Chapter 16 "Jowa mo ba si Kuya Craig." I look down and saw a boy standing next to me. Walang humpay na sinusubo ang cream stick. Nakatitig ang bilog niyang mata sa akin. Sa tingin ko ay nasa six pa ang batang ito. "Hindi." Aniya bago sulyapan si Craig na ngayon ay abala na nakikipaglaro sa mga bata doon sa playground. "Gano'n? Nililigawan ka niya?" "Oo." "Ahhh! Eh kailan mo naman sasagutin si Kuya Craig?" Palatanong talaga ang batang ito 'no? Pasalamat siya na mahina ako sa mga bata dahil kung hindi? Ewan ko lang kung ano ang magawa ko. But I think this kid is quite smart for his age. Napapailing na lamang ako sa kanya. Sa totoo lang hindi ko masagot iyong tanong niya. Hindi naman mahirap ang tanong niya kaso naiilang ako na sagutin iyon. I mean, kidnapper ko si Craig noon, di ba?!