SINUNDAN ko ang sasakyan ni Daddy. May gusto akong malaman kung totoong may ibang babae ito. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang babaeng iyon. Ayokong naaagrabyado si Mommy.
Lately napansin ko ang pagbabago niya. She used to go with her friends. She loves to go shopping. But now, she wasn’t used to it. She is always drunk and stays locked in her room. She doesn’t want to be acquainted and aloof to others even to me as her son.
Lumiko ang sasakyan ni Daddy sa squatter’s area? What was he doing here? Dito nakatira ang babae nito? Maingat akong sumunod. Mga ilang distansya ang ginawa ko dahil makahalata siya na may sumusunod. Huminto ang sasakyan ni Daddy sa tapat ng isang barong-barong na bahay. Inihinto ko ang sasakyan sa may di kalayuan. May tinawag akong lalaki sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan naman.
“Boss, pakibantayan nga itong sasakyan ko.” Sabi ko at saka binigyan ang lalaki ng halagang limanlibong pesos. Nanlaki ang mata ng lalaki.
”Thank you, boss!” pasasalamat nito. Malawak itong napangiti. Mga tao nga naman kapag pera na mabilis pa sa alas-kuwatro.
“Kapag walang gasgas ’yan I will double that,” sabi ko sa lalaki.
“Makakaasa kayo boss! Walang magiging gasgas yan seyp ang kotse niyo!” sumaludo ang lalaki. I just nodded. Pinuntahan ko ang bahay na pinuntahan ni Daddy.
Napangiwi ako ng makita ko ang bahay. Tagpi-tagpi ang haligi ng bahay na gawa sa light material. Mababa lang ang bahay at mukhang isang bagyo lang magigiba na yun. At ang mga katabi nitong mga bahay ay ganoon din ang hitsura. Napasulyap sa akin ang mga taong nakatambay sa kalsada. Hindi ko na lang pinansin ang mapanuri nilang mga tingin. Pumunta ako sa katapat na tindahan.
”Manang, isang kaha ng Malboro red.” Sabi ko sa tindera. Binigay ko sa kanya amg bayad kong isandaan. Susuklian sana niya ako.
”Huwag na po sa inyo na sukli,” sabi ko.
Kumuha ako ng isang stick ng cigarette at sinindihan sa lighter na nakasabit sa tabi ng bintana ng tindahan. Humitit ako at ibinuga ang usok niyon habang hindi ko inaalis ang tingin sa barong-baro na tirahan ng babae ni Daddy. Halos isang oras ang inilagi ni Daddy sa loob ng bahay.
Anong ginagawa niya doon? Napatayo ako sa upuang kahoy na nasa gilid ng tindahan ng makita kong palabas na si Daddy kasabay ang isang babae na mas bata kay Daddy. Napakuyom ako ng kamao. Paano nagawa ni Daddy na pagtaksilan si Mommy? Pinigilan ko ang sarili kong sugurin sila. I will deal them but not now. Umalis na din ako at bumalik sa sasakyan ko. Kagaya ng naipangako ko sa lalaking nagbantay ng sasakyan ko, binigyan ko siya ng pera.
Habang binabagtas ang daan patungo pauwi ng bahay nagtatalo ang isip ko kung kokomprontahin si Daddy o mananahimik muna ako sa nalaman ko.
Malalim akong nagbuntonghininga. Iniliko ko ang sasakyan, nagbago ang isip kong umuwi ng bahay. Wala akong ganang umuwi sa bahay na malaki ngunit wala namang tao. Gusto kong uminom. Narating ko ang bar na lagi kong pinupuntahan kapag wala ako sa mood at naiinis sa buhay ko. Bumaba agad ako ng sasakyan. Papasok palang ako ng bar sinalubong na ako agad ng seksing babae at mukhang naghahanap ng lalaking mabibiktima.
Bahagya ko siyang hinawi, I am not in the mood to flirt. Sinamaan ako ng tingin ng babae dahil sa ginawa ko sa kanya. Wala akong pakialam sa iisipin niya sa akin.
Umupo ako agad sa stool at humingi ng isang shot ng whisky. Nang maibigay sa aking ng bartender ang whisky tinungga ko agad iyon. Iginala ko ang tingin ko. Walang kakaiba sa lugar na ito kung hindi mga babaeng halos ibigay na ang sarili nila para sa lalaking nagustuhan nila. Mga babaeng kung manamit halos kita na ang kabuuan ng kanilang katawan. Nagdamit pa sila kung kakapiranggot na lang na tela ang natatakpan sa katawan nila.
Bigla sumagi sa isipan ko ang babaeng lagi kong nakikita sa school at nahuling sumisilip sa akin sa puno. She was different from other girls here. She was simple but beautiful. I like when she blushed. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang maalala ko siya. She is truly a fairy.
Tinungga ko ang baso. Napasulyap ako sa babaeng tumabi sa akin. Napasimangot ako ng makilala ko siya. Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Is she following me?
“Jaxson, I’ve been messaging you, pero hindi ka nagre-reply. Buti na lang nakita ka ng kaibigan ko dito kaya pumunta ako agad to see you,” lumapit siya sa akin at pinulupot ang kanyang braso sa beywang ko.
“Will you please leave me alone just for now. I want to be alone,” inis na sabi ko. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin. Kinalas ko ang braso niya na nasa beywang ko at saka ako tumayo.
“I told you I want to be alone! Hindi ka ba nakakaintindi?!” inis na turan ko. Napamaang si Candy sa pagtaas ko ng boses.
“I-I just want to see you masama ba yun? I am your fiancee, pero parang ibang tao kung ituring mo ako!” reklamo nito. Parang maiiyak ito na mas lalo kong ikinairita.
“I don’t want to hear your whining. It’s so annoying!” inis na turan ko. Tinalikuran ko siya. But she followed me. She pulled my arm which I stopped.
“What?!” she said. My face turned to the other side when she slapped me. Napahimas ako sa pisngi ko at bumaling ang tingin kay Candy. Hinaklit ko ang kanyang braso kung kaya napadaing ito.
“Wala kang karapatang saktan ako! You are not my real girlfriend kaya huwag kang umasta na parang may karapatan ka na sa akin!” sabi ko sabay bitaw sa braso nito. Nagtagis ang bagang ni Candy habang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Iniwan ko siya at dumiretso sa sasakyan ko. Pinasibat ko agad ang sasakyan ko nang makasakay ako. Napadaan ako sa kainan ng Mami. Pinarada ko sa kabilang kalsada at tumawid. Pumasok ako sa kainan. Walang masyadong kumakain dahil pagabi na din.
“Jaxson, buti naman at naparito ka. Yun pa din ba ang order mo?” tanong ni ate Nora sa akin. She was all smile. Napangiti ako. Dito ko lang nagagawa ang ngumiti. I feel free here unlike sa bahay puro na lang away.
“Opo, ate. Padagdag ng sili at suka.” Favorite kong kainin dito ang sisig at Mami.
“Sige, alam ko naman ang sasabihin mo.” Natatawang sabi ni ate Nora.
Habang kumakain napatingin ako sa taong pumasok sa mamihan. Tumayo ako para salubungin siya.
“Hey!” bati ko.
“Ay, butiking Pasay!” gulat na turan nito kaya natawa ako. Napahawak ito sa kanyang dibdib.
“Diyos ko nakakagulat ka naman!” anito at saka napahawak sa dibdib.
“Binati lang naman kita. Anong nakakagulat doon?” sabi ko. Inirapan niya ako.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin. Maalala ko palang hindi ko alam ang pangalan niya.
“By the way, what is your name? Hindi ko naitanong ang name mo ilang beses na tayong nag-uusap,” sabi ko.
“Ava ang name ko. Sagutin mo ang tanong ko.”
“Ano bang ginagawa ng tao dito?” pilosopo kong sagot sa kanya. Napakunot ang noo ni Ava sa sinabi ko.
“Alam kong kainan ito. Pero hindi ako makapaniwalang kumakain ka sa ganitong lugar? Mayaman ka kaya natural sa mga sikat na resto ka kumakain.”
Imbes na sagutin ko ang taong niya isang tanong din ang tinanong ko sa kanya.
“Ikaw anong ginagawa mo sa lugar na ito?" napalingon ako ng makita kong inilalapag na ni ate ang order ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ava at hinila siya. Nagulat pa nga ito sa ginawa ko.
“Teka saan mo ako dadalhin?” tanong nito.
“Join me,” sabi ko. She just looks at me with disbelief. I laugh kaya mas lalong nagtaka si Ava.
“Alam mo guwapo ka pala kapag nakangiti,” anya. Napatingin ako sa kanya. Kunot noo.
“Ibig sabihin hindi ako guwapo kapag hindi nakangiti?” I said.
“H-Hindi naman. I mean guwapo ka, pero mas guwapo ka kapag nakangiti,” nangamot ng ulo si Ava. Napatingin ako sa umuusok na sisig. Nalanghap ko ang amoy ng sili. Mas lalong naglaway ang bagang ko. Biglang nakarinig ako ng malakas ng tunog galing sa tiyan. Napatingin ako kay Ava na nakahawak sa tiyan nito.
Nagkatinginan kaming dalawa. Nang ma-realize namin kung ano ang ibig sabihin niyon nagkatawanan kaming dalawa. Ramdam ko ang kasiyahan sa tuwing kasama ko si Ava. Siya yata ang happy pills ko. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.