EPISODE 9

1130 Words
JAXSON HINDI ko mapigilang titigan si Ava habang nandito kami sa restaurant. Inaya ko siyang kumain. Gusto ko kasing tinititigan si Ava. Sa totoo noong unang nakita ko siya sa ilalim ng puno ng acasia humanga na ako sa taglay niyang ganda. Simple man ngunit iba ang impact sa akin. Maganda si Candy, ngunit iba ang ganda ni Ava na kahit sinong lalaki ay mapapalingon sa kanya at tititigan mo na lang. Napangiti ako nang magtama ang aming mga mata. Napahinto sa pagsubo ng kutsara si Ava at kunot noong nakatingin sa akin. “May dumi ba ako sa mukha, kaya tinititigan mo ako?” inosenteng tanong nito. Ibinaba nito ang kutsara at tinidor na hawak nito. “Wala naman. Natutuwa naman ako dahil gusto mo ang in-order kong pagkain,” sabi ko na lang. Ayoko namang maging obvious at sabihin sa kanyang humahanga ako sa ganda niyang napaka-simple. “Mamahalin naman kasi itong in-order mong pagkain. Syempre masarap sa akin ito. Ngayon lang ako nakatikim ng steak,” aniya at saka natawa. “Masaya naman ako at nagustuhan mo. Hindi naman ganoon kamahal ang food dito. Budget friendly sa mga katulad kong estudyante.” Namilog ang mga mata ni Ava. Napatingin pa ito sa kinakain nitong steak. “Budget friendly sa iyo itong klaseng steak na ito? Seryoso ka sa sinabi mo?” hindi makapaniwalang sabi ni Ava. “Oo nga. Well, para sa akin,” ani ko. “Magkano ba ito?” tanong nito. “Seven hundred,” sabi ko. Napaawang ang mga labi ni Ava at saka nanlalaking mga matang napasulyap sa akin. Napakagat-labi ako at pinipigilan kong mapabunghalit ng tawa. Gulat na gulat kasi ang reaksyon nito na tila hindi makapaniwala. Siguro para sa kanya mahal na ito, ngunit para sa akin mura ito. “Pinagloloko mo ba ako, Jaxson? Budget-friendly ba ito sa katulad ko? Sa akin ang meaning ng budget-friendly na pagkain ay halagang fifty pesos, may kanin ng kasama iyon at inumin.” “Para sa akin lang naman iyon.” Natatawa kong sabi. Umiling ito at ipinagpatuloy ang pagsubo sa kinakain nitong steak. Ipinagpatuloy ko rin ang pagkain ko. “Lahat ba itong nasa table natin halagang seven hundred?” Napatigil ako sa pagnguya at napaangat ng tingin sa kanya. Pinunasan ko muna ng table napkin ang labi ko bago sagutin ang tanong nito. Sinubo ni Ava ang hiniwa nitong steak. Umiling ako. “Itong steak lang ang seven hundred. Itong salad nagkakahalaga ng three hundred pesos.” Napaubo si Ava sa sinabi ko. “Are you okay?” pag-aalalang tanong ko at saka iniabot sa kanya ang isang basong tubig. Kinuha niya iyon at agad na uminom. Halos maubos nito ang laman. “You mean one thousand ang dalawang pagkain at itong ibang putahe ay iba ang halaga? Ang mahal naman ng budget-friendly mo. Nakahihiya namang magpalibre sa iyo. Matanong ko nga magkano ang baon mo sa isang araw?” tanong nito. Natigilan ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya? Baka naman mabigla siya sa baon ko sa isang araw. Nasanay na kasi akong ganoon kalaki ang baon ko. I also had my credit card, which I used every time I went to the mall to make a buy. Ininom nito ang tubig. “Five thousand pesos.” Naibuga ni Ava ang ininom nitong drinks. Napapikit ako nang tumama ang tubig sa mukha ko. “Naku! Sorry!” hinging paumanhin nito. Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ko ang mukha kong nabasa. “Grabe namang kalaki yang baon mo. Sweldo na yan ng isang pangkaraniwang manggagawang Pilipino sa buong kinsenas.” Aniya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ibig sabihin katumbas ng sweldo ng maliliit na manggagawa ang isang araw na baon ko? Ano na lang ang mabibili nila sa halagang iyon kung gagamitin nila iyon sa fifteen days? “Iyon kasi ang ibinibigay ni Mommy sa akin.” “Napaka-swerte mo at sagana ka sa pera at hindi problema pang-araw-araw mong pangangailangan. Kami nga tipid na tipid sa pagkain namin para mapagkasya ang sweldo ng Nanay ko. Kaya itong panlilibre mo sa akin malaking tulong na ito para makatipid ako,” sabi nito. “Wala naman sa akin kung araw-araw kitang ilibre ng pagkain. As a matter of fact I am delighted that I make you smile for this simple gesture. Marami akong kilalang mga babae, but they never just appreciate this kind of thing. Masyadong mataas ang standard nila pagdating sa mga ginagawa ng mga lalaki sa kanila.I just want someone who is genuine. Like you,” sabi ko nang may kahulugan. Natigilan si Ava. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtititigan. Napababa ang tingin ko sa labi ni Ava. Bumilis ang t***k ng puso ko. Those lips of hers are enticing. I’d want to taste those lips. “What is the meaning of this, Jaxson?! Bakit mo kasama ang babaeng iyan?” Napalingon kaming pareho ni Ava sa taong nagsalita. “Candy. . .” Hindi na ako nakagalaw nang sugurin ni Candy si Ava. Agad nitong hinablot ang buhok nito. “Walanghiya kang babae ka! Napakalandi mo! May gana ka pang sumama sa faince ko! Dapat sa iyo makabo!” galit na sabi ni Candy. “Nasasaktan ako! Bitawan mo ang buhok ko!” daing ni Ava. Doon na ako natauhan. Agad akong tumayo at pilit na hinihila si Candy. Ngunit tila ayaw nitong pakawalan ang buhok nito. “Candy, stop! You're hurting her!” saway ko sa kanya. Ngunit bingi ito sa pakiusap ko. Wala akong choice. I slapped her. Nabitawan ni Candy ang buhok ni Ava. Napaluhod ito. Umiiyak na si Ava habang nakasalampak sa sahig. “B-Bakit mo ako sinampal?” tanong nito. Napahawak ito sa pisngi nitong namula dahil sa sampal na iginawad ko sa kanya. “I have no choice kaya ko ginawa iyon. You never let her go,” sabi ko. Bigla niya akong sinugod at pinagbabayo ang dibdib ko. “Walanghiya ka! How dare you to hurt me because of that b***h! Malalaman ni Daddy itong ginawa mo sa akin! Mananagot ang babaeng iyan!” anito. Nagpanting ang tainga ko sa banta niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso. Mahigpit kong hinawakan ang mga iyon. “Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi kita gusto. Ang mga magulang natin ang may gustong magkatuluyan tayo. Isaksak mo iyan sa kukote mo. Wala akong pakialam kung magsumbong ka pa sa Daddy mo. It much better kung malaman niya ang totoo. Never, ever hurt Ava. Ako ang makakalaban mo,” galit na sabi ko. Umawang ang labi nito. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Bago ito umalis isang matalim na tingin ang ipinukol nito kay Ava at sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD