AVA
HUMINGA muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa gate ng school namin. Palinga-linga akong naglakad patungo sa room ko. Napansin kong parang may sumusunod sa akin kung kaya napahinto ako sa paglalakad at napalingon. Ngunit wala namang nakasunod sa akin. Napailing ako.
Kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko. Narating ko ang room namin kaya pumasok agad ako. Nakita ko si Kara na nakaupo sa dulo ng room.
“Kara!” Tawag ko rito. Napaangat ito ng tingin. Tinawag niya ako gamit ang kamay nito. Naupo ako sa tabi niya nang makalapit dito.
“Bakit ang tagal mo? Aba, naunahan pa kita. Usually ikaw ang nauuna sa akin,” pagtatakang sabi nito.
“Na-traffic kasi yung dyip na sinakyan ko kanina. Pasensya na.” Napatingin ako sa isinusulat ng kaibigan ko.
“Ano iyan?” Tanong ko.
“Hindi ako nakagawa ng assignment kagabi kaya ito ginagawa ko ngayon. Sa sobrang pagod ko kahapon maaga akong natulog,” sabi nito.
Mabuti na lang ako nagawa ko kagabi ang assignment ko. Iyon kasi ang inuuna kong gawin bago kumain. Ayokong nagkukulang ako sa mga activity namin. May grade rin kasi iyon kapag kompleto ang mga activity.
“Alam mo ba kanina hinahanap ka ni Jaxson. Sabi ko nga wala ka pa. Mukhang wala sa mood ang lalaking iyon. Kung makapagtanong kasi akala mo manununtok, e.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kara. Ayoko nang mag-krus pa ang mga landas namin. Iiwasan ko na siya upang wala ng gulo. Knowing Candy gagawin niya lahat masaktan lang niya ako.
“Bakit daw?” Tanong ko.
“Wala namang sinabi. At saka hindi ko naman tinanong. Natakot kaya ako sa hitsura niya kanina. Baka sa akin pa niya maimunbunton ang galit nito. My god, mainitin pa naman ang ulo ng lalaking iyon. Teka lang bakit nga ba hinahanap ka ng lalaking iyon? Don’t tell me may relasyon na kayong dalawa?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umiling ako.
“Wala no?! Bakit ko namang dyo-dyowain ang lalaking iyon? In the first place may dyowa na ang lalaking iyon. Ayokong maging third party kung mag-away silang dalawa. Kilala mo naman siguro si Candy baka ipahiya niya pa ako sa mga tao,” mahabang litanya ko.
“Nanliligaw sa iyo?” Tanong nito.
Napaisip ako sa sinabi niyang nanliligaw ba si Jaxson sa akin? Parang hindi naman. Hindi yata uso rito ang manligaw? Kahit naman hindi niya gawin iyon maraming mga babae ang nagkakadarapa sa kakisigan ni Jaxson. Sinong hindi mapahahanga sa kanya? Sa tangkad pa lang perpekto na. Sa kinis ng balat daig pa ako sa kaputian. At ang matangos nitong ilong na parang may lahi lang siyang amerikano. Ang maganda nitong mga ngipin na kapag ngumiti ay mapahahanga ka sa pagkakapantay at walang sirang ngipin at maputi pa.
“H-Hindi naman,” nauutal na sabi ko. Mukha namang hindi nanliligaw iyon. Well, concern siya sa akin, pero hindi naman siguro ibig sabihin may something na sa pagtulong niya sa akin.
“Yang pagkautal mo ay my something, e? Ayokong nagsisinungaling ka sa akin, Ava. Kaibigan mo ako at hindi naman ibang tao. Puwede mo namang sabihin sa akin mga problema mo. Aaminin kong makulit at mausisa ako, pero mapagkakatiwalaan mo naman ako,” seryoso nitong saad.
Inakbayan ko siya. “Alam ko naman iyon. Wala ngang something sa amin ni Jaxson. Saka hindi ako pumapatol sa may nobya na. Ilang beses ko ng sinabi sa iyo iyan.”
“Hay naku, Ava. Huwag ka ngang sinungaling diyan. Jaxson, likes you. The way ng pagtitig niya sa iyo ay may spark, eh.”
Napanguso ako sa sinabi niya. Pero sa likod ng isipan ko ay kinikilig ako. Masama mang maramdaman ito ngunit hindi ko maiwasan. Gusto ko si Jaxson. Maling pagkakataon nga lang.
“Tama na nga iyan. Ayan na si Sir,” nguso ko sa pintuan. Pumasok na ang teacher namin.
Pauwi na ako nang makasalubong ko ang grupo ni Candy. Iiwas sana ako ngunit nakita nila ako. Pinalibutan nila ako. Takot ang naramdaman ko sa mga oras na ito.
Takot na napatingin ako sa kanila. Hinablot ng isang babae ang backpack ko. Pilit kong kinuha iyon sa babae ngunit inilayo niya ito. Tinulak ako ng isa pang babae. Sa lakas ay napaupo ako sa semento. Tumayo sa harapan ko si Candy at may pandidiring tiningnan niya ako.
“Itayo niyo ang babaeng iyan!” Utos nito sa mga kasama niya. Itinayo ako ng dalawang babae at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong braso. Nagpumiglas ako ngunit mas lalo lang nilang hinigpitan ang pagkakahawak nila sa braso ko.
