EPISODE 23

1389 Words
AVA ISANG linggo ang nakalipas naka-recover na ako sa pagkawala ni Nanay at mga kapatid ko. Nagpapasalamat ako at palaging nariyan si Kara at si Jaxson para tulungan akong maka-move on. “Punta ka sa graduation ko. Huwag kang mawawala,” sabi ni Jaxson. “Oo naman. Congrats at makaka-graduate ka na ng Senior High. Saang school ka mag-aaral?” Tanong ko. “Sa Ateneo de Manila. Doon kasi nag-aral si Mommy kaya gusto kong doon din ako magtapos.” Inakbayan niya ako. Sumandal ako sa kanyang balikat. “Baka sa UP naman ako kapag naka-graduate ako. Mag-try akong kumuha ng entrance exam para libre ang tuition fee ko. May part-time naman ako kaya walang problema sa pamasahe ko. Tipid na lang ako sa pagkain.” Naisip kong magpatuloy sa buhay ko kahit wala na ang pamilya ko. Gusto kong maging proud sila sa akin. Kahit wala na sila ipagpapatuloy ko pa rin ang pangarap ko. Tama sila magiging masaya si Nanay at kapatid ko kapag natupad ang pangarap ko. “I told you, hindi mo na kailangan magtrabaho. I can give you money for your allowance.” Umiling ako. “Hindi mo ako obligasyong bigyan ng pera. Okay na ako na kasama kita at palaging nasa tabi ko. Gusto kong magsumikap sa sarili kong pagod. Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko.” Napatingala ako sa kanya. He caress my cheek. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Matigas ang ulo mo, ayaw mo ng tulong mula sa akin.” Nagtatampo niyang saad. “Hindi naman sa ayaw. I told you kaya ko ang sarili ko.” “Okay. Pero kung kailangan mo ng tulong I’m just be here. I’m your fiance kaya may karapatan kang humiling ng kahit ano sa akin.” Masaya ako at palaging nasa tabi ko si Jaxson. Kahit patago lang ang relasyon namin ay masaya ako. Kahit kay Kara ay hindi ko magawang sabihin ang totoo. Kahit nagdududa na ang kaibigan ko, pero todo deny pa rin ako. ***** Napatingin ako sa dala kong regalo. Pinag-ipunan ko ito para may maibigay kay Jaxson. Ngayon ang graduation niya. Binigyan ako ng pass ni Jaxson kaya nakapasok ako. Umupo ako sa likod na bahagi. Hinanap ko siya, ngunit dahil sa dami ng tao hindi ko siya makita. Pumunta ako sa bandang harapan at nagbabakasaling naroon si Jaxson ngunit wala siya. Baka naman wala pa siya. Napaaga yata ang dating ko. Parang ako ang gra-graduate, a? Bumalik muli ako sa may likuran para hintayin si Jaxson. Isang oras ang nakalipas dumating din si Jaxson. Napangiti ako nang malawak. Tatayo na sana ako para lapitan siya nang makita si Candy na lumapit sa kinatatayuan ni Jaxson. Niyakap niya si Jaxson. Parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Mas lalo akong nasaktan nang yakapin din ni Jaxson si Candy. Para silang real couple. Nakatingin sa kanila ang mga tao at tila natutuwa sa nakikita nila. Bumalik ako sa pagkakaupo. Napatingin ako sa regalo ko. Parang nawalan ako ng ganang um-attend ng graduation. Nagpasya na akong umalis. Bago ako lumabas ng hall napalingon ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawa. They are kissing not just a simple kiss. It’s a french kiss. Nagkadurog-durog ang puso ko sa nasaksihan. Nanginginig ang kamay ko at nanghina ang tuhod ko. Sinikap kong maglakad palayo sa kanila. Hindi ko kayang saksihan ang paghahalikan nila. Nagseselos ako kahit alam kong palabas lang ni Jaxson na pakisamahan si Candy. Pero bakit ganoon parang hindi naman palabas iyon? Parang totoo. Umuwi akong malungkot. Nilapag ko sa lamesa ang regalo ko sana kay Jaxson. Ano pang silbi nito kung meron naman siyang iba? Kahit sinasabi niyang palabas lang iyon, pero hindi ko maiwasang pagselosan si Candy. Ang tanong may right ba ako kung ako naman ang patagong babae ni Jaxson? Dahil si Candy ang alam ng tao na fiancee ni Jaxson. Ang relasyon namin ni Jaxson ay lihim lang. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Bakit ba ako nagagalit ng ganito? Ako naman ang basta na lang umentra sa relasyon nila. Kahit sabihind ako ang mahal ni Jaxson ngunit sila ang legal. Napatingin ako sa singsing na nasa palasingsingan ko. Anong silbi ng singsing na ito kung hindi naman ako legal na fiancee ni Jaxson? Ganito ba talaga ang nagmamahal? Nakakatanga? Tanga nga sigurong maituturing dahil alam kong mali, pero hindi ko na iniisip iyon. Ang tanging nasa isipan ko maging kami ni Jaxson kahit illegal pa iyon. Nagising ako nang makarinig ng katok sa pinto. Nagkusot ako ng mata at nagpasyang buksan ang pinto. Pagkabukas ko ay si Jaxson ang nasa harapan ng pinto. “Bakit hindi ka um-attend ng graduation ko? Hinanap kita roon at nagtext pa ako sa iyo pero hindi ka naman nagreply.” Iyon agad ang bungad na tanong niya sa akin. Walang paalam itong pumasok sa loob ng bahay at umupo sa maliit naming bangkuan. “Pasensya na sumama kasi ang pakiramdam ko. Wala akong load kaya hindi kita na-replyan.” Pagsisinungaling ko. “By the way, I want to celebrate with you. Sama ka sa akin punta tayo sa bahay ng lola.” Pag-aayaya niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa hiling niya. “Please? Pagbigyan mo na ako tutal hindi ka nakapunta sa graduation ko. Bawi ka na lang sa pagsama sa akin ngayon.” Nakangiting wika ni Jaxson. Tumaas baba ang kilay niya habang nakapaskil ang ngiting nakakalusaw. Napangiti ako. “Sige na nga.” Pagpayag ko sa sinabi niya. “Kumuha ka ng damit mo para sa isang linggo.” Nagulat ako dahil ang akala ko ngayong araw lang. “Bakit ang tagal? Hindi ako puwedeng mag-stay ng matagal doon. Alam mo namang may trabaho pa ako,” sabi ko. “Wala namang problema kung doon ka mag-stay. Ihahatid na lang kita sa work mo. Hmm.. No if’s and but’s.” Aniya. Wala akong nagawa kung hindi pagbigyan ang gusto niya kahit na may nagawa si Jaxson na nakapagpasakit sa puso ko kanina. Parang naglaho na lang bigla. Iba talaga ang karisma nitong si Jaxson. Mapapasunod ka talaga. Kumuha ako ng ilang damit. Malulungkot lang naman ako kapag narito sa bahay. Naalala ko si Nanay at ang kapatid ko. “Ito lang ba ang damit mo?” Tanong ni Jaxson nang kunin ang maliit kong bag. Ilang piraso lang naman ang kinuha ko. Puwede ko naman labhan doon. “Oo iyan lang ang damit ko. Matino ang mga iyan. Ang iba kasi sobrang luma na.” Nahihiya kong sabi sa kanya. Totoo naman na konti lang ang matino kong damit. Ang iba ay puro may butas at kupasin na. “We will buy you a new clothes,” sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiling ako sa sinabi niya. “Huwag na! Hindi rin naman ako magtatagal sa bahay ng lola mo. Okay na ako sa luma kong damit. Nasa bahay lang naman tayo,” sabi ko. Hindi na dapat siya mag-abala na bilhan pa ako. Ayokong pag-aksayan niya ako ng pera. Isa pa nakakahiya. “No. Hindi ko tinatanggap ang pag-hindi mo. Bibili tayo ng ilang damit mong pambahay at panlabas.” Final na sabi nito. Nauna na siyang lumabas ng bahay namin at tumungo sa sasakyang nakaparada sa harapan ng maliit naming bahay. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Kahit anong tanggi ko ay hindi matitinag si Jaxson para pakinggan ako. Dumaan kami sa malapit na mall na bukas pa. Pagkababa ng sasakyan lumapit agad si Jaxson sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin siya sa akin at nginitian ako. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kabutihang loob ni Jaxson sa akin. Ramdam kong mahal niya talaga ako. At ito nga hindi siya nahihiyang hawakan ang kamay ko sa maraming tao. Pumasok kami sa isang boutique na pambabae. Binati kami ng staff doon. Habang namimili ako ng damit hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi ng isang sales lady. “Hindi naman sila bagay ng babae mukhang mahirap lang. Baka naman piniperahan niya lang.” Natigil ako sa pagpili ng damit. Nahiya na ako para sa sarili ko. Mukha ba akong pera at iyon lang ang habol kay Jaxson? Bakit kilala ba nila ako para husgahan? Hindi ko kailangan ang pera ni Jaxson. Hindi ko siya minahal dahil sa yaman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD