AVA
IYAK ako nang iyak habang hinahaplos ni Jaxson ang likod ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin ngayong araw. Hindi ko namang expected na rito rin kakain si Candy. May konting pagsisisi kung bakit pumayag akong kumain sa labas kasama si Jaxson. Sana hindi nangyari ito. Sino naman kasi ang hindi magagalit kung makikitang may ibang kasamang babae ang fiance mo? Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Candy baka ganoon din ang gagawin ko.
Ngunit sa kabilang banda masaya ako dahil ipinagtanggol ako ni Jaxson laban kay Candy. Hindi ko ring maiwasang makonsensya. Nang dahil sa akin nasaktan pa ni Jaxson si Candy nang dahil sa pagtatanggol nito sa akin.
“I am so sorry nang dahil sa akin nag-away kayo ng fiancee mo at nasaktan mo pa,” sabi ko at saka pinunasan ang luha ko sa mga mata. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa silya. Napasunod ng tingin sa akin si Jaxson. Kunot na kunot ang noo nito.
Nagtatakang tiningnan niya ako. “Saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin.
“Uuwi na ako,” sabi ko. Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng table. Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang isa kong braso.
“Ihahatid na kita,” anito at saka tumayo na rin habang hindi niya binibitawan ang braso ko. Napatingin ako roon. Inalis ko ang kamay nito sa aking braso. Umiling ako.
“Huwag na Jaxson. Baka maging issue pa ang paghatid mo sa akin. Sapat na itong inilibre mo ako sa pagkain. Thank you.” Pasasalamat ko sa kanya. Humakbang na ako paalis. Ngunit sinundan niya ako. Napalingon ako sa kanya.
“Pakiusap, Jaxson. Huwag mo na akong ihatid,” pakiusap ko sa kanya.
“Hindi ako tumatanggap ng pakiusap. Inaya kitang pumunta rito kaya obligasyon kong ihatid ka sa bahay mo,” anito na tila hindi patitinag sa pakiusap ko sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Iyong sanang may sasabihin ako ngunit naumid ang dila ko nang magkatitigan kami. Kita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napalunok ako.
“Please, Ava. Pagbigyan mo na ako.” Pakiusap nito. Ilang sandaling nakatitig lang ako sa kanya at walang salitang lumabas sa aking labi. Malalim akong nagbuntonghininga. Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang kanyang pakiusap. Hindi rin naman ako makatatanggi sa lalaking ito, dahil hindi rin ito makikinig sa akin.
“Okay,” pagpayag ko. Malawak na napangiti si Jaxson. Nabigla ako ng yakapin niya ako. Nanigas ang katawan ko nang maglapat ang katawan namin. Ramdam ko ang init ng katawan nito. Ako na ang kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. Bahagya ko siyang itinulak. Napatikhim ako.
“Uwi na tayo.” Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto bago tumango.
Habang nagda-drive si Jaxson nakikita ko sa peripheral vision kong napatitingin siya sa gawi ko. Panaka-nakang napapasulyap ito sa kanya. Nasa harapan lang ang tingin ko at hindi magkamayaw ang t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasang maramdaman ang tensyon dahil sa pagtitig niya. Sino ba namang hindi nenerbyosin kay Jaxson? Bulag at manhid na lang kung hindi mo mararamdaman iyon.
“Again, I am so sorry sa nagawa ni Candy sa iyo. Ako na ang humihingi ng tawad.” Basag nito sa katahimikang namamayani sa aming dalawa. Napalingon ako sa kanya. Iniling ko ang ulo.
“Hindi ikaw ang dapat humingi ng sorry kundi si Candy. Pero hindi ko na inaasahang gagawin ni Candy iyon. Masyadong mataas ang pride nito. Ano nga lang naman ako sa kanya? Isa lang na mababang uri ng tao ang tingin niya sa akin. Expected kong hindi iyon tumatanggap ng pagkakamali.
“Huwag kang mag-alala, kauusapin ko siya.” Pagpapanatag ni Jaxson sa akin.
“Huwag na, Jaxson. Alam naman nating galit lang ang meron sa puso niya. Kung kauusapin mo siya baka magkagulo lang at lumala pa ang sitwasyon. Ang mabuti na lang nating gawin iwasan na lang natin ang isa’t isa para wala ng gulo. Iyon ang tamang solusyon.”
Napakunot ang noo nito dahil sa suggestion ko. Tama lang naman ang suggestion kong umiwas na lang kami sa isa’t isa. Mas lalo lang gugulo kung igigiit pa ni Jaxson na kausapin pa ako. Selosa ang fiancee nito at hindi uso rito ang maging mabait. Kilala sa pagiging maldita si Candy sa campus namin. Lahat ng kinaiinisan nito ginagawan niya ng masama. Ayokong umabot sa puntong makaapekto sa pag-aaral ko ang panggugulo nito sa akin nang dahil sa pagseselos sa amin ni Jaxson, na wala namang dahilan para pagselosan niya ako. Itong pagpayag ko sa paanyaya nito sa akin ay bilang kaibigan lang. Walang malisya.
“Hindi ko gagawin ang suggestion mo. Una sa lahat wala namang masama kung ayain kitang kumain sa labas. Pera ko naman ang ginastos doon at hindi sa kanya. Masyadong madumi lang isip niya para pagbintangan niya tayong dalawa.”
Napapikit ako ng mariin dahil sa katigasan ng ulo ni Jaxson.
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Selosa si Candy. Natural na magalit iyon na may iba kang kasama instead siya. Nakikiusap ako Jaxson. Iwasan na lang natin ang isa’t isa para tahimik ang mundo nating dalawa.” Pakiusap ko rito.
Ibinaling nito ang tingin sa harapan at hindi na kumibo. Bagsak ang balikat kong napabaling na lang sa iba ang tingin ko. Hanggang sa bumaba ako ng sasakyan nito hindi ito nagsasalita. Pinaharurot nito agad ang sasakyan nang makababa ako.
Nakokonsensya ako dahil parang wala akong utang na loob dahil pinakitaan niya ako ng kabutihan, pero ako ito ang ginawa ko. Tila kasi tinataboy ko na siya. Ano naman kasi ang gagawin ko? Ang katahimikan naming dalawa ang nakasalalay dito. Kung hindi namin iiwasan ang isa’t isa baka mas lalong magalit si Candy. Hindi ko maiwasang matakot sa banta nito. Mayaman si Candy at kaya niyang pabagsakin ako sa pamamagitan ng impluwensya niya sa school namin.
Ano ba ang gagawin ko? Napatingin na lang ako sa papalayong sasakyan ni Jaxson.