Chapter 17 Nang makita ko si Craig na nakapasok sa loob ay mahigpit na niyakap ko siya. Nawaglit sa isipan at sistema ko ang pagiging clean freak. Binaon ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Naramdaman ko na medyo napaigtad siya sa ginawa ko kasabay niyon ay naririnig ko ang t***k ng puso niya. Ilang sandali pananahimik ay nagsalita na si Craig. "Don't scare me like that." He said in a husky voice. Naramdaman ko na pinulupot niya ang kamay sa beywang ko. Sa ginawa niya ay parang may nagliliparan sa tiyan ko. What the hell? Why am I feeling this way anyway? Nahihiya na bumitiw na ako at n'ong sinubukan ko na kumawala kay Craig ngunit napakahigpit ng kanyang yakap sa akin. Tila ayaw pa niya humiwalay sa akin. Para naman ako loka dito dahil hindi ako makakilos, naninigas ako. Kasalanan