“Dalhin niyo sa isang empty room. Make sure na walang tao roon!” Utos nito sa mga babaeng nakahawak sa akin. Natakot ako.
“B-Bakit niyo ako dadalhin doon?” Takot na tanong ko. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila. Candy laugh as if may nakakatawa sa tanong ko.
Napangisi ito at sinabing. . . “You will be punished for taking Jaxson from me.” Lumukob sa kanya ang takot sa banta nito.
“Hindi ko inagaw si Jaxson. Maniwala ka naman. Wala kaming relasyong dalawa. Pakiusap pakawalan ninyo ako.” Pakiusap niya rito. Matalim na tiningnan siya ni Candy at hinawakan ang buhok niya. Napadaing siya sa sakit.
“Sa tingin mo tanga ako? Hindi ako naniniwala sa sinabi mo. Sisirain ko ang buhay mo.” Binitawan nito ang buhok ko. Hindi ko na napigilan mapaiyak. Tila bingi na si Candy sa pakiusap ko.
Marahas ang paghila nila sa akin na halos mapadapa ako sa semento. Pinasok nila ako sa isang room na walang tao. Madilim na sa parteng iyon ng school. Tambakan ito ng mga sirang upuan at lamesa kaya walang estudyante ang tumatambay dito.
Nang makapasok sila sa loob, itinulak nila ako. Napasaubsob ako sa maalikabok na semento.
“Hubaran niyo ang babaeng iyan!” Utos ni Candy. Nanlaki ang mga mata niya nang sapilitan siyang hubaran ng uniform niya. Pumalag siya ngunit mas malakas sila. Wala akong laban dahil apat sila at ako’y nag-iisa lang. Tanging iyak lang nagawa ko.
“Pakiusap huwag niyong gawin sa akin ito.” Pakiusap ko uli ngunit bingi ito sa pakiusap niya.
Nagulat siya nang itapat ni Candy ang camera sa hubad niyang katawan. Gusto niyang takpan ang dibdib na natatakpan pa ng bra ngunit hawak ng dalawang babae ang magkabila niyang braso.
“Ikakalat ko ang video na ito para masira ka.” Umiling siya sa sinabi ni Candy. Wala siyang lakas na magsalita pa at tanging iyak na lang nagawa habang kinukunan nila ako ng video, nagtatawanan pa sila.
JAXSON
NAKITA ko ang kaibigan ni Ava na palabas ng school. Nilapitan ko ito.
“Nakita mo ba si Ava?” Tanong ko rito na napahinto sa paglalakad. Hindi pa niya nga sinagot ang tanong ko. Nakatingin siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Inirapan niya ako.
“Naiwan pa siya sa room namin,” sabi nito.
“Okay, thanks.” Pasasalamat niya at nilagpasan niya ito. Nagpunta ako sa room nila Ava ngunit wala ng tao roon. Nagpalinga-linga siya upang makasiguro na nasa paligid lang si Ava. Ngunit wala siyang nakita. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nagpasiya siyang puntahan ang library at baka may kinuhang book. Nang marating ang library sarado na iyon.
“Saan na ba si Ava?” Kausap ko sa sarili. Napasuklay siya sa buhok. Nagpunta rin siya sa tambayan nilang puno, ngunit walang tao roon. Nagpasya siyang umuwi na lang. Baka nagkasalisi na sila ni Ava. Dumaan ako sa pasilyo na hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Sa gawing ito ng school ay tambakan ng mga sirang gamit. Madilim ang part na ito kaya kinatatakutan ng mga estudyante. Ayon kasi sa ibang nakadaan dito ay may multo raw. Natawa nga lang ako sa sinabi nilang iyon. Hindi kasi siya naniniwala sa multo hangga’t hindi niya nakikita.
Nang matapat siya sa isang room. Nakarinig siya ng tawanan at may umiiyak. Bigla siyang nakaramdam ng kaunting takot. Totoo ngang may multo! Aalis na sana siya nang marinig ang pangalang pamilyar sa akin.
“Candy, maawa ka!” Pakiusap ng babae. Nag-igting ang panga ko nang makilala ang boses ng babaeng nakikiusap. Pabalya kong binuksan ang pinto. Halos pangapusan ako ng hininga nang makita ang kalagayan ni Ava. She’s naked. Tinatakpan nito ng kamay ang naka-expose na dibdib. Kinukuhanan ni Candy ng video si Ava. Sa galit ko hinablot ang phone nito at marahas na ibinalibag sa dingding. Nawasak ang phone nito. Napasinghap sila sa ginawa ko.
Agad niyang dinaluhan si Ava na walang tigil sa pag-iyak. Hinubad niya ang uniform at ipinangtakip sa hubad na katawan nito.
“Bakit mo sinira ang phone ko! Walanghiya ka!” Pinagbabayo ni Candy ang likod ko. Mas lalong umapoy ang galit ko sa kanya. Itinulak ko siya. Napaupo ito.
“Wala kang karapatang saktan si Ava! Ikaw pa ang may ganang magalit. Pagbabayaran mo ito, Candy!” Pagbabanta niya rito. Binuhat na niya si Ava at mabilis na lumabas sa silid.
“Hush now, baby. No one will hurt you again. Ako ang makakalaban nila.” Pagpapanatag ko sa kanya. Napasubsob na lang ang mukha ni Ava sa dibdib ko habang walang humpay ang iyak niyang nakakaawa. Nakaramdam siya ng awa rito.