EPISODE 8

1080 Words
AVA NGAYONG ang araw na itinakda ko sa sarili kong iwasan ng tuluyan si Jaxson. Ayokong ma-involve sa gulo nang dahil sa paratang na hindi naman totoo. Nagiging magulo na ang buhay ko. Dati malaya akong naglalakad at walang kinatatakutan. Ngunit ngayon ay tila may tinatakasan akong kasalanan. Malalim akong napabuntonghininga. Sa abot ng makakaya ko iiwasan kong magkrus ang landas namin ni Jaxson. Alam kong mahirap gawin iyon dahil iisang school lang kami. Konting tiis lang dahil ilang buwan na lang magtatapos na si Jaxson sa Senior high, hindi ko na sila makikita pa. “Ava! Ava!” natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad. Ngayon ay mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko. Kailangan hindi niya ako maabutan! Baka makita na naman ako ni Candy. Lagot na naman ako sa babaeng iyon. Kahit anong bilis ko sa paglalakad naabutan pa din ako ni Jaxson. Naningas ang katawan ko nang hawakan niya ako sa braso ko. “Bakit hindi mo ako hinintay? Tinatawag kaya kita,” anito habang hingal na hingal. Napapikit ako ng mariin. Bakit ba pinahihirapan ako ni Jaxson? “Tinatawag mo ba ako?” tanong ko. Kumunot ang noo nito. “Ang lakas kaya ng boses ko. Hindi mo narinig ang tawag ko sa iyo?” nagtatakang tanong nito. Ava, ayusin mo ang sagot mo. Sa loob-loob ko. “Sorry, hindi kita narinig. M-May iniisip kasi ako.” Rason ko. Diyos ko sana ma-convince siya sa reason ko. “Ganoon ba? Mabuti naman. Ang akala ko iniiwasan mo na ako. Kung about kay Candy kaya iniiwasan mo ako. Huwag kang mag-alala kakausapin ko siya tungkol sa atin. Wala siyang karapatang awayin ka, wala ka namang kasalanan.” Alanganing ngiti ang nagawa ko. “Ano ka ba? Bakit ko namang gagawin iyon? Sanay na ako sa ugali ni Candy. Alam naman ng lahat dito sa school na may pagmataray siya.” Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa pagka-plastic ko. Anong sanay kay Candy? Takot na takot nga ako sa babaeng iyon. Sige Ava, deny pa more. Malawak na napangiti si Jaxson. Akmang yayakapin niya ako nang lumayo ako sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ako. “What’s wrong?” “Ano ka ba? May pagyakap talaga? Mamaya niyang makita pa tayo ng fiancee mo at magalit sa akin iyon o di kaya naman may makapagsumbong. Ayoko ng gulo Jaxson. Tahimik ang buhay ko kaya ayokong guluhin ang nananahimik kong mundo,” sabi ko. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi niya kailangang yakapin pa ako. Natawa ng mahina si Jaxson. Wala namang masama sa yakap? It was only a friendly gesture. Kung pag-isipan man nila iyon ng masama, bahala sila sa buhay nila.” Umiling ako. Sa mga katulad ni Candy, palaging masama ang iniisip sa kapwa kahit wala namang ginagawa dito. “No. Iba-iba ang ugali ng tao. Yes, sa iba walang malisya. How about sa iba na may maduming pag-iisip? Huwag mong gagawin iyon in public,” natigilan ako sa sinabi ko. Sh*t! Bakit iyon ang nasabi ko? Mali yata ang sinabi ko. “Ah! So it means ayaw mo sa public, in private na lang?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Namali lang ako ng sentence. Ang ibig kong sabihin kahit mapa-private man o in public iyan dapat walang yakapan. May nobya ka kaya maling may kayakap ka pang iba.” My god, napaghahalata ka Ava! “Aalis na ako. May klase pa ako,” paalam ko para makaalis na. Baka maabutan na naman kami ni Candy na nag-uusap nitong si Jaxson. “Sasamahan na kita,” boluntaryo nito. Nanlaki ang mga mata ko. “No! Huwag na dahil malapit lang naman na ang room ko. Pumasok ka na sa klase mo at baka ma-late ka, kasalanan ko pa.” Napangiti si Jaxson. Inirapan ko siya. Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Hindi pa ako nakalalayo nang habulin niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinagkan niya ang pisngi ko. Napaawang ang labi ko at napahinto sa paglalakad. “Bye, beautiful!” Paalam nito sa akin. Napalingon ako habang awang pa ang labi ko. Kumaway siya sa akin habang naglalakad patungo sa room nito. Nagpalinga-linga ako upang tingnan kung may nakakita sa amin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang ibang tao dito bukod sa amin ni Jaxson. Napaiiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. JAXSON HABANG naglalakad napangingiti ako. Ewan ko kung bakit hinagkan ko si Ava. Para kasing may puwersang gawin iyon. My lips fell on her smooth and scented skin, and it felt good. “Mukhang naka-score ka, ah?” sabi ni Hermes at sumabay sa paglalakad sa akin. Napangiti ako nang maalala ang ginawa ko kay Ava kanina. “Score ka diyan. Nakangiti lang naka-score agad? Hindi ba puwedeng masaya lang?” Pagsisinungaling ko sa ginawa ko kay Ava. “Sus, kilala kita, Jaxson. Matagal na tayong magkaibigan magmula ng mga bata pa tayo kaya alam ko na ang galawan mo. Sino ba?” tanong nito at nagtaas baba ang kanyang mga kilay. Inirapan ko siya. “Sino bang sinasabi mo? Wala nga!” Binilisan ko ang paglalakad. Narinig ko ang tawa ni Hermes. “Si Ava iyon, no? Alam kong may gusto ka sa kanya kaya huwag mo ng itanggi.” Napatigil ako sa paglalakad. Kilala niya si Ava? “Kilala mo si Ava?” tanong ko sa kanya. “No, not at all. Naririnig ko lang ang pangalan niya, Nagkataon din na nakita ko kayong magkasama sa ilalim ng puno ng acasia. Alam mo maganda si Ava. Sa katunayan nagagandahan ako sa kanya. Iba kasi ang beauty niya.” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Don’t ever like her, even if it’s only a crush. Kilala kita, Hermes. Lahat ng babae hindi mo pinalalagpas. Isa kang lalaking pokp*k.” Pagbabanta ko sa kanya at may kasama pang panlalait. Natawa lang ang kaibigan ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Kahit ano yatang ibato kong mga hindi magagandang salita ay hindi tinatalaban ang kaibigan ko. Well, siguro nga'y tanggap niyang ganoon nga siya. “Grabe ka naman sa akin, Jaxson. Hindi ako pumapatos sa taken na. Don’t worry sa iyo lang si Ava,” anito saka natawa. Hindi ko mapigilang mapangiti. I starting to like her kahit wala pa itong ginagawang effort. Kakaiba siya sa mga babaeng kilala ko. She is most certainly lovely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD