EPISODE 13

1092 Words
JAXSON WALA sa sariling nakatitig lang ako sa kabaong ng Mommy ko. Napagod na akong umiyak. Wala ng mailuha ang mata ko. Sobrang devastated ang nararamdaman ko nang makita ko ang walang buhay na katawan ng Mommy ko. Kung maaga siguro ako nakauwi ay baka nailigtas ko pa siya. Sana hindi na lang ako umalis ng bahay. Sana buhay pa siya. Kumuyom ang kamao ko at nagtagis ang bagang sa galit. Kasalanan ni Daddy ito kaya nagawang kitilin ni Mommy ang sarili niyang buhay. Pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Mommy halos mapasigaw ako sa matinding galit na nararamdaman ko para kay Daddy. Hindi man niya direktang sinabi na si Daddy ang dahilan, pero ramdam ko sa sulat ang matinding kalungkutang nararamdaman. Hindi niya naramdaman ang pagmamahal na hinahanap nito sa asawa. “Jaxson.” Tawag sa akin ni Daddy. Gusto ko siyang saktan dahil sa nangyari kay Mommy. Siya ang may kasalanan kung bakit nagawang kitilin ni Mommy ang sariling buhay. Hindi man sila nag-aaway ngunit ramdam ko ang malaking gap ng kanilang relasyon bilang mag-asawa. Binalewala ko lang iyon dahil naisip kong baka ganoon lang ang pakikitungo nila sa isa't isa. Ngayon ko lang na-realized na malala na pala ang gap na iyon. “I don’t need your sympathy or anyone here. Just leave me alone. Ako lang naman ang tanging may concern kay Mommy.” Galit na sabi ko at marahas na lumingon sa kanya. “Hindi ka ba nakokonsensya sa nangyari kay Mommy? Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagawang kitilin ang buhay niya. Sa una pa man nakikita kong hindi mo siya minahal at na-witness ko iyon.” May hinanakit na sabi ko sa kanya. “Wala kang alam sa amin ng Mommy mo kaya huwag mong ibintang sa akin ang ginawa ng Mommy mo. Sobrang nalungkot ako na wala na ang Mommy mo. I love her.” Natawa ako nang mahina sa huli nitong sinabi. Mahal niya? Kung mahal niya si Mommy bakit ginawa ni Mommy na magpakamatay kung hindi na nito nararamdaman ang sinasabi ni Daddy na pagmamahal nito sa kanya? “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong pagmamahal. Hindi masaya si Mommy sa relasyon ninyo. Magpakatotoo ka na lang na gusto mong mawala si Mommy. Magpakasaya ka na dahil wala na siya.” Kita ko ang pagtagis ng panga ni Daddy sa sinabi ko. Umiling ito na parang dismayado. “Wala kang alam kung ano ang posibleng puno't dulo ng pagpapakamatay ng Mommy mo. Alam niyang mahal na mahal ko siya. Wala kang karapatang husgahan ako base sa nakikita mo sa relasyon naming dalawa.” “Really? Sige nga sabihin mo ang dahilan ng pagpapakamatay ni Mommy kung talagang totoo ang sinasabi mo.” Panghahamon ko sa kanya. Ang sabihin niya mas gusto nitong mawala sa landas nito si Mommy dahil may pagkakataonng makahanap ng ibang babae. Napailing ito. “Kung sasabihin ko sa iyo ay baka masaktan ka lang.” Anito na may panghahamon. Nakipagtitigan ako kay Daddy. “Sa maniwala ka man o hindi ikaw ang pinoprotektahan ko kaya sa ngayon hindi ko pa kayang sabihin ang totoo.” Nagtatakang tiningnan ko si Daddy. Tumalikod na ito at naiwan akong may malaking katanungan sa isipan ko. AVA NAGTAKA ako dahil ilang araw ko nang hindi nakikita si Jaxson sa school. “Malalim yata ang iniisip mo?” Tanong sa akin ni Kara nang tumabi ito katabing upuan. Kunot noong napatingin ako sa kaibigan ko. “Nagtataka lang ako dahil ilang araw nang hindi pumapasok si Jaxson. May sakit kaya siya?” Siniko ni Kara ang tagiliran ko na kinailag ko. Napairap ako sa ginawa niya. “Na-miss mo, no?”Birong sabi nito. “Hindi, ah! Para sinabi ko lang na hindi ko siya nakikita, miss agad? Nakakapagtaka lang. Kahit naman tamad pumsok sa klase ‘yun, pero masipag pumasok sa school.” Sa sinabi ko napaisip si Kara. “Oo nga no? Hindi kaya may malaking problema ang lalaking iyon? Hindi malayo. Ang balita nalulugi na raw ang kompanya nila Jaxson.” Tsismis ni Kara. “Alam mo ba ang bahay nila?” Tanong ni Kara sa akin. Umiling ako. Bakit naman ako pupunta roon? Nakakahiya. Biglang tumayo si Kara at nilapitan ang isang lalaki. Kunot noong napatingin na lang sa kaibigan ko, kausap nito ang lalaking hindi pamilyar sa akin. Umalis ang lalaki nang makausap siya ng kaibigan ko. Nagtaka naman ako dahil parang malungkot ang mukha ni Kara. “May problema ba?” Nagtatakang tanong ko. “Kaya pala hindi pumapasok si Jaxson dahil namatay ang Mommy niya.” Malungkot na balita nito. Napaawang ang labi ko sa nalaman. Kailangan ko ngang puntahan si Jaxson. Kailangan niya ang isang kaibigan ngayon nagluluksa ito sa pagkamatay ng Mommy nito. Pero paano ko naman pupuntahan kung hindi ko alam kung saan binurol ang labi ng Mommy nito? “Tinanong mo rin ba sa lalaking kausap mo kanina kung saan nakaburol ang labi ng Mommy ni Jaxson?” “Oo. Pero ang sabi ng lalaki nailibing at cremate raw.” Nakakalungkot namang balita ang nalaman namin. Kumusta na kaya si Jaxson? Siguradong masakit sa kanya ang nangyari sa Mommy nito. Nilapitan ako ni Kara at inakbayan. “Kapag pumasok na si Jaxson kakausapin natin siya at bibigyan ng moral support. Siguradong malungkot iyon. Ikaw ba naman namatayan ng Nanay, di ba? Nagpapasalamat ako dahil may Nanay pa ako. Parang ang hirap nun, no?” Tumango ako sa tanong niya. Kung sa akin mangyayari iyan ay hindi ko kakayanin. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, kagaya na lang ng mawala si Tatay. Lahat kami sobrang nalungkot. Palabas na kami ng room namin nang makita namin si Jaxson. Mukhang hindi naman ito namatayan dahil maayos naman ang hitsura nito. Nakita niya ako at agad na lumapit sa akin na nakangiti ngunit hindi umabot sa mata nito. “Condolonce nga pala sa iyo,” sabi ni Kara kay Jaxson. Bahagya lang itong tumango at dumako ang tingin nito sa akin. “Kumusta naman kayo?” Tanong nito habang nakatingin sa akin. “Ayos naman. Dapat kami ang magtanong niyan sa iyo kung okay ka ba? Condolonce,” sabi ko. “I am okay now.” Anito. Kahit sinabi niyang okay siya, pero kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Naiintindihan ko siya. Napatingin si Jaxson sa akin. “ Pwede ba kitang ma-invite ng lunch?” Napatingin ako kay Kara na ngayon ay malawak na ngiti. Tinaas baba nito ang kilay. “S-Sige.” Sagot ko sa kanya. Napangiti si Jaxson sa pagpayag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD