EPISODE 26

1579 Words
AVA NAASIWA ako sa tinging pinupukol sa akin ni Kara. Parang pinag-aaralan niya ang expression ng mukha ko pati na ang paghinga ko binibilang niya pa yata. “Ano ba Kara, kung makatitig ka naman diyan parang sinusuri mo na ang buong pagkatao ko.” Reklamo ko sa kaibigan. “Pinuntahan kita sa bahay niyo alas siyete ng gabi, pero wala ka. Nakapatay ang ilaw ng bahay niyo.” Bigla akong napalunok. “M-May binili lang ako sa labas kaya hindi mo ako naabutan.” Pagsisinungaling ko. Napa-make face si Kara. “Lokohin mo lelong mo. Sa palagay mo maniniwala ako sa iyo? Hindi no? Sinabi ng kapitbahay na hindi ka pa umuwi magmula nang uwian natin.” Mas lalo akong napalunok at feeling ko nagkaroon ng butil-butil na pawis sa noo ko. “Bakit nakita niya ba akong dumating? Baka hindi niya lang ako napansin.” Mas lalong dumboble ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagsisinungaling sa kaibigan ko. Ngayon ko lang nagawa sa kanya ito magmula nang makilala ko si Jaxson. Ayokong may makaalam sa relasyon namin at iyon ang napag-usapan namin. “Siguro kasama mo si Jaxson, no? Saan kayo nagpunta? Don’t tell me may nangyari na sa inyo?” Sa sinabing iyon ni Kara ay nanlaki ang mata ko. “Hindi ko magagawa ang sinabi mo! Grabe ka naman makahusga sa akin parang hindi mo ako kilala.” Naghihinanakit na wika ko. Kumunot ang noo ng kaibigan. “Paanong hindi kita pag-iisipan ng masama? Nagsisinungaling ka na sa’kin. Kaibigan mo ako. Wala tayong lihiman sa isa’t isa, ’di ba? Bakit ngayon parang ayaw mong malaman ko ang bawat plano mo? Sinabi ba ni Jaxson na maglihim ka kahit sa akin? Kung ganoon nga hindi magandang senyales iyan. Hindi magiging mabuti sa iyo si Jaxson. He will ruin you nang hindi mo namamalayan. Mag-isip ka naman, Ava. Huwag puso mo ang paiiralin mo. Sisirain ka niyan.” Napailing ang kaibigan dahil sa ginawa ko. “Kung wala ka rin namang tiwala sa akin huwag na tayong mag-usap pa at tapusin na natin ang pagkakaibigan natin. Tutal may Jaxson ka na at sa kanya ka naniniwala.” Ramdam ko ang paghihinanakit ni Kara sa akin. Ayokong magsinungaling sa kanya. Ayoko lang siyang nadadamay sa galit ni Candy. “Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang nadadamay ka sa galit ni Candy sa akin. Kaya kahit labag sa loob kong ilihim ang relasyon namin ni Jaxson ginawa ko pa rin dahil ayaw kitang masaktan.” Tiningnan ako ni Kara. Parang hindi siya convince sa paliwanag ko. “Kaibigan mo ako. Magkaibigan na tayo magmula noong maliliit pa tayo. Sanggang dikit nga tayo ’di ba? Lahat ng away sa school magkasama tayo. Pati nga sa pagreregla natin hindi natin inilihim sa isa’t isa. Pati nga crush natin noong kindergarten tayo alam natin. Bakit ngayon pa na dalaga na tayo kailangan pa ba nating maglihimang dalawa? Ava, naman mas ipagpapalit mo ba ang pinagsamahan natin kaysa kay Jaxson? Naiintindihan ko na mahal mo ang tao, pero huwag mo naman sanang sundin lahat ng gusto niya. Kaibigan mo ako at hindi ibang tao na paglilihiman mo pa,” sabi niya at saka tinalikuran niya ako. Dismayado ang hitsura ni Kara nang iwan niya ako. Hindi ako nakakilos at natulala na lang. Nahihiya ako sa kaibigan ko. “Kara!” Tawag ko sa kanya ngunit malayo na ang kaibigan. Kasalanan ko kung bakit nagalit ang kaibigan ko. Tama siya, hindi dapat ako naglilihim sa kanya. Magkaibigan na kami noon pa man. Bakit ngayon lang ako nagkaroon ng pagdududa sa kanya bilang kaibigan ko? Napatingin ako sa taong parating si Jaxson, kasama niya si Candy na todo kapit sa braso niya. Para hindi ako masaktan sa nakikita kahit palabas lamang ni Jaxson iyon tumalikod ako. Hindi ko maiwasang masaktan at magselos. Ano nga ba ang karapatan ko? Kung sila ang legal sa paningin ng ibang tao at ako ay lihim lang ang relasyon namin. Dumiretso ako sa room namin. Nandoon na sigurado si Kara. Kailangan kong suyuin ang kaibigan ko. Hindi ako sanay na ganito kami na may tampuhan sa isa’t isa. Pumasok ako sa loob ng classroom. Nakita ko si Kara na nasa dulo ng row. Buti na lang may vacant pa sa katabi nitong upuan. Kinalabit ko siya. “Kara, sorry na, kausapin mo na ako. Promise magsasabi na ako sa iyo. Huwag naman ganito, ikaw na nga lang ang meron ako, eh? Magkakagalit pa tayo.” Nalungkot ako. Naawa naman sa akin ang kaibigan. “Okay, pero huwag mo nang uulitin na maglilihim sa akin.” I nodded. Napapailing sa akin si Kara nang masabi ko sa kanya ang totoo. “Ava, hindi ka ba nag-iisip? Sa palagay mo saan ka dadalhin ng relasyon niyo ni Jaxson ng palihim? Hindi siya ang agrabyado kung hindi ikaw. Sa huli sila pa rin ang magkakatuluyan. Remember that baka kasi nakakalimutan mo. Pinapaalala ko lang.” Gusto kong sundin ang sinasabi ng kaibigan ngunit mas masidhi ang nararamdaman ko para kay Jaxson. Ayaw ko na siyang mawala sa buhay ko. Napatingin kaming lahat sa pumasok. Si Candy kasama niya si Jaxson. Napatirik ng mata si Kara sa nakita. Hinagkan ni Jaxson si Candy sa labi. Parang nagkapira-piraso ang puso ko. Bakit kapag sinasabi ni Jaxson na pawang pagpapanggap lamang ang ginagawa niya, pero bakit pakiramdam ko totoo ang paghalik ni Jaxson kay Candy. “See, iyan ang sinasabi ko sa iyo. Masakit ba?” Pang-aasar niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nakatutok ang mata ko sa dalawang taong sobrang sweet sa isa’t isa. Gusto kong bawiin ang tingin ko, ngunit hindi ko magawa. Parang pinapakita ng sarili kong mata ang katotohanan na niloloko lang ako ni Jaxson. Pero bakit may parte sa puso kong hindi naniniwala? Niyuko ko ang ulo ko nang mapasulyap sa akin si Jaxson. Nagkunwari akong hindi ko sila nakita. “Hala, grabe siya. ganyan ka na pala magbasa baliktad?” sabi ni Kara. Napatingin ako sa binabasa kong libro, baliktad nga. Nagbuntonghininga ako ng malalim. Pauwi na kami ni Kara, pero lutang pa rin ang isip ko. Hindi ko makalimutan ang nasaksihan ko kanina. Hindi ko na nga pinakikinggang si Kara na kanina pa salita nang salita. Napansin ko ang sasakyan ni Jaxson sa gate ng school namin. Huminto ako at hinila si Kara. Nag-iba kami ng daan. Sa likurang bahagi kami ng school dumaan. Malayo man iyon ay hindi ko na inisip. Ang mahalaga sa akin maiwasan ko si Jaxson. “Bakit saan tayo pupunta?” Tanong niya sa akin habang hila-hila ko siya sa likurang bahagi ng campus. “Doon na lang tayo sa kabila mag-abang ng jeep. Mas malapit doon ang pauwi sa atin.” “Anong malapit? Mapapalayo tayo no? Alam ko na si Jaxson. Nakita ko siya doon nag-aabang. Sa tingin mo ikaw ang inaabangan? Naku, siguradong si Candy ang ihahatid niyon at hindi ikaw. Well, tama naman ang gagawin mo, pero hanggang kailan mo gagawin ang pag-iwas, aber?” Huminto kami sa paglalakad. Nakapameywang sa harapan ko si Kara. “Hindi ko alam. Ito lang ang alam ko para maiwasan si Jaxson. Tama ka nga hindi ko na dapat ipagpatuloy ang relasyon namin. Sa huli ako rin naman ang masasaktan.” Inakbayan ako ng kaibigan. “Good job, Ava! Good job!” Masayang wika ng kaibigan. Natawa ako. “Good job ka riyan. Halika na nga malayo itong shorcut at baka gabihin tayo sa pag-uwi,” sabi ko. JAXSON TINUNGGA ni Jaxson ang bote ng alak at sabay hithit ng yosi. Nakita ko ang reaction ni Ava habang naghahalikan kami ni Candy. Masarap sa pakiramdam na nasasaktan siya sa nakikita. Kanina iniwasan niya ako it means nasaktan talaga siya. Sa tingin niya susuyuin ko siya? Hindi mangyayari iyon. Kailangan kong maisakatuparan ang balak ko. Para makita ko kung paano madurog sa mga kamay ko si Ava. Gusto kong magmakaawa siya sa akin. I want her to suffer. Tumungga muli ako sa bote. Gumuhit sa lalamunan ko ang tapang ng alak. Napasandal ako sa sofa at napapikit. I want her. Iyon ang huling kataga ko bago lamunin ng antok ang diwa ko. Kinaumagahan nakita ko agad si Ava papasok sa gate ng school. Iiwasan sana niya ako nang harangin ko siya. “Bakit mo ako iniiwasan? Hinintay kita kahapon, pero wala ka? Saan ka dumaan?” Tanong ko. “May tinapos kasi kami ni Kara kaya gabi na ako nakauwi. Mauuna na ako.” Paalam nito sa akin. Hindi pa ito nakalalayo nang hawakan ko ang braso nito. “Tell me what’s the problem?” Tanong ko at napatitig ako sa mukha ni Ava. Hinawi ko ang ilang hiblang tumakip sa mata nito at sinuksok sa magkabila nitong tainga. Umiling ako. “Tell me, baby.” Lumamlam ang mata ko habang nakatitig sa mata niya. Nakita ko ang paglunok nito. “Wala namang problema. Busy lang talaga ako.” Anito. Hindi niya ako maloloko. Bakit hindi na lang siya umaming nagseselos siya? Kita naman sa reaction niya. “Hindi ako naniniwala,” sabi ko. Nakaramdam ako ng inis. Sa lahat ng ayoko iyong ako ang nanunyo! Wala akong tiyaga sa ganoon. “Okay if you don’t want to tell me fine!” I said. Tinalikuran ko siya at iniwan siya. Ang akala ko ay susundan niya ako ngunit hindi nangyari. Napabuga na lang ako ng hangin. Hindi pa kami tapos ng babaeng iyon. Hahanap ako ng tiyempo para mapaamo ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD