Nahawa ako sa masigla niyang aura. Dahil sa madami kaming pinuntahan na rides ay nagutom kami kaya naman pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant. Hindi na lang ako umangal dahil gutom na gutom ako, no time for bickering. Native restaurant iyong napasokan namin, lahat nang empleyado ay nakasuot ng traditional clothes. Nakakainggit. Napakaganda kasi nang damit nila, parang gusto kong suotin. Pumwesto kami doon sa bakanteng mesa na malapit sa bintana. May sinabi ang food attendant sa amin pero dahil hindi ko naman siya maintindihan ay si Craig na lang ang kumausap sa kanya. Hindi makaligtas sa paningin ko ang malanding tingin ng food attendant kay Craig bago niya iniabot ang menu. “Hay sa wakas umalis na din. Bwisit.” Sabi ko, matapos nagpaalam ang babaeng 'yon. “Selos ka?” Ngumiti ako sa kanya nang kay tamis, kulang na lang ay lamgamin kami dito. “Nope. Pero alam mo bang makakapatay na ako?” “I have no idea. Care to tell me?” “Mapapatay ko ang nasa harap ko kung hindi siya titigil. So shut up!” Binuksan ko ang menu at tinuon ang buong attention doon. Naningkit ang mga mata ko. Iisa lang ang sinisigaw ng isipan. HINDI KO NAINTINDIHAN ANG SULAT NILA! Sa likod nang menu ay sumilip ako at tiningnan si Craig na abala na ngayon sa pagpili ng makakain niya. I nibble my inner cheeks. Nagtatalo na ang isipan ko kung hihingi ako ng tulong o hindi. Nagreklamo na ang tiyan ko na dapat magkalaman na siya kung hindi ay maghihirap ako. Subalit tarantado talaga ang pride ko kaya imbes na magpatulong ay hindi ko ginawa. Bahala na si batman, mag-ini minie many moe na lang ako. Maya’t maya ay dumating na ulit ang malanding food attendant at ang loka mas inuna pa niya si Craig! “My budem prinimat' dymdama ,Omoro, Jibek Julo...” Blah. Blah. Ang haba naman ng sinabi niya. At ang babae na iyan, sarap iumpog, ang lagkit lagkit kasi makatitig kay Craig. May sinabi pa siya kay Craig at biglang sumulyap sa akin, para naman akong ginigisa sa sulyap niya pero pinilit ko na lang na baliwalain iyon. “Ah—“ Aba’t! Ang bastos! Nilayasan ba naman ako? Ang panget ng service nila! Porque ba wala akong pera? Eh si Craig naman ang magbabayad nito 'no, duh! Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Craig. My eyes narrowed at him. “Huwag ka ng magalit sa kanya, in-order ko na lang ang pagkain mo. Alam ko kasi na hindi mo maintindihan ang nakasulat sa menu.” “Ginawa mo iyon? Tsk! What’s the point sa pagbigay niya sa akin ng menu kung ikaw lang pala ang o-order ng makakain ko?” Inalis ko ang pagkapahiya. “Tinanggap mo kasi agad kaya hinayaan na kitang magsunog ng kilay.” Ilang minuto sa paghihintay ay parang babaha na ang bibig ko nang makita ko ang mga pagkain na nasa harap. Hindi ko pa nasusubukan ang mga pagkain sa lugar na ito dahil puro American food lang naman ang in-order kong pagkain sa restaurant doon sa hotel eh. Kahit na more on veggies ako ay hindi ako nagdalawang isip na kainin iyong pagkain na in-order ni Craig. Speaking of vegetable naman, kailangan ko ata ng energizer. Gagawa ako mamaya. Matapos namin kumain ay dumeretso kami sa Oak Park, kahit saan ako tumingin ay may malalaking Oak Tree dito. Halatang pinapahalagan nila ang puno dito, madaming mga taong namamasiyal dito. Puro mga magkasintahan pero ganun pa man ay wala akong makita ni isa sa kanila na nag-PDA. Kunsabagay naman ay conservative din naman itong bansang ito. “Na-enjoy ka ba sa pamamasiyal natin?” Tanong ni Craig nang makauwi na kami sa bahay, di ko alam kung bakit niya pa kailangan tanongin iyon. But as a sign of gratitude, I answered him honestly. “Hindi mo naman ako nakitang nakasimangot di ba? Kaya ang ibig sabihin niyon naenjoy. Dahil ako iyong tipo na kapag hindi naenjoy ay sisimangot talaga kahit na sabihin na kakambal ko sa grumpy ng seven dwarf ni Snow White.” Hinarap ko siya, nasa harap na kami ng pintuan ng mansion niya. “Good.” “Walang good dito, Craig. Hindi porque sinabi kong naenjoy ako ay mag-lovey dovey na tayo dahil wala sa isipan ko iyon. Pumayag lang ako na makasama ka sa pamamasiyal dahil nababagot ako sa loob ng bahay mo. Kung sakali man na katuwaan itong ginagawa mo sa akin, kung pwede lang sana ay iuwi mo na ako. I want my life ba—“ Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko sa kanya ay laking gulat ko na lang nang kinulong niya ang pisngi ko sa malaking kamay niya. Without hesitation, he smash his lips against mine. HE.JUST.KISS.ME.ON.MY.LIPS! Paalam unang halik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD