EPISODE 7

1542 Words
AVA HABANG hinihintay ang kaibigan kong si Kara sa loob ng room namin dumating ang nobya ni Jaxson kasama ang mga kaibigan nito. Napatuwid ako ng pagkakaupo nang lumapit sila sa akin. Bigla niyang hinablot ang braso ko at mahigpit na hinawakan iyon. “Leave my boyfriend alone, b*tch!”Galit na sabi nito at madiing hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako. Bumaon ang mahaba nitong mga kuko sa balat ko. “A-Ano bang sinasabi mo?” tanggi ko sa paratang niya. Hindi naman ako ang lumalapit kay Jaxson. Nagkakataon lang na nagkakasabay kaming tumambay sa puno o di kaya naman kapag nagkakasalubong sa hallway. “Itatanggi mo pa? Maraming nakakita sa inyo na nasa ilalim ng puno. Ang kapal ng mukha mong lumandi sa fiance ko. Narinig mo ba ang sinabi ko? Fiance! Magiging asawa ko na siya at ikaw malanding babae, isa ka lang mababang uri. Kaya huwag mo ng pangaraping maagaw mo sa akin si Jaxson. Because he’s already mine,” anito saka binitawan ang braso ko. Napahimas ako doon. “Iwasan mo si Jaxson. Oras na malaman kong nakikipagkita ka pa sa kanya hindi lang iyan ang aabutin mo. You have no idea how I get angry. I have the power to destroy your life.” Banta nito sa akin. Napakabilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot sa banta nito sa akin. Nag-sign ang mga alipores ni Candy na they were keeping an eye on me. Naiwan akong napatulala na lang. Ano bang nagawa ko at ganoon na lang ang galit niya? Nag-uusap lang kami ni Jaxson at wala naman akong balak agawin siya dito. Inaamin kong may gusto ako kay Jaxson, ngunit hindi ibig sabihin aagawin ko na ito. Hindi ko gawaing manira ng relasyon. “Bakit parang nakakita ka ng multo ang hitsura mo?” tanong ni Kara nang dumating ito. Ibinaba sa gilid ng kinauupuan nito ang bag nito. “Wala. Ano ka ba lahat na lang napansin mo? Inaantok pa kasi ako kaya ganito parang tulala.” Pagsisinungaling ko. Ayaw kong idamay si Kara sa problema ko. Baka saktan din siya ni Candy. Ayokong mangyari iyon. “Gabi na naman ba umuwi ang Nanay mo?” tanong nito. Tumango ako. “Napapansin kong gabi na umuwi si Nanay. Nakakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kanya. Naaawa na ako kay Nanay na todo kayod. Ilang oras na lang ang itinutulog niya kaya puyat ng sobra ang Nanay ko.” “Bilib ako sa Nanay mo dahil sa kabila ng mag-isa na lang siya hindi siya sumusuko.” Napangiti ako. “Totoo yan. Kaya nga pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para kapag naka-graduate na ako matulungan ko naman siya. Ako na ang magpapaaral sa mga kapatid ko.” Inakbayan ako ng kaibigan ko. “Kaya nga idol na idol kita dahil sa kabila ng hirap hindi ka sumusuko sa hamon ng buhay.” Pipilitin kong makatapos ng pag-aaral ko kahit kinakapos minsan. Ang tagumpay ko’y para sa pamilya ko. HABANG nasa loob kami ng room at nagkaklase napatingin ako sa labas. Nakita ko ang grupo nila Jaxson at nakabuntot ang grupo naman ni Candy. Napatitig ako kay Jaxson na nakasuot ng pang-basketball. Mukhang may laro sila. Biglang napalingon sa room namin si Jaxson. Napatigil ito sa paglalakad at napatingin sa akin. Hindi ko na nabawi ang tingin ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Jaxson at kumaway pa ito sa akin. Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko. Pilit na ngiti at alanganing kaway ang ginawa ko. Bigla akong kinabahan dahil nakatingin sa kinaroroonan ko si Candy. Galit ang mukha nito. Ibinaling ko bigla ang tingin ko sa harapan ng blackboard. Kabang-kaba ang nararamdaman ko. Nakita kasi ako ni Candy na nakatingin kay Jaxson. Pauwi na kami ni Kara nang masalubong namin ang grupo ni Candy. Napahawak ako sa braso ni Kara. Napalingon sa akin ang kaibigan ko. Mukhang ramdam niya ang tensyon ko dahil nanginginig ang mga kamay ko at nanlalamig pa. Natatakot kasi ako sa banta ni Candy. Lalo pa at nahuli akong nakatingin kay Jaxson at kumaway pa ako. Sana pala hindi na lang ako tumingin kanina. Napakagat labi ako. Siguradong nanggagalaiti na naman sa galit si Candy. Iiwasan ko na lang magkrus ang landas namin. Ngunit paano ko naman gagawin iyon kung iisa lang ang school namin at iisa ang dinadaanan namin? Haist, bahala na nga si batman. Nilagpasan lang kami nila Candy kaya nakahinga ako maluwag. “Kanina ka pa parang hindi mapakali?” ani Kara habang palabas kami sa gate ng school namin. Saglit akong napalingon sa kanya at ibinalik din agad ang tingin ko sa harapan