EPISODE 3

1214 Words
AVA HABANG nagsusulat ng mga lesson na ipinapaliwanag ng teacher namin hindi sinasadyang napasulyap sa bintana ng room namin. Nakita ko si Jaxson na naglalaro ng basketball sa may covered court na malapit sa room namin. Napatigil ako sa pagsusulat at tinitigan na naman siya. Ang guwapo niya talaga kahit anong suot. Mapa-school uniform, mapapanlakad at mapa- jersey. Napahawak ako sa pisngi ko ng mag-init. My god, in love na yata ako. Hindi na ito simpleng crush lang. Kahit sa gabi siya pa rin ang laman ng isipan ko. “Ava, your eyes on the board!” Nagulantang ang pagde-daydream ko ng marinig ang boses ng teacher namin. Napatayos ako ng upo at humarap sa pisara. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil lahat ng mga classmate ko ay nakatingin sa akin. My god! Ava, ano na naman 'tong ginawa mo. Pantasya ka kasi ng pantasya diyan sa Jaxson mo. Hayan tuloy mapapagalitan ka pa. Pang-aasar sa akin ng isip ko. “Naroon na ba ang pinag-aaralan natim at doon ka natingin?” Napayuko ako sa sinabi ng teacher ko. “Sorry po, Ma'am.” Hinging paumanhin ko habang nakayuko. “Prepare a 1/4 sheet of paper we have quiz today.” Anunsyo ng teacher namin. Namilog ang mga mata ko. Patay wala pa naman akong naintindihan sa itinuro ni Ma'am. Napakagat-labi ako. Napasulyap ako kay Kara. “Ikaw kasi,” paninisi pa nito sa akin. Well, meron naman akong naintindihan sa isinulat ko, pero ’yung huli wala akong matandaan. Kung ma-zero ako ngayon babawi na lang ako next time. Nang matapos ang quiz namin ay napahinga ako ng maluwag. ’Buti na lang nakalahati ko naman ang quiz hindi ako zero. “Ano ba kasing pumasok diyan sa ulo mo at doon ka talaga nakatingin sa labas?” Tanong ni Kara habang naglalakad kami palabas ng school. “Wala!” Pagtanggi ko. Siniko niya ako. “Hayan ka na naman sa walang sagot. Kitang-kita na si Jaxson ang tinitingnan mo. Sus, huwag mo ng itanggi.” “Napatingin lang ako doon masama na ba iyon?” Pagsisinungaling ko. “Huwag mo akong lokohin, Ava. Kilala kita obvious ka magpakita ng emotions mo.” Napanguso ako. Inaamin kong hindi ako magaling sa pagsisinungaling. Tumahimik na lang ako at naglakad. Unang nakasakay si Kara. Ako naman ay naghintay ng ilang minuto. Nagpasya akong maupo muna sa waiting shed. Napasulyap ako sa kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng school. Nakita ko si Candy na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kotse nito at parang may hinihintay. Lumabas sa passenger seat si Jaxson, pinagbuksan niya ang babae. Pumasok naman kaagad ito. Hindi ko maiwasang makadama ng inggit para kay Candy. ’Buti pa siya hinahatid, ako hinahatid lang ng tanaw. Haist, mahirap naman kasi ako hanggang pangarap lang na meron taong maghahatid sa akin. May humintong jeep kaya sumakay na ako. ’Buti pa si Manong araw-araw hinahatid niya ako pauwi ng bahay, ’yun nga lang may bayad. Nababaliw na yata ako. Nababaliw na sa kaiisip kay Jaxson. JAXSON AYOKO sanang ihatid si Candy dahil ang balak kong ihatid ay y’ung babaeng palagi kong nahuhuling tumitingin sa akin. Ang cute niyang tingnan lalo pa kung nauutal at nagsisinungaling. Sa katunayan mas maganda ito kaysa kay Candy. “Jaxson, kanina pa kita tinatanong?” Naiirita niyang sabi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong tanong mo ba?” Naiirita ako sa the way ng pagka-clingy niya sa akin. Para bang we're in a relationship. I'm just being good to her dahil kay Mommy. “I was asking you if you want to accompany me going to the mall. Puwede ba?” tanong niya. Marahas akong napabuntong-hininga. “Meron akong pupuntahan, nakapag-commit na ako sa kaibigan ko.” Pagsisinungaling ko kahit wala naman akong pupuntahan. Nalungkot ang mukha niya at ngumuso. Napa-tsk ako. Wala naman siyang nagawa sa pagtanggi ko. Hinatid ko siya sa bahay nila. Hindi ako bumaba para ihatid siya hanggang sa loob. Napahinto si Candy sa pagbaba. “Hindi ka ba muna mag-stay dito kahit ilang minuto lang? Mommy is always asking you.” Napairap ako sa sinabi niya. “I am sorry I can't.” Tipid kong wika. Bakit kailangan ko pang dumaan sa bahay nila? Wala naman akong gagawin doon kung hindi kwentuhan ako ng walang saysay. Pag-uusapan lang naman doon ang kasal na lagi nilang ipinipilit sa akin. Pumayag akong maging kaibigan si Candy pero ang magkaroon ng relasyon ay hindi ko kaya. Padabog na lumabas ng sasakyan ko si Candy. Pabagsak niyang isinarado ang pinto. Napailing ako sa ugali niya. Bakit magagalit siya kung ayaw ko nga, hindi niya ako mapipilit. Sino ba siya para sundin ko? AVA PAGKAPASOK ng bahay nagulat ako dahil narito na si Nanay. Ang alam ko meron siyang overtime. “Anak.” Sinalubong ako ni Nanay. Napasulyap ako sa lalaking nakaupo. Lumipat ang tingin ko kay Nanay. “’Nay, sino po siya?" bulong ko sa kanya. “Sir, ang anak ko si Ava.” Pakilala niya sa tinawag niyang Sir. “Nice meeting you, hija. Lagi kang bukambibig ng Nanay mo sa akin. Totoo pala ang sinabi niya.” Nakangiting sabi ng lalaki. Nahiya ako. “Nice meeting you rin po, Sir.” Nakipagkamay ako sa kanya. Mangha niya akong tiningnan. “Sana kagaya mo ang anak ko, magalang.” Wika nito na ikinakunot ng noo ko. Napangiti ako ng alanganin. Ano naman kasi ang sinabi ni Nanay sa boss niya at ganon na lamang niya ako hangaan. Isa lang naman akong simpleng tao. “May pagkamatigas kasi ang ulo ng anak ko. Lahat ng luho nasusunod kaya lumaking walang pakialam sa kapwa niya.” Napabuntong-hininga ang boss ni Nanay. Kita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata. Ano kaya ang ugali ng anak niya? Baka siguro inaaway niya ang Tatay niya o ’di kaya naman hindi nag-aaral ng mabuti kaya malungkot siya para sa anak nito. Nagpaalam na ang boss ni Nanay. Hinatid pa nga namin hanggang labasan ng bahay namin. “Mabait pala ang boss niyo, Nay, nagbigay pa ng pagkain.” Sabi ko habang inilalabas ang pagkain na nakalagay sa paper box. Mukhang galing sa isang mamahaling kainan. Sigurado akong mamahalin ito, nakita ko na kasi itong pangalan sa isang sikat na resto na nadadaanan ko sa loob ng mall. “Oo, anak. Kaya nga kahit mahirap ang trabaho sa factory ipinagbubuti ko. Para naman makabawi sa kabutihan niya sa aming mga empleyado niya. Nalulungkot lang ako dahil palagi niyang pinoproblema ang anak at asawa niya. Wala naman akong karapatan na makialam dahil problema naman nila iyon at hindi sa akin.” Hinaplos ni Nanay ang noo ko. “Napakasuwerte ko dahil ikaw ang naging anak ko, kayo ng mga kapatid mo. Dahil kahit mahirap tayo nagsusumikap kayo sa pag-aaral. Kaya nga nagsusumikap rin ako sa pagtatrabaho para lang matustusan ang mga pangangailangan niyo at hindi kayo nagkukulang sa pangangailangan.” Napasandal ako sa dibdib ni Nanay. “I love you, Nay. Hayaan niyo kapag nakatapos ako ng pag-aaral at nakahanap ng trabaho hindi na kayo magtatrabaho. Dito na lang kayo sa bahay.” Pangako niya rito. Napangiti ang kanyang ina. Ayaw kong tanggalin ang mga ngiti sa labi ni Nanay. Kahit mahirap ang buhay namin ay pagsusumikapan kong maiahon ang kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD