AVA
Nang magtanghali ay isinama ako ni Jaxson sa condo niya sa Makati. Bago lang daw ito dahil iniregalo ito ng Mommy niya noong nakaraang kaarawan niya raw.
Hindi ko maiwasang humanga sa yaman na meron sila Jaxson dahil sa kanila madali lang bumili ng property. Hindi kagaya sa katulad kong mahirap na kailangan pang mag-ipon ng matagal na panahon upang makabili ng lupa at ang bahay ay kailangan pang pag-ipunan para maitayo ito.
“Are you okay?” Tanong ni Jaxson sa akin. Napangiti ako.
“Okay lang ako. Hindi lang kasi ako makapaniwalang may condo ka na. Sobrang yaman niyo,” sabi ko na may paghanga. Totoo naman ang sinabi kong sobrang yaman niya. Kayang bigyan
Tumawa lang nang mahina si Jaxson sa sinabi ko. “You silly,” anito. Naparolyo ako ng mata. Ewan ko sa lalaking ito. Namatayan pero parang hindi naman halata sa mukha niya. Nakukuha pa nitong kumustahin ako na dapat ako ang nagtatanong sa kanya niyon.
“Teka nga dapat ako ang mangamusta sa iyo niyan. Okay ka na ba?” Tanong ko.
“Malungkot ako nang mawala si Mommy, pero kailangan kong mag-move on sa nangyari kay Mommy. I need to be strong for her.” Makahulugan nitong wika. Hindi ko na lang pinagkaabalahang isipin ang nangyari dahil baka mabaliw lang ako.” Anito at natawa sa sinabi.
Napailing na lang ako dahil nakukuha pa nitong matawa samantalang may dinadalang mabigat sa dibdib nito. Siguro’y tinatakpan lang ng ngiti niya ang kalungkutan nararamdaman sa pagkawala ng Mommy nito.
“Gusto mo bang ipagluto kita ng sinigang na baboy?” Tanong ni Jaxson. Hindi ako makapaniwalang ako pa ang lulutuan niya imbes na ako.
“Ako na ang magluluto,” sabi ko. Umiling ito sa sinabi ko.
“Ako na para naman matikman mo ang sinigang ko. Sigurado makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ang luto ko.” Pagmamalaki nito na kinatawa ko.
“Ikaw talaga may pagkabolero ka pala. Sige na masarap na ang luto mo. Baka naman kapag natikman ko ang luto mo magkaroon ako ng amnesia at hindi ko na makilala pati ang sarili ko.” Biro ko.
Humalakhak si Jaxson.
“Grabe ka namang makahalakhak, labas ngala-ngala.” Dagdag na biro ko. Masaya ako dahil napasaya ko si Jaxson sa mga biro kong OA.
*****
Napangiti ako nang maalala ang nangyari last time. Pinagluto ako ni Jaxson ng sinigang na baboy. Super sarap at nabusog ako.
Napanglumbaba ako habang nakatingin sa malayo. Biglang may sumiko sa akin na nakapagbalik sa kasalukuyan. Napairap ako nang makita si Kara. Malawak na nakangiti na parang may nakitang kakaiba sa mukha ko.
“Hala! Maraming puso ang mata mo, o? Lumulutang sa ere!” Anito at tinuro ang taas na parang nakalutang ang sinasabi nitong mga puso. Grabe naman lumulutang na puso?
“Ang OA mo,” sabi ko. Tumabi sa akin si Kara.
“Ikaw ha, uma-absent ka na. Sumama ka kay Jaxson, no? Naku Ava, pwede ba tigilan mo na si Jaxson. Hindi porke’t malungkot ang tao pagbibigyan mo ang gusto niya. Remember he was already engaged. Huwag kang e-epal sa taong may lovelife na.” Ani ng kaibigan. Napairap ako kay Kara. Kung ano-ano ang sinasabi sa akin.
“Alam ko naman iyon. Gusto ko lang naman siyang matulungan na makalimot sa nangyari sa Mommy niya. Malungkot kaya mawalan ng mahal sa buhay, lalo pa at malapit si Jaxson sa Mommy niya. Naranasan ko na din ang mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap.” Napangiwi si Kara sa sagot ko.
“Ano ka shoulder to cry on ni Jaxson. Bakit ikaw ba ang fiancee niya para gawin mo iyan? Dapat siya dahil may right siyang gawin iyon at hindi ikaw na kaibigan lang.”
”Alam ko naman iyon. Wala naman masama at wala kaming ginawang masama. Saka kumain lang naman kami at wala ng ibang ginawa. Ikaw lang itong nag-iisip ng masama,” sabi ko at napailing. Minsan madumi rin ang isip ng kaibigan.
“Hindi naman sa ganoon. Alam naman nating masamang magalit ang fiancee niya lalo at malapit ka kay Jaxson. Minsan ka na niyang ginawan ng masama, hindi ba? Kaya pinaalalahanan lang kita. Kaibigan kita kaya ayaw kong nasasaktan ka. At saka dapat si Candy ang kasama niya at hindi ikaw. Magtapat ka nga sa akin. Kayo na ba ni Jaxson?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Hindi no?! Magkaibigan lang kami, maniwala ka.” Diyos ko naman kahit crush ko yung tao hindi naman ako magsasamantala sa kalungkutan ng lalaking iyon. Alam ko naman kung saan ako lulugar.
“Bakit big deal sa iyo ang ginawa ko? Wala naman kaming ginawang masama. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Mas priority ko ang pag-aaral ko. Alam mo naman ang sitwasyon namin. Kailangan kong makatapos para matulungan ang mga kapatid ko at mas lalo si Nanay.”
“Hindi naman sa pinag-iisipan kita ng masama. Concern lang ako bilang kaibigan mo. Kung alam naman ni Jaxson na engaged na siya bakit kailangan ikaw pa ang tawagin niya para samahan siya imbes na si Candy? Alam naman ng lalaking iyon na paranoid mag-isip ang fiancee niya. Diyos ko nakakatakot magalit! Sa tingi ko ginagamit ka lang ni Jaxson. Kaya ingat ka besty dahil baka masaktan ka lang.”Napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ko. Totoo kaya ang pinapakita ni Jaxson sa akin?
Palabas na ako ng school nang salubungin ako ni Jaxson. Nagulat ako nang kunin niya sa akin ang bag ko at ito mismo ang nagdala kasama pa pati ang hawak kong libro. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sila sa amin ni Jaxson. Agad kong hinila si Jaxson at nagmadaling naglakad para makalayo sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. Nang makalayo ay saka ko siya binitiwan at hinarap.
“Bakit mo ginawa iyon?” Tanong ko at kinuha sa kanya ang bag at ang libro ko, ngunit hindi niya binigay sa akin.
“Ako na ang magdadala nito,” sabi nito at diretsong naglakad ni Jaxson papunta sa kinaparadahan ng sasakyan nito. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Binuksan ni Jaxson ang front door at nakangiting inilahad ang isang kamay at inalalayan akong makapasok sa loob. Marahan niyang isinara ang pinto at pumunta sa driver’s seat.
Nahigit ko ang hininga ko nang ilapit ni Jaxson ang mukha sa bandang leeg ko. Binaling ko sa kabila ang ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga na tumatama sa balat ko. May kung ano’ng kiliti akong naramdaman.
“You should wear a seat belt.” Anito. Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo na siya.
“Hindi mo na sana ako hinintay na umuwi. Sana nakauwi ka na sa bahay niyo.Ayokong maging issue itong paghatid mo sa akin. Alam naman nating may fiancee ka na,” sabi ko kay Jaxson. Napalingon ito nang saglit at binalik ang tingin sa harap.
“She’s nothing. Salita lang ang fiancee at hindi importante.” Anito.
“Seyoso ka ba, Jaxson? Engaged na kayong dalawa.”
“I am serious.” Anito at hinarap akong may seryosong mukha. “I told you I’m going to fetch you.” Anito na tila balewala ang pinag-uusapan naming si Candy.
“Ayokong pag-usapan ang taong wala rito.” May pinalidad sa salita niya kaya hindi na ako kumibo. Baka ma-bad trip pa ito kung ipipilit ko ang gusto ko. Saka sayang naman ang magiging pamasahe ko kung magko-commute ako. Siya na nga itong nag-volunteer na ihatid ako at hindi naman ako ang nagsabi.
“Nakakahiya na ihahatid mo pa ako.”
Mahinang natawa si Jaxson na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Napairap ako sa kanya. “Huwag ka ng mahiya dahil magmula ngayon ihahatid na kita sa bahay niyo,” sabi ni Jaxson. Tumango na lang ako.
Napansin kong hindi papunta sa bahay namin ang daan na pinupuntahan namin.
“Teka hindi naman dito ang daan ng bahay namin?” Nagtatakang tanong ko.
Napangiti si Jaxson. “Samahan mo muna akong kumain. Nagugutom ako.” Natawa ako.
“Bakit hindi mo sinabi? Sana roon na lang tayo kumain sa kinakainan kong lomihan malapit sa school,” sabi ko.
“I want to cook for our dinner.” Nagulat ako sa sinabi niyang our dinner. So ibig sabihin doon ako kakain sa condo niya?
“Hindi ba nakakahiya na?” Nahihiyang sabi ko. Natawa si Jaxson sa sinabi ko.
“Bakit naman nakakahiya? Magkaibigan tayo, ano'ng nakakahiya roon? Don’t worry may available namang mga sangkap sa bahay.”
Napatitig ako sa kanya.
“Pupunta tayo sa bahay niyo?” Umiling si Jaxson sa sinabi ko.
”Sa bahay ng lola. May nabili na akong mga ingredients para sa lulutuin ko,” sabi niya at nginitian ako.
Siguro kung may asawa na si Jaxson napakasuwerte ng babaeng mapapangasawa nito dahil marunong magluto. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kay Candy dahil siya ang mapalad na babaeng mapapangasawa nito.