AVA
“AVA! Ava!” Tawag sa akin ni Kara. Napahinto ito sa harapan niya habang nakahawak sa dalawang tuhod. Hingal na hingal. Napatuwid sa pagkakatayo si Kara at napahawak sa kanyang dibdib.
“Kung makahabol ka naman sa akin para kang hinahabol ng pulis.” Biro na saad ko sa kaibigan. Sinamaan niya ako ng tingin. Nagulat ako ng hilahin niya ako at naglakad papuntang covered court. May mga estudyante ng naroon. Tila may pinanonood sila.
“Ano bang meron diyan?” Nagtatakang tanong ko.
Humalo kami sa ibang mga estudyanteng naroon. Napatitig ako sa dalawang taong nasa gitna ng covered court. Nakaluhod si Jaxson samantalang si Candy naman ay todo ang ngiti at pinupunasan ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam sa mga oras na ito. Alam kong ano’ng ibig sabihin niyon. He is proposing to Candy.
Narinig ko ang hiyawan ng mga estudyante. Niyakap ni Jaxson sit Candy at hindi lang 'yon nag-kiss pa sila sa harapan namin. Upang hindi na ako masyadong masaktan sa nasaksihan ko tumalikod na ako. Aminin ko man o hindi nasasaktan ako. Kahit na crush ko lang siya ngunit masakit sa puso ko na nakikitang may iba na siya.
“Bakit iniwan mo ako doon?” reklamo ni Kara ng mahabol niya ako. Napanguso ako. Ano ba ang purpose ni Kara at dinala pa niya ako doon? Nasasaktan tuloy ako ngayon.
“Ano naman gagawin natin doon?” Mas lalo lang akong maninibugho dahil pinanonood ko ang engagement proposal ni Jaxson kay Candy. Isang sampal sa akin iyon, ipinapakita lang na hindi talaga kami nababagay ni Jaxson at si Candy ang nararapat dahil magkapantay sila ng estado sa buhay.
“Hindi ka man lang nagseselos?” kumunot ang noo ko at umiling.
“Bakit naman ako magseselos? Mag-ano ba kami ni Jaxson?”
Umupo ako sa bench. Tumabi naman sa akin si Kara. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Eh, kasi crush mo siya. Masakit na makikita mong engaged na sa iba ang crush mo.” Paliwanag nito sa akin.
“Wala naman namamagitan sa amin para umasta akong nasaktan. Saka bagay sila kasi pareho silang mayaman at hindi sa akin na isang mahirap lang,” may dumaang sakit sa dibdib ko. Kahit sinasabi kong bagay sila ngunit labas sa ilong lang iyon.
“Kunsabagay paghanga lang naman ang nararamdaman mo kay Jaxson. Pero alam mo duda ako sa babaeng ’yan. Malamang pinilit niya si Jaxson na gawin ’yon. Bali-balita kasi na medyo tagilid ang company nila Jaxson to the rescue naman ang pamilya nila Candy. Nag-merge yata ang company nila.” Nangunot ang noo ko sa tsismis ni Kara.
“Saan mo naman nalaman ’yan? Totoo naman siguro na mahal ni Jaxson si Candy. Bakit naman niya gagawin sa harapan ng maraming tao ang pagpo-propose niya kay Candy kung palabas lang, ’di ba?” Nagkibitbalikat lang si Kara.
“Oo na nga. Bahala sila sa buhay nila!” Natatawa kong tiningnan si Kara. Baliw talaga ito.
“Kanina lang mukha kang timang ngayon, okay na?” Natawa ako. Hinampas niya ako sa likod.
“Sandali may bibilhin muna ako. Maiwan muna kita riyan.” Paalam nito. Tumango ako. Kinuha ko ang libro ko para magbasa. Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Naamoy ko ang pabango ng isang lalaki. Napalingon ako. Nanlaki ang mga mata ko kung sino iyon.
“J-Jaxson?” Pabulong lang iyon, ngunit pakiramdam ko narinig niya. Napatingin siya sa akin.
“Hey, it’s you again.” Parang na-surprise itong makita ako.
Ibinaling ko ang atensyon sa libro na binabasa ko at hindi siya tinapunan ng tingin. Maka-it’s you again naman ito na parang close kaming dalawa. Mas lalong dumikit sa akin si Jaxson kaya napatingin na ako sa kanya. Pero wrong move dahil halos isang inch na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nagkatitigan kaming dalawa. Nagpapalitpalit ang tingin ni Jaxson sa mata at labi ko.
Napalunok ako. My heart. . . Oh my god, my heart. Napakabilis ng tib*k. Ako na ang kusang lumayo ng ilalapit na ni Jaxson ang mukha niya sa akin. Diyos ko engaged na nga ang lalaking ito lalandiin pa ako? Magpapalandi ka naman? Buyo ng isip ko. Napatayo ako.
“A-anong ginagawa mo dito?” wala akong maisip na sasabihin kung hindi iyon. Oo nga naman ano'ng ginagawa niya dito? Dapat kasama niya ang fiancee niya. Ano yun nag-propose ito at iniwan na lang doon ang babae?
“Ayoko sa kanya. It just a drama, y’know.” Walang ganang wika ni Jaxson. Nagkaroon ako ng interes sa sinabi niya. Paanong ayaw niya kay Candy? Hindi ba nagpropose ito sa babae? Ano at ito ang sinasabi nito? Bumalik ako sa pagkakaupo sa bench. Medyo dumistansya nga lang ako.
“Anong ibig mong sabibin palabas mo lang yun? Bakit?” Nagtataka kong tanong. Napasulyap si Jaxson sa akin. I saw his sadness in his eyes.
“It’s all about family matters. I need to follow my Mom’s request for the sake of our company. I don’t want to disappoint her, I love her. Even if that decision is difficult on my part, I will make it for her. I don’t want to see my Mommy sad.” malungkot na wika niya.
“Bakit parang hindi ka naman masaya?” sabi ko. Napatingin si Jaxson sa akin na ikinailang ko. Sana pala hindi ko na lang tinanong. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jaxson.
“Dahil hindi ko naman mahal si Candy. Pero wala naman akong magagawa.”
“Ang hirap naman ng situation mo nasa iyo na lahat pero napaka komplikado pa din ng situation mo. Buti pa ako simple lang ang buhay ko pero masaya naman. Mahirap ang maging mahirap pero kasama ko naman ang Nanay at mga kapatid ko.” Napangiti ako sa sinabi ko. Pamilya ko ang kayamanan ko. Sila ang inspirasyon ko sa pag-aaral.
“Buti ka pa kahit salat ka sa bagay pero masaya ka. Ako nasa akin na lahat pero may kulang. Hindi lubos ang kasiyahan ko. My father are always busy at work while my Mom are busy with her friends. I grew up without them by my side. They gave everything money, car lahat ng luho para mapagtakpan ang kakulangan nila sa akin.” Nakakaawa naman pala siya. Akala ko dahil mayaman masaya na sila ngunit nagkamali ako.
“Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang nararamdaman mo? Para naman malaman nilang hindi ka masaya sa nangyayari.” Suggestion ko. He shook his head.
“Tumanggi man ako ay wala din saysay. Sila pa din ang masusunod.” Napatingin ako sa kawalan. Ang hirap naman ng situation niya. Napasulyap siya sa akin.
“Thank you sa pakikinig sa mga hinaing ko sa buhay. Sa totoo sa iyo ko lamang nasabi itong nasa loob ko. I don't know. Are you my fairy god mother?” natawa ako sa tinuran niya.
“Ako?” turo ko sa sarili ko. Napatango si Jaxson. “Fairy god mother talaga? Mukha ba akong fairy?” napapailing ako sa sinabi niya.
“Because you are beautiful like a fairy.” Napatingin ako kay Jaxson. Iyon ang tingin niya sa akin. Pinamulahanan ako ng mukha. Nagkatitigan kaming dalawa.