ko. “Iniisip ko si Candy. Baka mag-iskandalo na naman.” “Alam mo ang babaeng iyan insecure sa iyo. Wala ka namang ginagawa para agawin ang boyfriend niya kung makabakod parang nobyo mo na. Diyos ko, praning,” anito saka napatirik ng mga mata. “May karapatan naman siyang magalit. Although wala naman akong ginagawang masama. Hindi pa din maiiwasang mag-isip ito ng masama sa mga babaeng nakapaligid sa nobyo nito. Kung ako ang nasa kalagayan nito ganoon din ang gagawin ko.” Napaiiling si Kara sa sinabi ko. “Parang pinagtatanggol mo ang babaeng iyon? Wala na siya sa lugar kung magselos. Dapat sa lalaking iyon siya magalit at hindi sa iyo. Siya itong lapit nang lapit sa iyo. Saka nagkakataon lang na nagkakasabay kayong tumambay sa ilalim ng acacia.” “Hindi naman sa ipinagtatanggol ko siya. Sinabi ko lang ang mga posibilidad na reaction ng isang babae,” sabi ko. Napataas ng kilay si Kara. “Ewan ko sa iyo. Dapat kung alam mong aping-api ka lumaban ka naman. Hindi puwedeng ikaw ang palaging api, wala ka namang ginagawang masama sa babaeng iyon.” Napairap ang kaibigan ko. Napangiti ako. “Lalaban naman ako kung talagang aping-api na ako at sukdulan na ang lahat.” Ayaw ko lang kasi ng gulo kaya sa abot ng aking makakaya magpapakamartir ako. Saka hindi kasi ako kasing tapang ni Kara na kahit lalaki pinapatulan. Naunang nakasasakay si Kara. Ako naman ay naiwan at hindi makasakay dahil punuan ang jeep na dumadaan. Naupo ako sa bench na nasa waiting shed. Napapatingin ako sa mga sasakyang napapadaan sa harapan ko. May humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Lumabas doon si Jaxson. Napalunok ako nang lapitan niya ako. Napatingin ako sa paligid upang tingnan kung nasa paligid lang si Candy. Nang masiguro kong wala naman tumayo ako. “Ihatid na kita,” alok ni Jaxson sa akin. Umiling ako at nagsalita. “Huwag na. Saka mapapalayo ka ng daan pauwi sa bahay niyo,” sabi ko. “Hindi ako tumatanggap ng hindi. Come on ihahatid na kita. Saka may sasakyan naman ako kahit mapalayo pa ako,” anito na natatawa. Ilang minutong nakatitig lang ako kay Jaxson. Tumaas baba ang kanyang kilay. Sumilay sa akin ang ngiti sa mga labi ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hihilain na sana niya ako nang mapadako ang tingin ko sa kaliwa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Candy. Humahangos siya palapit sa amin ni Jaxson kasama nito ang mga alipores. “Jaxson! Anong ibig sabihin nito?! Bakit kasama mo ang babaeng iyan!”galit na sabi nito. Hindi ako nakagalaw nang hilahin ni Candy ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. “Walanghiya kang malandi ka! Hindi mo ba alam na fiance ko lang naman ang nilalandi mong babae ka!” Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok ko. “Ahhh . . .” sigaw ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay upang alisin sa buhok ko ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Naiyak na lang ako. “Candy! Stop it!” narinig kong sabi ni Jaxson. “Hindi ko titigilan ang babaeng ito! Mang-aagaw siya!” sigaw din ni Candy. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa buhok. Hilam ang mga mata kong napatingin kay Candy. Hawak siya ni Jaxson at inilalayo sa akin. Napatingin ako sa paligid. Marami ng taong nakikiusyoso sa amin. Nahiya ako sa uri ng tingin nila sa akin. Napayakap na lang ako sa aking sarili. “Bitawan mo ako! Kakalbuhin ko ang babaeng iyan!” Pilit niya akong inaabot ngunit iniharang ni Jaxson ang kanyang katawan. Napakagat labi ako upang hindi umalpas ang paghikbi ko. Pilit kong nilalakasan ang loob ko upang hindi mapahagulgol ng iyak. “Walang kasalanan si Ava dito. Ako ang awayin mo at hindi siya! Wala kang karapatnng saktan siya. She’s innocent!” Pagtatanggol sa akin ni Jaxson. Tumalon ang puso ko dahil pinatatanggol niya ako laban mismo sa sarili nitong nobya. Nakakataba ng puso ngunit mali gawin niya iyon. Hindi dapat. Natigilan si Candy sa sinabi ni Jaxson. “Ipinagtatanggol mo ang babaeng iyan? Bakit ano ba siya sa iyo? Jaxson, I am your fiancee at hindi ibang tao. Bakit tila ako ang ibang tao sa iyo? Ano bang ginawa ko sa iyo at sinasaktan mo ako ng ganito?” tuluyan ng napaiyak si Candy. Kahit wala akong kasalanan nakaramdam ako ng guilt. Ako kasi ang dahilan ng pag-aaway nila. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagmadali akong umalis. Narinig ko pang tinatawag ako ni Jaxson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD