AVA
DINALA ako ni Jaxson sa lugar na hindi pamilyar sa akin.
“Kaninong bahay ito?” Tanong ko nang makababa kami at pumasok sa loob. May sumalubong sa aming isang matabang babae at may edad na.
Napangiti si Jaxson. “Bahay ito ng lola ko. Dito ako tuwing bakasyon. Ayoko sa bahay dahil malulungkot lang ako roon. You know my parents are busy with their own world,” anito. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.
Nakalulungkot lang sa kabila ng kanyang karangyaan hindi naman siya masaya.
“Maganda itong bahay ng lola mo. Luma na pero mukhang alaga sa linis.” Pag-iiba ko ng usapan.
“May naglilinis dito sa bahay ng lola from time to time. Kaya maayos at hindi madumi ang bahay.”
Pumasok kami sa kusina. Maayos pa ang mga gamit kahit luma na ang mga kasangkapan.
Lumapit si Jaxson sa lumang refrigerator na mukhang matagal nang panahon hindi na nagagamit. Binuksan niya iyon at napanganga ako dahil punong-puno iyon ng laman.
“Pinalalagyan ko ito dahil mimsan nagpupunta ako rito,” sabi ni Jaxson nang mapansin ang reaction ko. Nahihiyang ngumiti ako.
“Akala ko walang laman iyan at display lang dito sa kusina,” sabi ko at nagkamot nang ulo. Natawa si Jaxson sa komento.
“Ano’ng gusto monv pagkain na lulutuin ko?” Tanong niya. Natigilan ako dahil hindi ko expected na magluluto siya.
“Kahit ano naman ang kinakain ko. Bahala ka na siguro kung ano'ng lulutuin mo.” Nahihiyang komemto ko. Wala naman akong ideya kung ano'ng putahe ang kayang lutuin ni Jaxson.
“Gusto mo ba ng memudo?” Tanong niya na kinabigla ko. Napatitig ako ng ilang segundo bago sinagot ang tanong niya.
“S-Sige.” Nauutal na sabi ko at napakamot na naman sa ulo ko.
“Huwag ka ng mahiya, dalawa lang naman tayo rito,” anito habang nangingiti.
Pinanood ko siya habang hinihiwa amg karne at binabalatan nito ang patatas at carrots.
“Gusto mo ba na tulungan kita?” Alok ko. Nakahihiya namang nakatingin lang ako habang may ginagawa si Jaxson at paglamon lang ang gagawin ko.
“Okay lang ako. Diyan ka lang at manood.” Aniya.
Sinalang nito ang kawali sa stove na mukhang luma na rin pero maayos pa naman. Mukhang alaga ang mga gamit.
Kung kanina ay parang bagsak na bagsak ang moral ko. Ngayon ay parang nakalimutan ko na ang pait na nangyari kanina lang dahil sa pagluluto ni Jaxson. Nakakahanga na isang lalaki marunong magluto. Inaamin kong pili lang ang kaya kong lutuin. Madalas puro pinirito lang ang kaya ko.
Isang oras ang lumipas ay nakaluto na si Jaxson. Ako na ang naghain ng plato para may ambag naman ako. Tahimik kaming kumain ni Jaxson. Hindi ko akalaing masarap magluto itong si Jaxson. Puwede na siyang mag-asawa. Sa naisip kong iyon ay hindi ko naiwasang mapangiti.
“Bakit ngumingiti ka?” Tanong ni Jaxson habang nakatitig sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Ano’ng sasabihin ko?
“Wala iyon. May naalala lang ako,” sabi ko at nagyuko ng ulo at pinagpatuloy ang pagkain ko. Ni hindi ko na nginunguya ang kinakain ko. Lunok na lang nang lunok.
“Tell me. I know meron dahilan kaya ka nangingiti riyan. Hindi naman ako magagalit.” Natigilan ako at napahinto sa pagnguya. Nag-isip ako ng ilang sandali bago nagpasyang sabihin sa kanya ang nasa isipan ko.
“Masarap kang magluto kaya pwede ka nang mag-asawa,” sabi ko at saka ngumiting nahihiya. Natawa si Jaxson.
“Pwede na ba?” Anito habang titig na titig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa titig niyang iyon na tila may ibig sabihin. Malawak itong ngumiti.
“Oo. Pwede na kayong mag-asawa ni Candy.” Gusto kong bawiin ang sinabi kong pangalan ngunit huli na. Nagbago ang mukha kasi nito.
“Huwag na nating pag-usapan ang babaeng iyon.” Naging seryoso si Jaxson.
“Sorry.” Hinging paumahin ko at napayuko. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa kadaldalan ko. Sana hindi ko na lang binanggit ang pangalan ni Candy. Hindi ba may kasalanan ang babaeng iyon sa akin?
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang natapos kami sa pagkain.
“Ava. . .” Napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ni Jaxson. “Hindi ako galit sa iyo. Galit ako sa sarili ko dahil hindi kita nailigtas sa tamang oras. Pangako hindi ka na niya magagalaw dahil ako ang makakalaban niya.” Anito. Bahagyang ngumiti ako at tumango.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang lapitan ako ni Jaxson at kinuha ang kamay ko at hinawakan.
“Aaminin kong espesyal ka rito sa puso ko. Hindi ko alam kahit noong unang pagkikita natin nakaramdam na ako ng espesyal na feelings para sa iyo. Alam kong ang bilis ng pangyayari pero iyon ang totoong nararamdaman. Hindi naman kita pinipilit na ganoon din ang nararamdaman mo para sa akin. Okay na sa aking malaman mo kung ano’ng nasa puso ko.” Pagtatapat nito sa totoo saloobin niya sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil sino ba naman ako para magustuhan niya at sinabi pa niyang espesyal ang nararamdaman niya sa akin. Napakagat labi ako sa hiya. Ayokong malaman niya na ganoon din ang nararamdaman ko. Una ko palang siyang nakita ay nagkaroon na ako ng lihim na pagtangi sa kanya.
Wala akong sinagot sa sinabi niya. Mas mabuting ilihim ko ang tunay kong nararamdaman.
“I am sorry Jaxson dahil hindi ko prayoridad ang pag-ibig. Meron akong pangarap na dapat kong tuparin. Gusto ko kasing makatulong sa Nanay ko at sa mga kapatid ko. Hindi lingid sa iyo na mahirap lang ang buhay namin. Hindi kagaya mo na sunod sa luho at may marangyang buhay.”
Ginagap ni Jaxson ang kamay ko at hinagkan iyon. Napatitig siya sa mata ko. “Hindi naman ako nagmamadali kung hindi ka pa handa sa isang relasyon. Nandito lang ako sa tabi mo, naghihintay. Naiintindihan ko ang sitwasyon ng buhay niyo. Although laki ako sa layaw at nasusunod lahat ng gusto ko, pero tinuruan naman ako ng magulang kong maging mabuti sa ibang tao lalo na sa mga kapos palad. Hindi ko sinasabi ito para magpa-impress sa iyo. Sinasabi ko ito dahil ako ito, totoong tao at hindi nagbabalat kayo.”
“Alam ko naman iyon.” Tipid na sagot ko at yumuko. Nahihiya kasi ako sa kanya. Gustuhin ko mang aminin ang tunay na nasa puso ko, ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan kong makatapos ng pag-aaral. Uunahin ko muna ang pamilya ko kaysa ang sarili ko. Ang pamilya ko ang lakas ko at sila ang buhay ko.
JAXSON
HINDI ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Dadaan pa sana ako sa bar kung saan kami nagkikita ni Hermes, pero hindi ko na tinuloy dahil gusto ko na ring magpahinga. Napagod din ako sa biyahe.
Nang marating ko ang bahay namin napansin ko ang katahimikan. Hindi ko nakita ang sasakyan ni Daddy. Malamang nasa opisina pa siya at mag-o-overtime. Nakita ko ang sasakyan ni Mommy na nakaparada sa tapat ng garage.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng katahimikan. Maliwanag ang buong kabahayan pero walang tao. Naramdaman ko na naman ang kalungkutan sa puso ko. Kanina lang masaya ako, pero ngayon malungkot na naman ako. Sino ba naman kasing hindi malulungkot sa ganitong uri ng buhay namin? I don’t have sibling. May magulang nga ako ngunit madalas wala rito. At kung nandito man sila hindi kami nagkakasama sa pagkain. May kani-kaniyang private office si Mommy at si Daddy. Usually doon sila nagbababad kapag nandito na sila sa bahay. They never asked if how am I. Kung humihinga pa ba ako. Bata palang ako ganito na ang buhay ko. Kaya nga mas prefer ko pang kasama ang mga kaibigan ko kaysa ang magulang ko. Naiisip ko nga na hindi nila ako mahal. Kahit na ba madalas kong naririnig sa kanilang mahalaga ako sa kanila ngunit hindi ko maramdaman ang presensya nila.
Papasok na sana ako sa silid ko nang mapansing naka-open ang pinto ng silid ni Mommy. It’s been 1 year nang magkahiwalay ng silid si Mommy at si Daddy. I never asked them why because I don’t want to meddle with their problem. Wala rin naman akong magagawa. Matatanda na sila at alam nila ang ginagawa nila.
Out of curiosity I sneak in. Nagulat ako sa hitsura nang silid ni Mommy. Magulo. Iyon ang tamang term. Nagkalat ang mga unan sa sahig. Ang bedsheet ay nakalaylay na sa bandang paanan ng higaan. Sanay na akong nakikitang makalat ang silid ni Mommy ngunit iba ang hitsura ngayon ng silid niya. May bote ng alak na basag na wala ng laman ang nasa isang sulok. Ang glass wine ay nakatumba sa sahig at may kaunti pang laman. Natapunan ang puting carpet. Narinig ko ang shower na naka-on. Hindi ko alam kung bakit parang hinihila ang paa ko patungo sa bathroom.
“Mom. . .” Tawag ko mula sa labas ng pinto ng bathroom. Ngunit walang sumagot sa tawag ko. Nangunot ang noo ko nang makitang naka-open ang pinto. Dahan-dahan kong tinulak iyon. Napatitig ako sa kulay pulang likido na nakakalat sa sahig at may tumutulo pa sa gilid ng bathtub. Bigla akong kinabahan dahil hindi isang ordinaryong kulay ang nagkalat sa sahig. Sa tingin ko ay dugo iyon. Natatakot man dahan-dahan kong hinawi ang shower curtain.
Napaawang ang labi ko nang mahawi ang shower curtain. “M-Mommy. . .” Nauutal na tawag ko sa aking ina. Nag-init ang sulok ng mata ko sa nakita ko. Nanginginig ang buong katawan kong napaluhod sa harap ng bathtub. Halos mapuno ng dugo ang tubig ng bathtub.
Tumulo ang masaganang luha sa mata ko. Kinuha ko ang isang kamay ni Mommy at bahagyang niyugyog. “Mommy, gising ka na. Bakit ba rito ka pa natulog sa bathtub. Doon ka na sa silid mo.” Kausap ko sa kanya. Wala akong nakitang tugon man lang sa kanya.
Mas malakas ang pagyugyog ko sa kamay niya. Kinuha ko pa ang isa at hinila siya patayo. Napalungayngay ang malamig na katawan ni Mommy sa bisig ko. Saka palang nag-sink in sa utak kong wala na ang Mommy ko.
“Mommy! Mommy!” Sigaw ko at napahagulgol ako nang iyak. Niyakap ko ang walang buhay na katawan ni Mommy.