NANINGKIT ang mga mata ko, I can’t believe na walang puso ang mga tayo dito. For pete’s sake! Hindi ba ako pwedeng pumili ng lalaking pakakasalan? The moment I told his servant na ayaw ko magpakasal sa kanya ay naging pormal sila sa akin. Si Craig naman ay umalis dahil may importante daw meeting. At ano naman meeting iyon? Tsk!
“This is your new room, next to Master Craig’s room.” Wika ng babae, hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko ay siya lang ata ang tao dito na hindi ako gusto. I bet na gusto niya makipagpalit sa akin ng sitwasyon subalit kahit na hilingin ko na lang kay God na siya na lang na kidnap at hindi ako ay hindi pwede. Imposible naman kasi mangyari iyong hiling ko 'no.
“Thanks.”
“Whatever.”
“Huh?”
“Nothing. Anyway, if you need something do not hesitate to call me.”
“Ba’t hindi mo na lang akong tulungan na tumakas dito?” Siya naman ang nagtaka sa akin. Oh right, hindi pala siya marunong magsalita ng tagalog kaya dapat English. Napapailing na lamang ako, as if naman tutulongan niya ako 'no. I even ask some of the maids here na tulongan ako pero ayaw nila, siya pa kaya? Tsk!
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. I was a bit excited na pumasok at hinagilap ang telepono but to my dismay wala! Walang telepono! Hindi bale, mayroon naman sa baba, hihintayin ko lang na gumabi para malaya ako makababa at tumawag sa hotel kung saan ako naka-check in. Nang iniwan na niya ako ay lumapit ako sa sliding window at tinanaw ang baba, napangiwi ako. Nasa dalawang palapag ako pero napakalulala parin tingnan.
Kung sakali man na hindi successful ang tawag ko ay tatakas na lang ako dito.
Kinapa ko ang bulsa ko. Parang gusto kong pumalahaw, I don’t have money! At kahit meron ay kailangan ko pa pumunta sa foreign exchange money para e-convert ang peso ko sa pera ng mga tao dito. Pasalampak na humiga ako sa malambot na kama at tumanganga lang. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganun position at n’ong may kumatok and said na handa na ang makakain ay hindi ko sila pinansin. Good thing na may lock ang pito kaya’t ni-lock koi yon upang walang makapasok sa kwarto ko kung sakali man na may balak akong tumakas.
Kahit na dumating si Craig kanina ay hindi ko pinansin eh. Who cares? I don’t want to see that psychotic man anyway!
Bumalikwas ako at tiningnan ang wall clock, it was already eleven-forty five in the evening. Siguro naman ay tulog na sila, I tip toe and open the door, I was about to step outside nang makita ko sa baba ang isang tray na may pagkain.
Ah, food. Kumalam tuloy ang sikmura ko kaya isinantabi ko muna ang plano ko at kinuha iyon tray na may pagkain at sinimulan kainin. Hindi ko muna ginalaw iyong saging at apple. Babaunin ko na lang iyon kapag tumakas na ako dito.
Lumabas ako sa kwarto, and once again I tip toe na parang si Swiper the Fox ng Dora the Explorer na dinobleng ingat sa paglalakad. Madilim ang buong kapaligiran pero dahil nakatabing naman sa gilid ang kurtina ng bintana ay malayang nakakapasok ang liwanag ng buwan dito. Nagmadali na bumaba ako sa hagdan at hinagilap ang telepono.
Ha! Ang bobo naman ng kidnapper ko! Akala ba niya ay gugustuhin kong magpakasal sa kanya? Pwe! Kahit na gwapo siya ay hindi ko siya pakakasalanan! Never! As in NEVER! Unless siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay baka pag-isipan ko.
“Oh God, thank you Lord! Hallelujah!” Halos halikan ko na ang telepono pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka may germs!
Denial ko ang telephone number ng room ko pero walang sumasagot. “Come on! Come on! Pick it up! Please pick it up for me!”
At n’ong makaapat na ang ring ay sa wakas ay may nakasagot na din pero bago pa ako makapagsalita ay may marahas na umagaw sa telepono at agad na binaba. Ang naningkit na mata ni Craig ang nakita ko nang lumingon ako sa likuran ko. “Ahhh!” I scream at the top of my lung at tinulak siya ng ubod ng lakas.
“What the fu—“ Muntikan na siyang natumba.
Oh my gosh! Oh my gosh! Nahuli niya ako. What should I do? Takbo!
Tinawag niya ako pero binaliwala ko lang iyon at nagpatuloy sa pag-akyat hangang sa makapasok uli ako sa kwarto ko. That was a close one! At ang lalaki naman iyon, daig pa ang bampira! Gising sa umaga at gabi!
Nang may narinig akong yabag na palapit sa pintuan ay mabilis na ni-lock ko iyon. “Wilhelmina! Open the door right now!” Kinalampag niya ang pintuan.
“No!” Baka reypin niya ako! Oh hindi! Kaya siguro napilitan na magpakasal ang mga babae sa bansang ito dahil ganun? I don’t know kung pinaglaruan lang ba niya ako o hindi pero hindi ko siya hahayaan na magtagumpay siya.
“Ayaw mo?”
“Ay hindi! Kaya nga naka-lock ang pinto 'di ba? Tange lang much?”
Napapitlag ako nang kumatok siya ng kay lakas.
“I said open this door right now. We need to talk! What the heck!”
“Sorry bastard but we’re done talking! Go away and leave me alone and die!”
“Kanina pa kita pinagbibigyan ah. Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ka makakatakas dito.” There was a trace of amusement in his voice. Pinagtatawanan ba niya ang sitwasyon na ito dahil alam niya na tama siya? Wala akong mapupuntahan.
“Go awa—ack!” Napatili ako nang bumukas ang pinto at tumama iyon sa likod ko. Deretsong natumba ako at napahalik sa sahig. Ouch and yikes! Germmsss! Ah gee, mamaya na muna ako mag-react diyan dahil mas dapat mangamba ako sa gagawin ni Craig sa akin!
Wahhh!!
Nagkamahog na tumayo ako at tumakbo patungo sa bintana, binuksan ko iyon. “Huwag kang lalapit!” Kahit na takot ako ay pinatatag ko ang sarili ko, hinablot ko iyong lamp shade kahit na nakasaksak pa ang plug. “Kung hindi ibabato ko ito sa'yo!”
He rolled his eyes. “That’s an antique lamp shade and if you’re going to break it, doble ang ibabayad mo.”
“Even better.” Mahigpit na hinawakan ko ang lamp shade at naka-posisyon na pang-baseball bat. Pero parang wala lang kay Craig na lumapit siya sa akin, pero dahil ako iyong tipo ng tao na gagawin talaga ang gusto ay pinukol ko sa kanya iyong lamp shade at lumikha iyon ng malakas na tunog.
I cursed myself dahil nakailag siya. And now I’m going to pay the consequence!
“Tsk, that’s worth hundred thousand dollars!”
Dahil sa takot ay akmang tatalon ako pero naramdaman na may nakapulupot na braso sa beywang ko at hinala pababa ng bintana. “No! Let go of me, you p*****t! Psycho! Bastard! Jerk! Manyak!”
“Yeah! Yeah, tell that to marines.” The he throw me on the bed.
“You can’t keep me here forever, you know! Bakit ba ako pa?”
He smirk at me. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakatanong? Hindi ko sasagotin iyan and oh starting the moment I kidnap you. You’re mine now.” Lumapit siya sa akin ad lean forward. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Napakalapit kasi niya.
Tinukod niya ang kamay sa magkabilang side sa akin.
Dug! Dug!
Oh my gosh! Is he going to r**e me? Sabi niya I am his na daw. Oh my gosh! I am not ready!
I’m only eighteen years old and inexperience. I do not wish to be taken by a guy like him, no matter how gorgeous he is. My lips quiver but still manage to say a word. “P-please. H-huwag po. Bata pa ako at bawal pa. Kasal muna bago iyan.” I said habang nakapikit ang mata.
“Pfft!”
Huh?
Naramdaman ko na lang na umalis na siya sa harapan ko at tumawa ng malakas.
Nang idilat ang mata ko ay kitang kita ko kung pano siya tumawa, kulang na lang ay gumulong siya sa kakatawa. Nanghaba ang nguso ko, nag-iinit ang pisngi ko.
Hindi ko naman kasalanan kung mag-isip ako ng ganun eh!
“Hindi nakakatawa iyon!”
“Pfft! Hahaha! You are a funny girl. How did come up with those ridiculous idea that I’m going to do something to you?” Patuloy lang siya sa pagtawa. Haha, funny. Sana may langaw na pumasok sa bibig mo!
“Haha, sino naman hindi mag-isip ng ganun eh kinidnap mo ako para maging bride mo! And who knows baka gagamitin mo ako ng dahas para lang mapa-oo!” Inirapan ko siya pero syet lang ha, nakakahiya din naman iyon.
“Ha, hindi ko na kailangan pang pilitin ang isang babae, Will.”
“Oh really? Kapal mo naman, eh ano itong ginawa mo sa akin, hm?” Humalukipkip ako. “So ano bang gusto mong pag-usapan, kung tungkol ito kanina sa baba at sa lamp shade mo pwes hindi ako mag-so-sorry sa iyo dahil dapat lang iyan sa'yo!” Sabi ko sa kanya sabay sulyap sa antique na lamp shade.
I had warned him na huwag lumapit sa akin kaya hindi ko na kasalanan kung masira iyan.
Umisod ako ng upo sa gilid ng kama at pina-krus ang kamay sa dibdib. “So anong gusto mong pag-usapan, hindi ba iyan pwede bukas na lang?”
“Pwede naman pero since gising ka na ay might as well tell you now. Tomorrow in the afternoon ay magkakaroon ng party dito, para ipakilala kita bilang fiancée ko.”
Pinagsiklop ko ang kamay ko. “Aw, how sweet of you, sweetie poo ko.” I said mockingly. “Why bother ask kung ikaw naman ang masusunod, hm?”
“Whatever. And oh, may bagong damit diyan sa wardrobe kaya kung gusto mong magpalit ng damit ay pwede mo iyon gamitin. Goodnight and have a sweet dream.”
“Damn you, Craig.” Binato ko sa kanya ang unan pero lumanding lang iyon sa pintuan, narinig ko pa siyang tumatawa. Grrr! I hate him!
I promise to you I will find a way to escape from your clutches.