AVA
HINDI ako makatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Jaxson. Mukha daw akong fairy yet simple fairy. Napahawak ako sa pisngi ko ng magsimulang mag-init.
Tinampal ko ang pisngi ko ng ilang beses baka naman nananaginip lang ako. My god! Napansin niya pa ang simple kong mukha. Nawala ang ngiti ko nang maalalang may nobya na pala si Jaxson.
Well, hanggang pangarap na lang ako. Hindi mangyayari yung nasa isip ko na liligawan ako ni Jaxson. Engaged na pala siya. Haist, Ava, gising ka sa mala-fairytale mong panaginip. Sa totoong buhay hindi mangyayari ang nasa isip mo.
Nagtalukbong na ako at ipinikit ang mga mata ko. Pipilitin kong makatulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.
TITIG na titig ang kaibigan kong si Kara sa akin habang magkatabi kaming nakatayo. Pansamantala muna kaming huminto sa paglalakad. Paano ba namang hindi siya mapapatitig sa akin, halatang-halata ang eyebugs ko. Madaling araw na akong nakatulog dahil sa kaiisip kay Jaxson.
“Mukhang malala na ’yang tama mo kay Jaxson, ha? Hindi makatulog sa gabi sa kaiisip. May tighiyawat sa ilong kasi in love na,” napahawak ako sa ilong kong may isang pirasong pimple. Napasimangot ako.
“Grabe ka naman makasabi ng in love. Crush ko lang po ’yung tao. Kaya lang naman ako napuyat hinintay ko si Nanay na dumating. Gabi na siya nakauwi,” rason ko habang ang mga mata ko ay hindi makatingin ng maayos sa kanya. Well, gabi naman yung 9:00 pm.
Tinaasan ako ng kilay ng kaibigan. Napailing siya sa akin.“Hindi ka marunong magsinungaling, Ava. I see how you move your eyes. You can’t even look directly at me?” buyo ng kaibigan. Napairap ako sa kanya.
“Ewan ko sa iyo! Umi-english ka na naman.”
Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Jaxson kasama ang nobya niyang si Candy. Todo hawak niya sa braso ni Jaxson na parang ayaw na nitong pakawalan.
Dumagund*ng ang pus* ko nang mapadako ang tingin niya sa akin. Napangiti sa akin si Jaxson na nagpasaya sa puso ko. Napangiti rin ako pabalik at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Hinabol ako ni Kara.
“Hoy nakita ko yun. Ayiee.... ikaw ha, may pa ganoon pa kayo? Sabihin mo na nga may namumuong pagtitinginan sa inyong dalawa, no? ” siniko ako ni Kara. Natawa ako.
“Wala nga ’di ba? Sinabi ko sa iyong hanggang crush ko lang siya. Hindi naman porket ngumiti ang tao may relasyon na agad kami? Ang dumi ng isip mo.” Napanguso ako.
“Hmmm... pero bet ko ang pagngiti ni Jaxson sa iyo dahil ibig sabihin lang nun ikaw ang gusto niya at hindi si Candy na malandi.” Namilog ang mga mata ko. Hinampas ko siya sa balikat na nailagan ng kaibigan.
“Hoy, baka may makarinig sa iyo! Ang lakas ng boses mo.” Saway ko sa kaibigan.
“Aba, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ikaw ang gusto ni Jaxson at hindi si Candy!” nagtatakbo si Kara ngunit hinabol ko siya.
NAPAKUNOT ako ng noo nang may nakita akong sasakyang nakaparada sa harapan ng bahay namin. Kanino kayang sasakyan ito? Pumasok na ako sa maliit naming bahay. Naabutan ko sa loob ang isang may edad na lalaki. Nakaupo siya sa upuan naming kahoy. Si Nanay naman ay nakatayo habang kinakausap ang lalaki.
“Nay,” nilapitan ko si Nanay at nagmano. Napasulyap ako sa lalaki at binigyan ng tipid na ngiti at pagtango.
“Narito na pala ang panganay mo. Magandang hapon sa iyo, hija.” Bati nito sa akin.
“Magandang hapon din po sa inyo.”
“By the waynabanggit ng Nanay mo na isang taon na lang at magka-college ka na?” tumango ako. Napatingin ako kay Nanay, nginitian niya lang ako.
“Opo.” sagot ko at saka ibinalik ang tingin ko sa kanya.
“May scholarship kasi kaming ibinibigay para sa mga anak ng empleyado namin at isa ka na doon. Makakapag-aral ka na sa kolehiyo ng walang bayad basta ma-maintain mo lang ang mataas na grado sa school. At kapag natapos ka na puwede kang mag-work sa company.“ Namilog ang mga mata ko.
“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko. Dahil sa saya niyakap ko ang lalaki.
“Maraming salamat po. Pangarap ko po talagang makatapos sa kolehiyo,” sabi ko. Hindi na mahihirapan si Nanay sa pagpapaaral sa akin. Nang binitawan ko siya sa pagkakayakap.
“Hindi lang ’yun, hija. Kung gusto mong mag-working student puwede kang mag-work sa company.”
Napakabuti pala ng boss ni Nanay.
“Sige po. Hindi po kayo manghihinayang na pag-aralin po ako. Pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko para naman makabayad sa inyo ng utang na loob.” Masayang sabi ko.
JAXSON
NAAWA ako kay Mommy she looks so sad. Panay din ang inom niya ng alak. Hindi ko naman mapigilan dahil mas lalo siyang nagagalit sa akin.
Masama ang loob ko kay Daddy dahil tila ba balewala sa kanya ang paglalasing ni Mommy. They never fight pero ramdam ko ang panlalamig nila sa isa’t isa. Hindi ko alam kung sino ba ang may problema sa kanila? Napatingin ako sa pinto.
“Dad, we need to talk.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nilapitan ko si Daddy at seryosong tiningnan.
“Not now I want to get rest.” Sabi nito. Naglakad na siya paakyat ng hagdan.
“But I want it right now!” tumaas ang tono ng boses ko dahil sa inis. Palagi na lang siyang umiiwas na makipag-usap sa akin. Is he avoiding me? Napalingon si Daddy sa akin na may galit sa mga mata.
“Is your mother telling a lies on you?” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“What lies? I don’t know what you are talking about.” I said.
“Ito lang masasabi ko kung ano man ang sabihin sa iyo ng Mommy mo, kasinungalingan lang lahat ng iyon.” After he said that he turned his back on me. I was left wondering what he means.
HABANG nasa tambayan ako sa school namin lumapit sa akin si Candy at niyakap niya ako. Sa inis ko ay itinulak ko siya. Naiirita ako sa presensya niya.
“Will you stop hugging me? We’re not a real couple, okay? So stop pretending.” Inis na sabi ko. Bigla niya akong itinulak.
“Anong pretending? We’re a real couple. You proposed and we are already engaged!” Sabi nito. Nagpanting ang tainga ko sa pagiging dominante niya. Hinawakan ko ang kanyang braso ng mahigpit. Napangiwi ito sa sakit.
“Huwag na huwag mo akong pangungunahan dahil ayoko sa lahat yung babae ang nag-uutos sa akin! Do you understand.?” pigil ko ang pagsigaw dahil baka maka-attract ako ng tao na nasa paligid. She just nodded.
Binitawan ko siya. Saka ko siya sinamaan ng tingin. Tinalikuran ko siya at iniwanan. Nagpunta ako sa lugar kung saan lagi akong tumatambay. Sa ilalim ng puno ng acasia. I find peace of mind kapag tumatambay doon. Tahimik kasi ang lugar na iyon at walang masyadong tao.
Napansin kong may nakaupong babae sa ilalim ng puno. Dahan-dahan akong naglakad patungo doon. Napangiti ako ng makilala ko kung sino iyon. May binabasa siyang libro. Tumabi ako sa kanya. Nagulat pa nga ito.
“I-Ikaw pala? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
“Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo? Anong ginagawa mo dito sa puwesto ko? Dito ang tambayan ko.”
Sumandal ako sa puno at mataman kong tinitigan ang babae. Hindi ko pala alam kung anong pangalan niya.
Napairap siya sa akin. “Nakita kong walang tao dito kaya nagpasya akong mag-review dito habang wala pa akong klase. Bakit pagmamay-ari mo ba itong puno at pinagbabawalan mo akong tumambay dito?” Mataray na wika nito. Natawa ako sa sinabi niya. Napanguso ang babae. I find it cute.
“Hindi ako nagmamay-ari, pero ako ang nauna dito kaya puwesto ko ito.” Sabi ko. Bago tumayo ang babae inirapan niya uli ako. Akmang tatayo sana ang babae nang pigilan ko ang braso niya.
“Okay you can stay here with me. Saka para may makausap naman ako. Nasasawa na kasi akong kausapin ang puno kapag mag-isa ko lang dito.” Biglang tumawa ang babae sa sinabi ko. Napangiti ako. Ngayon lang siya nakaramdam ng saya kasama ang babaeng hindi niya alam ang pangalan. That is strange.