AVA
LUMAYO ako sa damitan at lumapit kay Jaxson.
“Halika na.” Pag-aaya ko sa kanyang lumabas. Kumunot ang noo ni Jaxson sa sinabi ko. Tiningnan niya ang kamay ko.
“Wala ka pang napili?” Umiling ako.
“Sa iba na lang tayo bumili. Wala akong nagustuhan sa design dito,” sabi ko na lang. Ayokong sabihin sa kanya ang narinig ko at baka magalit si Jaxson magkagulo pa rito.
“Okay.” Pagpayag nito na kinahinga ko nang maluwag. Lumabas kami sa boutique. Napalingon ako sa dalawang sales lady na masama ang tingin. Ano naman ang ginawa ko sa kanila? Kung makatingin akala mo nakagawa ako ng masama sa kanila.
“Huwag mo na lang akong bilhan. Ayos na sa akin ang mga damit ko. Wala naman masama kung luma ang damit ko, maayos pa namang suotin.” Paliwanag ko. Tinitigan ako ni Jaxson at saka bumuntonghininga.
“Okay, hindi na kita pipilitin.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Kain na lang tayo. Mas maigi pa iyon.” Suggestion ko. Napailing si Jaxson habang napapangiti. Papasok na sana kami sa isang mamahaling restaurant ng pigilan ko siya.
“Huwag na diyan mukhang mahal ang mga pagkain. Mag-fast food na lang tayo, mas mura pa,” sabi ko.
“It’s okay treat ko naman. Don’t worry hindi naman mamahalin ang mga pagkain dito. Trust me,” sabi nito at sabay kindat sa akin. Nag-init ang pisngi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ng babaeng staff. Nakangiti siya kay Jaxson. Napasulyap sa akin ang babae. Kahit nakangiti alam kong pinag-aaralan niya ang hitsura ko. Naka denim at t-shirt lang kasi ako na luma na. Samantalang si Jaxson ay nakasuot ng suit. Kaya mukha tuloy akong alalay niya.
Nginitian ko ang babae, ngunit itinaas nito ang kilay. Napahiya ako sa ginawa niya kaya napayuko na lang ako.
Sinabi ni Jaxson na nakapagpa-reserve na siya ng isang private room. Tiningnan ng babae ang list niya at nakita ang pangalan ni Jaxson. Grabe ang mayayaman pwedeng magpa-reserve at todo asikaso agad. Siguro kung mahirap lang na katulad ko ay baka dedmahin ako nito.
“This way, Sir,” sabi ng babae.
Sumunod kami ni Jaxson sa babae. Pumasok kami sa isang room na puro glass. Napahanga ako sa loob dahil parang pang-exclusive lang talaga ang area na ito. Mayroon table at two seat. Maliwanag ang room at very romantic ang dating. May large couch sa may isang gilid at nasa gitna ang table na may nakasabit na chandelier. Carpeted pa ang floor kaya parang nakakahiyang itapak ang luma kong doll shoes. Hindi ko alam kung uupo ako o tatayo na lang.
Napalingon ako kay Jaxson habang kausap ang babaeng staff. Nilibot ng tingin ko ang paligid ng silid. Mukhang aircon ang lugar na ito dahil malamig. Napayakap ako sa sarlili ko nang maramdaman ang lamig na nanuot sa balat ko. Medyo manipis pa naman itong suot kong t-shirt, kaya ramdam ang lamig. Nagulat ako nang may pumatong sa balikat ko. Nilagay ni Jaxson ang coat nito sa akin. Napangiti ako.
“Pasensya ka na hindi kasi ako sanay sa malamig na lugar.” Paliwanag ko. Natawa si Jaxson.
“Bakit nag-e-explain ka? I know.” Hinila niya ako para umupo.
“Nakakahiya naman kasi binigay mo pa sa akin ang coat mo. Baka ikaw naman ang lamigin,” sabi ko. Napangiti si Jaxson at napailing.
“Sanay ako sa malamig kaya hindi ako lalamigin.” Pinisil niya ang pisngi ko. Napanguso ako dahil sa pagpisil niya sa pisngi ko.
“Madalas ka ba rito at mukhang kilala ka na ng staff?” sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid.
“Yes, we often used to dinner here with my parents,” sabi nito.
Napatango ako. Sa totoo ngayon lang ako nakapasok at nakaupo sa ganito kagandang restaurant at exclusive pa itong pagkakainan namin.
“Hindi ba mahal ang kumain dito?” Natawa ako sa sinabi ko. “Bakit ko nga ba tinatanong obvious naman na mahal,” sabi ko habang natatawa.
Dumating na ang in-order ni Jaxson. Wala rin akong ideya kung anong pangalan ng pagkain. Grabe ang inosente ko pagdating sa ganito. First time ko naman kasi.
Nang makaalis ang waiter na nag-serve ng pagkain namin. Tinanong ko si Jaxson.
“Anong tawag diyan?” Turo ko sa pagkain na nakahain sa harapan ko.
“This is steak. Masarap iyan, it taste good.” Para siyang pork chop na malaki. Napatingin ako kay Jaxson nang simulang hiwain ang steak gamit ang knife.
“Anong tawag dito?” Turo ko sa mahabang kulay green. Para siyang sitaw, pero hindi naman sitaw.
“That’s asparagus. Tikman mo, masarap iyan. And also the cherry tomato.” Inumang niya sa akin ang tinidor nitong may kamatis na maliit. Ngumanga ako para isubo ang kamatis. Habang nginunguya nanlaki ang mata ko. Masarap nga ang maliit na kamatid. Matamis ang lasa at hindi maasim kagaya ng kamatis na nabibili sa palengke.
“Masarap nga,” sabi ko.
“I told you,” sabi ni Jaxson. Ginaya ko kung paano hiwain ni Jaxson ang steak. Napakalambot ng karne. Sinubo ko ang hiniwa ko. Napapikit ako nang matikman ang steak.
“Ang sarap!” sabi ko habang nakapikit at ngumunguya.
“That steak is angus beef. Natural na malambot at malasa ang karne ng Angus beef. Kaya nga ito palagi ang order ko sa steak. Hindi ka magsisisi kahit mahal ito,” sabi ni Jaxson. Mayaman naman kasi si Jaxson. kahit mahal wala lang sa kanila iyon. Ilan pang putahe ang pinatikim ni Jaxson.
“Mukhang nagustuhan mo ang pagkain.” Tumango ako.
“Grabe naman kasi ang sasarap nila. Wala kang itulak kabigin.” Nagpunas ako ng bibig at uminom ng tubig.
Tinawag na nito ang waiter para magbayad. Binigay ni Jaxson ang card nito. Grabe ganito pala ang mayayaman, card lang ang gamit kapag nagbabayad ng kinain. Samantalang ang mahihirap cash.
Tumayo na kami upang umalis. Palabas na kami ni Jaxson nang makita ko si Candy. Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Napalingon ako kay Jaxson na kausap ang manager ng restaurant. Nagtago ako sa isang sulok. Sinilip ko kung papasok sa loob ng restaurant si Candy. Nagkasalubong ang dalawa. Nakita ko na parang may hinahanap si Jaxson. Sigurado hinahanap niya ako.
Nag-usap ang dalawa at medyo matagal. Ngawit na ngawit na akong nakatayo habang nakatingin sa kanila. Nagkakatawanan pa ang dalawa. Mukhang in good terms na ang dalawa. Nakita kong paalis na si Jaxson ngunit hinabol siya ni Candy. Hinalikan niya sa labi si Jaxson. Napakuyom ako ng kamao. Bakit kailangan niya pang halikan si Jaxson. Tumalikod ako para hindi ko na sila makitang maghalikan. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba hinahayaan ni Jaxson halikan siya ni Candy? Oo nga pala sila ang official na mag-on at hindi kami. Lihim lang ang relasyon namin. Kaya wala akong karapatan na masaktan o magalit dahil asungot lang ako sa realsyon nila.
Nagkunwari akong nagulat nang lapitan ako ni Jaxson.
“Bakit ang tagal mo?” Tanong ko kunwari.
“Kinausap ko pa kasi ang manager. Kakilala kasi ni Mommy iyon.” Napatango ako. Expected kong sasabihin niyang nagkita sila ni Candy, pero hindi ko inaasahang hindi niya babanggitin kahit pabalat bunga man lang.
Naging tahimik ako sa biyahe.
“Are you okay? Mukhang tahimik ka?” Tanong ni Jaxson. Hilaw akong napangiti.
“Nabusog kasi ako kaya parang inaantok na ako.” Pagsisinungaling ko kahit na sa kaibuturan ng puso ko ay naghihinanakit ako sa nakita ko kanina. Hindi ko matanggap na hinahalikan siya ni Candy at tumutugon naman si Jaxson.
Ano ba itong napasok ko? Dahil sa kapusukan ng puso ko ay hindi ko na inisip na mali ang ginagawa ko. Maling-mali.
Narating namin ang bahay ng lola ni Jaxson alas diyes na ng gabi. Inaantok na ako.
Sinamahan ako ni Jaxson sa magiging silid ko. Siya naman sa katapat ng silid ko. Bago ko pa maisara ang pinto nag-ring ang cellphone ni Jaxson. Dahil sa curiousity pinakinggan ko ang usapan nila although hindi ko naman rinig kung sino ang kausap niya.
“Nandito na ako sa bahay. Okay, babe.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang babe. Sino ang kausap niya? Tumawa si Jaxson, mukhang may sinasabi ang kausap na nakapagpatawa kay Jaxson. Pinag-igi ko pa ang pakikinig. Kahit alam kong masakit sa pandinig ang endearment niyang babe sa kausap.
“Tomorrow at lunch, babe. Okay, I love you too.” Napahawak ako sa labi ko. Sinarado ko ang pinto nang marahan. Napasandal ako sa pinto habang hawak ang didbdib ko. Masakit pakinggan ang I love you kapag sa iba sinabi ng taong mahal mo.