EPISODE 25

1377 Words
AVA UMUPO ako sa kama at napatingin sa loob ng silid. Kapag ganitong nag-iisa na ako ay hindi ko maiwasang maalala ang Nanay at mga kapatid ko. Nakakalungkot lang na walang natira sa akin. Nag-init ang sulok ng mata ko. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing naalala ang ina at kapatid. Ang hirap ang mamuhay ng mag-isa. Pakiramdam ko wala naman silbi kung makatapos ako ng pag-aaral. Sino ang pagbibigyan ko ng achievement ko? Sila lang naman. Pinahid ko ang luha kong pumatak sa pisngi ko ng umingit ang pinto. Bumukas iyon. Niluwa si Jaxson na bagong ligo at may hawak na tray. “Dito na tayo kumain para hindi ka lalabas.” Suggestion ni Jaxson. “Nakakahiya naman sa iyo nagluto ka pa. Ako na lang sana ang inutusan mo sanay naman ako sa pagluluto,” sabi ko. Napasulyap ako sa tray. May sabaw ang ulam. “Tinolang manok ang niluto ko. May nakita akong papaya kaya iyon na lang ang hinalo ko,” sabi ni Jaxson. Nilapag niya ang tray sa lamesita. Napansin kong iisang plato lang ang dala niya. Akmang tatayo ako para kumuha ng plato nang pigilan ako ni Jaxson. “Saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin. “Kukuha ng plato. Iisa lang ang kinuha mong plato.” Ani ko. Natawa si Jaxson. “Sinadya ko talagang isang plato lang tayo para tipid sa hugasin.” Na tawa ako sa sinabi ni Jaxson. “Don’t worry ako naman ang maghuhugas.” Natatawa kong wika sa kanya. Wala ng nagawa si Ava nang lagyan na ni Jaxson ang plato ng kanin at ulam. Mangkok na may sabaw ng tinolang manok. Hinigop ko iyon. Napapikit ako nang matikman ko ang sabaw. “Ang sarap!” Paghangang wika ko. Napakasarap talaga magluto ni Jaxson daig pa ako. “Buti naman nagustuhan mo. Here try this dessert. I made this too.” May binigay siyang cake. Hindi ako pamilyar sa flavor ng cake. “It’s a blueberry cheesecake. Natutunan ko rin itong gawin sa lola. Marami akong namanang recipe niya bago siya pumanaw. Kaya kung ako lang talaga ang masusunod gusto kong maging chef.” Kita ko ang pagningning ng mata ni Jaxson kapag nababanggit niya ang salitang Chef. “Bakit hindi iyon ang kunin mong kurso? Siguradong magiging matagumpay ka sa larangang iyan,” sabi ko. Napailing si Jaxson. “Ang gusto ni Daddy sa akin ay ma-manage ng aming kompanya. Ako lang naman ang anak nila kaya wala akong pagpipilian kung hindi sumunod sa kanila. Wala akong karapatang gawin ang gusto ko.” Malungkot na wika nito. “Puwede namang magpatayo ka ng sarili mong kompanya habang nagtatrabaho ka sa kompanya ng magulang mo. Hindi mo kailangang mamili,” sabi ko. “Well, tama ka. But as of this time we need to eat. Nagugutom na ako kaya ang drama na nang pinag-uusapan natin,” sabi nito. Tumango ako. Sinimulan na niyang lantakan ang blueberry cheesecake. Sa sobrang sarap naubos naming pareho ang cake. ***** Naalimpungatan ako nang makarinig ng nabasag na bote. Kinabahan ako. Kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko. Hindi kaya napasok kami ni Jaxson ng magnanakaw? Naghanap ako ng matigas na bagay. Kailangan kong puntahan si Jaxson. Lumabas ako ng silid ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Madilim sa hallway kaya tumindi ang takot na nararamdaman ko. Mahigpit kong hinawakan ang isang payong na nakita ko sa isang sulok. Nakarinig na naman ako nang pagbagsak ng bagay. Napalingon ako sa silid ni Jaxson, doon nagmumula ang ingay. Nangunot ang noo ko. Kahit takot ay naglakas loob akong buksan ang pinto ni Jaxson. Marahan ang pagpihit ko ng seradura. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Makalat ang silid ni Jaxson. May bote na basag sa isang sulok. Ang unan at kumot ay nasa sahig na. Ngunit wala si Jaxson. Nakarinig ako ng kaluskos sa bathroom. Dahan-dahan akong naglakad habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa payong na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan ko. Nakaawang nang kaunti ang pinto ng bathroom. Tinulak ng hintuturo ko ang pinto. Bigla kong nabitiwan ang payong nang makita ko si Jaxson na nasa bath tub, lumulubog na. Pinatay ko ang faucet at hinila si Jaxson mula sa bath tub. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kabadong-kabado ako dahil sa ginawa ni Jaxson. Paano na lang kung wala ako o ‘di kaya naman nakatulog na ako? Baka may masamang nangyari na kay Jaxson. “Jaxson gising! Gising!” Tinapik ko ang pisngi niya. Ngunit walang respond. Tinapik ko nang mas malakas. Nagmulat ng mata si Jaxson. Mapungay ang pagkakatingin niya sa akin. Napayakap ako sa kanya. “Salamat diyos ko!” Usal ko. Hinila ko ang towel na nakita kong nakasabit at binalot ang hubad na katawan ni Jaxson. “Bakit mo ginawa iyon? Masama ang magpakamatay!” Sermon ko sa kanya. Nakasandal sa headboard si Jaxson habang nakabalot ng kumot ang katawan. tila nilalamig. Nanginginig ang baba niya at katawan. Nanatili lang na hind nagsasalita si Jaxson. Kumuha ako ng maisusuot niyang damit. Pumasok ako sa walk-in closet niya at naghanap ng sweatshirt at pajama. Nag-init ag pisngi ko nang makita ang brief ni Jaxson. Kailangan niya rin pala ito. Kinuha ko iyon. Binalikan ko si Jaxson ngunit nakatulog na ito. Kaya binalik ko na lang muli sa closet. Inayos ko ang blanket na nakatakip sa kanya at saka pinatay ang ilaw. Binuksan ko ang lampshade para magsilbing liwanag. JAXSON TAWA ako nang TAWA habang kausap ko si Kaleb. Napatitig ang kaibigan. “You’re crazy,” wika nito. “Alam mo iyon kung may award lang para sa dramatic actor ako na ang panalo. Paniwalang-paniwalang siya.” Napailing ang kaibigan sa ginawa ko. “Mali ang ginagawa mo, Jaxson. Hindi mo dapat niloloko si Ava. Wala namang ginawa sa iyo ang tao. Dapat hindi siya ang pagbuntunan mo ng galit dahil sa nangyari sa Mommy mo.” Biglang nagbago ang mukha ko sa tinuran ni Kaleb. “Wala kang pakialam kung si Ava ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ina. Pare-pareho lang naman sila!” Galit na wika ko. Umupo ako sa couch at sinandal ang likod ko. Nagpanggap kasi akong magpapakamatay. Gusto ko lang siyang paglaruan. Mukhang naawa ito sa kalagayan ko kagabi na isang drama lang naman. “Paanong pare-pareho? Ava is innocent. Tingnan mo nga kahit ganyan ang ugali mo, pero hindi ka niya iniiwasan. Patibong mo lang iyang pagkakaibigan ninyong dalawa. Baka magsisi ka Jaxson. Don’t wait that to happen.” “Hindi mangyayaring pagsisisihan ko ang ginawa ko kay Ava. I want her to suffer and crushed until she beg me to stop.” “Baka naman kainin mo ang sinabi mong dudurugin mo si Ava, pero hindi mo magawa dahil na-fall ka na sa kanya. Instead na siya ang ma-fall sa’yo. Tandaan mo ito Jaxson, bilog ang mundo. Kung ngayon nasa itaas ka baka bukas nasa ibaba ka na. Hindi mo namamalayang si Ava na ang may hawak ng buhay mo.” Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran ni Kaleb. “Alam mo Nuezca kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita sinapak diyan. Ako ang kaibigan mo kaya ako ang dapat mong kinakampihan.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Nasa tama lang ako Jaxson. Hindi ako masamang kaibigan kaya nga pinapayuhan kita na huwag mo nang ituloy ang paghihiganti mo. Wala ka namang magagawa. Wala na ang Mommy mo at wala na rin ang Nanay ni Ava at nadamay pa ang mga kapatid niya. Hindi ka ba nakontento sa nangyari sa pamilya ni Ava? Pareho kayong nawalan. Ang kaibahan nga lang ikaw isa ang nawala. Si Ava tatlo ang nawala sa pamilya niya at ngayon ulila na siya.” “They deserve to die! Dapat lang sa kanila iyon para maramdaman din ni Ava iyong wala na ang taong mahal niya!” Napailing ang kaibigan ko sa sinabi ko. Patas lang ang nangyari sa amin. “Don’t tell me may kinalaman ka sa sunog?” Napangisi lang ako sa sinabi ni Kaleb. Namilog ang mata nito. “My god kaya mong gawin iyon? Ang pumatay ng tao?” sabi nito. Hindi ko na siya sinagot, tinalikuran ko na siya. Ako man o hindi nasa akin ang panig ng swerte para sa paghihiganti na nais ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD